Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-07-30 08:38:19

"Mirasol!"

Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit.  

"Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin.

"Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak.

"May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!"

"Ano'ng nasa isip mo?"

"May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko."

"Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?"

"Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,, sa susunod na linggo pa naman magsisimula ang klase."

"At ano'ng sasabihin ng mga magulang mo?" nag-aalala kong tanong. May sarili na akong problema, pero ayokong mapagalitan ang kaibigan ko dahil sa akin.

"’Wag kang mag-alala. Magdadahilan na lang ako. Sasabihin kong naiwanan ako ng bus dahil natagalan ako sa convenience store. Basta, magiisip ako ng paraan, ako na ang bahala."

"Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko, Ja. Thank you for being a good friend to me.” Niyakap ko siya. “Magkano ang ticket mo? Babayaran kita para makabili ka ulit ng bago bukas.”

“Take this as a gift, Mira, para sa kalayaan mo. Alam ko kung gaano kahirap ang dinanas mo sa bahay na ‘yon, at hindi ko gugustuhin na bumalik ka pa ron. Kaya umalis ka na, bago ka pa maiwan ng bus.”

"Ja, nasabi ko na bang mahal na mahal kita?"

"Hindi pa, pero alam ko naman." Ngumiti siya. "Teka, ano bang laman ng bag mo? May sapat ka bang gamit d’yan?"

"Mga hair tie ko, mga dokumento ko, at ang perang naipon ko. 

"Wala kang dalang damit? Kunin mo na ang mga damit ko."

"Ano ka ba, tumigil ka nga d’yan!" mabilis kong tanggi. Napakarami na ngang naitulong ni Janine sa akin. Masyado na yata akong abusado kapag tinanggap ko pa ang offer niya. "Pagdating ko roon, bibili na lang ako. At saka, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta, at ayoko ring magbitbit ng napakaraming gamit."

Nang dumating ang bus ay agad akong nagpaalam kay Janine at humingi ng sorry dahil wala na kaming oras para makapag-usap pa. Umiiyak siya nang umalis ako dahil hindi niya alam kung kailan pa ang sunod naming pagkikita. Naging mabuti akong kaibigan kay Janine kaya’t gano’n na lang niya ako kamahal at gano’n din siya sa akin. 

Nag-ring ang telepono ko, tumatawag sa akin si Mama. Malamang, nagsumbong na ang walanghiyang lalaking iyon. Sinagot ko ang tawag at sinabi sa kanya ang nangyari pero hindi siya naniniwala sa akin.

”Mas pinaniniwalaan mo pa si Alejandro kaysa sa tunay mong anak. Anong klase kang ina?”

"Makinig ka. Simula ngayon, hindi na kita anak. Wala ka nang kinalaman sa akin, naiintindihan mo ba? Ang pinakamalaking pagkakamali ko ay ang isilang ka! Napakabata ko pa noon at isinakripisyo ko ang kabataan ko. Isinantabi ko ang lahat ng pangarap ko para palakihin ka, tapos sa huli, ganito lang pala ang isusukli mo sa akin? Wala kang utang na loob sa amin ni Alejandro.”

Matapos sabihin ni Mama ang lahat ng pinakamasasakit na salitang maisip niya, ibinaba niya ang tawag nang hindi man lang ako hinayaang makapagsalita. Nang marinig ko ang lahat ng iyon, napaiyak ako. 

Labing anim na taon pa lang siya no’ng makilala niya si Papa. Lumalim ang nararamdaman nila sa isa’t isa, nagsama sa iisang bahay, at nabuntis sa murang edad. Makalipas ang dalawang taon nang isilang niya ako ay nagpakasal sila, civil ceremony. Masaya niyang kinukwento iyon sa akin nang paulit-ulit no’ng bata pa ‘ko—ni minsan ay hindi niya pinaramdamn sa akin na pinagsisisihan niyang naging nanay siya sa murang edad. 

Hanggang sa dumating ang araw na hindi namin inaasahan. Nabangga si Papa pauwi galing sa trabaho. Lasing daw iyong driver at hindi napansin na tumatawid si Papa. Iyon ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Ang nakabangga sa kanya ay isang labing pitong taong gulang na binatilyong palihim na kinuha ang sasakyan ng ama niya. Wala siyang naging pananagutan dahil anak siya ng isang napakayaman at maimpluwensiyang negosyante sa lugar namin. Nagbayad sila ng danyos kay Mama, at tumatanggap din siya ng pension galing sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Papa dahil menor de edad pa ako. Pero hanggang ngayon, wala pa akong nakitang kahit isang sentimo mula roon.

