로그인Isang linggo na lang bago ang kasal nila ng lalaking pinakamamahal niya, nasaksihan ni Dr. Jamie Casandra "Jaime" Reyes ang pinakamasakit na kataksilan. Wasak ang puso at nag-iwan ng luha sa Maynila, lumipad siya palayo nang walang direksyon—at napadpad sa paraiso ng Siargao. Doong hindi inaasahan, nakatabi niya sa eroplano ang misteryoso at guwapong bilyonaryong inhinyerong si Tristan Romano. Sa gitna ng alon ng Siargao at sa marangyang Isla del Carmen Resort na pag-aari mismo ni Tristan, magkrus ang kanilang mga landas. Habang sinusubukan ni Jaime na buuin ang sarili mula sa abo ng nakaraan, handa naman si Tristan na maging sandalan niya. Ngunit sa pagitan ng paghilom ng sugat ng kahapon, may mabubuo bang bagong pag-ibig sa pagitan ng sugatang doktor at ng bilyonaryong may-ari ng isla? Isang kuwento ng pagtataksil, pagbangon, at pag-ibig na naghihintay sa ilalim ng araw.
더 보기Isang linggo na lamang at matutupad na ang pinapangarap na p'nto patungo sa altar para kay Dr. Jamie Casandra Reyes o mas kilala bilang Jamie o Dr. Jaime. Sa edad na 28, siya ay modelo ng tagumpay—maganda, matalino, at respetadong doktor. Nakatakda siyang ikasal sa kanyang kasintahang pitong taon na niyang kasama, si Jerome Cortez, isang 30-anyos na matagumpay na negosyante at nagmamay-ari ng isang malaking hotel sa Maynila.
Subalit sa isang iglap, ang perpektong mundong binuo niya ay gumuho sa pinakamatinding paraan.
Dahil sa kagustuhang sorpresahin ang kanyang soon-to-be husband, dumiretso si JC sa condo unit ni Jerome nang walang pasabi. Kabisado niya ang passcode kaya't madali siyang nakapasok.
Madilim at tahimik ang buong unit. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kwarto nang marinig niya ang mga ungol at halinghing mula sa loob—mga tunog ng pagnanasa na sumampal agad sa kanyang katinuan.
“Ahhh... Jerome... sige pa... mghh... ang sarap...”
Natigilan si Jamie. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Nanigas ang kanyang mga paa.
“Ibaon mo pa, baby… oh God…” ang boses ng isang babae na halatang lumilipad sa rurok ng kaligayahan sa ilalim ng kanyang kasintahan.
Ang boses ng babae sa ilalim ng kanyang kasintahan ay parang balaraw na tumusok sa puso ni JC. Hindi na naagapan ng kanyang isip ang pagpigil; ang buong katawan niya ay pinanginginig ng nag-aapoy na galit. Sa isang mabilis na galaw, itinulak niya nang buong-lakas ang p'nto at sumigaw:
"Mga hayop kayo!!!" galit na sigaw ni JC, basag ang boses at nanginginig ang buong katawan sa tindi ng pagkabigla at poot.
Bumukas ang lamp shade sa tabi ng kama. Nangitlang napabangon ang lalaking sinamba niya nang ilang taon.
“H-Hon…” gulat na wika ni Jerome, nanginginig ang mga kamay habang sinubukang abutin ang damit.
Nanlilisik ang mga mata ng lalaking binalingan ni Jamie, ang lalaking pinag-alayan niya ng pitong taon ng kanyang kabataan at pagmamahal. “Napakababoy mo, Jerome!”
Sa sobrang galit, mabilis siyang lumapit at—PAAK!—buong lakas niyang pinagsasampal ang mukha nito. Ang bawat hampas ay katumbas ng mga pangarap na bigla niyang nakitang nasusunog sa kanyang harapan.
“Let me explain, Hon! Please, let me explain!” sigaw ni Jerome, habang pilit na hinahawakan ang braso nito, bakas ang matinding takot sa mukha.
“Explain what?!” galit na sigaw ni Jamie. Tumutulo ang mga luha habang nagliliyab sa poot ang kanyang mga mata. “Na naglilibog ka at hindi ka makapaghintay ng isang linggo bago tayo ikasal?! Na ganito mo kadaling itapon ang lahat?!”
Bumaling ang matalim na tingin niya sa babaeng nakatago sa ilalim ng kumot—isang mukhang pamilyar dahil isa pala itong modelo na minsang nakasama nila sa isang business event.
“At ikaw... babae ka, napakalandi mo!”
Hindi na napigilan ni Jamie ang sarili. Sabunot ang iniabot niya sa babae habang ito ay umiiyak at nagtatangkang magtago.
“Tama na, Jamie! Tama na!” pag-aawat ni Jerome habang pilit na inilalayo ang babae.
Itinulak ni Jamie si Jerome palayo sa kanya nang may buong lakas. Humihingal siya; ang dibdib ay kumakabog sa tindi ng poot at kirot.
Dahan-dahan niyang hinila ang singsing sa kanyang daliri—ang mamahaling engagement ring na simbolo sana ng kanilang habambuhay.
“F'ck you, Jerome.”
Buong lakas niyang ibinato ang singsing sa mukha nito. Tumama ito sa pisngi bago lumagpak sa sahig.
Habol-hininga si Jamie habang tumatalikod. “We’re done. Ikaw ang magpaliwanag sa mga bisita kung bakit walang matutuloy na kasal.”
“Hon, wait! Hon, please!” tawag ni Jerome habang humahabol, ngunit hindi na lumingon si Jamie.
Pagpasok na pagpasok ni JC sa kanyang unit, parang bulkang sumabog ang matagal niyang kinimkim na emosyon. Ang mga luhang kanina pa pinipigilan ay tuluyan nang bumuhos, kasabay ng nanginginig niyang mga kamay na walang taros na naghagilap ng mga damit sa cabinet. Isiniksik niya kung ano ang madampot sa loob ng maleta—mga damit, pasaporte, at mga mahahalagang dokumento.
Wala siyang pakialam kahit magulo ang pagkakasalansan. Ang tanging sigaw ng kanyang sistema ay ang lumipad palayo. Malayo kay Jerome. Malayo sa alaala ng condo unit na naging saksi ng pinakamatinding bangungot ng kanyang buhay.
"Hayop ka, Jerome Paano mo nagawa sakin to?..." garalgal niyang bulong habang malakas na isinasara ang zipper ng maleta.
Agad niyang kinuha ang kanyang smartphone, nanginginig ang mga daliri habang binubuksan ang flight booking app. Hindi na niya tiningnan ang mga detalye o kung anong oras ang alis; basta't ang unang lumitaw na available flight patungong Siargao ang mabilis niyang kinumpirma gamit ang kanyang credit card.
“Confirmed. Flight to Siargao departs in two hours.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang nakatitig sa screen. Para sa isang babaeng sanay na may kontrol sa bawat detalye ng kanyang buhay—bilang isang respetadong doktor—ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdesisyon siya nang walang plano, gabay, kundi ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha at ang pagnanais na makalaya sa sakit.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon para mag-antay ng Grab o mag-book ng taxi. Agad niyang kinuha ang susi ng kanyang kotse, kinaladkad ang mabigat na maleta pababa ng elevator, at padabog na isinuot ito sa backseat ng kanyang sasakyan.
Pagpasok na pagpasok niya sa driver's seat, marahas niyang pinihit ang susi. Umugong ang makina, at sa isang tapak sa gas, pinaharurot niya ang kotse patungo sa Ninoy Aquino International Airport.
Habang nagda-drive, nanlalabo ang kanyang mga mata, hindi dahil sa dilim ng kalsada kundi dahil sa muling pag-apaw ng kanyang mga luha. Paulit-ulit na nag-uulit sa kanyang isipan ang eksenang nasaksihan kanina—ang mga halinghing, ang pagtataksil, at ang walanghiyang mukha ni Jerome.
“Bakit mo nagawa sa akin 'to, Jerome? Limang taon… limang taon kaming nagmahalan!” sigaw niya sa sarili habang mahigpit na nakahawak sa manibela, halos maputol ang mga daliri sa sobrang diin.
Sumiklab ang busina ng mga kasabayan niyang sasakyan nang halos pumagitna siya sa linya sa sobrang kawalan ng pokus, ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging nasa isip niya ay ang makaabot sa airport bago magsara ang boarding. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang huminga nang malayo sa mundong ito.
Nang makarating sa parking lot ng airport, halos patakbo niyang iniwan ang kotse, kinuha ang maleta, at nagmamadaling pumasok sa departure terminal. Bitbit ang nagbabagang galit at wasak na puso, hinarap niya ang pila para sa kanyang flight patungong Siargao.
