Share

Kabanata 4

Author: ForbiddenPen
last update publish date: 2026-10-08 21:49:20

VANESSA

Tanghali na nang tuluyan akong magising. Ilang sandali akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit agad kong napansin na wala na roon si Valerian. Maingat akong bumangon at inayos ang kumot bago ko kinuha ang robe ko at lumabas ng kuwarto.

Pagdating ko sa hallway, nakita ko ang isa sa mga kasambahay na naglilinis sa labas ng guest room. Agad ko siyang tinanong kung nakita niya si Valerian at kung umalis na ba ito ng bahay.

“Pumasok na po siya ma'am. Maaga pong umalis si sir.”

“Ah ganoon ba? Wala man lang ba siyang sinabi sa iyo? Mga binilin?”

“Wala po, ma'am. Basta, pagkalabas po niya ng kuwarto ninyo…diretso na po siya agad sa sasakyan niya sabay alis.”

Napabuntong-hininga ako. Ganito naman palagi kapag may nangyayari sa namin ni Valerian. Pagkatapos naming magtalik, kinabukasan ay babangon siyang parang walang nangyari at aalis nang hindi man lamang ako kinakausap tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin.

“Talagang lasing lang siya no'n at nag-init kaya may nangyari sa amin,” malungkot kong sabi.

Minsan ay naiisip kong baka ganoon lamang talaga siya dahil ayaw niyang magkaroon ng attachment sa akin. Kahit ganoon, hindi ko maiwasang masaktan. Dahil bilang asawa niya ay umaasa pa rin akong kahit kaunti ay may kahulugan sa kaniya ang mga sandaling iyon.

Hindi ko na hinintay ang tanghalian. Nagpalit ako ng simpleng damit at nagpasyang pumunta sa farm ng pamilya ko. Matagal ko nang hindi nabibisita ang lugar dahil naging abala ako sa bahay at sa mga gawain bilang asawa ni Valerian, kaya naisip kong mas mabuting doon muna ako pumunta kaysa manatili sa malaking bahay na lalo lamang nagpaparamdam sa akin na mag-isa ako.

PAGDATING ko sa farm, agad kong nakita si Mama na nakasuot ng lumang sombrero at abalang nagtatanim sa isang bahagi ng lupang malapit sa maliit naming greenhouse. Simula nang mawala si Papa, mas naging abala siya sa farm dahil ayaw niyang pabayaan ang lupang pinaghirapan nilang alagaan nang maraming taon.

“Ma, bakit ikaw pa ang nagtatanim? Dapat nagpahinga ka muna at hinayaan mo na lang ang mga manggagawa na gumawa nito,” sabi ko habang lumalapit sa kaniya.

Ngumiti si Mama at ipinagpatuloy ang pagtatanim ng mga punla bago niya ako tuluyang tiningnan.

“Kapag matagal na akong hindi gumagawa rito, parang pakiramdam ko ay pinababayaan ko rin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo. Mas gusto kong makita mismo kung maayos ang mga pananim kaysa umupo lamang sa bahay,” sagot ni mama.

Umupo ako sa maliit na bangko malapit sa kaniya at pinanood siyang magtrabaho. Ilang minuto kaming tahimik bago niya ako tinanong tungkol sa buhay ko kasama si Valerian, at kahit ayaw kong magsinungaling sa kaniya ay hindi ko rin kayang sabihin ang totoong nangyayari sa aming pagsasama.

“Kumusta na ang buhay may asawa mo, anak? Masaya ka ba kay Valerian, o nahihirapan ka pa rin sa pagsasama ninyong dalawa?” tanong ni Mama habang inaayos ang mga punla sa lupa.

Napangiti ako kahit alam kong hindi iyon ang tunay kong nararamdaman.

“Maayos naman kami. Marami lang siyang trabaho kaya madalas siyang wala sa bahay, pero naiintindihan ko naman dahil malaking kumpanya ang pinamamahalaan niya.”

Tumigil si Mama at tiningnan ako nang mabuti. Hindi siya agad sumagot, kaya alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

“Anak, kilala kita mula nang bata ka pa. Kapag totoong masaya ka, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong ngumiti bago mo sabihin sa akin na maayos ka. Sa tingin ko, may bagay kang hindi sinasabi sa akin tungkol sa pagsasama ninyo ni Valerian,” mahinahon niyang sinabi.

Napayuko ako dahil tama siya. Simula nang mamatay si Papa, ayaw ko nang dagdagan pa ang mga iniisip ni Mama, kaya mas pinili kong itago ang problema ko kaysa ipakita sa kaniya na hindi ako masaya sa marriage ko.

“Wala naman akong malaking problema, Ma. Kailangan ko lang siguro ng panahon para masanay sa buhay namin ni Valerian at matutong intindihin ang trabaho niya,” sagot ko.

Hindi na niya ako pinilit magsabi ng higit pa. Sa halip, umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko bago kami parehong tumingin sa malawak na bukirin na dati ay palaging kasama ni Papa sa pag-aalaga.

NANG sumapit ang hapon, tinulungan ko si Mama sa ilang gawain bago ako nagpaalam na uuwi na. Mas gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko pagkatapos kong makasama siya, ngunit habang nagmamaneho ako pauwi ay bumalik na naman sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa pagsasama namin ni Valerian.

Pagdating ko sa bahay nang gabi, maingat akong pumasok sa main door. Akala ko ay wala pa si Valerian dahil wala akong narinig na ingay mula sa sala, ngunit nang makarating ako roon ay bigla akong natigilan sa nakita ko.

Naroon si Valerian at hindi siya nag-iisa.

Nakatayo sa harap niya si Lyca Garcia, ang babaeng tunay na minamahal ng asawa ko. Nakasandal ito sa dibdib ni Valerian habang mahigpit siyang nakayakap dito, at hindi ito agad kumalas kahit malinaw nitong napansin ang pagdating ko.

Napatingin sa akin si Valerian.

“Va-Valerian..” nauutal kong sabi.

Nagtagpo ang mga mata namin sa loob lamang ng ilang segundo, ngunit wala akong nakita sa mukha niya na tila nagulat o nag-aalala man lamang na nakita ko sila. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin kay Lyca, na para bang wala ako roon at hindi niya kailangang ipaliwanag sa akin kung bakit may ibang babaeng nakayakap sa kaniya sa loob mismo ng bahay namin.

Nakatayo lamang ako sa may pintuan habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Sa mga oras na ito, parang may libo-libong punyal ang sumaksak sa puso ko.

“Paano ba iyan? Uuwi na muna ako dahil nandiyan na pala ang asawa mo,” malambing na sabi ni Lyca.

“Okay sige, ihahatid na kita pauwi,” saad ni Valerian.

Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil umagos na ang mga luha ko. Mabilis akong lumakad patungo sa kuwarto. At pagkasarado ko ng p***o, doon na bumuhos ang masagana kong luha habang napaupo sa sahig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 5

    VANESSAMakalipas ang tatlong araw mula nang makita ko si Lyca na nakayakap kay Valerian sa loob ng bahay namin, sinubukan kong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay tuwing hapunan at hindi na rin ako naghanda ng pagkain para sa aming dalawa dahil naisip kong wala namang saysay ang pagod ko kung hindi rin naman niya ito pinahahalagahan.Sa halip na abangan ang tunog ng sasakyan niya sa labas, ginagawa ko na lamang ang sarili kong routine. Kumakain ako nang mas maaga, nagbabasa ng reports tungkol sa farm, at pumupunta sa kuwarto kapag tapos na ang mga kailangan kong gawin. Sinikap kong huwag isipin kung anong oras siya umuuwi o kung may kasama na naman ba siyang ibang babae, dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan kapag patuloy kong pinapakialaman ang mga bagay na hindi naman niya ipinapaliwanag sa akin.Nang gabing iyon, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng isang palabas sa telebisyon. Nakaharap ang mga mata ko sa screen, pero hindi ko maintindihan ang

