Chapter: Kabanata 5VANESSAMakalipas ang tatlong araw mula nang makita ko si Lyca na nakayakap kay Valerian sa loob ng bahay namin, sinubukan kong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay tuwing hapunan at hindi na rin ako naghanda ng pagkain para sa aming dalawa dahil naisip kong wala namang saysay ang pagod ko kung hindi rin naman niya ito pinahahalagahan.Sa halip na abangan ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ginagawa ko na lamang ang sarili kong routine. Kumakain ako nang mas maaga, nagbabasa ng reports tungkol sa farm, at pumupunta sa kuwarto kapag tapos na ang mga kailangan kong gawin. Sinikap kong huwag isipin kung anong oras siya umuuwi o kung may kasama na naman ba siyang ibang babae, dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan kapag patuloy kong pinapakialaman ang mga bagay na hindi naman niya ipinapaliwanag sa akin.Nang gabing iyon, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng isang palabas sa telebisyon. Nakaharap ang mga mata ko sa screen, pero hindi ko maintindihan ang
Última actualización: 2026-10-08
Chapter: Kabanata 4VANESSATanghali na nang tuluyan akong magising. Ilang sandali akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit agad kong napansin na wala na roon si Valerian. Maingat akong bumangon at inayos ang kumot bago ko kinuha ang robe ko at lumabas ng kuwarto.Pagdating ko sa hallway, nakita ko ang isa sa mga kasambahay na naglilinis sa labas ng guest room. Agad ko siyang tinanong kung nakita niya si Valerian at kung umalis na ba ito ng bahay. “Pumasok na po siya ma'am. Maaga pong umalis si sir.”“Ah ganoon ba? Wala man lang ba siyang sinabi sa iyo? Mga binilin?”“Wala po, ma'am. Basta, pagkalabas po niya ng kuwarto ninyo…diretso na po siya agad sa sasakyan niya sabay alis.”Napabuntong-hininga ako. Ganito naman palagi kapag may nangyayari sa namin ni Valerian. Pagkatapos naming magtalik, kinabukasan ay babangon siyang parang walang nangyari at aalis nang hindi man lamang ako kinakausap tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin.“Talagang lasing lang siya no'n a
Última actualización: 2026-10-08
Chapter: Kabanata 3VANESSA“Valerian…matulog ka na. Bitawan mo na ako,” nanginginig ang boses kong sabi.Pero imbes na bitawan, mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa tatlong taon naming nagsama bilang mag-asawa, bilang na bilang ko lang kung ilang beses kaming nagtalik. At nangyayari iyon lang iyon kapag lasing siya.Nanlaki ang mga mata ko nang imulat niya ang mga mata niya. At pagkatapos, bigla na lang siyang gumalaw at sa isang iglap, siya na ang nasa ibabaw ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago ako siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakagalaw. Pero ilang sandali pa ay sinundan ko na ang galaw ng labi niya. Aminado akong sabik ako sa ganitong pagkakataon. Lalo pa't kailangan ko rin ito bilang asawa niya. Pero bihirang-bihira niya lang itong maibigay sa akin dahil hindi ako ang mahal niya.“Ah….” Napaungol ako nang maghiwalay ang aming mga labi. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at
Última actualización: 2026-10-08
Chapter: Kabanata 2VANESSAMaaga akong nagising kinabukasan kahit na inaantok pa ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong ngiti ni Valerian habang may kausap sa cellphone. Pero ayokong magsimula ng panibagong araw na nakahiga lamang. At iniisip kung sino ang kausap niya. Bumangon ako, inayos ang sarili, at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.Nagluto ako ng garlic rice, scrambled eggs, bacon, at pancakes dahil iyon ang ilan sa mga pagkaing alam kong kinakain niya bago pumasok sa kumpanya. Habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa, pilit kong iniiwasang maalala ang sinabi ni Ysa tungkol sa aming pagsasama. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ring mahalin ako ni Valerian.Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksiyon ng dining area at nakita kong bumababa si Valerian habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang polo. Maayos ang suot niya at gaya ng dati ay mukhang handa na para sa trabaho kahit hindi pa sumisikat nang husto ang araw.
Última actualización: 2026-10-08
Chapter: Kabanata 1VANESSAAlas-onse na ng gabi nang muli kong tingnan ang orasan sa dingding ng dining area. Nasa mesa pa rin ang hapunang ilang oras kong inihanda para kay Valerian. Ngunit malamig na ang steak, tumigas na ang mashed potatoes, at hindi na rin mainit ang soup na maingat kong niluto kanina. Ilang beses ko nang pinainit ang pagkain. Pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lamang itong nakahanda dahil umaasa pa rin akong uuwi siya at makakasabay ko siyang kumain.“Valerian…hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” mapait kong tanong sa sarili.Tatlong taon na kaming kasal ni Valerian, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang pakikitungo niya. Hindi naman siya palaging masungit o galit. Pero bihira siyang makipag-usap sa akin nang matagal. At halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa trabaho. Noong unang taon ng pagsasama namin, sinabi ko sa sarili kong kailangan lamang niya ng panahon dahil hindi naman niya pinili ang kasal n
Última actualización: 2026-10-08