Gumuho ang mundo ni Ashley nang mahuli niya ang kanyang long-time boyfriend na niloloko siya, at sa sobrang sakit, napunta siya sa isang bar para maglasing at mag-vent out. Hindi inaasahan, ang gabing iyon ay nauwi sa isang one-night stand kasama ang isang lalaking hindi man lang niya kilala ang pangalan. Makalipas ang isang buwan ay nagbunga ang nangyari sa kanila ng hindi kilalang lalaki. Naguluhan siya at hindi alam kung ano ang gagawin, pero ang mas ikinagulat niya ay nang biglang magpakita ang lalaking iyon sa harap ng kanilang pintuan. Ang mas shocking? Siya pala ang fiancé ng kanyang stepsister!
Lihat lebih banyakMariin kong tinitigan ang boyfriend ko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito sa akin.
"Kailan pa?! Sabihin mo kung kailan mo pa ako niloloko!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang patuloy na rumaragasa ang luha sa aking mata. "Hindi ako naniwala at nakinig sa mga sabi-sabi, dahil may tiwala ako sayo! Pero tama pala talaga ang mga naririnig ko!"
Ang sakit, ang sakit sakit. Akala ko mahal niya ako. Hindi ko alam na matagal na niya pala ako niloloko. Kung hindi ko pa siya sinurpresa ngayon ay hindi ko pa malalaman ang kababuyan na ginagawa niya.
"You're so boring and childish as fuck, Ashley! Hindi mo maibigay ang pangangailangan ko. Masisisi mo ba ako kung maghanap ako ng init sa ibang babae?"
Nanginig ang mga tuhod ko. Parang paulit-ulit ako sinaksak sa dibdib sa mga tinuran niya.
Malakas ko siyang sinampal. Ang babae sa kama na nakatakip ng kumot ay nagulat din at napalunok sa ginawa ko. Kung hindi lang ako napigilan ni JM kanina ay talagang kinalbo ko na ang buhok ng babaeng ito at inilampaso siya sa maruming sahig ng condo.
"Ang sabi mo ay handa kang maghintay hanggang sa maikasal tayo?" Napapauos kong sabi, nandidiri na pinagmasdan siya. "Nasaan ang mga ipinangako mo?"
Kaya pala nagbago ang pakikitungo niya. Kaya pala pakiramdam ko ay may mali sa relasyon namin, dahil siya pala iyon.
Naging cold siya sa akin simula noong naabutan ko siyang lasing dito sa condo niya. Hinalikan niya at at gumanti naman ako sa halik na iyon, pero nang bumaba ang mga kamay niya sa pagitan ng mga hita ko at pinahinto ko siya. Nagalit siya at nag-away kami. Ipinaliwanag ko sa kanya na gusto ko ikasal muna, bago namin iyon gawin. Akala ko ay naintindihan na niya, pero hindi pala.
Pinunasan ko ang luha sa aking mata. "Tama, kasalanan ko. Parati naman ganito, diba? Parating ako ang may kasalanan," sarkastiko kong sabi at iniwan silang dalawa ng bababe niya roon.
Sana ay maging masaya siya sa naging desisyon niya at hindi iyon pagsisihan.
Pumara ako ng taxi at sumakay, sinabi ko kung saan ang pupuntahan ko kaya pinaandar na ni Manong ang sasakyan.
Umayos ako ng upo at dumungaw sa bintana ng taxi. May mga nakikita akong couples na nagd-date, family na sobrang saya. How I wish I have a family like that. Hindi ako ganon sa pamilya ko. They treated me like an outsider, simula pa lang pagkabata. Mas nakikita ko pa na itinuturing nila na pamilya ang ibang tao, kaysa sa akin.
"Ma'am, andito na po tayo," sabi ni Manong.
Sinulyapan ko ang metro bago kumuha ng pera sa aking pitaka. "Keep the change, Manong," sabi ko at lumabas na ng taxi.
Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. Naka-simpleng dress lang ako at doll shoes. Mumurahin lang ang mga gamit ko. Hindi gaya ng pamilya ko na talagang libo ang ginagastos para sa isang damit lang.
