Share

FROM NANNY TO MOMMY
FROM NANNY TO MOMMY
Author: Strawberry Akiko

Chapter 1

last update publish date: 2026-07-30 08:35:57

Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. 

Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. 

“Marisol!” 

Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. 

“Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” 

Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.

”Isang buwan nating groceries ‘yan. Ayusin mo lahat ‘yan, ha. Sa pantry mo ilalagay, hindi mo i-di-display sa kusina. Alam mo naman na ayaw ni Alejandro ng magulo.” Bilin niya habang nagmamadali kaming pumasok sa loob dahil sa lakas ng ulan. “At isa pa, ‘wag kang basta-basta kukuha ng kahit na ano na walang pahintulot. ‘Pag nagugutom ka, magsabi ka lang sa akin at ako ang magtatabi ng para sa’yo.”

”Bakit naman, ma? Sarili ko namang bahay ‘to, kukuha ako ng kahit na ano hangga’t gusto ko.” 

”Gusto mo bang makatikim ng sampal?”

Natigilan ako nang marinig ko ‘yun sa kanya. 

“Sabihin mo lang, libre naman ang mga palad ko ngayon. At saka, kahit isang sentimo, wala kang binayaran sa mga ‘yan. Ni-wala ka ngang naitutulong sa pamamahay na ‘to kaya manahimik ka!” 

“Ma, maghapon kong inalagaan si Maya. Ako pa ang walang ambag sa bahay na ‘to?” Nilapag ko ang mga pinamili niya at bahagyang napa-iling. “Gusto kong tumulong at magtrabaho pero kayo itong pilit na nagsasabing alagaan ko si Maya.”

Walang ano-ano’y lumipad ang palad niya sa aking pisngi. Ang hilig-hilig niya talaga akong saktan. 

“Hindi pa pinapanganak sa mundong ‘to ang sasagot sa’kin, Mirasol! Anong tingin mo sa’kin? Mga kaibigan mo lang na pwede mong kausapin nang ganyan? Nahihibang ka na ba?”

Napahawak ako sa aking pisngi, pinipigilan ang aking pag-iyak. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at wala man lang akong nakitang pagsisisi sa kanyang ginawa bagkus ay mas nagalit pa siya. 

“Pagod na pagod na ‘ko sa pagiging bastos mo, ha. Nanay mo ako, baka nakakalimutan mo? Kung hindi mo ako rerespetuhin, lumayas ka. Hindi ko kailangan ng bastos sa pamilyang ‘to!” 

”Kung kaya ko lang, lalayas talaga ako!” sabi ko habang umiiyak. Ikalawang sampal ko na iyon sa loob lang ng linggong iyon. “Ikaw na lang ang natitira kong pamilya sa mundong 'to, pero pakiramdam ko wala pa rin akong kahit sino. Pakiramdam ko, wala akong kakampi. Mula nang magsama kayo ng Alejandro na ‘yan, puro pagpapahirap na lang ang ginawa mo sa akin. At saka, akala mo ba ayos lang sa’kin na nakikita kang hinahayaan mo siyang tratuhin ako nang gano'n!”

Apat na taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Papa. Makalipas ang isang taon, nagkaroon ng bagong boyfriend si Mama. Habang may sakit si Papa, palihim na nakikipagkita si Mama kay Alejandro. Nagkaroon ng bunga ang pagsasama nila at ‘yon ay ang kapatid kong si Maya. Nang isilang niya si Maya, saka ko lang nalaman na buntis na siya kahit no’ng buhay pa si Papa. Kahit nagkamali siya sa buhay, inaalagaan ko pa rin si Maya at tinanggap ng buo. 

Mula nang lumipat kami sa bahay ng pangalawa niyang asawa, hindi na niya ako tinuring na anak.

Hindi niya ako kinakausap, maliban na lang kapag may nawawalang pagkain at gamit o kapag uutusan niya akong magligpit ‘pag sobrang gulo ng bahay. Bulag na bulag si Mama sa kanya—sa pagmamahal at sa selos—at sa tingin ko, iyon ang dahilan kung bakit ganito niya ako tratuhin.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil ‘pag day off ng pangalawa niyang asawa, hinahayaan niya akong umalis at pumunta kahit saan. At ‘pag uuwi na si Mama galing trabaho, saka niya ako hahayaan na umuwi. Sa madaling salita, ayaw niyang naiiwan ako kasama si Alejandro. 

