Share

Chapter 2

last update publish date: 2026-09-24 15:09:43

Pagkahakbang pa lamang ni Yvaine sa loob ng kanilang bahay, ang una agad niyang ginawa ay dumiretso sa banyo. Hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Brielle bago tumakas sa Riego mansion dahil ang tanging bumubagabag sa isip niya ay ang makalayo roon bago pa siya makasalubong ng kahit kanino o ang mas malala, bago siya tanungin ng mga kasambahay kung bakit hindi siya sa guest room natulog.

Pagkapasok na pagkapasok sa banyo, mabilis niyang hinubad ang suot na damit at humarap sa malaking salamin. Nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata nang makita ang sariling repleksyon, magulo ang kaniyang buhok, napakaputla ng mukha, at higit sa lahat, may mga bakas ng pulang marka sa kanyang balat na malinaw na nagpapaalala sa kanya sa bawat detalyeng nangyari kagabi.

Napayuko siya at napapikit sa sobrang hiya at pagkabalisa. Sa kanyang isip, muling bumalik ang mga eksena ng nakaraang gabi, ang malamig at seryosong mukha ni Daemon Alexander Riego, ang malalim nitong boses, at ang paraan ng paghawak at pag-angkin nito sa kanya...

Hindi niya kailanman akalaing ang lalaking palagi niyang nakikitang pormal, nakasuot ng maayos na suit, at laging kalmado sa harap ng maraming tao, ay magiging ganoon kabangis at kainit kapag silang dalawa na lamang.

“Diyos ko...” bulong niya habang itinatakip ang dalawang kamay sa mukha.

Ayaw na niyang alalahanin pa.

Pumasok siya sa shower at binuksan ang malamig na tubig, umaasang kahit paano ay maiwawaglit nito ang matinding bigat na kumakain sa kanya. Ngunit habang hinuhugasan niya ang sariling katawan, bigla siyang natigilan nang tumama sa kanyang kamalayan ang isang kaisipang mas lalong nagpadala ng matinding takot sa kanya.

Hindi gumamit ng proteksiyon si Daemon.

Biglang namutla si Yvaine.

“Paano na ’to?”

Mabilis na gumana ang kanyang isip. Ayaw niyang harapin ang pinakamalalang posibleng mangyari, kaya napagdesisyunan niyang dumaan agad sa pinakamalapit na botika mamaya upang bumili ng contraceptive bilang pag-iingat. Hindi man niya gustong tanggapin ang nangyari, mas ayaw niyang magsisi sa huli.

Maya-maya pa, biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone mula sa labas ng banyo.

Napabuntong-hininga siya nang marinig ang ringtone. Paglabas niya at pagtingin sa screen, agad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ni Brielle.

“Hello?”

“Yvaine! Nasaan ka na ba?” bungad agad ni Brielle sa kabilang linya. “Hinahanap kita kanina pa! Pati sa guest room, wala ka. Tiningnan ko na nga sa kung saan-saan, pati sa dog kennel, pero hindi talaga kita makita!”

Napakagat-labi si Yvaine. Buti na lang at hindi nito nalaman kung saan talaga ako natulog kagabi.

“Umuwi na ako,” mabilis niyang sagot, pilit na pinatitino ang boses. “May... may bigla kasi akong kailangang asikasuhin.”

“Umuwi ka nang hindi man lang nagpapaalam?”

“Sorry na. Hindi ko na rin kasi alam kung anong oras ako nakauwi.”

Napatawa si Brielle sa kabilang linya. “Akala ko nga naiwan kita kung saan-saan kagabi. Baka sa isang sulok ka na lang natulog nang hindi ko napansin.”

Napapikit nang mariin si Yvaine.

Kung alam mo lang, Brielle... Hindi ako sa sulok natulog. Sa mismong kama ng kuya mo ako napunta. At mas malala pa roon, hindi lang ako basta natulog...

“Ayos ka lang ba?” tanong muli ni Brielle. “Nakauwi ka naman nang maayos?”

“Oo,” mabilis niyang sagot. “Okay lang ako. Nakapagpahinga naman ako.”

Pagkasabi niya noon, hindi niya maiwasang maalala ang bawat paghawak sa kanya kagabi. Biglang uminit ang kanyang mukha at napalunok siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib.

“Talaga?” tanong ni Brielle. “Mukhang pagod na pagod ka kasi kagabi.”

“Okay lang talaga ako,” ulit niya. “May gagawin lang talaga ako ngayon.”