Pagpasok ko sa loob ng bar ay nanuot agad sa aking ilong ang amoy ng usok, alak at pabango. Nagtakip ako ng ilong at dumiretso sa bar counter.
Malakas ang sounds at madaming nagkaka-siyahan sa dance floor. Not minding the other hands touching their body.
"Hard drinks, please," order ko. "Yung pinakamatapang na meron ka."
Nanlaki ang mata ng bar tender. Nag-aalangan kung bibigyan ba ako ng drinks.
"Hindi ako minor. And please, don't worry. I can handle my self," sabi ko sa kanya. "Hindi ako magwawala rito."
Tumango ito sa akin at nag-mix na ng drinks. Nang matapos ay binigay niya iyon sa akin.
Nilagok ko ang alak ng isang beses lang at naramdaman ko na bigla na lamang uminit ang lalamunan at tiyan ko.
"Give me another one," senyas ko sa bartender. Kailangan ko makalimot. Kailangan ko maibsan ang nararamdaman ko ngayon dahil kung hindi ay baka mabaliw ako.
Naka-sampung shots na ata ako ng tamaan na ako ng alak. Wala na ako sa sarili ko, at hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. May lalaking umupo sa high-stool na katabi ko. Bagaman nagdadalawa na ang aking paningin ay tiyak kong sa akin siya nakatingin.
Dinuro ko siya at nagsalubong naman ang mga kilay niya sa akin. "Sabihin mo nga sa akin..." Damn! I'm drunk! "Is there something wrong with me? Hindi na ako kamahal-mahal para saktan ng lahat ng tao sa paligid ko?" Nag-unahang tumulo ang luha sa aking mata. Hinampas ko ang balikat niya, pero hindi siya nagpakita ng reaksyon. "Sabihin mo naman sakin, please! Para maayos ko 'yong mali ko! Para hindi na nila ako iwan..."
Nanatili namang tahimik ang lalaki, seryoso na ngayon ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Pero bakit ganito? Bakit, masarap sa pakiramdam na may makinig sa akin? Ito ang unang beses na nagsalita ako na wala akong nakinig na kahit ano.
Tama pala talaga ang sinasabi ng iba. Masarap mag-open up sa taong hindi mo kilala dahil hindi ka nila huhusgahan. At gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko, kahit ngayon lang.
"Naalala ko no'ng elementary ako... Valedictorian ako, top 1 sa buong klase kaso sayang din ang pag-akyat ko kasi wala namang mag-sasabit ng mga medal ko," natawa ako ng mapakla.
"Samantalang kapag sila ate at kuya... dinadaluhan nila ang mga parties and graduations nila. Hindi ko man lang naranasan ang mahalin. They hate me—Scratch that, they loath me. Nakakaramdam din naman ako ng sakit, bakit ang unfair? It's so unfair!"
Inilagay ko ang ulo ko sa counter at doon umiyak. Pakiramdam ko ay sumabog ako ngayon sa matagal na panahon ko na pagkimkim.
I feel unwanted and unlove... unwanted.
Matapos ang halos kalahating oras na pag-iyak ay umayos na ako ng upo. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Matutumba na sana ako ng saluhin ako ng lalaki sa tabi ko.
Inangat ko ang paningin ko at nagtagpo ang mata naming dalawa. His eyes are dark, very dark. Malamig kung tumingin at walang mababasang emosyon sa kaniyang mata.
Napakaganda ng mata niya. Napa-lunok ako at bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Pumikit ako at pinag-dampi ang labi naming dalawa.
Nang mag-hiwalay ang labi namin ay mapupungay ang mga mata naming tumingin sa isa't-isa.
"C-Can you... make me happy tonight?" wala sa sariling pakiusap ko.
Wala pa man siyang sinasabi ay inilagay ko ang aking dalawang braso sa kaniyang leeg at siniil ng halik ang kaniyang labi. Sandali akong nagulat nang gumanti siya pabalik, pero muli akong nagpatuloy sa paghalik sa kanya.
"You asked for this, woman," he said coldly. "You can't turn your back."
At nang gabing iyon, I just found myself with him, sa malambot niyang kama at madilim na niyang silid.
Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c
Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang
Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,
Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen