FROM NANNY TO MOMMY
DramaBillionaireNannyFace-SlappingPregnantMisunderstanding
Si Marisol ay isang dalagang puno ng pangarap—mga pangarap na unti-unting nawasak matapos mamatay ang kanyang ama. Ang tanging hangarin niya ay mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang ina, ngunit nagbago ang lahat nang makilala nito ang isang lalaki at muling mag-asawa, para bang naging ibang tao na ito.
Ang dating pinakamamahal na anak ay unti-unting naging kinasusuklaman ng sarili niyang ina, na nilamon ng selos dahil sa pagmamahal ng kanyang asawa sa kanilang anak.
Lalo pang lumala ang lahat nang mapilitan si Mirasol na tumakas sa kanilang bahay upang makaiwas sa tangkang pang-aabuso ng kanyang stepfather. Habang naghahanap siya ng matitirhan at ng bagong simula, hindi niya inaasahang makikilala niya ang isang misteryosong lalaki sa isang tulay…
閱讀
Chapter: Chapter 4Sa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali."Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya. "Sino ka?" sigaw niya.Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!” "Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong."Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, h
最後更新: 2026-07-30
Chapter: Chapter 3"Mirasol!"Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit. "Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin."Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko."Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak."May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!""Ano'ng nasa isip mo?""May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko.""Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?""Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,,
最後更新: 2026-07-30
Chapter: Chapter 2“Mirasol, gumising ka na!”Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.” “Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko. “Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.“Pero, Ma…”“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako. “Talagang mas mah
最後更新: 2026-07-30
Chapter: Chapter 1Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. “Marisol!” Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. “Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.”Isang buwan
最後更新: 2026-07-30