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 4

    VANESSATanghali na nang tuluyan akong magising. Ilang sandali akong nanatiling nakahiga habang nakatingin sa kabilang bahagi ng kama, ngunit agad kong napansin na wala na roon si Valerian. Maingat akong bumangon at inayos ang kumot bago ko kinuha ang robe ko at lumabas ng kuwarto.Pagdating ko sa hallway, nakita ko ang isa sa mga kasambahay na naglilinis sa labas ng guest room. Agad ko siyang tinanong kung nakita niya si Valerian at kung umalis na ba ito ng bahay. “Pumasok na po siya ma'am. Maaga pong umalis si sir.”“Ah ganoon ba? Wala man lang ba siyang sinabi sa iyo? Mga binilin?”“Wala po, ma'am. Basta, pagkalabas po niya ng kuwarto ninyo…diretso na po siya agad sa sasakyan niya sabay alis.”Napabuntong-hininga ako. Ganito naman palagi kapag may nangyayari sa namin ni Valerian. Pagkatapos naming magtalik, kinabukasan ay babangon siyang parang walang nangyari at aalis nang hindi man lamang ako kinakausap tungkol sa mga nangyari sa pagitan namin.“Talagang lasing lang siya no'n a

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 3

    VANESSA“Valerian…matulog ka na. Bitawan mo na ako,” nanginginig ang boses kong sabi.Pero imbes na bitawan, mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa tatlong taon naming nagsama bilang mag-asawa, bilang na bilang ko lang kung ilang beses kaming nagtalik. At nangyayari iyon lang iyon kapag lasing siya.Nanlaki ang mga mata ko nang imulat niya ang mga mata niya. At pagkatapos, bigla na lang siyang gumalaw at sa isang iglap, siya na ang nasa ibabaw ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago ako siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakagalaw. Pero ilang sandali pa ay sinundan ko na ang galaw ng labi niya. Aminado akong sabik ako sa ganitong pagkakataon. Lalo pa't kailangan ko rin ito bilang asawa niya. Pero bihirang-bihira niya lang itong maibigay sa akin dahil hindi ako ang mahal niya.“Ah….” Napaungol ako nang maghiwalay ang aming mga labi. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 2

    VANESSAMaaga akong nagising kinabukasan kahit na inaantok pa ako. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nakita kong ngiti ni Valerian habang may kausap sa cellphone. Pero ayokong magsimula ng panibagong araw na nakahiga lamang. At iniisip kung sino ang kausap niya. Bumangon ako, inayos ang sarili, at dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal.Nagluto ako ng garlic rice, scrambled eggs, bacon, at pancakes dahil iyon ang ilan sa mga pagkaing alam kong kinakain niya bago pumasok sa kumpanya. Habang inilalagay ko ang mga pagkain sa mesa, pilit kong iniiwasang maalala ang sinabi ni Ysa tungkol sa aming pagsasama. Gusto kong maniwala na may pag-asa pa ring mahalin ako ni Valerian.Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Napatingin ako sa direksiyon ng dining area at nakita kong bumababa si Valerian habang inaayos ang cufflinks ng kaniyang polo. Maayos ang suot niya at gaya ng dati ay mukhang handa na para sa trabaho kahit hindi pa sumisikat nang husto ang araw.

  • Cold Billionaire's Unloved Wife   Kabanata 1

    VANESSAAlas-onse na ng gabi nang muli kong tingnan ang orasan sa dingding ng dining area. Nasa mesa pa rin ang hapunang ilang oras kong inihanda para kay Valerian. Ngunit malamig na ang steak, tumigas na ang mashed potatoes, at hindi na rin mainit ang soup na maingat kong niluto kanina. Ilang beses ko nang pinainit ang pagkain. Pero sa bandang huli ay hinayaan ko na lamang itong nakahanda dahil umaasa pa rin akong uuwi siya at makakasabay ko siyang kumain.“Valerian…hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?” mapait kong tanong sa sarili.Tatlong taon na kaming kasal ni Valerian, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang pakikitungo niya. Hindi naman siya palaging masungit o galit. Pero bihira siyang makipag-usap sa akin nang matagal. At halos lahat ng oras niya ay nakalaan sa trabaho. Noong unang taon ng pagsasama namin, sinabi ko sa sarili kong kailangan lamang niya ng panahon dahil hindi naman niya pinili ang kasal n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status