Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan. Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito. Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae. Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan. Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong. Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito. Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?
View More"Congratulations!" masayang bati ng mga beautician sa kanilang mga inaayusan na ikakasal. "Salamat!" Hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman ni Divina nang mga sandaling iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos kundi ang ipag pasalamat ang lahat nang magandang bagay na nangyari sa kanya. Nawalay man ang kanyang pamilya sa kanya ay nagawa pa rin naman niyang maibalik. Ngayon niya higit na napatunayan kung gaano kadakila ang panginoon na palaging nakatunghay sa atin. Matapos ang mahabang bangungot ay nalampasan rin niya ang lahat at muling nakita at nakasama ang kanyang pamilya. Ngayon ang takdang araw ng kanyang kasal. At dahil sa naka plano na rin noon ang pagpapakasal ng kaibigan niyang sina Kara at Andro ay nagpasya silang idaos ito nang magkasabay. Ang lahat ay masaya sa kanilang paghahanda. Kasalukuyang inaayusan sa isang hotel ang magkaibigan at hihintayin na lamang ng kani kanilang mga groom sa venue ng pagdarausan
Maaga kinabukasan na nagising ang lahat. Nagpasya sina Divina at Red na mag out of town sa Batangas at pormal na maipakilala ang kanilang triplets sa lolo at lola nito na magulang ni Sheena. Kasama nila sina Andro at Kara na ngayon ay magkasintahan na at kasalukuyan na rin na nasa ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis si Kara. Natuwa rin si Divina na talagang naghanda ang tatlong bata ng kani kanilang mga regalo para sa kanilang abwela. Maging siya man ay labis na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito matapos niyang magpakilalang ibang tao rito noon. "Are you ready, ladies? Makikilala nyo na rin ang mga lolo at lola nyo. I'm sure na matutuwa ang mga iyon ng sobra kapag nakita kayo. To the point na maiiyak ang mga 'yon!" ani Kara. "Why naman po Tita Kara?" tanong ni Kylie. "Eh kasi, sa mukha n'yo pa lang maaalala na naman niya sigurado ang mommy n'yo? And syempre baka ma shock 'yun kasi ang alam nila matagal
Nakatali na magkakatabi ang lahat ng tao sa loob ng kanyang bahay. Ang lahat ng kanyang mga katulong at maging ang kanyang mama. Naipon ang mga ito sa pinakagitna ng sala. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na wala roon ang kanyang ama. Nakatayo sa magkabilang dulo nila ang dalawang bantay na may hawak na baril. Habang si Cynthia ay prenteng nakaupo naman sa sala. Bukod sa dalawang ito ay wala na siyang ibang nakita. Naisip niya na kaunting trick lang ay makukuha niya ang mga ito Naningkit ang mga mata ni Red ng makita ito. Naikuyom niya ng kanyang kamao at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. "Anong ginagawa mo sa kanila?" matigas na sabi ni Red. "Wala silang kinalaman sa 'yo pero idinadamay mo!?" "Oppss! Sorry! Hindi ko kasi makita ang mga anak ko, eh! Ayaw naman nilang sabihin sa akin kung nasaan? Kaya 'yan, may parusa sila kasi mga nagsisinungaling sila?" Nakalabi na sabi nito na tila isip bata. Para itong batang
RED "Sigurado at nakahanda na ba ang lahat para sa operasyon? Siguraduhin lang na sana lahat ng pinakamamalaki at pinakamatataas sa kanila ay mahuli!" aniya. "Nakahanda na po lahat, Sir. At bukas ng gabi nakatakdang i- deploy ang lahat ng mga tao natin sa isla bago ang nakatakdang araw ng kanilang shipment. Kumpleto na rin ang lahat ng kasamang escort at back up. Hangga't maari hindi tayo gagamit ng anumang dahas maliban na lamang kung kinakailangan, lalo na at alam naman natin na wala silang sinasanto." Napatango si Red. Bagaman at may kaunting agam agam ay mas mabuti pa rin na magtiwala. Hindi biro ang mga grupong ito na tila nagsanib pwersa para lamang magpabagsak ang tao na alam nilang magiging balakid sa kanilang mga plano para sa hinaharap. Habang nasa gitna ng pag uusap ay nakatanggap ng tawag si Red mula sa hindi kilalang numero. Kunot noo na sinagot niya ito. "Hello?" "Hi! Do you missed me, honey?" sadyang pinalambing n
Pagbukas niya ng pinto ay sandali muna niyang pinakiramdaman kung may tao. At salamat dahil mukhang tahimik ang paligid. Tinungo niya ang kusina ngunit wala doon si Manang Esme. Palabas na siya nang pumasok ang matanda. "May bisita ka ba kagabi, iha?" nakangiting tanong nito. "Ah, opo Manang. Hindi po kasi nakauwi kagabi si Red nung hinatid ako dahil sa lakas ng ulan kaya pinatulog ko na muna sa guest room." "Ganun ba, mabuti na lang at nakapag luto na ako. Sabihan n'yo lang ako kapag gusto n'yo ng kumain." At tinungo nito ang lababo. "Sige po check ko lang po kung gising na si-" sandaling naputol ang kanyang sasabihin ng bumungad si Red sa harapan ng komedor. "Gising ka na pala!" Nakangiti habang ang lakas lakas nang kabog ng dibdib ni Divina na napalingon dito. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatulog dito, pasensya na sa naging abala. Anyway, kailangan ko na rin umalis kasi-" "Mukhang nagmamadali ka? May nangyari ba?" putol ni
Nakaramdam nang lamig sa kanyang likuran si Divina. Hindi niya namalayan na naibaba na pala ni Red ang zipper ng suot niyang gown. Saka lamang siya tila natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Mabuti na lamang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay at walang sino man na nakapansin sa kanila. Naramdaman ni Red ang pagluwag ng kanyang yakap dito kaya ito na rin ang nagkusang huminto sa ginagawa. "Oh, I'm almost lost!" anito at niyakap siya. Muli nitong isinara nang banayad ang zipper ng kanyang damit. "I'm sorry!" he whispered. "It's okay! Ako rin naman muntik nang nakalimot. Ang mabuti pa mauna na rin siguro ako, it's almost late and-" naputol ang iba pa sana nitong sasabihin ng tila maramdaman nila ang ugong sa labas ng bahay. Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ito. "It's raining!" mabilis na sagot ni Divina. Tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana, at nakita nga niya ang malakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng hindi kalakasan na hangin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments