Cold Billionaire's Unloved Wife

Cold Billionaire's Unloved Wife

last updateLast Updated : 2026-10-08
By:  ForbiddenPen Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang asawa niyang minsang tinalikuran, kinababaliwan na niya ngayon! Mapatawad kaya siya nito? Muli kayang maibalik ang kanilang naudlot na pagmamahalan?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

VANESSA

Alas-onse na ng gabi nang muli kong tingnan ang orasan sa dingding ng dining area. Nasa mesa pa rin ang hapunang ilang oras kong inihanda para kay Valerian. Ngunit malamig na ang steak, tumigas na ang mashed potatoes, at hindi na rin mainit ang soup na maingat kong niluto kanina. Ilang beses ko nang pinainit ang pagkain. Pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lamang itong nakahanda dahil umaasa pa rin akong uuwi siya at makakasabay ko siyang kumain.

“Valerian…hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” mapait kong tanong sa sarili.

Tatlong taon na kaming kasal ni Valerian, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang pakikitungo niya. Hindi naman siya palaging masungit o galit. Pero bihira siyang makipag-usap sa akin nang matagal. At halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa trabaho. Noong unang taon ng pagsasama namin, sinabi ko sa sarili kong kailangan lamang niya ng panahon dahil hindi naman niya pinili ang kasal namin. Pero nang lumipas ang ikalawa… ikatlong taon ay nanatili pa rin ang parehong distansya sa pagitan namin.

Sa kabila noon, patuloy ko pa ring ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng isang asawa para sa kaniyang pamilya. Sinisikap kong alagaan ang bahay, inaasikaso ko ang mga bagay na kailangan niya kapag may business trip siya, at paminsan-minsan ay naghahanda ako ng hapunan kahit alam kong hindi tiyak kung makakauwi siya nang maaga. Hindi ko naman hinihingi na maging romantiko siya sa akin. Dahil alam kong hindi niya ako mahal bago kami ikasal. Ngunit umaasa pa rin ako na baka sa paglipas ng panahon ay magkaroon din siya ng kahit kaunting pagmamahal para sa akin.

Muli kong tiningnan ang cellphone ko at wala pa ring mensahe mula sa kaniya. Binuksan ko ang messaging application at ilang segundo akong nag-isip kung dapat ba akong magtanong kung uuwi pa siya. Ngunit ibinaba ko rin ang cellphone nang maisip kong baka nasa meeting pa siya. Hindi ko gustong maging asawa na paulit-ulit siyang tinatanong kung kailan siya uuwi dahil ayokong maramdaman niyang isa na naman akong responsibilidad na kailangan niyang asikasuhin.

Lumipas pa ang ilang minuto at nagsimula nang sumakit ang mga mata ko sa pagod. Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ngunit habang tumatagal ay lalo akong inaantok. Sinubukan kong manatiling gising dahil gusto ko pa rin siyang salubungin kapag dumating siya, pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng main door. Agad akong napabangon at kahit antok pa ay inayos ko ang buhok ko bago lumapit sa p***o ng sala, kung saan nakita ko si Valerian na papasok habang hawak ang kaniyang coat at briefcase.

“Valerian, nakauwi ka na rin sa wakas. Hinihintay kita kanina pa at naghanda rin ako ng hapunan para sa atin. Kaya hindi pa ako kumakain,” sinabi ko habang lumalapit sa kaniya at pilit na ipinapakita na hindi ako inaantok.

Nang makalapit siya, niyakap ko siya dahil matagal ko na rin siyang hindi nayayakap nang maayos. Sandali lamang ang yakap ko bago ko naramdaman na hindi niya ako niyakap pabalik. Kaya ako na rin ang unang kumalas at ngumiti na lamang sa kaniya.

“Kung hindi ka pa kumakain, puwede pa nating painitin ang pagkain. Matagal ko iyong inihanda dahil gusto kong sabay tayong kumain ngayong gabi,” sabi ko habang itinuturo ang dining area.

Tumingin siya sa mesa at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung pagod lamang siya o sadyang ayaw niya talagang kumain kasama ko. Pero wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya.

“Kumain ka na lang mag-isa, Vanessa. Kumain na ako bago ako umuwi. At marami pa akong kailangang tapusin bukas kaya matutulog na ako,” malamig niyang sagot bago siya dumiretso patungo sa hagdan.

