Chapter: Chapter 4Sa huli, wala ring nagawa si Tristan kundi isama sa bar ang dalagang gustong magpalipas ng bagot gamit ang mismong paraang ginagawa niya.Nung una, plano lang talaga niyang makipagkita sa mga kaibigan para pag-usapan ang negosyo. Posibleng uminom sila nang kaunti at sa condo na lang siya matutulog. Pero dahil kasama niya si Soleil, hindi na iyon pwede. Soda na lang ang ininom niya halip na uminom ng alak para makauwi sila nang ligtas."Si Soleil nga pala... kapatid ko." Ipinakilala ni Tristan ang kasama sa matalik niyang kaibigan, kahit hindi niya talaga gustong gawin iyon. Dahil magkaibigan sila, alam na alam niya ang ugali nito pagdating sa mga babae."Soleil, ito si Thomas, kaibigan ko.""Hello, Thomas. Sige lang, mag-usap lang kayo tungkol sa negosyo. Sumama lang ako kay Tristan para magpalipas ng oras." Kumaway siya sa lalaki at ngumiti nang alanganin."Sure, sure. Pero teka... anong kapatid? Huwag mong sabihing totoong kapatid mo siya na anak din ng parents mo?" Pagbibiro ni Tho
Huling Na-update: 2026-09-19
Chapter: Chapter 3Tiningnan ni Tristan ang kanyang cellphone bago ibaling ang tingin sa taong kapapasok lang sa sala galing sa ikalawang palapag.Ang taong sinabi nitong masama ang pakiramdam kanina ay biglang gustong lumabas at nagpapasama pa sa kanya, samantalang kadalasan ay siya ang nag-aaya rito. Nakasuot lang si Soleil ng maluwag na puting t-shirt at shorts na kapareho rin ng kulay. Halatang wala itong ayos o make-up, pero kahit walang kaayos-ayos ang mukha nito, mas maganda at mas kaakit-akit pa ring tingnan ang dalaga kaysa sa ibang babaeng kapal ng kolorete sa mukha."Nakahanda na ako, Tristan.""Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Tristan habang nakatingin sa dalagang tila gustong-gusto nang umalis ng bahay."May plano ka bang umalis ngayong araw, Tristan?”"Magkikita kami ng mga kaibigan ko ngayong hapon.""Saan ba 'yan? Pwede bang pumunta na tayo agad doon? Pagdating ng oras ng usapan niyo, pumunta ka na sa kanila.""Sa city pa 'yon. Kung gusto mong sumama kahit wala ka pang tiyak na pupuntah
Huling Na-update: 2026-09-19
Chapter: Chapter 2Ang almusal sa lamesa ay kasama ang kanilang Lola, si Lola Felly. Kahit lagpas setenta na ang edad nito, malakas at malusog pa rin ang katawan dahil talagang alaga nito ang sarili.Sa kabisera nakaupo si Lola Felly. Sa kanang bahagi naman ang dalawang apo, ang panganay na si Austin Legarda, tatlumpu't apat na taong gulang, at ang bunso na si Tristan Legarda na tatlumpung taong gulang naman. Pareho na silang nakatutok sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Dati, si Austin lang ang nag-iisang humahawak ng lahat, bago sumali si Tristan nang mapagod na ito sa pagta-travel at malayang buhay.Sa kaliwang bahagi naman nakaupo ang mga anak ni Esther. Ilang dekadang nagsilbi si Esther kay Lola Felly bago ito magretiro. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan at minamahal na kasama ng matanda. Subalit namatay si Esther sa isang aksidente sa kalsada noong sumama ito kay Lola Felly sa Baguio. Hanggang ngayon, isinisisi pa rin ng matanda sa sarili ang nangyari, kaya naman inampon nito ang dalawang anak n
Huling Na-update: 2026-09-19
Chapter: Chapter 1Ang payat na katawan ay naitulak pabalik sa loob ng kwarto sa gitna ng madilim na kanang bahagi ng mansyon ng mga Legarda. Pagkasara na pagkasara ng malaking pinto, dahan-dahang inihiga ang maliit at maputing katawan ng dalaga sa malapad na kama. Kasunod nito ang pagdagan ng matangkad at matipunong lalaki na nangangamoy pinaghalong pabango at alak.Agad na sinakop ng lalaki ang kanyang labi, isang halik na marahas at sabik na sabik ang umaangkin doon. Ang pait at tamis ng alak mula sa bibig nito ay nagpalabo sa kanyang isip. Nawalan siya ng lakas lumaban habang ang mga kamay ay malayang gumagapang sa buong katawan niya, kasabay ng pagkahubad ng kanyang mga damit hanggang sa halos wala nang matira sa kanya.Pilit man niyang itinutulak ang lalaki at pinalalayo, hindi na mapigilan ang nagliliyab na pagnanasa ng taong lasing.Gumagapang ang dila nito sa kanyang maputing balat nang walang pinipiling parte. Nagpupumiglas ang dalaga sa ilalim nito pero wala siyang takas. Nagdilim ang kanyang
Huling Na-update: 2026-09-19