Chapter: CHAPTER 43Napakabilis nang mga pangyayari. Si Amara malakas na napasigaw at mariing naipikit ang mga mata. Napahagulhol siya dahil sa pag-aakalang si Zach ang nabaril. Samantalang, nagtaas-baba naman ang dibdib ni Zach, hinihingal siya. Hindi kaagad naka-react. Nangunot ang noo niya habang nakatutok ang mga mata sa duguang katawan ni Rain na nakatihaya sa malamig na sahig. Mabagal ang pagpatak ng dugo mula sa ulo nito, gumuguhit pababa sa tiles. At ang mga mata mulat na nakatingin sa kanya. “W–What the—” natigagal ang isa sa mga tauhan at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng putok. Akmang magsitakbuhan ang mga tauhan ni Rain ngunit kaagad din natigil nang may biglag sumingaw. “Stop! Huwag kabg gagawalaw. Kung ayaw ninyong sasabog ang iyong mga bungo!” puno nang pagbabanta. Isang sunod-sunod na malalakas na mga yabag ang bumungad mula sa itim na pasilyo. Kasunod noon ay rumagasa ang tatlong armadong lalaki na naka-tactical suit. Mga pulis iyon ngunit natatago bilang civilian para hin
Huling Na-update: 2025-11-21
Chapter: chapter 42“Don't be too rush, my darling. Don't worry, you have my word.” Nakangising pigil ni Rain kay Zach. Ngunit may kutob siyang hindi tutupad ang baliw na babae sa pangako nito. Ang mga ganitong klaseng tao ay hindi dapat pagkatiwalaan. Nangangalit ang kanyang panga sa nakikitang hitsura ng kanyang mag-ina. Mas lalo pang sumiklab ang galit ni Zach nang makita ang sugatan na mukha ng asawa. May mga dugong nagkalat sa pisngi nito. Hindi niya ma-imagine ang hirap na pinagdaanan nito. Nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan pati ang mga paa. Ang ikinatatakot niya, baka napaano ang kanilang anak na sinapupunan ng asawa. “What did you do to my Amara? Bakit siya may sugat sa mukha? Sumagot ka, Rain! Ano ang ginawa mo sa kanya?!” Hindi maitago ang galit ni Zach. Kaagad siyang tinutukan ng baril ng dalawang lalaking sumalubong sa kanya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi mas lalong malagay sa panganib ang kanyang mag-ina. “Ouch! Na-hurt naman ako. You really love that bitch, huh!
Huling Na-update: 2023-08-21
Chapter: chapter 41Chapter 41“Zach, apo. Iligtas mo ang iyong mag-ina. Hindi na ako makakatulog baka ano na ang ginawa ni Rain sa kanila.” Humahagulhol na saad ni Olivia. Puno ng pagmamakaawa sa kanya. “Huwag kayong mag-aalala. I will do everything to get them back. Hindi ko hahayaan na sasaktan sila ni Rain.” paninigurado ni Zach sa matanda. Totoong gagawin niya ang lahat para mabawi lang sila sa kamay ng baliw na babae. Tumunog ang kanyang cellphone at ganoon na lamang ang pagngingitngit niya ng galit dahil si Rain na naman ang tumawag. Pangatlong araw na ito simula nang kinuha ng baliw ang kanyang mag-ina. Gustuhin man niya na kumilos at mabawi agad sina Amara at Amythyst ngunit pinigilan siya ni Corporal General Montes ang kanyang ninong. Hindi pwedeng magpadalos-dalos siya ng gagawin kailangan nila ng matinding plano.“Na saan ka na? Kanina pa ako naghihintay sa’yo! Ano? Nagbago na ba ang isip mo, Love? Madali lang naman akong kausap. Maghintay ka lang diyan at ipapadala ko sa’yo ang ulo ng aha
Huling Na-update: 2023-02-13
Chapter: Chapter 40“Tulong! Tulungan ninyo kami!” buong lakas na sigaw ni Amara. Nagbabakasaling may makarinig sa kanya at tulungan sila. Ngunit halos mapaos na ang kanyang tinig sa kakasigaw ngunit wala pa rin tulong na dumating. Kung saan man sila dinala ni Rain ’yan ang hindi niya alam dahil may piring ang kanilang mga mata nang sapilitan silang isinakay sa puting van na sinakyan ni Rain at ng kanyang mga tauhan. Ngunit nakakasigurado siyang isang luma at abandunadong gusali ang kanilang kinalalagyan dahil sa bitak-bitak na ang semento ng dingding.“Mommy, I’m scared.” lumuluhang saad ng kanyang anak. Kahit nakatali ang kamay at paa. Pinipilit niyang abutin ang munting kamay ni Amythst para kahit papaano maibsan ang takot na nararamdaman nito. .“Don’t worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pa babayaan. Makakaalis din tayo rito.” Halos maiyak na si Amara dahil sa kanilang sitwasyon ngunit kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili para sa kanyang anak at magiging anak na nasa kanyang sinapupunan.