“Fine. Tawagan na lang kita mamaya.”

“Sige.”

Mabilis na pinutol ni Yvaine ang tawag at napahawk sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga siya nang maluwag nang mapagtantong hindi man lang naghinala ang kaibigan.

Hindi niya alam na habang kausap niya ang kanyang matalik na kaibigan, nasa iisang bahay pa rin pala ito at nakatayo katabi ng lalaking pilit niyang iniiwasang maalala.

Sa kabilang kuwarto sa mansyon, nakatayo si Daemon habang tahimik na nakikinig sa usapan.

Pagkababa ni Brielle ng cellphone, agad itong napatingin sa kanya. “Nakikinig ka ba sa usapan namin?”

“May nakita ka na bang taong palihim na nakikinig nang ganoon ka-open?” malamig na pabalang na tanong ni Daemon.

Kumunot ang noo ni Brielle. “Kung hindi ka nakikinig, bakit nandito ka pa?”

Hindi sumagot si Daemon. Sa halip, bahagya niyang hinawakan ang gilid ng kanyang leeg nang makaramdam ng kakaibang hapdi roon.

Pagtingin niya sa salamin sa gilid, nakita niya ang ilang mapupulang kalmot at marka sa kanyang balat.

Biglang bumalik sa kanyang isip ang isang malinaw na eksena kagabi, ang babaeng umiiyak sa harap niya, ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat, at ang mga kuko nitong baon na baon sa kanyang balat habang ibinibigay ang lahat.

Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang hindi niya namamalayan.

“May ligaw na pusa sigurong dumaan kagabi,” sabi niya.

“Pusa?” agad na tanong ni Brielle, naguguluhan. “Saan naman galing ang pusa sa loob ng kuwarto mo?”

“Hindi mo kailangang malaman.”

“Kuya!”

“Bumalik ka na sa kuwarto mo. Huwag mo akong istorbohin.”

Hindi na siya hinintay ni Daemon na makasagot pa. Isinara niya ang p***o at iniwan si Brielle na nakatayo sa labas.

Pagkasara ng p***o, saka siya napabuntong-hininga habang inililibot ang tingin.

Magulo pa rin ang buong kuwarto. Kalat sa sahig ang mga damit, gusot ang kumot, at malinaw na hindi pangkaraniwan ang hitsura ng kanyang silid. Sanay si Daemon na laging maayos at organisado ang lahat ng gamit niya, kaya nagsimula siyang magligpit nang walang imik.

Habang inaayos niya ang malaking kama, bigla niyang napansin ang isang maliit ngunit mapulang mantsa sa puting kumot.

Natigil ang kanyang kamay.

Sandali niya iyong pinagmasdan nang may malalim na pag-iisip bago niya kinuha ang kumot at maingat na tinupi. Sa halip na ipagawa iyon sa kasambahay, itinabi niya ito nang siya mismo ang nag-aayos—na para bang ayaw niyang may ibang makakita ng anumang bakas mula sa gabing iyon.

Ngunit bago niya tuluyang mailigpit ang kumot, may isang maliit na bagay na tumaginting at nahulog mula rito patungo sa sahig.

Isang maliit na kuwintas.

Pinulot iyon ni Daemon at maingat na pinagmasdan sa kanyang palad. May nakakabit doon na kulay berdeng bato na hugis patak ng luha, at kahit simple ang disenyo nito, halatang mahalaga at antigo ang kuwintas.

‘Sa kanya kaya ’to?’

Agad niyang naalala ang babaeng kasama niya kagabi.

Yvaine Sapphire Cruz.

Marahil ay nahulog ito mula sa leeg nito sa kalagitnaan ng nangyari kagabi.

Ipinasok ni Daemon ang kuwintas sa bulsa ng kanyang pantalon. Balak niya itong isauli kapag nagkaharap silang muli ni Yvaine.

Samantala, matapos maligo at magbihis, agad na lumabas ng bahay si Yvaine upang pumunta sa pinakamalapit na botika.

Hindi siya mapakali habang nakatayo sa harap ng counter. Paulit-ulit niyang iniisip sa kanyang ulo kung paano niya sasabihin sa pharmacist ang kailangan niya nang hindi halatang nahihiya o natataranta.

“Miss, ano po ang kailangan ninyo?” tanong ng pharmacist.

“Contraceptive po...”

Bahagyang yumuko si Yvaine habang sinasabi iyon, at lalo siyang nahiya nang maramdaman niyang umiinit ang kanyang buong mukha.

