author-banner
Arielle Goodnovel
Arielle Goodnovel
Author

Nobela ni Arielle Goodnovel

My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night

My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night

May mga bagay na nagsisimula sa isang pagkakamali na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Nang tuluyang gumapang ang panginginig at matinding init sa katawan ni Yvaine Sapphire Cruz dahil sa kalasingan, hindi niya inakalang ang nagbabagang sensasyong iyon ang maghahatid sa kanya sa bisig ng isang lalaking kailanman ay hindi niya dapat pinagbigyan. Sa pagitan ng malalalim na hininga, mga katawang naglalapit at nagtatagpo, at mga halik na tuluyang lumusaw sa natitira niyang wisyo, nilamon silang dalawa ng isang gabing puno ng pagnanasa. Sa mga sandaling iyon, nawalan ng kabuluhan ang mundo at tanging ang pag-angkin sa isa’t isa ang naging natatanging katotohanan. Ngunit sa pagbasag ng liwanag ng umaga, muling humampas ang totoong buhay. Ang lalaking nakasama ni Yvaine sa gabing iyon ay hindi isang estranghero. Siya ang nakatatandang kapatid ng pinakamalapit niyang kaibigan. At ang mas matindi pa ay ang makapangyarihang CEO na araw-araw niyang kailangang harapin sa trabaho. Si Daemon Alexander Riego. Paano kung ang gabing akala ni Yvaine ay isang malaking pagkakamali lamang ay siya pa lang simula ng isang relasyong hindi niya kailanman dapat pasukin? Dahil may mga gabing maaari mong takasan... ngunit may mga gabing, kahit anong gawin mo, lalagutin ang lahat ng bakas ng kahapon at hindi ka na kailanman papayagang makabalik.
Basahin
Chapter: Chapter 3
Halos buong bahay ng mga Riego ang hinanap ni Brielle para sa nawawalang kuwintas ni Yvaine. Mula sa guest room hanggang sa bawat sulok ng hagdan at sala, pati na rin sa mga lugar na halos hindi naman nito inaakalang pagdadalhan ng kuwintas, isa-isa niyang tiningnan.Ngunit kahit anong paghahanap ang gawin niya, wala talaga siyang makita.Kaya nang wala na siyang ibang mapagpilian, agad niyang sinabi kay Yvaine ang nangyari.“Hindi ko talaga makita,” sabi ni Brielle sa tawag. “Hinahanap ko na sa guest room, sa sala, sa hagdan... wala talaga.”Natigilan si Yvaine sa kabilang linya.Kung hindi naiwan sa guest room ang kuwintas niya, saan pa kaya iyon napunta?Unti-unti niyang naalala ang gabing iyon.Ang kuwarto ni Daemon.Napahawak siya sa noo.Huwag mong sabihing doon talaga nahulog...Kung tutuusin, iyon ang lugar kung saan pinakamalaking posibilidad na naiwan niya ang kuwintas. Mas matagal siyang naroon kaysa sa ibang bahagi ng bahay, ngunit paano naman niya hihilingin kay Brielle n
Huling Na-update: 2026-09-24
Chapter: Chapter 2
Pagkahakbang pa lamang ni Yvaine sa loob ng kanilang bahay, ang una agad niyang ginawa ay dumiretso sa banyo. Hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Brielle bago tumakas sa Riego mansion dahil ang tanging bumubagabag sa isip niya ay ang makalayo roon bago pa siya makasalubong ng kahit kanino o ang mas malala, bago siya tanungin ng mga kasambahay kung bakit hindi siya sa guest room natulog.Pagkapasok na pagkapasok sa banyo, mabilis niyang hinubad ang suot na damit at humarap sa malaking salamin. Nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata nang makita ang sariling repleksyon, magulo ang kaniyang buhok, napakaputla ng mukha, at higit sa lahat, may mga bakas ng pulang marka sa kanyang balat na malinaw na nagpapaalala sa kanya sa bawat detalyeng nangyari kagabi.Napayuko siya at napapikit sa sobrang hiya at pagkabalisa. Sa kanyang isip, muling bumalik ang mga eksena ng nakaraang gabi, ang malamig at seryosong mukha ni Daemon Alexander Riego, ang malalim nitong boses, at ang paraan ng pagha
Huling Na-update: 2026-09-24
Chapter: Chapter 1
Malalim na ang gabi nang tuluyang lumubog sa kabihasnan at katahimikan ang napakalawak na mansyon ng mga Riego. Sa loob ng isang dim-lit at marangyang silid, gusot ang kumot sa kama habang dalawang nag-iinit na katawan ang patuloy na nagtatagpo at naglalapit sa isa't isa, kapwa ganap na nilalamon ng isang gabing hindi na kailanman mabubura sa kanilang memorya.“Pakiusap... huwag...” mahina, nanginginig, at hapay na pagsusumamo ni Yvaine Sapphire Cruz. Pilit niyang hinawakan ang mga matitigas na kamay ng lalaking nakapaibabaw sa kanya. Nanlalabo at nagmamasid ang kanyang mga mata dahil sa namumuong init ng mga luha, habang ang buong katawan niya ay nanghihina at tila nawalan na ng sariling kontrol.Napakalakas ng pangangatawan ng lalaki. Sa bawat paggalaw at pagdaiti nito, ramdam ni Yvaine ang kakaibang lakas na imposible niyang mapantayan. Kahit anong piglas niya ay tila hangin lamang sa lalaki, lalo pa’t naghahalo ang lason ng alak at ang panggagahum ng kakaibang init sa kanyang isi
Huling Na-update: 2026-09-24
Maaari mong magustuhan
When You Were Mine
When You Were Mine
Romance · QueenVie
4.5K views
How To Catch A Billionare
How To Catch A Billionare
Romance · LiaCollargaSiyosa
4.5K views
He Rejected My Marriage Proposal
He Rejected My Marriage Proposal
Romance · Divine Lucienne
4.5K views
It's You
It's You
Romance · JuannaMayo
4.5K views
Debt Exchange
Debt Exchange
Romance · eysteambun
4.5K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status