Chapter: Ang Asawa kong Bilyonaryo.*CHAPTER 1: Limang Milyon Para Maging Asawa*Ako si Elise Reyes Santos, 24 years old. At kung tatanungin mo ako kung ano ang pangarap ko, hindi bilyonaryo. Hindi mansyon. Hindi mamahaling bag. Pangarap ko lang mabuhay ang nanay ko.Tatlong taon na akong kasambahay sa mansyon ng mga Valderama sa Ayala Alabang. Yung bahay nila, hindi bahay. Parang hotel na may sampung kwarto, may elevator pa sa loob, at may hardin na mas malaki pa sa buong barangay namin sa Quezon. At ang amo ko, si Sandro Miguel Valderama. 29, bilyonaryo, CEO ng Valderama Group. Yung mukha niya parang pinaglihi sa Greek statue. Matangkad, laging naka-itim na suit, at yung pabango niya, kahit nasa kusina ako, naaamoy ko pag dumadaan siya sa sala.Pero yung ugali? Yelo. Sa loob ng tatlong taon, never niya akong kinausap ng higit sa limang salita. "Linis. Kape. Alis. Ayusin mo yan." Ganun lang. Parang hindi ako tao sa paningin niya. Parang kasangkapan lang ako sa mansyon na to.Hanggang sa gabing yun. 11:47 PM. Patay na a
Last Updated: 2026-10-26