WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
Lihat lebih banyakBelyn
Pagpasok ng minamaneho kong kotse sa matayog na gate ng malaki naming bahay. Natanaw kong nasa labas ang Mayordoma naming si Nanang Luisita. Nakaabang pa yata sa akin dahil sa aking kotse ang tingin nito. Sinalubong niya agad ako paglabas ko ng kotse at hindi pa man nakararating sa tabi ko, nakangiti na agad ang Nanang Luisita sa akin. "Bakit po Nanang? May kailangan po ba kayo sa 'kin?" masayang ngiti ko pa sa kaniya. Sa lahat ng tao rito sa bahay. Ang Nanang Luisita ang tanging mabait sa akin. "Pinatatawag ka ng Daddy mo sa office niya." Kinunot ko ang noo ko. "Sige po Nanang ako'y magbibihis—" "Mamaya na raw, hija, nag-aantay na sila roon ng Mommy mo," Napatango na lang ako kahit labis akong naguguluhan. Gusto kong itanong kung anong nangyari bakit kailangan sa office ni Dad, dito sa bahay mag-usap. Wala rin naman akong makukuhang sagot galing sa Nana. Nagkibit-balikat na lang ako. "Dad, ipinatatawag mo raw po ako?" "Maupo ka na muna, Belyn," alok pa ng Daddy. Kaso lang, nasa upuan na rin ang Mommy feeling ko ang liit ng espasyo sa pagitan namin hindi ako makagagalaw ng maayos kaya minabuti kong magalang akong tumanggi sa ama ko. "Ayos na po ako rito, Dad. Hindi naman yata matagal ang pag-uusapan natin," saad ko ang aking tinutukoy mananatili akong nakatayo habang kami ay nag-uusap. "Nakatakda ka ng ikasal—" "What!?" hindi ko siya pinatapos magsalita dahil malakas na akong sumagot at natataranta pa. "Sa darating na dalawang buwan," pagpapatuloy na sabi ni Daddy. "Nang kayo lang ang nakakaalam?" pigil ang inis na saad ko Daddy ko. Mas malalim pa sa balon na salukan ng tubig. Ang pinakawalan kong buntong-hininga dahil sa balitang sumambulat ngayon-ngayon lang galing sa kaharap kong magulang. Ipinatawag nila ako nang dahil lang dito? Akala ko pa naman sobrang importante ang kanilang sasabihin. Tapos ito lang pala 'yun. Nakatakda na pala akong ikasal ng walang kamalay-malay. Mas lalong sumama ang loob ko dahil dalawang buwan lang ang palugit kasal na agad sa lalaking hindi ko nga minsan nasilayan. Nadagdagan pa yata ang sakit ng ulo ko dahil sa balitang 'to. They told me I'd be married in two months to the son of their new business acquaintance, whom I'm not sure how they met. “You're just kidding me, right, Dad?” bulalas ko at pareho ko silang sinipat ng tingin ni Mommy. “Mukha ba akong nagbibiro, Belyn?!” matigas ang boses niya ng sabihin niyon sa akin. Shit! Hindi nga nagbibiro ang ama ko dahil walang bakas ni pekeng ngiti sa labi nito. Paano ba ako makalulusot dito sa gusto nilang mangyari. Hindi ako papayag. Palagi na lang akong walang boses sa bawat hilingin nila. No! Never akong sasangayon sa kalokohang ‘to ng kinilala kong magulang. Kailangan kong mag-isip ng magandang alibi ng sa gano'n iatras nila ang napipintong kasal. “Dad, why me? Akala ko po ba kailangan n'yo ako sa kumpanya,” katwiran ko pa sa kaniya. “Alam mong palubog na ang kumpanya natin, Belyn. Kung hindi ko magagawan ng paraan. Tuluyang magsasara ang Ben & Kho Apparel. At iyon ang ayaw namin mangyari ng iyong Mommy,” "But, Dad, I have a boyfriend," palusot ko pa kahit wala akong boyfriend. Ayaw ko rin magkaroon. Pare-pareho ang mga lalaki walang panindigan. Maliban sa naging kaibigan ko noong pinagmasteral ako ni Dad sa ibang bansa. Meron akong naging kaibigan si Hendrix. Kaya lang inlove ito sa long time crush simula noong bata. Nang iwan ako ng dati kong kasintahan dahil lang hindi ako tunay na 'Kho,' noong mismong debut party ko. Nabunyag kasi na ampon lang ako ng kinagisnang magulang. Iniwasan ako dahil hindi raw ako totoong mayaman kagaya sa angkan nila. Nasaktan ako noon lalo na’t inaakala ko sa lahat ng tao siya ang unang makauunawa sa akin dahil kasintahan ko siya. Ngunit nagkamali ako ng sapantaha. Dahil ito pa ang unang lumayo