“Pero…”

“Huwag mo na akong pilitin. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong huwag mo na akong himatayin kapag hapunan na?” iritable niyang sabi.

Napasinghap ako sabay kagat-labi.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong wala ring mangyayari kung pipilitin ko siyang manatili, kaya bumalik ako sa dining area at naupo sa harap ng pagkaing ilang oras kong hinihintay niyang kainin.

Mayamaya ay naramdaman kong umiinit ang mga mata ko. Pinunasan ko agad ang luha bago pa ito tuluyang bumagsak at pinilit kong tapusin ang pagkain kahit wala na akong gana. Hindi ko na hinintay na tuluyang maging madaling-araw bago ako pumunta sa kuwarto dahil alam kong kailangan ko ring matulog, ngunit buong gabi ay ilang beses akong nagising at napansin kong nakatalikod sa akin si Valerian.

KINABUKASAN ay nagpunta ako sa apartment ng kaibigan kong si Ysa dahil gusto kong makapagpahinga kahit ilang oras mula sa bahay. Pagbukas niya ng p***o at makita niya ako, agad niyang napansin ang mga mata kong bahagyang namamaga dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi.

“Umiyak ka na naman, Vanessa. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na… hindi mo kailangang hintayin siyang magbago kung ikaw lang naman ang gumagawa ng paraan para maging maayos ang pagsasama ninyo,” sabi ni Ysa habang pinapapasok ako sa apartment.

Umupo ako sa sofa at inilapag ang bag ko sa tabi ko. Hindi ko agad sinagot ang sinabi niya dahil alam kong mauuwi na naman ang pag-uusap namin kay Valerian, pero hindi ko rin naman kayang itago sa kaniya ang nararamdaman ko dahil siya lamang ang kaibigan kong alam kung gaano kahirap para sa akin ang pagsasama namin.

“Hindi naman siya masamang tao, Ysa. Marami lang siyang iniisip at alam kong hindi naman niya ginusto ang arranged marriage namin, kaya sinusubukan ko pa ring intindihin siya,” sabi ko habang nakatingin sa tasa ng kape na inilagay niya sa harap ko.

Umiling si Ysa at umupo sa kabilang bahagi ng sofa. Matagal na niyang alam na mahal ko si Valerian, kaya ilang beses na rin niya akong pinayuhang huwag manatili sa isang marriage kung ako lamang ang patuloy na umaasa.

“Tatlong taon na kayong kasal at ganoon pa rin ang sitwasyon ninyo. Kung ako ang tatanungin mo, mas mabuting makipaghiwalay ka na bago mo tuluyang maubos. Wala ka ng magagawa pa. Arranged marriage lang kasi ang nangyari sa inyo,” sabi niya.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kaniya. Alam kong may punto siya, ngunit hindi ko kayang isipin ang sarili ko na tuluyang mawawala si Valerian sa buhay ko dahil kahit hindi niya ako mahal, mahal ko pa rin siya.

“Hindi ko pa kayang hiwalayan siya, Ysa. Mahal ko si Valerian at gusto ko pa ring subukan kahit alam kong mahirap, dahil umaasa akong baka magkaroon din siya ng tunay na damdamin para sa akin kapag mas matagal na kaming nagsasama,” sagot ko.

Hindi na siya nakipagtalo sa akin dahil alam niyang mahirap baguhin ang desisyon ko kapag tungkol kay Valerian. Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay bago ako umuwi nang gabing iyon.

Ngunit pagdating ko sa bahay ay tahimik na ang buong paligid at wala akong nakitang ilaw sa dining area. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang bag ko sa mesa. Habang papunta ako sa hagdan ay narinig ko ang boses ni Valerian mula sa kabilang bahagi ng sala, kaya huminto ako nang mapansin kong may kausap siya sa cellphone.

“Valerian?” mahinang usal ko.

Hindi ko sana pakikinggan ang usapan niya, pero napatingin ako sa kaniyang direksiyon nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nakaupo siya sa sofa habang hawak ang cellphone. At may ngiti sa kaniyang mukha habang kausap ang taong nasa kabilang linya. Ilang segundo akong nanatili sa kinatatayuan ko dahil sa loob ng tatlong taon naming pagsasama…

Hindi ko pa siya nakitang ganoon kasaya kapag ako ang kausap niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status