Huling Na-update: 2023-01-16
Chapter: Chapter 39Kanina pa naghihintay si Zach sa venue ng kanilang pren-up photo shot. Nauna na siyang dumating dito dahil may kailangan pa siyang ayusin. Hindi naman siya nangangamba tungkol sa sinasabi sa kanya ni Japeth dahil may driver at body guard siyang magcharge kay Amara. Galing ito sa security agency ng kanyang pinsan kaya nakakasigurado siyabg well trained ang nakuha niyang body guard para protektahan ang kanyang mag-ina.“Sir, hindi pa ba dumating si Ma’am?” tila nawalan na ng pasensiyang tanong ulit ng kanilang photographer. Kapansin-pansin ang pagkainisp nito dahil sa pabalik-balik itong sumilip sa relong pambisig na suot. Mga ilang oras na rin kasi itong naghihintay, kita na rin ang inis sa mukha nito. Alas diyes ng umaga mag-uumpisa ang kanilang pren up pero mag-aalas dose na hindi pa rin dumarating si Amara.“Just hold on a minute. I'm sure that they're on the way. Masyado lang mabigat ang traffic kaya matagal nakakarating,” pakiusap ni Zach sa photographer. Natawagan na niya si Lo
Huling Na-update: 2023-01-14
Chapter: Chapter 38“What about this design, hija. I think mas bagay ito sa iyo.” Mabining tinanggap ni Amara ang catalog ng wedding gown design na gawa mismo ng isa sa mga kilalang fashion designer ng bansa. Nais ni Amara na simpleng gown lamang ang kanyang isusuot sa kanilang kasal, but Zach insisted na magpapagawa sila ng sarili niyang traje de boda, he want's their wedding so special. At sinang-ayonan naman din ito ni Donya Felimina. Kaya wala na siyang say sa desisyon nito. Alam din naman niya na nais lang nito na mabigyan ang kanyang apo ng best wedding. Ipinakita niya iyon kay Zach para hingin ang approval nito. Ngunit matamis na ngiti lang ang ibinigay sa kanya sabay hapit sa kanyang baywang. “Kahit ano'ng mapipili mo, Sweety. I'm pretty sure na lahat sila babagay sa'yo. My soon to be Mrs. Monterde.” Isang matunog na halik sa pingi ang iginawad nito sa kanya naikinapula naman ni Amara dahil nabaling sa kanila ang pansin ng lahat ng kanilang mga kasamahan. Lalo na at sa harap ni Donya Felimina ka
Huling Na-update: 2022-11-18
Chapter: CHAPTER 7NAGULAT SI PALOMA nang maramdaman niya ang malambot na dampi ng labi ni Kenneth sa tuktok ng kanyang balikat. Para bang hinahaplos ng init ang bawat parte ng kanyang katawan, at unti‑unting lumalambot ang natitirang lakas ng kanyang tuhod.“K‑Kenneth… tama na…” mahina pero nanginginig niyang pakiusap. Pinipilit niyang pigilan ang sarili kahit ang totoo nagsimula na rin siyang madarang. Mariing ipinikit ni Paloma ang kanyang mga mata at nagsimulang huminga siya nang malalim. Pero habang hindi pa siya nalulunod sa ipinapatikim sa kanya ni Kenneth sinubukan niyang itulak palayo sa kanya. Pero habang itinutulak niya ito, mas lalong diniinan nito ang labi sa kanyang balat. Mahigpit na hinapit ang kanyang maliit na beywang dahilan para mas lalong nagdikit ang kanilang katawan. “K-Ke, hmmp,” maliit na halinghing ang kumawala sa kanyang bibig ngunit pilit niyang nilabanan ang sensasyong dulot ng mga halik ng kanyang asawa.“T-tama na, please,” pakiusap niya ngunit tila hindi man lang siya n
Huling Na-update: 2025-11-21
Chapter: Chapter 6chapter 6NAPAKAPIT NG MAHIGPIT si Paloma sa leeg ni Kenneth dahil baka mawalan na siya ng lakas dahil sa sobrang panghihina ng kanyang mga tuhod. Hindi ito unang pagkakataon na napalapit siya ng husto sa asawa pero para sa kanya kakaiba ang pagkakayakap nito ngayon. Marahan at tila may pag-iingat. Hindi katulad noon na wala itong pakialam kung nasasaktan man siya o hindi. At dahil sa ginawa ng binata mas lalong nagwawala ang kanyang puso. Nakalimutan na niya ang sakit ng kanyang anit dahil sa pagkakasubunot sa kanya ni Tricia. Hindi na nga niya naisip kung paano siya sinaktan at pinagmukhang tanga ni Kenneth. Narinig niya ang malakas na tambol ng kanyang puso na tila ba may nagpaparada sal loob ng kanyang dibdib. Naipikit niya ang kanyang mga mata nang nalanghap niya ang amoy alak nito hininga na tumama sa kanyang mukha. Ngunit mas nangingibabaw pa rin ang natural na amoy ng asawa.Mabilis niyang iniiwas ang kanyang mukha nang akmang hahalikan siya ni Kenneth. Hindi sa ayaw niya an
Huling Na-update: 2022-10-05
Chapter: Chapter 5Chapter 5NAPAHIYAW si Paloma dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya matatanggal na ang anit ng kanyang ulo dahil malakas na sinabunutan ang kanyang buhok. Hindi niya magawang manlaban dahil sa nakatalikod siya rito. “How dare you slut! Kakalbohin kita!” Mang-aagaw!” nanggagalaiting sigaw ng babae sa kanya.“Tama na! Bitawan mo ako!” Mangiyak-ngiyak niyang saad pero hindi pa rin nagpatinag ang babae. Puno ng pagmamakaawang tumingin siya kay Kenneth para humingi ng tulong. Pero tila bulag si Kenneth, parang hindi siya nakitang nasasaktan. Prenti lamang nakaupo sa kanilang sofa at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hinayaan lang nito ang babae na sinasaktan siya.Tumutulo ang kanyang luha hindi dahil sa sakit ng kanyang anit pero mas ramdam pa niya ngayon ang sakit sa kanyang dibdib dahil sa ginawang pambabalewala ni Kenneth sa kanya. Kahit pasiguro mamatay siya sa harapan ng lalaki balewala pa rin ito sa kanya. Mas ikakasaya pa nga siguro nito kapag nawala na siya sa buha
Huling Na-update: 2022-10-02
Chapter: chapter 4 true beautyNagising si Paloma dahil sa malakas na tunog nang pagbagsak nang pintuan. Kahit nanghihina ang kanyang katawan pinipilit niyang iminulat ang mga mata. Bahagya pa niya itong kinusot-kusot. Tumambad sa kanya ang galit na anyo at nagbabagang titig ni Kenneth. Sinipat niya ang bilog na orasan na nakasabit sa dingding gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Alas nuebe na ng umaga. “Bumangon ka riyan! Huwag kang feeling senyorita, wala ka sa pamamahay mo! This is my house, kaya nararapat lang na babayaran mo ang pagpapatira ko sa iyo!”Nanghihinang tingnan niya ang binata. Kahit gustuhin man niyang bumangon pero hindi niya magawa dahil sa talagang nanghihina ang kanyang katawan, sumasakit ang ulo niya gawa siguro ito sa pagpapalipas niya ang nanggutom. At mukhang lalagnatin pa siya ngayon.“Ano? Tutunganga ka lang ba r'yan? Tirik na tirik na ang araw nakahilata ka pa riyan! Get up and cook something. Hindi pa ako kumakain at mamaya darating si Tricia!”Napalunok si Paloma sa nari
Huling Na-update: 2022-07-26
Chapter: chapter three/PainfulPALOMAIlang buwan na rin ang nakalipas nang maikasal kami ni Kenneth at hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Malamig pa rin ito sa akin. Na tila hangin pa rin ako sa kaniyang paningin at may pakinabang lang ako sa kaniya pagdating sa kama. Si mommy laging nangungumusta sa akin at kung naka adjust na ba ako sa buhay na may asawa. Kahit gusto kong umiyak at magsumbong kay mommy na hindi ako okay. Pero na natiling tikom ang bibig ko. Ayaw kong mapasama sa mga magulang ko si Kenneth.Ngunit kahit sa kabila na hindi maganda ang trato nito sa akin masaya na rin ako dahil naibigay ko ang pangangailangan niya. Naibigay ko sa kanya ang responsibilidad ko bilang isang asawa. Na kahit na hindi pangalan ko ang binabanggit nito sa bawat pag-angkin nito sa akin. Ngunit may dulot pa rin itong kakaibang ligaya sa akin sa bawat haplos ng kanyang maiinit na palad sa hubad kong katawan ay nakakalimutan kong napipilitan lang siyang nagpakasal sa akin. Oo, aaminin ko masakit. Sobrang sa
Huling Na-update: 2022-06-28
Chapter: chapter two/marriagePALOMANAGISING ako dahil nakaramdam ako nang panlalamig sa aking katawan. Napalakas yata ang pagbukas ko ng aircon kagabi. Gustuhin ko man bumangon para patayin ang aircon pero mabigat pa rin ang talukap ng aking mga mata nang iminulat ko ito. Kaya kaagad din akong napapikit muli dahil sa nalililo pa rin ako.Dahil sa kagustohan kong mawala ang sakit na aking nararamdaman kagabi hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom kong alak. Unang pagkakataon akong makatikim ng nakakalasing kaya madali ang epekto nito sa akin. Mabuti na lang at nakauwi pa ako ng bahay na hindi nahuhuli nila Mommy, at Daddy lalo na kay lola kung hindi sangkatutak na sermon ang matatanggap ko.Muli akong igunupo ng antok. Isiniksik ko ang aking katawan sa mainit na bagay sa aking likuran. Hmp, ang sarap naman bumalik sa pagkatulog. Babalik na sana ako sa pagkatulog nang maramdaman ko na may gumalaw sa aking likuran at may matigas na bagay nakatutok sa aking bandang puwitan. Kaagad nagising ang inaantok k
Huling Na-update: 2022-06-28