LOGIN“Mirasol, gumising ka na!”
Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.
“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.
“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.”
“Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko.
“Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.
“Pero, Ma…”
“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?
“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.
“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”
Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako.
“Talagang mas mahal mo siya kaysa sa akin, ‘no.”
“Hindi ito ang oras para sa drama mo. Pumunta ka na sa kwarto ni Maya, maglatag ka ng kumot sa sahig at doon ka humiga.
“Sa sahig ako hihiga?” Tanong ko.
Alam kong matagal na akong hindi gusto ni Mama at sinasaktan niya ako sa tuwing may pagkakataon siya. Pero sa tuwing may sinasabi siyang ganoon, hindi pa rin nawawala ang takot ko sa lamig ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam ko, kailan man ay hindi ako masasanay.
“Kung ayaw mong matulog, plantsahin mo ang mga damit niyang nilabhan mo kahapon. ‘Wag mong kalimutang paghiwa-hiwalayin at iayon sa kulay kapag inililigpit mo na para hindi mahirap hanapin mamaya.”
Umalis siya ng kwarto nang hindi na naghintay ng sagot ko.
Tumayo ako at nagbihis nang maayos. Konti na lang, balot na balot na ‘ko. Ayaw kasi ni Mama na magsusuot ako ng kahit na anong revealing clothes. Pagkatapos kong magbihis, dumiretso na ‘ko sa kwarto ni Maya.
Dalawang taong gulang pa lang ang kapatid ko. Napakabait niyang bata—at syempre, dahil ganoon ko siya pinalaki. Palagi kaming magkasundo, at mahal na mahal ko siya. Simula nang ipanganak siya, ako na ang nag-alaga sa kanya. Ako ang unang nagpaligo sa kanya at ako rin ang laging nagdadala sa kanya sa buwanang check-up niya.
Mahal din siya nina Mama at Alenjandro—higit pa sa anupaman sa mundo. Kung kinakailangan, ibibigay pa nila ang buhay nila para sa kanya. Kahit masama ang pagtrato nila sa akin, natutuwa naman ako sa pagiging mabuti nilang magulang sa kanya. Punong-puno ng pagmamahal ang bata. Ang pagmamahal na hindi nila maibigay sa akin, ibinubuhos nila kay Maya at sapat na sa’kin ‘yon.
Sa isang banda, nakagagaan din iyon ng loob ko, dahil kapag dumating ang araw na umalis ako rito, alam kong maaalagaan siya nang mabuti.
Pagpasok ko sa kwarto niya, mahimbing siyang natutulog, pero halata sa kanyang mukha na masama ang pakiramdam niya.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong kinuha ang thermometer para makita ko kung may lagnat pa siya. Pinainom ko na rin siya ng gamot at umupo sa sofa na malapit sa crib niya. Madaling araw na rin at alam kong hindi na papasok dito si Mama para i-check siya dahil naghahanda na siya para pumasok sa trabaho.
Pagsapit ng umaga, nakaalis na si Mama papuntang trabaho.
Dalawang beses dumaan si Alejandro para tingnan si May nang umagang iyon.
Alas-una y medya na ng hapon, at hindi pa ako nakakapagpananghalian.
Mukhang bumuti na ang pakiramdam ni Maya. Wala na siyang lagnat at kinakain na niya ang lahat ng iniaalok ko. Katatapos lang niyang makatulog kaya lumabas ako papuntang kusina para kumain, kumakalam na rin kasi ang sikmura ko.
Nakatayo si Alejandro sa harap ng lababo at umiinom ng tubig.
“Oh, nasaan si Maya?” matigas niyang tanong.
“Kakatulog lang niya. Wala na rin siyang lagnat,” sagot ko nang hindi man lang siya tinitingnan.
Nagsandok ako ng pagkain sa plato ko at bigla kong naalala si Janine.
Baka puwede pa akong lumabas para makapagpaalam sa kanya ngayong mas maayos na ang lagay ni Maya.
Sa sobrang inosente ko, humingi pa ako ng pahintulot sa stepfather ko.
“Alejandro.”
Napatingin siya sa akin.
“Dahil okay na si Alice, puwede ba akong lumabas sandali? May usapan kasi kami ngayon ngayon ni Janine.”
“Usapan? Anong usapan?” tanong niya.
“Makikipagkita ako kay Janine, ‘yung kaibigan ko…” Muli kong sabi.
“Kaibigan?” ngumisi siya. “Hmm... alam ko na. Lalabas ka lang para humanap ng lalaki.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
”’Wag mo nga akong pagsalitaan ng ganyan, igalang mo naman ako. Wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan at insultuhin dahil maayos akong nagpapaalam sa’yo.
“Mula kailan pa ako dapat rumespeto sa katulad mo?” malamig niyang sagot. “Bahay ko ito. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Sige nga, ‘pag nabuntis ka, sinong mahihirapan? Kami, ‘di ba? Napakaraming kailangan atupagin dito sa bahay, mawawalan kami ng katulong dito. At kapag nangyari ‘yon, sisipain kita palabas ng bahay na ‘to, naiintindihan mo?”
