
Broken Contract with My Client
"Bawal mahalin ang kliyente." Iyan ang gintong patakaran na binalian ni Wren.
Ang kasal ni Wren sa bilyonaryong si Kai Vance ay nagsimula sa isang malamig na transaksyon—isang lihim na kontrata para maisalba ang kaniyang pamilya. Bawal mahalin ang kliyente, ngunit matapos ang dalawang taon, nahulog ang loob niya kay Kai.
Ngunit winasak ni Kai ang kaniyang puso gamit ang nagbabalik nitong childhood sweetheart na si Morgana. Dahil sa matinding sakit, pinili ni Wren na maglaho nang walang paalam bitbit ang kanilang anak. Ang tanging iniwan niya? Ang kahon ng kuwintas na ipinadala ni Kai bilang peace offering—na sa loob ay naglalaman na ng kaniyang ultrasound report.
Anim na taon ang lumipas. Walang tigil si Kai sa paghahanap, habang unti-unting bumabagsak ang kaniyang imperyo dahil sa isang misteryosong ahensya. Sa kawalan ng pag-asa, lumapit sila sa ahensyang ito para magsalba sa kumpanya.
Ang hindi alam ni Kai, ang ahensyang ito ang mismong utak sa paghina ng kanilang negosyo. At ang reynang nagpapatakbo sa likod nito? Walang iba kundi si Wren.
Ngayong maghaharap silang muli, may pag-asa pa ba ang pag-ibig na winasak ng nakaraan? Ano ang pipiliin ni Wren—ang tuluyang pabagsakin ang kliyenteng sumira sa kaniya, o ang pagbigyan ang pusong matagal nang nangungulila?
Basahin
Chapter: Chapter 5Ang malaking conference room ng Vance Headquarters sa Maynila ay napakatahimik. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko agad ang pamilyar at malamig na aura ng lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang Wren na nakatayo sa gilid habang nanginginig ang mga kamay. Naupo ako nang de-kwatro sa dulo ng mahabang lamesang gawa sa mamahaling kahoy, direktang kaharap ang mga board of directors na tila ba takot na takot huminga.Ngbut may isang bagay na nagpabaling sa atensyon ng lahat sa akin—suot ko ang isang mamahaling puting corporate suit, at ang mukha ko ay natatakpan ng isang eleganteng black fascinator hat na may manipis at mahiwagang lace veil. Ang manipis na tela na iyon ay sapat upang itago ang buo kong mukha mula sa mga mata ng mga tao sa silid, na nagbibigay sa akin ng aura ng isang misteryoso at untouchable na New York executive. Walang sinuman ang makakakilala sa akin sa unang tingin.At sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang natatanging lalaking matagal kong iniwasan.Si
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 4"Mommy, look! The yellow cabs downstairs are so bright! Pwede ba tayong sumakay doon later after your work?"Isang masiglang tinig ng isang anim na taong gulang na batang lalaki ang biglang pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nabalutan ako ng init sa dibdib habang nakatitig ako sa malalaking glass windows ng aking penthouse office sa Manhattan. Tumingin ako kay Leo, ang aking anak. Habang lumalaki siya, lalong nagiging halata ang kaniyang mga genes—ang matatalas na hugis ng mukha, ang makakapal na kilay, at ang tindig na puno ng natural na awtoridad. Copy-paste talaga ng kaniyang ama. Kulang na lang ay maging kulay-abo rin ang kaniyang mga mata. Pero sa kabutihang palad, sa akin nakuha ni Leo ang kaniyang mga mata—bilugan, malalalim, at laging puno ng kabaitan."Of course, baby. We can ride the yellow cab after Mommy’s conference," nakangiting sagot ko habang lumalapit ako sa kaniya at hinahaplos ang kaniyang malambot na buhok.Anim na taon na ang lumipas mula nang lisanin ko ang P
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 3Kinabukasan, pumasok ako sa opisina ng Elite Recruitment & Consulting Agency na tila walang nangyari. Ang hirap magpanggap. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaiyak sa lumang bahay ni Mama, kaya idinaan ko na lang sa makapal na concealer at seryosong awra para hindi mahalata ng mga katrabaho ko ang namumugto kong mga mata. Walang nakakaalam sa kanila na ang asawa ko ay ang pinakamalaking kliyente ng kumpanya, at walang nakakaalam na winasak niya nang pira-piraso ang puso ko kagabi. Naupo ako sa aking desk, binuksan ang aking laptop, ngunit hindi para magtrabaho, kundi para ihanda ang aking pagtakas gamit ang aking kaalaman sa corporate system.Kung karaniwang babae ako, baka nag-impake na ako at sumakay ng bus patungo sa isang malayong probinsya. Pero alam kong makapangyarihan si Kai. Sobrang yaman niya, at sa loob ng isang oras ay kaya niyang utusan ang kaniyang mga private investigators para hanapin ako sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Alam ko kung paano gumalaw ang mga
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 2"Wren! Sandali!"Narinig ko ang mabibigat na hakbang ni Kai na sumusunod sa akin pababa ng VIP elevator hanggang sa marating namin ang kaniyang pribadong opisina sa loob ng ospital. Pagkasara ng pinto, hinarap niya ako. Bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko ng mariin, kaya napilitan akong huminto at ngumiwi sa harap niya dahil sa sakit.Pero walang naging pagabahago sa kaniyang emosyon. Ang kaniyang mukha ay seryoso, bumalik ang kaniyang pagiging dominanteng CEO na sanay na sinusunod ng lahat."What do you mean about what you did? Bakit ganyan ka magsalita?" mariing tanong niya, ang kaniyang tinig ay mababa ngunit puno ng babala.Tumingin ako sa paligid ng marangyang opisina. Walang bakas ng init. Parang ang kasal namin—malamig. Sobrang lamig na kahit ang sarili kong hininga ay parang nagyeyelo kahit nasa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa.Doon niya napansin na namumula na ang aking braso at saka ako binitawan. Humakbang ako palapit sa kaniyang lamesa, inilapag ang aking
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 1POV: Wren's PerspectiveHawak ko ang piraso ng papel habang nanginginig ang mga daliri ko sa loob ng CR ng clinic ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng dibdib ko, naiiyak ako sa tuwa na tila sumasabay ang buong mundo sa kabog ng puso ko. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taon ng aming sikretong kasal, positibo ang resulta. Magiging ina na ako.Ang kasal namin ni Kai Vance ay hindi normal. Nagsimula ito bilang isang malamig na transaksyon sa pagitan ko - isang simpleng HR Staff ng isang Recruitment Agency - at niya, ang pinakamayaman at pinakamalaking korporasyong kliyente ng kumpanya namin. Kailangan niya ng asawa para makuha ang mana niya mula sa kaniyang lolo, at kailangan ko naman ng pera para isalba ang pamilya ko mula sa baon sa utang na iniwan ng tatay ko. Sa loob ng dalawang taon, pinilit kong maging propesyonal. Sa umaga, inaasikaso ko ang mga mga kinakailangan ng kumpanya niya at iba pang transakyon; sa gabi, natututo akong mabuhay
Huling Na-update: 2026-10-13