LOGINLimang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
View MoreMALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang s
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore