Share

Kabanata 2

Author: ForbiddenPen
last update publish date: 2026-10-08 21:20:16

VANESSA

Maaga akong nagising kinabukasan kahit na inaantok pa ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong ngiti ni Valerian habang may kausap sa cellphone. Pero ayokong magsimula ng panibagong araw na nakahiga lamang. At iniisip kung sino ang kausap niya. Bumangon ako, inayos ang sarili, at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.

Nagluto ako ng garlic rice, scrambled eggs, bacon, at pancakes dahil iyon ang ilan sa mga pagkaing alam kong kinakain niya bago pumasok sa kumpanya. Habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa, pilit kong iniiwasang maalala ang sinabi ni Ysa tungkol sa aming pagsasama. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ring mahalin ako ni Valerian.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksiyon ng dining area at nakita kong bumababa si Valerian habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang polo. Maayos ang suot niya at gaya ng dati ay mukhang handa na para sa trabaho kahit hindi pa sumisikat nang husto ang araw.

“Good morning. Nagluto ako ng almusal kaya kung may oras ka pa, sabay na tayong kumain bago ka pumasok sa kumpanya,” sabi ko habang inaayos ang plato niya sa harap ng upuan.

Hindi siya umupo. Kinuha lamang niya ang kaniyang relo mula sa mesa at isinuot iyon habang nakatingin sa oras.

“Hindi na ako makakakain dito dahil may meeting ako nang maaga. Doon na lang ako kakain sa kumpanya dahil ayokong ma-late.”

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa pagkaing inihanda ko. Ilang segundo akong nag-isip kung dapat ko pa ba siyang pigilan. Ngunit bago ko napigilan ang sarili ko ay nagsalita na ako.

“Halos araw-araw na lang ay ganiyan ang sinasabi mo. Kapag naghahanda ako ng hapunan, hindi ka umuuwi nang maaga. At kapag almusal naman ay wala kang oras na kumain dito. Bakit ka ba ganiyan sa akin, Valerian? Kailan mo ba ako magagawang mahalin?” garalgal ang boses kong sabi.

Huminto siya sa pag-aayos ng relo at dahan-dahan akong tiningnan. Matalim ang kaniyang tingin at agad kong naramdaman ang bigat nito, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na ako umiwas dahil pagod na akong itago ang mga tanong na ilang taon ko nang kinikimkim.

“Kahit kailan, hindi kita magagawang mahalin. Kinasal lang naman tayo dahil sa kagustuhan ng daddy ko, kaya huwag mong asahan na darating ang araw na magiging asawa kita sa paraang gusto mo. Hindi ko pinili ang kasal na ito at hindi rin kita minahal kahit noong araw na ikinasal tayo.”

Parang biglang nawala ang ingay sa paligid ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang pilit kong inuunawa ang mga salitang matagal ko nang kinatatakutan marinig mula sa kaniya, ngunit kahit ilang taon ko nang alam na hindi niya ako mahal ay iba pa rin pala kapag mismong bibig niya ang nagsabi nito.

“Alam kong hindi mo ginustong pakasalan ako, pero akala ko kahit kaunti ay natutunan mo na rin akong tanggapin bilang asawa mo. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako agad. Gusto ko lamang sanang maramdaman na may halaga rin ako sa buhay mo,” sabi ko habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko.

“Tama na ang drama, Vanessa. Alam mo na una pa lang na may iba akong mahal at hindi ikaw iyon. Kaya huwag ka ng magdrama pa,” malamig niyang sabi.

“Oo.. alam ko. Pero ginagawa ko naman ang lahat para mahalin mo ako. Ginagawa ko ang lahat para maging mabuting asawa mo.”

“Wala akong pakialam. Kahit gawin mo pa ang lahat, hinding-hindi na magbabago ang tingin ko sa iyo. Asawa lang kita sa papel. Hanggang doon lang iyon.”

Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa sinabi niya. Sobrang sakit. Nakamamatay na sakit.

“Talaga bang hindi mo ako magagawang mahalin kahit kaunti?”

Hindi siya sumagot. Kinuha lamang niya ang kaniyang briefcase at lumakad patungo sa pintuan, kaya wala na akong nagawa kundi panoorin siyang umalis. Nang tuluyang magsara ang p***o, saka lamang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Umupo ako sa upuan na dapat sana ay inuupuan niya at tinitigan ang almusal na ilang oras kong pinaghandaan. Hindi ko na kayang kumain kaya hinayaan ko na lamang ang sarili kong umiyak nang tahimik habang unti-unting lumalamig ang mga pagkaing ginawa ko para sa lalaking malinaw na ayaw akong maging bahagi ng buhay niya.

“Bakit ba ang sakit mong mahalin, Valerian? Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?” umiiyak kong sabi sabay hawak sa dibdib.

BUONG araw akong nanatili sa bahay at sinubukan kong maging abala para hindi ko maisip ang nangyari kaninang umaga. Inasikaso ko ang ilang gawain sa bahay, tumawag ako sa farm upang malaman ang kalagayan ng mga pananim, at sinubukan kong basahin ang ilang reports ng pamilya ko, ngunit paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Valerian.

Pagsapit ng gabi, hindi ko na siya hinintay sa dining area. Kumain ako nang mag-isa at pagkatapos ay nanatili muna ako sa sala habang nanonood ng telebisyon. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi, ngunit nang malapit nang maghatinggabi ay narinig ko ang pagdating ng kaniyang sasakyan sa labas.

Tumayo ako nang marinig ang pagbukas ng p***o. Pagpasok ni Valerian ay agad kong napansin na hindi normal ang kilos niya dahil bahagyang nakayuko ang kaniyang katawan at hindi pantay ang kaniyang mga hakbang.

“Valerian, nakainom ka ba? Mukhang hindi mo kayang maglakad nang maayos. Sandali lang at aalalayan kita papunta sa kuwarto,” sabi ko habang mabilis na lumalapit sa kaniya.

Hindi siya sumagot nang maayos. Inilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko at inalalayan siyang umakyat sa hagdan kahit halos buong bigat niya ay nasa akin. Mabigat siya at hirap akong maglakad habang sinisikap kong huwag siyang mabuwal, pero ayokong iwan siya sa sala sa ganoong kondisyon.

Pagdating namin sa kuwarto, maingat ko siyang inakay patungo sa kama. Nang maihiga ko na siya, akala ko ay matatapos na ang gabi at makakapagpahinga na rin ako, kaya dahan-dahan akong umatras upang kunin ang isang baso ng tubig.

Bago pa ako tuluyang makalayo, biglang umangat ang kamay niya at hinila ako pabalik. Napasubsob ako sa katawan niya nang bigla niya akong yakapin. At ilang segundo akong natigilan dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin… habang nakapikit ang mga mata niya. At halatang wala siya sa kaniyang tamang ulirat.

“Va-Valerian…”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakadagan ako sa dibdib niya. Ilang oras lamang ang nakalipas nang sabihin niyang hindi niya ako kailanman mamahalin, ngunit ngayon ay mahigpit niya akong niyayakap na para bang ayaw niya akong pakawalan.

Pero nagiging ganito lang naman siya sa akin kapag lasing siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 5

    VANESSAMakalipas ang tatlong araw mula nang makita ko si Lyca na nakayakap kay Valerian sa loob ng bahay namin, sinubukan kong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay tuwing hapunan at hindi na rin ako naghanda ng pagkain para sa aming dalawa dahil naisip kong wala namang saysay ang pagod ko kung hindi rin naman niya ito pinahahalagahan.Sa halip na abangan ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ginagawa ko na lamang ang sarili kong routine. Kumakain ako nang mas maaga, nagbabasa ng reports tungkol sa farm, at pumupunta sa kuwarto kapag tapos na ang mga kailangan kong gawin. Sinikap kong huwag isipin kung anong oras siya umuuwi o kung may kasama na naman ba siyang ibang babae, dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan kapag patuloy kong pinapakialaman ang mga bagay na hindi naman niya ipinapaliwanag sa akin.Nang gabing iyon, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng isang palabas sa telebisyon. Nakaharap ang mga mata ko sa screen, pero hindi ko maintindihan ang