Napakasama ng tingin niya sa akin kahit kailan ay wala naman akong ginawang dahilan para husgahan niya ako nang ganoon.
Tahimik lang akong tao.
Hindi ako gala at hindi ako kailanman nagbigay ng problema kay Mama.
“Wala kang respeto!” sigaw ko sa kanya.
Bigla siyang lumapit at sinakal ako. Halos mabitawan ko ang hawak kong mangkok na punong-puno ng sabaw.
“Bakit? Sino ka ba para respetuhin ko? Akala mo ba hindi ko nahahalata? P****k ka, Mirasol, kaya hindi ka aalis. At kung gusto mo talaga makakita ng lalaki, ipapakita ko sa’yo ang tunay na lalaki—dito mismo sa bahay ko.”
Kasabay ng mga salitang iyon, marahas niyang hinawakan ang dibdib ko at pilit hinila ang blouse ko. Sa sandaling iyon, wala na akong inisip.
Buong lakas at buong galit kong inihampas sa mukha niya ang mangkok na puno nang mainit na sabaw. Agad siyang bumagsak sa sahig, dumadaing sa sakit kaya’t nataranta ako. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, kinuha ang bag ko, at walang alinlangan na lumabas ng bahay.
Habang tumatakbo ako palabas ng gate, nakita kong binubuhusan niya ng tubig ang mukha niya sa lababo habang nagsisigaw sa sakit. Mukhang malala ang pagkakapaso niya.
Buti nga sa kanya!
Patakbo akong nakarating sa dulo ng kalye namin nang may dumaan na taxi. Agad ko itong pinara at sinabi sa driver na ihatid ako sa terminal ng bus. Pagdating ko roon, saka ko lang lubos na naisip ang gulong pinasok ko matapos kong lumaban sa walanghiyang iyon.
Hindi ako paniniwalaan ni Mama kahit sabihin ko ang totoo. At hindi na rin ako puwedeng bumalik sa bahay. Papatayin niya ako.
Ang dala ko lang ay ang suot kong damit at ang backpack ko, na may lamang mga hair bow na paninda ko, ID, pera, at cellphone.
Iyon lang ang naisip kong kunin sa pagmamadali.
Ito na, Mirasol.
Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa nangyari. Hindi ko lubos matanggap na hinayaan kong gawin niya iyon sa akin.
Dito nagsisimula ang kalayaan ko.
Kailangan mo nang umalis.
Lumapit ako sa ticket counter at humingi ng isang ticket papuntang kabisera. Hiningi ng babaeng nasa counter ang ID ko. Pagkakita niyang menor de edad pa ako, umiling siya.
“Hindi ka puwedeng bumiyahe nang walang pahintulot ng magulang o legal guardian mo.”
“Ma'am, dalawang buwan na lang at legal age na ako. Wala naman po sigurong problema ron,” pilit kong paliwanag.
“Kung malapit lang ang pupuntahan mo, baka puwede pa. Pero dahil mag-isa kang ba-byahe, kailangan ko ng letter galing sa guardian mo na hinahayaan ka nilang makabyahe.”
“Pakiusap po… nakikiusap po ako sainyo. Kailangan ko ang ticket na ‘yan dahil buhay ko po ang nakasalalay…” Halos maiyak na akong nagmamakaawa.
“Miss, kung buhay mo ang nakasalalay, mas mabuti pang pumunta ka sa ospital o sa pulis, hindi sa terminal ng bus.”
Wala man lang emosyon ang sagot niya bago ako tuluyang balewalain at bumalik sa ginagawa niya. Hindi ako puwedeng pumunta sa pulis at sabihin na tinangka akong abusuhin ng stepfather ko. Salita ko laban sa kanya, mahirap ’yon. Baka mapabalik lang ako sa kanila at mas lalo nila akong pahirapan.
Sigurado akong side nila ang kakampihan dahil sino ba naman ako? Isang hamak na katulong lamang nila.
Naupo ako roon, tuluyang nawalan ng pag-asa at hindi alam ang gagawin.
Ang natitira ko na lang na pwedeng gawin ay bumili ng ticket papunta sa mas malapit na lugar. Pwede ko sigurong gawin iyon para makapunta pa ulit sa ibang lugar hanaggang sa makalayo ako sa lugar na ‘to.
Tumayo ako at muling naglakad papunta sa ticket counter.
Pero bago pa man ako makarating...
May narinig akong sumigaw ng pangalan ko.
“Mirasol!”
Nanlamig ang buo kong katawan.
Sa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali."Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya. "Sino ka?" sigaw niya.Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!” "Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong."Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, h
"Mirasol!"Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit. "Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin."Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko."Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak."May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!""Ano'ng nasa isip mo?""May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko.""Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?""Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,,
“Mirasol, gumising ka na!”Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.” “Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko. “Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.“Pero, Ma…”“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako. “Talagang mas mah
Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. “Marisol!” Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. “Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.”Isang buwan