sa akin at nalaman ko pa sa mismong bibig ng kasintahan ko, utos ng magulang niya kasi nga hindi raw ako mayaman katulad sa pamilya nila. Sunod-sunod ang kamalasang nangyari sa akin. Sinundan ng akala ko rin ay totoo kong mga kaibigan. Same sa dahilan ng kasintahan ko. Hindi raw ko totoong anak ng mag-asawang 'Kho' ibig sabihin ay dukha raw ako. Humugot ako ng hangin ng manariwa sa aking alaala ang sinapit kong kahihiyan noong debut ko. Iyon dapat ang memorable kong araw subalit naging bangungot sa akin na ayaw ko ng balikan. Maliban sa.... “May boyfriend ka o wala susunod ka sa gusto ko!” Sigaw ni Dad na kinakurap ko kaya nawala sa isip ko ang nagi-isang magandang alaalang nangyari sa buhay ko. Napalunok ako dahil sumigaw na si Daddy. Namula na rin ang pisngi niya sa galit. Nag-suggest ulit ako baka sakaling pakinggan itong huli kong sasabihin sa Dad ko. “Hahanap po ako ng pwedeng mag-invest. Ako po ang bahala Dad—” saad ko pa ngunit hindi ko na iyon na dugtungan dahil sumabat si Mommy at ang masakit na salita niya na paulit-ulit dumudurog sa damdamin ko. Simula noon hanggang ngayon hindi talaga ako kayang mahalin ng kinagisnang magulang especially sa Mommy ko. “Inalagaan ka namin. Binihisan at pinag-aral sa magandang paaralan. Siguro naman maliit na bagay itong pabor na hinihingi namin,” Napasinghap ako. So kailangan ko palang bayaran ang ginawang pag-ampon nila sa akin. What the heck! Wala ba talaga silang katiting na pagmamahal para sa akin? Kahit tuldok lang sana masaya na ako roon. Mas mainam na iyon kaysa wala. Pero taliwas sa aking hinihiling mas masakit pa ang binitawan na salita ni Mommy sa akin ngayon. Naniningil sila dahil inampon nila ako. Ginusto ko bang ampunin nila ako? Kung sakaling may isip ako noon mas gugustuhin ko pang manatili na lang sa bahay ampunan kaysa magkaroon ng tinatawag na pamilya dahil daig ko pa ang inabandona sa paningin nila. “Siguro naman malinaw sa ‘yo ang sinabi ko, Belyn?” dugtong pa ni Mommy hindi pa na husto sa una niyang sumbat sa akin pinagdiinan pang no choice ako dahil utang ko sa kanila inampon nila ako kaya dapat akong sumunod sa kanila. “Ayaw ko pa rin po,” mababa ang boses na sagot ko sa kanila. Dumilim ang mukha ni Dad. Umiling ako. Nag-umpisa mamula ang mata ko dahil nagpigil akong humikbi. Napahilot si Dad sa batok niya lalong naging singkit ang dati na niyang singkit na mata habang nakatitig siya sa akin. “Dad, please po. Lahat naman ginawa ko na. After ng graduation ko sa kumpanya n'yo agad ibinuhos ang atensyon ko. Kulang pa po ba? Lahat po naging sunod-sunuran ako sa inyo na kahit sarili kong pangarap kinalimutan ko na. “Kami ang masusunod, Belyn!” si Mommy ang sumigaw pinukpok pa ang table ni Daddy dahil nakaupo siya visitor chair sa harapan ng office table ni Daddy. “Eh, bakit si Ate? Hindi n'yo masabihan ng ganito? Bakit ako? Bakit laging ako? Hindi pa ba sapat ang pamamahiya n'yo noon sa ‘kin noong debut party ko?” garalgal na ang boses ko ng sumagot kay Mommy. Nakagat ko pa ang labi ko upang pigilan ang panginginig niyon dahil sa napipintong iyak. Kung hindi pa ako lalabas ngayon sa office ni Daddy. Baka iyakan ko sila. “What are you talking about. Sino bang unang nagsabi na ampon ka? Diba nga mga barkada mo? Aba'y sinagot ko lang ang tanong nila. Kasalanan ko ba kung naging honest lang ako,” sagot ni Mommy sa akin na lihim kong kinasinghap ko. Naikuyon ko ang palad ko. Sa ngayon wala akong magawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanila. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay magiging sunod-sunuran na lamang ako sa bawat gustuhin nila. “Ito pa ha? H’wag mong isasali rito sa pag-uusap natin ang Ate mo. Dahil alam mo naman ang sagot diba?” ismid pa ni Mommy sa akin na kinalungkot ko ng tuluyan. Alam na alam ko. Si Ate raw ay marami pang pangarap at kailangan nilang suportahan. Next month daw may offer na modeling sa Paris. Meron pa raw offer na maging artista ayaw lang daw ni Ate. Kasi mas gusto nito sa modeling. Si Ate na ipinagmamalaki nila kasi beauty and brain ayun sa mga amiga ni Mommy. Samantalang ako? Ganito raw ang gawin ko. Kailangan makuha ko ang project na offer ni ganito, etc, etc. Kahit gusto ko ng sumabog hindi ko magawa dahil wala akong tinig na tumutol sa mga kagustuhan nila. Simula't sapul hindi sila nagpakita ng malasakit sa akin. Akala ko nga noong una. Dahil lang hindi nila ako paboritong anak. Kaya si Ate ang mahal nila. Si Ate ang magaling, at maganda. Si Ate ang puring-puri dahil daw masunuring anak, kaya nga mga amiga ni Mommy inggit daw sa kaniya. Ako napilitan lang sa kurso na kinuha ko. Pangarap kong maging fashion designer. Ngunit gusto nila Mommy ay business management ang kunin ko. Walang pagtutol 'yon ang kinuha ko kahit sa puso ko lihim ko iyon iniyak. Labag 'yun sa kalooban ko dahil bata pa lamang ako pangarap ko na pagdating ng araw maging isang fashion designer. Limang buwan na akong namamasukan sa kumpanya nila Daddy, ang Ben&Kho Apparel. After kong mag-graduate ng college. Dito agad ang bagsak ko, office clerk nga lang. Kasi mag-umpisa raw muna ako sa mababang p'westo bilang training na rin. Wala rin naman problema sa akin kahit saan na man kaya kong mag-adjust. Ako ang kailangan mag-adjust dahil sampid lang ako. Si Ate ang nagi-isa nilang anak. Maari naman akong umalis dito sa bahay. Kaya ko naman ang sarili ko. Sinubukan ko na noon. Subalit mahal ko sila kaya laging umaatras ako sa aking plano. Ako na yata ang meron problema dahil nag-aantay pa ako ng panahon na mahalin nila ako tulad sa pinapangarap ko.Aaron “Hello, Rodel? Nariyan ka ba sa sasakyan?” Kanina pa ako tumatawag ang tagal nitong sagutin. Nasa elevator na ako pababa ng ground floor. Magpapasama kasi ako rito maghanap ng gusto ni Misis. Ilang gabi na ba akong puyat. Ito pinahihirapan sa paglilihi ng asawa ko. Ngunit hindi ako mapapagod na sundin siya at pagbigyan ng bawat pagkain na hilingin nito. Kanina kasi inaantok pa ako at tinatamad akong bumangon muntik pa magalit ang Misis ko. Isang oras pa kasi ako noon nakaiidlip. Dahil nga sa pinabili niyang dalandan na hindi rin naman pinansin ng ako'y dumating. Iyon ang iniiwasan ko magalit ‘to dahil part ng paglilhi ang papalit palit nitong mood, at wala akong reklamo kahit saan niya pa ako utusan. Kahit pa makarating ako ng Visayas at Mindanao. Kung ang hilingin nito roon mabibili ang pagkain na gusto ni, Misis. Handa akong magtungo roon para lang paluguran ito. “Boss pambihira ka naman ang sarap ng tulog ko binulabog mo,” halatang kagigising lang ni Rodel. Napangi
Belyn “Ate Tala, sure ka Ikaw na ang susundo kay Benesha?” tanong ko kasi malapit ng eleven AM. Iyon ang labasan ni Benesha. “Oo naman ma'am Belyn. Kerebels ko kahit nga lakarin ko okays lang,” “Hindi ate, nasa baba lang si Kuya Rodel. Ihahatid ka at ganoon din pabalik, si Kuya Rodel pa rin ang driver n'yo. Kung hindi nga lang ako nahihilo ako na sana ang susundo,” wika ko sa kaniya. Umuwi na kasi kami kahapon dito sa condo unit ni Aaron. Gusto ko na kasi makapasok na si Benesha. Pumayag naman si Aaron kung ano raw ang gusto ko. “Hindi ba uuwi si Sir Aaron?” tanong ni Ate Tala bago kumilos. “Uuwi iyon. Ang asawa ko pa hindi iyon makali kapag hindi rito kumain ng tanghalian,” sabi ko sa kaniya. “Inlove eh. Pero hindi ka sumasama sa office ni Sir,” sabi pa ni Ate Tala. “Naku ate. No ang sagot ko r’yan. Baka walang matapos na gawain ang amo mo kapag sumama ako. Palagi nga ako niyaya tumatanggi lang ako.” “Ang ganda at sexy mo kasi Ma'am Belyn. Palaging nag-iinit si Sir Aaron sa
