author-banner
Chang Go
Author

Novels by Chang Go

My Ex-Husband Regrets Losing Me To a Billionaire

My Ex-Husband Regrets Losing Me To a Billionaire

Sa loob ng sampung taon, itinago ni Allan Santos ang tunay na pagkatao ni Jane Vasquez—ang babaeng pinakasalan niya matapos itong mabuntis. Para sa pamilya ni Allan, isa lamang si Jane sa mga babaeng naghahanap ng pagkakataong makapangasawa ng mayaman. Nakilala niya si Allan sa isang bar kung saan nagtatrabaho siya tuwing gabi. Hindi nila alam na sa umaga, isa siyang respetadong propesyonal at dating Chief Technology Officer (CTO) ng Aurelion Technologies International, isang kilalang kumpanya sa larangan ng teknolohiya at artificial intelligence. Nagtatrabaho si Jane sa bar hindi dahil wala siyang ibang kakayahan, kundi dahil kailangan niyang makalikom ng pera para sa operasyon ng kaniyang ina. Ngunit nang mabuntis siya at pakasalan ni Allan, iniwan niya ang kaniyang mataas na posisyon upang italaga ang sarili sa kaniyang pamilya. Para sa kanila, isa siyang babaeng mapagsamantala. Para sa kaniyang biyenan, hindi siya karapat-dapat sa kanilang pamilya. Ngunit ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi lamang ang pangmamaliit sa kaniya. Kundi ang araw na nalaman niyang ikakasal ang sarili niyang asawa sa dating secretary ng kanyang asawa na si Alexa Cruz. Sa araw ng kasal, sa harap ng mga panauhin at ng pamilyang minsang ipinaglaban niya, tuluyan nang gumuho ang mundong binuo ni Jane. Sa halip na humingi ng tawad, itinaboy siya ni Allan. Maging ang sarili niyang anak ay pinili ang babaeng papalit sa kaniya. Pagkatapos ng sampung taon ng pagtitiis at pagsasakripisyo, tuluyan siyang lumayo sa lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya. Ngunit hindi alam ni Allan na ang babaeng itinuring niyang pabigat ay ang mismong propesyonal na kailangan ng kaniyang kumpanya. Hindi niya alam na ang dating CTO na matagal nang hinahanap ng Aurelion Technologies International ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa.
อ่าน
Chapter: Chapter 6
Bago pa siya makapagsalita, lumapit ang kanyang biyenang si Dianne.Malamig ang mukha nito habang hinihila palayo si Jao upang pigilan ang bata sa patuloy na pagwawala. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata.Nakita ni Dianne ang sakit at pagkabigla sa mukha ni Jane.Bahagyang umiwas ang tingin nito, na para bang hindi nito kayang harapin ang lungkot ng manugang. Ngunit nang magsalita ito, malamig pa rin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig.“Bakit ka pa pumunta rito para lang ipahiya ang sarili mo? Umuwi ka na. Huwag ka nang gumawa ng eksena sa harap ng lahat. Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo.”Napangiti nang mapait si Jane.“Para sa ikabubuti ko?”Bahagya siyang napailing.“Ang pagpapahiya ko raw sa sarili ko?”Dahan-dahan niyang tiningnan ang kanyang biyenan bago ibinaling ang kanyang mga mata kay Allan. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pilit niya itong pinigil.Hindi siya iiyak. Hindi sa harap ng mga taong walang pakialam sa kanyang nararamd
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
Chapter: Chapter 5
Bahagyang pinisil ni Allan ang kanyang mga labi.May saglit na pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, ngunit sa huli, dahil sa walang tigil na sigawan ng mga bisita na “Kiss! Kiss!”, dahan-dahan siyang lumapit sa mapupulang labi ni Alexa.Pumikit ang dalaga at bahagyang iniangat ang mukha, para bang isang prinsesang naghihintay sa halik ng prinsipe upang tuluyang makumpleto ang kanilang kuwento ng pag-ibig.Unti-unting humupa ang mga sigawan. Nagsimulang tumugtog ang malambing at romantikong musika.Ang buong bulwagan ay nabalot ng isang tila mahiwagang kapaligiran, na para bang walang ibang umiiral sa mundo kundi ang dalawang taong nasa entablado.Ngunit sa sandaling iyon, isang hindi inaasahang palakpakan ang sumira sa romantikong tagpo.“Magaling! Napakagaling!”Habang pumapalakpak, dahan-dahang lumapit si Jane sa entablado.Malinaw na umalingawngaw ang tunog ng kanyang mga takong sa sahig habang naglalakad siya mula sa madilim na bahagi ng bulwagan patungo sa maliwanag na entablado.
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
Chapter: Chapter 4