“Emergency contraceptive po ba?”

“Opo.”

Kinuha ng pharmacist ang gamot at inilapag sa harap niya. Pagkatapos, napansin nito ang bahagyang pag-iwas ni Yvaine ng tingin at ang paraan ng paggalaw nito na para bang may iniindang sakit sa ibabang bahagi ng katawan.

“May masakit po ba sa inyo?”

“A-ah, wala naman po.”

“Sigurado po kayo?”

“Opo.”

Hindi na nagtanong pa si Yvaine. Kinuha niya rin ang isang ointment para sa pamamaga at pananakit, saka mabilis na nagbayad.

Bago siya tuluyang umalis, mahinahong nagpaalala ang pharmacist, “Huwag po ninyong madalas gamitin ang emergency contraceptive kung hindi naman kailangan. May mga epekto rin po iyon sa katawan. Sa susunod, mas mabuting gumamit ng protection.”

Namula lalo ang mukha ni Yvaine sa matinding hiya. “Opo...”

Paglabas niya ng botika, halos gusto na niyang tumakbo pabalik sa bahay. Sa buong buhay niya, hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na bibili siya ng ganitong uri ng gamot dahil sa isang gabing hindi man lang dapat nangyari.

Pagdating sa bahay, agad niyang ininom ang gamot at ipinahid ang ointment sa mga bahaging kumikrot. Pagkatapos, gumawa siya ng instant noodles dahil wala siyang lakas o gana na magluto, ngunit ilang subo pa lamang ay naramdaman na niyang bumibigat ang kanyang mga pilikmata sa matinding pagod.

Pagkatapos kumain, dumiretso siya sa kama at humiga.

Tahimik ang buong kuwarto, ngunit patuloy na nagwawala ang kanyang isip.

Napahawak siya sa kanyang collarbone nang bigla niyang maramdaman na parang may kulang doon.

Napatayo siya nang mabilis.

“Sandali...”

Hinawakan niya ang kanyang leeg at saka niya tuluyang napagtanto ang nawawala.

Wala ang kanyang kuwintas.

Napaupo siya sa gilid ng kama at mabilis na hinanap ang kuwintas sa paligid ng silid. Nang wala siyang makita kahit saan, lalo siyang kinabahan at tinakasan ng kulay.

Napakahalaga ng kuwintas na iyon sa kanya.

Ibinigay iyon sa kanya ng kanyang ina noon. Ayon dito, ang kuwintas ay dating pag-aari ng kanyang lolo at ipinasa sa kanyang ina bilang regalo noong bata pa ito. Kaya naman, ipinagkatiwala rin iyon ng kanyang ina kay Yvaine bilang isang mahalagang pamana na dapat niyang ingatan.

Sinabi rin ng kanyang ina na kapag umabot siya sa dalawampu't limang taong gulang na hindi pa kasal, maaaring may dumating na lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya. Kung ayaw niya sa taong iyon, maaari niyang isauli ang kuwintas at huwag tanggapin ang alok.

Kaya kahit hindi niya iyon palaging isinusuot sa araw-araw, maingat niya itong iniingatan sa kanyang lagayan. Kagabi lamang niya iyon sinuot dahil bukas ang neckline ng kanyang damit at gusto niyang magkaroon ng kaunting palamuti sa leeg para sa birthday ni Brielle.

At ngayon ay nawawala ito.

“Baka naiwan ko sa bahay nila Brielle...”

Biglang bumalik sa kanyang isip ang silid ni Daemon.

Ang gusot at magulong kama. Ang mga damit na nakakalat sa sahig. At ang lahat ng naganap sa pagitan nila.

Napahawak siya sa kanyang noo habang mabilis ang tibok ng dibdib.

Posibleng-posible na doon niya talaga naiwan ang kuwintas.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang lumang larawan kung saan makikita ang itsura ng kuwintas, saka ipinadala iyon kay Brielle.

Yvaine: Brielle, nakita mo ba ’to? Baka naiwan ko sa bahay ninyo kagabi.

Ilang sandali lamang ang lumipas bago tumunog ang kanyang telepono para sa sagot.

Brielle: Oo, alam ko ’yan. Sige, hahanapin ko. Baka naiwan mo kung saan.

Napabuntong-hininga si Yvaine nang may kaunting relief.

Yvaine: Thank you. Please, hanapin mo talaga. Mahalaga sa akin ’yan.

