The Billionaire I Met in Paradise
Isang linggo na lang bago ang kasal nila ng lalaking pinakamamahal niya, nasaksihan ni Dr. Jamie Casandra "Jaime" Reyes ang pinakamasakit na kataksilan. Wasak ang puso at nag-iwan ng luha sa Maynila, lumipad siya palayo nang walang direksyon—at napadpad sa paraiso ng Siargao.
Doong hindi inaasahan, nakatabi niya sa eroplano ang misteryoso at guwapong bilyonaryong inhinyerong si Tristan Romano. Sa gitna ng alon ng Siargao at sa marangyang Isla del Carmen Resort na pag-aari mismo ni Tristan, magkrus ang kanilang mga landas.
Habang sinusubukan ni Jaime na buuin ang sarili mula sa abo ng nakaraan, handa naman si Tristan na maging sandalan niya. Ngunit sa pagitan ng paghilom ng sugat ng kahapon, may mabubuo bang bagong pag-ibig sa pagitan ng sugatang doktor at ng bilyonaryong may-ari ng isla?
Isang kuwento ng pagtataksil, pagbangon, at pag-ibig na naghihintay sa ilalim ng araw.
Read
Chapter: CHAPTER 15: Ang Pagtatagpi ng mga Alaala"Kevin, gusto ko ng gano'n," medyo hilo na sabi ni Jaime habang itinuro ang hawak na baso ng katabing estranghero sa kabilang dulo, sabay sulyap sa baso ni Tristan ngunit diretsong lumampas ang mga mata."Whiskey, Ma'am?" tanong ni Kevin."Yeah, whiskey," sagot ni Jaime."Right away, Ma'am." mabilis na tugon naman ni Kevin na bartenderSa kabilang gilid, napapikit na lamang si Tristan sa tindi ng inis at pagka-frustrate. Hawak-hawak niya mismo ang baso ng whiskey sa kanyang kamay. Kitang-kita ng dalaga ang inumin na iyon, ngunit ni minsan ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit simpleng tingin, lalo na ng ngiti.Pagkalapag ni Kevin ng bagong order na baso, agad itong kinuha ni Jaime. "Thanks, Kevin," maikling wika niya bago isinubo ang unang lagok.Ngunit wala pang isang segundo ay bigla siyang nabulunan at napaatras." Whoa… Sh't!" malakas na wika ni Jaime. Napaasim ang mukha habang hawak ang lalamunan. "Ganito ba talaga katapang ang lasa nito?"Dahil sa pagkalasing at pagkabigla,
Last Updated: 2026-08-06
Chapter: CHAPTER 14: Ang Unang Sulyap at ang WhiskeyMatapos ang nakakapagod ngunit makabuluhang insidente sa pool area, nagtagal din si Jaime sa banyo upang tuluyang maalis ang lamig ng tubig sa kanyang katawan. Paglabas niya, isinuot niya ang isang malambot at komportableng oversized cotton T-shirt at cycling shorts, sapat para guminhawa ang kanyang pakiramdam.Dali-dali siyang naglakad patungo sa malambot na kama ng Suite Villa 4 at hinayaan ang sarili niyang bumagsak dito.Inunat niya ang kanyang mga braso at binti at napabuntong-hininga nang malalim habang dinadama ang kapayapaan sa loob ng silid. Tahimik ang paligid, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang malalayong alon sa labas ang maririnig.Nakatitig lamang siya sa puting kisame, pilit na pinapakalma ang isip. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil nailigtas niya ang bata, ngunit sa kabilang banda, unti-unti ring nanunuot sa kanyang sistema ang pagod ng buong araw."Isang tulog lang 'to, mawawala rin ang pagod,"bulong ni Jaime sa sarili bago pumikit nang tul
Last Updated: 2026-08-05
Chapter: CAHPTER 13 :Ang Tahimik na Gabi sa VillaKanina pa sana siya nakalapit at nakasama si Jaime kung hindi lang sumulpot ang babaeng 'yon at umagaw sa bakanteng upuan. Ngunit bago pa man tuluyang uminit ang ulo niya sa kamalasan, nakita niyang tumayo na si Jaime mula sa kanyang kinauupuan.Dali-daling tinapos ni Tristan ang kanyang tanghalian, ibinaba ang kubyertos, at mabilis na sumunod ng tingin sa dalaga.Lumabas ng dining area si Jaime at naglakad patungo sa may pool area. Dahil peak season at puno ang resort ngayong araw, abala ang paligid—kaliwa't kanan ang paglalakad ng mga turista, may mga nagtatawanang bata sa gilid ng tubig, at maingay ang atmosphere ng buong resort.Sa gitna ng siksikan at ingay ng mga tao, humanap ng medyo tahimik na puwesto si Jaime sa isang tabi malapit sa swimming pool, kung saan tanaw na tanaw ang malawak at asul na dagat. Naupo ito nang tahimik, nakahalukipkip, at malalim ang iniisip habang pinapanood ang paghampas ng mga alon sa baybayin.Hindi kalayuan, nakasandig si Tristan sa isang poste mal