Kapag day off ni Alejandro, pinapalabas niya ako ng bahay buong araw. Uuwi lang ako .kapag nakauwi na rin siya galing trabaho.

“Wala ka talagang utang na loob! Siya ang dahilan kung bakit maganda ang buhay natin ngayon at dapat nga araw-araw kang nagpapasalamat sa kanya. Kung kinakailangan mong lumuhod para sa kanya, gawin mo. Kaya itigil mo na ‘yang kadramahan mo dahil nauubos na ang pasensya ko sa’yo.” Dinuduro-duro niya ako habang sinasabi iyon. “Hala sige! Paliguan mo na si Maya at aalis kami. Bilisan mo!”

“Saan kayo pupunta?”

“Wala ka na ron. Hindi ka kasama. At saka, bulag ka ba? Ang gulo-gulo ng bahay, oh. Samantalahin mo ang oras na wala kami at lampasuhin mo ang sahig!”

Palagi namang gan’on. Aalis sila isang araw bago ang day off ni Alejandro. Hindi nila ako isinasama, imbes ay inuutos lahat sa’kin ang mga gawaing bahay. Pakiramdam ko ay hindi anak ang turing niya sa akin. Kasambahay siguro, oo…

“Nga pala, bukas ang day off mo. Si Alejandro ang magbabantay kay Maya para ma-enjoy mo naman ang araw mo.”

Kunwari na sinasabi niyang mae-enjoy ko ang araw ko, pero ang totoo, ayaw lang niyang maiwan akong mag-isa sa bahay kasama si Alejandro. Hindi dahil natatakot siyang may gawin siya sa akin, kundi dahil natatakot siyang baka ako ang gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya.

Hindi niya maintindihan na ang totoo, sukang-suka ako sa lalaking iyon. Hindi ko maatim ang nakakadiri niyang mukha at ang paraan ng palihim niyang pagtitig sa akin sa tuwing lumalapit ako sa kanya. 

Ang mabuti lang sa sitwasyong ito, nagkakaroon ako ng kaunting pera. Habang nasa trabaho sina Mama at Alejandro, gumagawa ako ng mga ribbon para sa buhok ng mga bata. Tuwing Biyernes—na siyang day off niya—ibinebenta ko ang mga iyon. Dumadaan ako sa mga daycare, paaralan, at maternity ward. Sa kinikita ko, bumibili ako ng panibagong materyales, at ang natitirang tubo ay iniipon ko. Wala akong ginagastos kahit isang sentimo.

Nag-iipon ako para kapag sapat na ang pera ko, makakaalis na ako rito.

Siyempre, wala silang alam tungkol doon. Kapag nalaman nila, matagal na nilang kinuha ang lahat ng perang pinaghirapan ko kaya’t hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Minsan, isang Biyernes, habang palabas ako ng bahay, ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ni Mama, pero binigyan niya ako ng limang libo at sinabing bumili ako ng gusto ko. Noong buntis pa lang siya noon kay Maya.

Kaya naisip ko, puwede kong gastusin ang perang iyon sa kung ano-anong walang silbi at mauubos iyon agad, o puwede ko itong gamiting puhunan para lumago.

At iyon ang ginawa ko.

Bumili ako ng ribbon, hot glue, mga beads, at nagsimula akong gumawa ng mga hair bow sa tulong ng mga tutorial sa internet. Maingat kong itinatago ang lahat ng gamit ko. Tuwing lalabas ako, inilalagay ko ang mga iyon sa backpack ko at ibinebenta ko ang mga nagawa ko.

Dahil doon, nakaipon na ako ng dalawampung libo. 

Hinihintay ko na lang na umabot ako sa tamang edad para tuluyan nang makaalis dito.

Gusto ko sanang lumipat sa ibang lungsod, maghanap ng trabaho, umupa ng maliit na studio apartment, kumuha ng college entrance exam, at makapag-aral sa kolehiyo.

Alam kong mahirap tuparin ang pangarap na iyon, pero wala na akong ibang nakikitang pagpipilian kundi ang sumugal sa buhay.