Belyn“Woah! Thank you Mrs. Chong,” wika pa ni Aaron at muli niya akong niyakap.“Aaron!” sinuway ko ng umangat ang paa ko sa sahig dahil pinangko na niya ako dinala sa kama maingat na ibinaba.Sinamaan ko siya ng tingin kinindatan lang ako ng masaya kong asawa. Dumukwang hinalikan ako sa noo."I love you," may ngiti sa labi bigkas nito.“I love you too, Mister. Pero nakalimutan mo hindi ka pa nagbihis ah!”“Kailangan pa ba iyon, baby. Kung aalisin ko rin naman ‘to? So bakit kailangan pa?” tugon nito hindi na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil siniil na ako ng halik sa labi ko.Nakangiti kami pareho ng umpisa hubairin ni Aaron ang sarliing saplot. Hindi ako kumurap. Pinanonood ko ang bawat galaw nito hanggang sa boxer na lang ang matira.Pagkatapos niya alisin ang kaniya sinunod ang akin wala ni isang itinira. Nang maalis lahat ng damit ko bumaba ang mukha ni Aaron sa impis ko pang tiyan. At buong puso niya iyon hinahalikan parang kinakausap pa niya ang parating namin baby
Aaron Katatapos lang ng meeting isang oras ang nakalipas. Bored na ako sa office ko. Naisip kong tawagan ang Misis ko, baka sakaling ganahan ako sa tambak kong pipirmahan na papeles sa aking harapan. Gusto ko lang marinig ang boses nito inspiration para mabawasan ang pagkabagot ko hanggang oras ng uwian. Dinampot ko ang phone ko nag-dial sa number ni Belyn. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. Dammit! Ayaw naman sagutin ng asawa ko. Nagsalubong ang kilay ko kasi hindi talaga nito sinasagot. Alas dos y medya na ng hapon malapit na rin naman akong umuwi. Hindi ako mago-overtime. Five PM uuwi na ako subalit kapag ganitong walang sagot ni Misis, hindi ako paabot ng alas singko. I can't stand not hearing my wife's voice. OA na kung OA. I adore listening to her lovely voice. Kung p'wede nga lang kasama ko siya palagi iyon ang gagawin ko. Sila ng pamilya ko ang tanging lakas ko. May kumatok sa pinto. Sinamaan ko ng tingin. Hindi ko pa nakakausap si Misis, istorbohin ako ng tao sa
Belyn Pagkaalis lang ni Aaron, bumalik din agad ako sa k'warto dahil nakaramdam ako ng hilo. Balak ko, sandali lamang akong hihiga kasi ayain ko si Ate Tala lumabas, ngunit hindi ko akalaing nakaidlip ulit ako. Nang hindi lang maayos ang aking paghiga sa kama. Pero kasya naman ako pahalang na higa dahil nga king size bed ang kama namin ni Aaron. Kahit hindi ako umayos ng higa hindi lalampas ang paa ko sa kutson. Natuwa ako paggising ko. Kasi bumuti na ang pakiramdam ko. Mabuti na lang kumain na kami ng tanghalian kanina bago umalis ang asawa ko. Kun'di mag-aantay ang biyenan ko hanggang ako'y magising bago sila kumain. Kahit nga maligo hindi ko pa naisagawa kasi natulog kami ni Aaron at paggising naman nito siya ang una ko pinaligo kasi papasok pa ng trabaho. Bakit ang tamad ko yatang kumilos? Dati kay Benesha hindi ako ganito. Hindi kaya lalake na ang sunod naming baby. Nahaplos ko ang impis ko pang tummy. Kahit ano naman mahal na mahal ko na siya kahit hindi ko pa siya mas
BelynNagising kami ni Aaron bandang alas-onse ng umaga. Nasa CR lang ang asawa ko naliligo. Habang nasa loob pa si Aaron ng banyo. Hinanda ko na rin ang isusuot niya pampasok sa office niya. Nang makapili ako. Nilatag ko na sa kama ang ternong tuxedo ni Aaron, inantay ko siyang matapos maligo at umupo muna ako sa gilid ng kama namin.Habang nag-aantay akong makatapos siya sa pagligo. Kinalikot ko muna ang phone ko. Nag-text ako kay Rhonda tungkol sa nangyari kay Mommy. Nag-reply ang kaibigan ko nakikiramay sa amin. Nagtanong pa kung kailan ang libing. Dahil doon daw siya pupunta. Sinabi ko sa Linggo at sinabi ko rin kung saang memorial park ilalagak ang labi ni Mommy.Ka text ko rin si Ate Anely. Kinumusta ko lang sila ni Dad. Kung ayos lang ba silang dalawa. Kung mayroon sila kailangan magsabi lang sa ‘kin.Maya-maya umingit ang pinto ng CR. Napatingin ako roon pareho kaming nakangiti ni Aaron na nagkatinginan.Tapos na si Aaron maligo. Napanguso ako ng tumambad sa akin ang abs niya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen