LOGINVANESSA
Makalipas ang tatlong araw mula nang makita ko si Lyca na nakayakap kay Valerian sa loob ng bahay namin, sinubukan kong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay tuwing hapunan at hindi na rin ako naghanda ng pagkain para sa aming dalawa dahil naisip kong wala namang saysay ang pagod ko kung hindi rin naman niya ito pinahahalagahan. Sa halip na abangan ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ginagawa ko na lamang ang sarili kong routine. Kumakain ako nang mas maaga, nagbabasa ng reports tungkol sa farm, at pumupunta sa kuwarto kapag tapos na ang mga kailangan kong gawin. Sinikap kong huwag isipin kung anong oras siya umuuwi o kung may kasama na naman ba siyang ibang babae, dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan kapag patuloy kong pinapakialaman ang mga bagay na hindi naman niya ipinapaliwanag sa akin. Nang gabing iyon, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng isang palabas sa telebisyon. Nakaharap ang mga mata ko sa screen, pero hindi ko maintindihan ang kuwento dahil wala talaga akong naiintindihan sa pinapanood ko. Paulit-ulit na gumagalaw ang mga eksena sa harap ko habang ang isip ko ay nasa ibang lugar, lalo na sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Narinig ko ang pagbukas ng main door kaya hindi na ako lumingon agad. Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang mga yabag ni Valerian papunta sa sala, at saka ko lamang siya nakita nang dumaan siya sa harapan ko. “May dala akong pagkain,” sabi niya habang inilalagay ang paper bag sa maliit na mesa sa harap ko. Hindi ko siya tiningnan at nanatili lamang ang mga mata ko sa telebisyon. “Hindi ako gutom. Kainin mo na lang iyan ng mag-isa,” malamig na saad ko. Umupo siya sa kabilang sofa at ilang sandali akong tiningnan. Ramdam ko ang kaniyang titig ngunit pinilit kong huwag siyang pansinin dahil ayokong malaman niyang naapektuhan pa rin ako sa presensya niya. “Tatlong araw ka nang hindi nakikipag-usap nang maayos sa akin. Ano ba ang problema mo?” tanong niya. “Wala akong problema. Napagod lang akong maghintay at mag-effort para sa taong hindi naman interesado sa ginagawa ko,” sagot ko habang patuloy na nakatingin sa telebisyon. Hindi siya agad nagsalita. Mayamaya ay narinig ko ang paghinga niya bago niya muling buksan ang usapan. “Huwag kang mag-inarte, Vanessa. Hindi bagay sa iyo ang ganyang pag-uugali. At wala kang dahilan para magpanggap na wala kang pakialam. Huwag mo akong dramahan dahil wala naman akong pakailam sa iyo.” Napahawak ako sa gilid ng unan dahil gusto kong pigilan ang sarili kong sumagot nang emosyonal. Ilang araw ko nang sinasanay ang sarili kong huwag pansinin siya, kaya ayokong sirain iyon dahil lamang sa isang salita niya. “Hindi ako nag-iinarte. Sinusubukan ko lang na huwag nang gawin ang mga bagay na hindi naman kailangan. Lalo na kung wala ka namang pakialam kung ginagawa ko iyon para sa iyo,” sagot ko. Tumingin siya sa akin nang matagal bago siya bahagyang sumandal sa sofa. Hindi ko alam kung bakit tila lalo siyang naiinis sa tuwing sinusubukan kong umiwas sa kaniya, gayong siya naman mismo ang nagsabi sa akin na wala siyang nararamdaman para sa akin. “Kung ganoon, mabuti naman at huwag mo nang gawin. Hindi ko naman sinasabi sa iyo na hintayin ako, lutuin ang pagkain ko, o alagaan ako na parang kailangan kitang suklian dahil asawa kita. Palagi mong itatak sa utak mo na bago tayo ikasal, wala talaga akong nararamdaman para sa iyo. Ikaw lang naman ang tangang umaasa na mamahalin kita. Kung una pa lang umatras ka na sa kasal natin, hindi mo sana mararanasan ang ganito,” malamig niyang sinabi. Unti-unting nawala ang tapang na kanina ko pa pilit ipinapakita. Alam kong dapat kong hayaan lamang siyang magsalita dahil iyon naman ang gusto kong mangyari. Pero iba pa rin kapag naririnig ko mula sa kaniya ang mga salitang paulit-ulit kong kinatatakutan. “Hindi ko naman sinasabi na suklian mo ako, Valerian. Gusto ko lang maramdaman kahit minsan na may halaga ako sa iyo bilang asawa mo. Pero mukhang kahit iyon ay sobra pa rin para sa iyo,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko. Umiling siya at tumayo mula sa sofa. “Hindi ko alam kung bakit patuloy mong pinipilit ang sarili mong magkaroon ng lugar sa buhay ko, gayong malinaw naman sa iyo kung ano ang nararamdaman ko.” Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko ngunit pinilit kong manatiling nakaupo. Ayokong makita niyang umiiyak ako dahil ayokong isipin niyang maaari niya akong saktan at pagkatapos ay maaawa rin siya sa akin. “Hindi ko na rin alam kung bakit ako patuloy na umaasa. Siguro dahil asawa kita at gusto kong maniwala na may pagkakataon pa rin tayong maging maayos, kahit hindi naman nagsimula sa pagmamahalan ang kasal natin,” sabi ko. Saglit siyang natahimik bago siya tumingin sa akin. Wala akong makita sa mukha niya kundi pagkainis, kaya lalo kong naramdaman na wala talagang puwang para sa akin sa buhay niya. “Huwag mo akong dramahan dahil kahit kailan, wala akong kahit katiting na pagmamahal sa iyo, Vanessa, sabi ni Valerian bago niya kinuha ang paper bag at iniwan ako sa sala. Nang tuluyang mawala ang mga yabag niya sa hagdan, saka ko lamang hinayaan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. Nanatili akong nakaupo sa harap ng telebisyon na patuloy pa ring umaandar, ngunit wala