author-banner
ladyjusticeinpink
ladyjusticeinpink
Author

Nobela ni ladyjusticeinpink

His Monochromatic Fiancée

His Monochromatic Fiancée

In a world where everyone sees only black, white, and gray, meeting one's soulmate means experiencing the world in full color. Anastelle Villareal has spent her life creating beautiful designs despite never seeing their colors, relying on memorized shades, textures, and fabric specifications to pursue her passion. Alexander Monteverde, a billionaire fashion executive, once believed he had found his soulmate in his late wife. Even after her passing, he never imagined loving another woman. But at a charity ball honoring her legacy, he meets Anastelle, and both experience the impossible: the world bursts into full color. Their encounter challenges humanity's belief that everyone has only one soulmate. Unwilling to accept this extraordinary connection, Alexander rejects Anastelle. However, an arranged engagement forces them into a life neither expected. As Anastelle fights for her independence and Alexander struggles with his unresolved grief, an unexpected affection begins to grow, teaching them that destiny may bring two people together, but love requires a choice.
Basahin
Chapter: 05: Isang Pangalang Hindi Dapat Banggitin
Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: 04: Ang Bagong Kulay ng Inggit
Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: 03: Tadhanang Itinakwil
Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: 02: Unang Kulay
Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo
Huling Na-update: 2026-11-09
Chapter: 01: Mundong Walang Kulay
Anastelle's POVBlack. Gray. White.Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid.Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable.Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan.Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura.Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas
Huling Na-update: 2026-11-09
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status