Sa entablado, nagpatuloy ang seremonya hanggang sa dumating ang bahagi kung saan inaasahang magsasalita ang mga magulang ng magkabilang panig.Umakyat sa entablado ang mga magulang ni Alexa at tumayo sa tabi ng kanilang anak. Napansin ni Jane na may hawak na mikropono at ilang papel ang ama ng bride. Inakala niyang ito ang unang magbibigay ng mensahe. Ngunit sa sumunod na sandali, isang anunsiyo mula sa emcee ang tuluyang nagpahinto sa kanyang paghinga.“Ngayon naman, malugod nating salubungin ang ina ng ating groom na si Dianne Santos, kasama ang kanyang pinakamamahal na apo na si Jao Santos!”Nanlaki ang mga mata ni Jane. Hindi siya makapaniwalang pinagmamasdan ang dalawang taong magkahawak-kamay na naglalakad patungo sa entablado.Ang mga ito ay walang iba kundi ang kanyang biyenang si Dianne at ang kanyang pitong taong gulang na anak na si Jao.“J-Jao…?” halos pabulong niyang sambit. “Bakit… bakit nandito kayo?”Tuwing weekend, karaniwang sa lumang bahay ng pamilya Santos namamal
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
Chapter: Chapter 3
Unang beses pa lamang ni Jane na makita nang personal si Alexa Cruz.Dati, mula lamang sa mga kuwento ni Allan niya nakikilala ang dalaga. Maraming bagay ang ikinuwento ng kanyang asawa tungkol dito, at sa bawat pagkakataon, tila hindi nauubusan ng papuri ang lalaki.Matalino raw si Alexa. Mahusay sa trabaho. May pambihirang kakayahan na bihirang makita sa ibang tao.Mula sa simpleng posisyon, mabilis itong umangat dahil sa husay nito sa pagbuo ng mga estratehiya para sa kumpanya.Ngayon, habang nakatayo sa may pintuan ng venue si Alexa at naghihintay na magsimula ang seremonya, personal na nasaksihan ni Jane ang babaeng matagal nang pinupuri ng kanyang asawa.Hindi maikakailang maganda ang bride.Suot nito ang isang napakagandang puting bestida na lalong nagbigay-diin sa maamo nitong mukha. May kakaibang ningning ang mga mata nito, at mababakas sa ekspresyon nito ang kaba at pananabik na karaniwang nararamdaman ng isang babaeng ikakasal.“Ano ba ang gagawin ko? Papasok na ako! Kinaka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
Chapter: Chapter 2
Samantala, habang papalapit na siya sa venue, tumunog ang kanyang cellphone.Nang makita niya kung sino ang tumatawag, bahagya siyang natigilan bago ito sinagot.“Kuya,” paos niyang bati.“Jane! Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko.”Halatang natuwa ang lalaki sa kabilang linya.“Alam kong naiintindihan mo kung bakit kita hinahanap, kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.”Sandaling tumigil ito bago nagpatuloy.“Kailangan ka na talaga ng Aurelion Technologies International.”Napapikit si Jane.Maging pagkaraan ng sampung taon, hindi pa rin pala siya nakakalimutan ng kumpanyang minsan niyang tinawag na pangalawang tahanan.“Kung babalik ka, handa ang board na ibalik sa iyo ang posisyon mo bilang Chief Technology Officer. Maraming proyektong hindi namin maipagpapatuloy nang wala ka.”Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Jane.“Kuya, nandiyan naman kayo para tumulong sa pamamahala. Sa tingin ko, hindi naman gaanong mahalaga kung babalik ako o hindi.”“Paano mong nasasabi iyan?” mar
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
Chapter: Chapter 1
Alas-tres ng hapon, habang abala si Jane Santos sa paghahanda ng tanghalian, biglang tumunog ang kanyang cellphone.“Hello, si Mrs. Santos po ba ito? Ako po si Mica mula sa Good Events Wedding Company. Tatawag lang sana ako upang kumpirmahin ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na kasal ninyo.”Natigilan si Jane.Bahagya siyang napangiti bago sumagot. Maganda ang kanyang pakiramdam nang araw na iyon, kaya hindi niya inakalang may maririnig siyang kakaibang balita mula sa kabilang linya.“Oo, ako nga si Mrs. Santos. Pero sampung taon na kaming kasal ng asawa kong si Allan. Wala naman kaming planong magdaos ng panibagong kasal.”Saglit na natahimik ang kausap niya.“Sandali lang po. Baka nagkamali ako ng natawagan. Kayo po ba si Ms. Alexa Cruz, ang mapapangasawa ni Mr. Allan Santos?”KLANG!Bumagsak sa sahig ang kutsarang hawak ni Jane. Parang biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang bawat salitang narinig niya. Nanlamig ang kanyang mga daliri habang unti-unting namumutla ang kan
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-10-19
บางทีคุณอาจจะชอบ
The ruthless CEO's second chance
The ruthless CEO's second chance
Romance · B.NICOLAY/Ms.Ash
160.9K views
Hiding the Cold Billionaire's Twins
Hiding the Cold Billionaire's Twins
Romance · SenyoritaAnji
160.8K views
Marriage For Pleasure
Marriage For Pleasure
Romance · febbyflame
160.3K views
His Wedding Intruder
His Wedding Intruder
Romance · SenyoritaAnji
160.2K views
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status