Brielle: Sige na. Ako na bahala.

Matapos ibaba ang cellphone, muling humiga si Yvaine sa kama. Sa wakas, nakahinga siya nang kaunti at ipinikit ang mga mata.

Akala niya, ang kuwintas lamang ang kailangan niyang mabawi.

Hindi niya alam na sa mismong oras na iyon, nasa loob na ng bulsa ng pantalon ni Daemon Alexander Riego ang bagay na desperado niyang hinahanap. At hindi niya rin alam na ang maliit na kuwintas na iyon ang magiging susi na muling magdurugtong sa kanilang dalawa, sa paraang hindi niya kailanman maiiwasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night    Chapter 3

    Halos buong bahay ng mga Riego ang hinanap ni Brielle para sa nawawalang kuwintas ni Yvaine. Mula sa guest room hanggang sa bawat sulok ng hagdan at sala, pati na rin sa mga lugar na halos hindi naman nito inaakalang pagdadalhan ng kuwintas, isa-isa niyang tiningnan.Ngunit kahit anong paghahanap ang gawin niya, wala talaga siyang makita.Kaya nang wala na siyang ibang mapagpilian, agad niyang sinabi kay Yvaine ang nangyari.“Hindi ko talaga makita,” sabi ni Brielle sa tawag. “Hinahanap ko na sa guest room, sa sala, sa hagdan... wala talaga.”Natigilan si Yvaine sa kabilang linya.Kung hindi naiwan sa guest room ang kuwintas niya, saan pa kaya iyon napunta?Unti-unti niyang naalala ang gabing iyon.Ang kuwarto ni Daemon.Napahawak siya sa noo.Huwag mong sabihing doon talaga nahulog...Kung tutuusin, iyon ang lugar kung saan pinakamalaking posibilidad na naiwan niya ang kuwintas. Mas matagal siyang naroon kaysa sa ibang bahagi ng bahay, ngunit paano naman niya hihilingin kay Brielle n

  • My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night    Chapter 2

    Pagkahakbang pa lamang ni Yvaine sa loob ng kanilang bahay, ang una agad niyang ginawa ay dumiretso sa banyo. Hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Brielle bago tumakas sa Riego mansion dahil ang tanging bumubagabag sa isip niya ay ang makalayo roon bago pa siya makasalubong ng kahit kanino o ang mas malala, bago siya tanungin ng mga kasambahay kung bakit hindi siya sa guest room natulog.Pagkapasok na pagkapasok sa banyo, mabilis niyang hinubad ang suot na damit at humarap sa malaking salamin. Nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata nang makita ang sariling repleksyon, magulo ang kaniyang buhok, napakaputla ng mukha, at higit sa lahat, may mga bakas ng pulang marka sa kanyang balat na malinaw na nagpapaalala sa kanya sa bawat detalyeng nangyari kagabi.Napayuko siya at napapikit sa sobrang hiya at pagkabalisa. Sa kanyang isip, muling bumalik ang mga eksena ng nakaraang gabi, ang malamig at seryosong mukha ni Daemon Alexander Riego, ang malalim nitong boses, at ang paraan ng pagha

  • My Best Friend’s Brother Became My Boss After One Night    Chapter 1

    Malalim na ang gabi nang tuluyang lumubog sa kabihasnan at katahimikan ang napakalawak na mansyon ng mga Riego. Sa loob ng isang dim-lit at marangyang silid, gusot ang kumot sa kama habang dalawang nag-iinit na katawan ang patuloy na nagtatagpo at naglalapit sa isa't isa, kapwa ganap na nilalamon ng isang gabing hindi na kailanman mabubura sa kanilang memorya.“Pakiusap... huwag...” mahina, nanginginig, at hapay na pagsusumamo ni Yvaine Sapphire Cruz. Pilit niyang hinawakan ang mga matitigas na kamay ng lalaking nakapaibabaw sa kanya. Nanlalabo at nagmamasid ang kanyang mga mata dahil sa namumuong init ng mga luha, habang ang buong katawan niya ay nanghihina at tila nawalan na ng sariling kontrol.Napakalakas ng pangangatawan ng lalaki. Sa bawat paggalaw at pagdaiti nito, ramdam ni Yvaine ang kakaibang lakas na imposible niyang mapantayan. Kahit anong piglas niya ay tila hangin lamang sa lalaki, lalo pa’t naghahalo ang lason ng alak at ang panggagahum ng kakaibang init sa kanyang isi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status