Matapos ang nakakapagod ngunit makabuluhang insidente sa pool area, nagtagal din si Jaime sa banyo upang tuluyang maalis ang lamig ng tubig sa kanyang katawan. Paglabas niya, isinuot niya ang isang malambot at komportableng oversized cotton T-shirt at cycling shorts, sapat para guminhawa ang kanyang pakiramdam.Dali-dali siyang naglakad patungo sa malambot na kama ng Suite Villa 4 at hinayaan ang sarili niyang bumagsak dito.Inunat niya ang kanyang mga braso at binti at napabuntong-hininga nang malalim habang dinadama ang kapayapaan sa loob ng silid. Tahimik ang paligid, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang malalayong alon sa labas ang maririnig.Nakatitig lamang siya sa puting kisame, pilit na pinapakalma ang isip. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil nailigtas niya ang bata, ngunit sa kabilang banda, unti-unti ring nanunuot sa kanyang sistema ang pagod ng buong araw."Isang tulog lang 'to, mawawala rin ang pagod,"bulong ni Jaime sa sarili bago pumikit nang tul
Kanina pa sana siya nakalapit at nakasama si Jaime kung hindi lang sumulpot ang babaeng 'yon at umagaw sa bakanteng upuan. Ngunit bago pa man tuluyang uminit ang ulo niya sa kamalasan, nakita niyang tumayo na si Jaime mula sa kanyang kinauupuan.Dali-daling tinapos ni Tristan ang kanyang tanghalian, ibinaba ang kubyertos, at mabilis na sumunod ng tingin sa dalaga.Lumabas ng dining area si Jaime at naglakad patungo sa may pool area. Dahil peak season at puno ang resort ngayong araw, abala ang paligid—kaliwa't kanan ang paglalakad ng mga turista, may mga nagtatawanang bata sa gilid ng tubig, at maingay ang atmosphere ng buong resort.Sa gitna ng siksikan at ingay ng mga tao, humanap ng medyo tahimik na puwesto si Jaime sa isang tabi malapit sa swimming pool, kung saan tanaw na tanaw ang malawak at asul na dagat. Naupo ito nang tahimik, nakahalukipkip, at malalim ang iniisip habang pinapanood ang paghampas ng mga alon sa baybayin.Hindi kalayuan, nakasandig si Tristan sa isang poste mal
Nakatitig lamang si Tristan habang pinapanood si Jaime na mabilis na tumalikod matapos ang maiikling salita ng pasasalamat. Walang emosyon o bakas ng pagpapakumbaba sa mukha ng dalaga—parang obligasyon lamang niyang tinapos ang isang simpleng transaksiyon.Napatitig na lamang si Tristan sa likod ni Jaime habang tuluyan itong lumalayo palayo sa reception area."Seryoso Jaime ?Yun na 'yun? Tanong niya sa kanyang isip: hindi makapaniwala sa naging reaksyon ng dalaga. Grabe. After ng lahat ng ginawa ko .... Hindi mo man lang ako hinintay na mag-react; walang man lang tayong pormal na pagpapakilala sa isa't isa o shake hands man lang…Hay naku, Jaime, kung hindi ka lang talaga maganda, pinabayaan na kitang matulog sa labas ng villa mo!"Dala ang halo-halong inis at amusement, marahas na napatayo si Tristan mula sa pagkakaupo at dire-diretsong naglakad pabalik sa kanyang pribadong kwarto sa itaas. Habang naglalakad, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagbulong at pagrebyu sa naging
Napansin agad ng manager ang presensya ng may-ari ng resort na nakatayo sa coffee station habang may hawak na tasa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Manager Tan at agad siyang yumuko bilang paggalang."Good morning, Sir Tristan," bati ng manager, halatang nagtaka kung bakit maagang-maaga pa ay gising na at nasa reception area ang bilyonaryo, at mukhang galing pa sa puyat."Morning, Manager Tan," tipid na sagot ni Tristan habang ibinababa ang tasa sa ibabaw ng counter. "Tamang-tama, dumating ka na.""Bakit po, Sir? May problema po ba rito sa resort?" nag-aalalang tanong ng manager. Agad na binuksan ang pouch ng mga susi."Wala naman," seryosong sagot ni Tristan habang napatingin muli sa itaas, kung nasaan ang kanyang pribadong silid. "Naiwan lang ng isa nating guest ang susi niya kagabi. Dahil wala ka rito para magbukas at fully booked tayo, napilitan akong patulugin siya sa private room ko sa taas."Natahimik si Manager Tan, bahagyang napanganga sa narinig. Ang nag-iisang private roo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.