na naman akong naiintindihan sa palabas dahil masyado nang malinaw sa akin ang isang bagay na ilang taon ko nang ayaw tanggapin. “Napakasama mo talaga kahit kailan, Valerian. Hintayin mo lang na maubos ang pagmamahal ko sa iyo… dahil kapag nangyari iyon, ikaw naman ang magmamakaawa sa akin na mahalin ka,” gigil kong sabi sa sarili habang lumuluha.VANESSAMakalipas ang tatlong araw mula nang makita ko si Lyca na nakayakap kay Valerian sa loob ng bahay namin, sinubukan kong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay tuwing hapunan at hindi na rin ako naghanda ng pagkain para sa aming dalawa dahil naisip kong wala namang saysay ang pagod ko kung hindi rin naman niya ito pinahahalagahan.Sa halip na abangan ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ginagawa ko na lamang ang sarili kong routine. Kumakain ako nang mas maaga, nagbabasa ng reports tungkol sa farm, at pumupunta sa kuwarto kapag tapos na ang mga kailangan kong gawin. Sinikap kong huwag isipin kung anong oras siya umuuwi o kung may kasama na naman ba siyang ibang babae, dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan kapag patuloy kong pinapakialaman ang mga bagay na hindi naman niya ipinapaliwanag sa akin.Nang gabing iyon, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng isang palabas sa telebisyon. Nakaharap ang mga mata ko sa screen, pero hindi ko maintindihan ang
VANESSATanghali na nang tuluyan akong magising. Ilang sandali akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit agad kong napansin na wala na roon si Valerian. Maingat akong bumangon at inayos ang kumot bago ko kinuha ang robe ko at lumabas ng kuwarto.Pagdating ko sa hallway, nakita ko ang isa sa mga kasambahay na naglilinis sa labas ng guest room. Agad ko siyang tinanong kung nakita niya si Valerian at kung umalis na ba ito ng bahay. “Pumasok na po siya ma'am. Maaga pong umalis si sir.”“Ah ganoon ba? Wala man lang ba siyang sinabi sa iyo? Mga binilin?”“Wala po, ma'am. Basta, pagkalabas po niya ng kuwarto ninyo…diretso na po siya agad sa sasakyan niya sabay alis.”Napabuntong-hininga ako. Ganito naman palagi kapag may nangyayari sa namin ni Valerian. Pagkatapos naming magtalik, kinabukasan ay babangon siyang parang walang nangyari at aalis nang hindi man lamang ako kinakausap tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin.“Talagang lasing lang siya no'n a
VANESSA“Valerian…matulog ka na. Bitawan mo na ako,” nanginginig ang boses kong sabi.Pero imbes na bitawan, mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa tatlong taon naming nagsama bilang mag-asawa, bilang na bilang ko lang kung ilang beses kaming nagtalik. At nangyayari iyon lang iyon kapag lasing siya.Nanlaki ang mga mata ko nang imulat niya ang mga mata niya. At pagkatapos, bigla na lang siyang gumalaw at sa isang iglap, siya na ang nasa ibabaw ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago ako siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakagalaw. Pero ilang sandali pa ay sinundan ko na ang galaw ng labi niya. Aminado akong sabik ako sa ganitong pagkakataon. Lalo pa't kailangan ko rin ito bilang asawa niya. Pero bihirang-bihira niya lang itong maibigay sa akin dahil hindi ako ang mahal niya.“Ah….” Napaungol ako nang maghiwalay ang aming mga labi. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at
VANESSAMaaga akong nagising kinabukasan kahit na inaantok pa ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong ngiti ni Valerian habang may kausap sa cellphone. Pero ayokong magsimula ng panibagong araw na nakahiga lamang. At iniisip kung sino ang kausap niya. Bumangon ako, inayos ang sarili, at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.Nagluto ako ng garlic rice, scrambled eggs, bacon, at pancakes dahil iyon ang ilan sa mga pagkaing alam kong kinakain niya bago pumasok sa kumpanya. Habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa, pilit kong iniiwasang maalala ang sinabi ni Ysa tungkol sa aming pagsasama. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ring mahalin ako ni Valerian.Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksiyon ng dining area at nakita kong bumababa si Valerian habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang polo. Maayos ang suot niya at gaya ng dati ay mukhang handa na para sa trabaho kahit hindi pa sumisikat nang husto ang araw.
VANESSAAlas-onse na ng gabi nang muli kong tingnan ang orasan sa dingding ng dining area. Nasa mesa pa rin ang hapunang ilang oras kong inihanda para kay Valerian. Ngunit malamig na ang steak, tumigas na ang mashed potatoes, at hindi na rin mainit ang soup na maingat kong niluto kanina. Ilang beses ko nang pinainit ang pagkain. Pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lamang itong nakahanda dahil umaasa pa rin akong uuwi siya at makakasabay ko siyang kumain.“Valerian…hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” mapait kong tanong sa sarili.Tatlong taon na kaming kasal ni Valerian, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang pakikitungo niya. Hindi naman siya palaging masungit o galit. Pero bihira siyang makipag-usap sa akin nang matagal. At halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa trabaho. Noong unang taon ng pagsasama namin, sinabi ko sa sarili kong kailangan lamang niya ng panahon dahil hindi naman niya pinili ang kasal n