Nang makilala niya si Alejandro, bumili silang dalawa ng bahay sa isang mamahaling subdivision. Nagtatrabaho si Alejandro sa District Attorney's Office at ginawan pa niya ng paraan si Mama na magkaroon ng trabaho bilang secretary. Sa paningin ng ibang tao, maganda ang buhay nilang dalawa, pero sa kasamaang-palad, wala akong napakinabangan sa lahat ng iyon—maliban sa paaralang pinapasukan ko na si Mama ang nagbabayad, dahil hindi maganda sa imahe nila kung sa pampublikong paaralan ako mag-aaral.

Madaling-araw na tat halos lahat ng pasahero ay tulog na. Tulala akong nakatingin sa bintana ng bus, pinapanood ang madilim na paligid habang iniisip kung anong pwede kong gawin sa buhay ko. Ang bata-bata ko pa, sino kaya ang tatanggap sa batang katulad ko? 

Sa unang hintuan ng bus, bandang alas-singko ng umaga, dumiretso muna ako sa banyo bago nag-almusal sa isang snack bar dahil gutom na gutom na ako. Halos isang araw na ring walang laman ang tiyan ko matapos kong ihagis ang tanghalian ko sa mukha ng taong iyon.

Bumili rin ako ng ilang pakete ng biskwit para may makain sa biyahe, tubig, at isang sweater na nakita kong ibinebenta ng isang street vendor dahil napakalamig sa loob ng bus at maiksi lang ang manggas ng suot kong blouse.

Pagsapit ng alas-sais ng umaga, muling bumiyahe ang bus. Mas handa na ako ngayon kaya hindi na ako magugutom sa daan. Habang naka-charge ang cellphone ko, naghanap ako ng mga kwarto at guesthouse na pwedeng rentahan para pagdating ko sa kabisera ay hindi ako matulog sa kalsada. Naghanap din ako ng mga bakanteng trabaho, pero lahat ng nakita ko ay nangangailangan ng may karanasan at references—mga bagay na wala ako.

Matapos ang halos isa't kalahating araw na biyahe, nakarating ako sa kabisera. Napamangha ako sa napakalalaking gusali at malalawak na highway. Napakaliit ng bayan na kinalakihan ko kumpara sa lugar na iyon.

Bandang alas-dos ng hapon, bumaba ako sa terminal ng bus at nagtanong tungkol sa mga trabaho sa isang food stall. Isang napakabait na ginang ang magalang na sumagot sa akin, kaya tinanong ko siya ng lahat ng maaari kong itanong.

"Iha, kahit punong-lungsod ito, napakahirap pa ring makahanap ng trabaho rito."

"Napakatindi ng kompetisyon sa mga trabaho rito. At base sa mga ikinuwento mo, ang pinakamalaki mong pagkakataon ay kung magtatrabaho ka sa isang pribadong bahay. Pero mahirap din iyon dahil hindi basta-basta nagpapapasok ng tao ang mga may-ari ng bahay."

"Naiintindihan ko po, Aling Lorna, pero alam kong may mahahanap din akong trabaho," kumpiyansa kong sabi.

“Teka… may alam akong lugar kung saan pwede kang makahanap ng trabaho.” Sandaling tumingala si Aling Lorna habang nag-iisip. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Sa Villareal Farm, ilang kilometro lang mula rito. Palagi silang naghahanap ng mga tao roon, para sa anihan, paglilinis ng mga kamalig, pagluluto para sa mga manggagawa sa bukid, at iba pang trabahong hindi nangangailangan ng napakahigpit resume o experience.” 

"At paano po ako makakarating doon?" puno ng pag-asang tanong ko.

"Mga apatnapung kilometro ang layo ng Villareal farm mula rito. Kapag nakarating ka roon, pwede kang magtanong kahit kanino tungkol sa farm. Ang totoo, ang may-ari mismo ng farm ang nagpatayo ng nayon para sa mga manggagawa niya. Napakababa lang ng upa sa mga bahay roon at ibinabawas na lang iyon sa sahod nila. Nasabi ko ito dahil pitong taon nang doon nakatira at nagtatrabaho ang anak ko. Kanina lang nga, dumaan siya rito para dalawin ako."

"Saan po ang terminal ng bus papunta roon?"