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 4

    VANESSATanghali na nang tuluyan akong magising. Ilang sandali akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit agad kong napansin na wala na roon si Valerian. Maingat akong bumangon at inayos ang kumot bago ko kinuha ang robe ko at lumabas ng kuwarto.Pagdating ko sa hallway, nakita ko ang isa sa mga kasambahay na naglilinis sa labas ng guest room. Agad ko siyang tinanong kung nakita niya si Valerian at kung umalis na ba ito ng bahay. “Pumasok na po siya ma'am. Maaga pong umalis si sir.”“Ah ganoon ba? Wala man lang ba siyang sinabi sa iyo? Mga binilin?”“Wala po, ma'am. Basta, pagkalabas po niya ng kuwarto ninyo…diretso na po siya agad sa sasakyan niya sabay alis.”Napabuntong-hininga ako. Ganito naman palagi kapag may nangyayari sa namin ni Valerian. Pagkatapos naming magtalik, kinabukasan ay babangon siyang parang walang nangyari at aalis nang hindi man lamang ako kinakausap tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin.“Talagang lasing lang siya no'n a

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 3

    VANESSA“Valerian…matulog ka na. Bitawan mo na ako,” nanginginig ang boses kong sabi.Pero imbes na bitawan, mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa tatlong taon naming nagsama bilang mag-asawa, bilang na bilang ko lang kung ilang beses kaming nagtalik. At nangyayari iyon lang iyon kapag lasing siya.Nanlaki ang mga mata ko nang imulat niya ang mga mata niya. At pagkatapos, bigla na lang siyang gumalaw at sa isang iglap, siya na ang nasa ibabaw ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago ako siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakagalaw. Pero ilang sandali pa ay sinundan ko na ang galaw ng labi niya. Aminado akong sabik ako sa ganitong pagkakataon. Lalo pa't kailangan ko rin ito bilang asawa niya. Pero bihirang-bihira niya lang itong maibigay sa akin dahil hindi ako ang mahal niya.“Ah….” Napaungol ako nang maghiwalay ang aming mga labi. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 2

    VANESSAMaaga akong nagising kinabukasan kahit na inaantok pa ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong ngiti ni Valerian habang may kausap sa cellphone. Pero ayokong magsimula ng panibagong araw na nakahiga lamang. At iniisip kung sino ang kausap niya. Bumangon ako, inayos ang sarili, at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.Nagluto ako ng garlic rice, scrambled eggs, bacon, at pancakes dahil iyon ang ilan sa mga pagkaing alam kong kinakain niya bago pumasok sa kumpanya. Habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa, pilit kong iniiwasang maalala ang sinabi ni Ysa tungkol sa aming pagsasama. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ring mahalin ako ni Valerian.Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksiyon ng dining area at nakita kong bumababa si Valerian habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang polo. Maayos ang suot niya at gaya ng dati ay mukhang handa na para sa trabaho kahit hindi pa sumisikat nang husto ang araw.

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 1

    VANESSAAlas-onse na ng gabi nang muli kong tingnan ang orasan sa dingding ng dining area. Nasa mesa pa rin ang hapunang ilang oras kong inihanda para kay Valerian. Ngunit malamig na ang steak, tumigas na ang mashed potatoes, at hindi na rin mainit ang soup na maingat kong niluto kanina. Ilang beses ko nang pinainit ang pagkain. Pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lamang itong nakahanda dahil umaasa pa rin akong uuwi siya at makakasabay ko siyang kumain.“Valerian…hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” mapait kong tanong sa sarili.Tatlong taon na kaming kasal ni Valerian, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang pakikitungo niya. Hindi naman siya palaging masungit o galit. Pero bihira siyang makipag-usap sa akin nang matagal. At halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa trabaho. Noong unang taon ng pagsasama namin, sinabi ko sa sarili kong kailangan lamang niya ng panahon dahil hindi naman niya pinili ang kasal n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status