Kung mananatili ako sa bahay na ito, hinding-hindi ako makakapag kolehiyo o makakahanap ng trabahong may malaking sahod, dahil para kina Alenjandro at Mama, sapat na raw ang kabayaran sa ginagawa ko rito ang tirahan at regular na pagkain.

Gabi na nang umalis silang lahat, kaya dali-dali kong inilagay sa backpack ko ang mga panindang hair bow pati na rin ang lahat ng naipon kong pera.

Mapanganib man ang maholdap sa kalsada, mas natatakot pa rin akong manakawan sa sarili naming bahay. Pakiramdam ko kasi, tuwing umaalis ako, kinakalkal ni Mama ang mga gamit ko.

Pagkatapos kong maihanda ang lahat, tinawagan ko si Janine, ang tanging kaibigan ko.

“Hi, Janine. Kumusta? Ready ka na ba sumakay ng eroplano?”

Lilipad na siya papuntang States. Doon na siya titira sa tiyahin niya matapos siyang makakuha ng scholarship sa isa sa pinakamahusay na medical school sa bansa.

Magkakilala kami mula pa noong elementarya, at mula noon, naging matalik na kaming magkaibigan.

Pangarap namin na pareho kami ng school at kurso sa college. Pero noong nakaraang taon, matapos kong makatapos ng senior high school, hindi ako pinayagan ni Mama na kumuha ng college entrance exam. Kailangan ko raw alagaan si Maya. Sayang lang daw ang pambayad sa babysitter gayong may anak naman siyang tambay lang sa bahay.

Akala ko, malungkot lang ako. Winasak pala talaga ako ng desisyon ni Mama. Siya ang dahilan kung bakit naudlot ang pangarap ko. 

Alam kong kaya ko ring makakuha ng scholarship. Masipag akong estudyante at palagi akong mataas ang aking marka. Mula nang mamatay si Papa, iisa lang ang pangarap ko—makapag-aral, maging doktor, at mabigyan si Mama ng mas magandang buhay.

Pero dumating si Alejandro.

At tuluyan nang nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Ang dating pagmamahal at pag-aaruga niya ay napalitan ng mga pang-iinsulto, pananakit, at kawalan ng respeto—lahat dahil sa isang nakakasulasok na selos na hindi man niya tuwirang aminin, kitang-kita ko sa bawat malamig at mapanakit niyang kilos.

“Handa na ang lahat, ayos na rin ang maleta ko. Alas kwatro pa ang alis ko at alam kong pupunta ka para magpaalam sa’kin ‘di ba?” 

“Siyempre naman. Nakalimutan mo bang bukas ang day off ko?” sagot ko nang may halong pang-uuyam.

“Ang lungkot isipin na hindi na tayo magkasama. Gustung-gusto ko sanang sabay tayong mag-college.”

“Huwag mo na ngang ipaalala. Wasak na nga ang puso ko. Pero masaya ako para sa'yo, Ja. Sigurado akong magiging mahusay kang Cardiologist.”

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang bigla siyang umiyak. Agad na naglingid ang aking luha pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. 

“Bakit ka umiiyak?”

“Nagagalit ako. Nasasaktan ako ‘pag naiisip ko ‘yung ginagawa nila sa’yo. ‘Wag mo na kayang hintayin ang birthday mo? Umalis ka na d’yan, iligtas mo na ang sarili mo.”

“Dalawang buwan na lang naman ang hinihintay ko. ‘Wag ka nang malungkot. Ano ba naman ‘yung dalawang buwan kumpara sa ilang taong pagtitiis ko dito?”

Mabilis niyang binura ang luha niya at galak na galak nang sabihin ko iyon. 

“Saan ka pupunta?”

“Hindi ko pa alam. Ayos lang sa’kin kahit saan ako mapadpad basta malayo rito. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko pero kahit ano pa ‘yon at kahit saan pa ‘yon, sigurado akong mas makakabuti ako ron at magiging masaya ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 4

    Sa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali."Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya. "Sino ka?" sigaw niya.Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!” "Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong."Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, h

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 3

    "Mirasol!"Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit. "Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin."Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko."Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak."May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!""Ano'ng nasa isip mo?""May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko.""Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?""Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,,

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 2

    “Mirasol, gumising ka na!”Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.” “Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko. “Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.“Pero, Ma…”“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako. “Talagang mas mah

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 1

    Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. “Marisol!” Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. “Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.”Isang buwan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status