Last Updated: 2026-08-05
Chapter: CHAPTER 12: Ang Nawawalang Piraso sa PuzzleNakatitig lamang si Tristan habang pinapanood si Jaime na mabilis na tumalikod matapos ang maiikling salita ng pasasalamat. Walang emosyon o bakas ng pagpapakumbaba sa mukha ng dalaga—parang obligasyon lamang niyang tinapos ang isang simpleng transaksiyon.Napatitig na lamang si Tristan sa likod ni Jaime habang tuluyan itong lumalayo palayo sa reception area."Seryoso Jaime ?Yun na 'yun? Tanong niya sa kanyang isip: hindi makapaniwala sa naging reaksyon ng dalaga. Grabe. After ng lahat ng ginawa ko .... Hindi mo man lang ako hinintay na mag-react; walang man lang tayong pormal na pagpapakilala sa isa't isa o shake hands man lang…Hay naku, Jaime, kung hindi ka lang talaga maganda, pinabayaan na kitang matulog sa labas ng villa mo!"Dala ang halo-halong inis at amusement, marahas na napatayo si Tristan mula sa pagkakaupo at dire-diretsong naglakad pabalik sa kanyang pribadong kwarto sa itaas. Habang naglalakad, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagbulong at pagrebyu sa naging
Last Updated: 2026-08-04
Chapter: CHAPTER 11: Ang Inis ng BilyonaryoNapansin agad ng manager ang presensya ng may-ari ng resort na nakatayo sa coffee station habang may hawak na tasa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Manager Tan at agad siyang yumuko bilang paggalang."Good morning, Sir Tristan," bati ng manager, halatang nagtaka kung bakit maagang-maaga pa ay gising na at nasa reception area ang bilyonaryo, at mukhang galing pa sa puyat."Morning, Manager Tan," tipid na sagot ni Tristan habang ibinababa ang tasa sa ibabaw ng counter. "Tamang-tama, dumating ka na.""Bakit po, Sir? May problema po ba rito sa resort?" nag-aalalang tanong ng manager. Agad na binuksan ang pouch ng mga susi."Wala naman," seryosong sagot ni Tristan habang napatingin muli sa itaas, kung nasaan ang kanyang pribadong silid. "Naiwan lang ng isa nating guest ang susi niya kagabi. Dahil wala ka rito para magbukas at fully booked tayo, napilitan akong patulugin siya sa private room ko sa taas."Natahimik si Manager Tan, bahagyang napanganga sa narinig. Ang nag-iisang private roo
Last Updated: 2026-08-04
Chapter: CHAPTER 10: Ang Sofa sa IbabaNang marinig, bahagyang lumingon si Jaime kay Tristan. May bakas ng pagtataka sa kanyang mga mata kung bakit alam ng lalaki ang kanyang pangalan. Ngunit mabilis ding nawala iyon sa kanyang isip; ang sobrang pagod at ang matinding tama ng alak ay tila nagpabigat nang husto sa kanyang ulo para mag-isip pa ng iba."Nako, Sir..." alanganing sagot ng staff habang napakamot sa ulo. "Kaka-out lang po ni Manager Tan. Siya lang po ang may access sa mga key duplicate. Alas-dos na po kasi, at mamaya pa pong alas-singko ang dating ni Manager.""Alas-singko?!" gulat na sigaw ni Jaime, basag ang boses at halatang naiinis. "Seriously?!""Wala na bang ibang available na room?" mabilis na tanong ni Tristan, hindi pinansin ang pagreklamo ng dalaga."Sir, fully booked po tayo ngayong gabi," tugon ng staff."Sh't," mahinang bulong ni Jaime sa sarili habang napapikit nang mariin. Pakiramdam niya ay bibigay na ang kanyang mga tuhod.Napatingin si Tristan kay Jaime. Sa ilalim ng malinaw na liwanag ng recept
Last Updated: 2026-08-03