"Iyon ang problema. May sarili silang sasakyan, at tuwing Sabado lang iyon bumibiyahe. Parang maliit na bayan na rin kasi ang lugar na iyon, kaya tuwing Sabado lang, na araw ng pahinga nila, pumupunta ang mga tao rito sa kabisera. Ang may mga sariling sasakyan lang ang puwedeng bumiyahe anumang oras. Hindi na rin pumupunta roon ang mga taxi dahil ayaw ng may-ari ng mga taga-labas at ipinagbabawal niyang lumapit sila sa nayon."

"Ganun po ba... Susubukan ko na lang pong humanap ng paraan."

"Subukan mo, hija. Noong nakaraang linggo lang, may halos limampung bagong manggagawa ang dumating para magtrabaho roon. Sigurado akong kailangan nila ng mga taong tutulong sa kusina."

"Maraming salamat po, Aling Lorna. Magandang hapon po."

Dahil hindi pa naman sumasapit ang alas-tres ng hapon, nagpasya akong sumugal. Pupunta ako sa farm kahit makisabay pa ako sa mga truck ng basura o sa kahit na anong truck makapunta lang sa Farm na sinasabi ni Aling Lorna. 

Habang naglalakad ako papunta sa labas ng bayan at nakasalubong ang isang babaeng may kasamang bata, inalok kong bilhin niya ang maliliit kong hair bow.

Nakita ko ang karatulang nagtuturo papunta sa nayon ng Villareal at ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Maya-maya lang, sigurado akong may dadaan ding sasakyan at makikisakay na lang ako. Delikado iyon, pero bukod sa muntik na akong halayin ng stepfather ko—ano pa ba ang pinakamasamang pwedeng mangyari?

Interesado ako sa lugar na iyon dahil gaya ng sabi ni Aling Lorna, palagi silang naghahanap ng mga manggagawa. May mga bahay rin para sa mga empleyado na mura lang ang upa. Iyon mismo ang kailangan ko sa pagkakataong iyon.

Halos labinlimang kilometro na ang nalakad, pero wala pa ring ni isang sasakyang dumaraan. Unti-unti ko nang pinagsisisihan ang katangahan kong maglakad sa isang kalsadang hindi ko alam, mag-isa, at walang kakilala kahit isa.

Pagsapit ng alas-sais ng hapon, nagsimulang dumilim ang kalangitan. Kumapal ang mga ulap, hudyat na anumang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. Doon ko talaga lubusang pinagsisihan ang ginawa ko, pero wala na akong ibang paraan para umatras. Hindi nagtagal, nagsimula nang bumuhos ang ulan.

Malakas ang buhos ng ulan, madilim ang paligid, at basang-basa na ako. Tinakpan ko ang flashlight ng cellphone ko upang hindi ito mapasukan ng tubig dahil wala na talaga akong makita. Sa mga sandaling iyon, labis kong pinagsisihan na hindi na lang ako naghintay hanggang sa susunod na Sabado bago pumunta sa farm na iyon. Pero dahil Linggo pa lang at hindi ako pwedeng maghintay nang ganoon katagal, itinuloy ko na lang ang plano ko. Hindi ko kayang ubusin ang kaunting perang mayroon ako.

Kanina, nagtanong na ako sa isang taxi driver kung maaari niya akong ihatid kahit hanggang sa pinakamalapit na bahagi ng nayon, pero tiningnan lang niya ako at tinanong kung sa tingin ko ba ay baliw siya. Hindi ko naintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya, kaya iyon na lang ang naisip kong gawin.

Humina na ang ulan, pero basang-basa pa rin ako at giniginaw. Ang pinakanakapagtataka ay wala pa ring ni isang sasakyang dumaraan. Maya-maya, napansin kong tila may malapit na akong nararating. Nang makalapit ako, nakita kong isa pala iyong tulay.

Hindi nagtagal, natanaw ko ang ilaw ng mga headlight ng isang sasakyan.

Pula ang kotse at may emblemang kabayo sa harapan. Mukha itong mamahaling sasakyan, kaya nagtaka ako kung bakit nakahinto ito sa gitna ng tulay. Napapitlag ako nang kumidlat, at sa liwanag nito ay nasilayan ko ang isang lalaking nakatayo roon, handa nang tumalon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 4

    Sa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali."Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya. "Sino ka?" sigaw niya.Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!” "Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong."Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, h

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 3

    "Mirasol!"Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit. "Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin."Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko."Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak."May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!""Ano'ng nasa isip mo?""May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko.""Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?""Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,,

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 2

    “Mirasol, gumising ka na!”Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.” “Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko. “Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.“Pero, Ma…”“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako. “Talagang mas mah

  • FROM NANNY TO MOMMY   Chapter 1

    Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. “Marisol!” Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. “Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.”Isang buwan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status