ログインAnastelle's POV
Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang ipinasa-pasa sa maraming henerasyon, isang katotohanang halos walang sinumang nagawang pabulaanan. Ito ang nakapagsasabi sa dalawang tao na sila ang itinakdang soulmates ng tadhana. Ngunit may isang bagay na hindi ko maintindihan. Si Isadora. Ang babaeng minahal at pinakasalan ni Alexander. Ang babaeng pinararangalan sa mismong gabing ito. Hindi ba’t sabi sa mga artikulong nabasa ko tungkol sa kanila ay naging matagumpay na designer si Isadora mula noong nakakita siya ng kulay dahil kay Alexander? Kung siya ang kaniyang nakatakdang kabiyak, bakit ngayon lamang bumalik ang mga kulay? "Good heavens..." Napatakip ako sa bibig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa sobrang tuwa. Ilang taon kong pinangarap ang sandaling ito. Ilang taon kong pinag-aralan ang mga kulay nang hindi ko man lamang nalalaman kung ano talaga ang itsura ng mga ito. At ngayon, nakikita ko na! "You're seeing it too." Rinig kong sambit ni Alexander. Napalingon ako sa kaniya. Ngunit sa halip na tuwa, ibang emosyon ang nakita ko sa kaniyang mukha. Galit. Hindi ko agad naunawaan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Nakatitig siya sa akin na para bang may nagawang malaking pagkakamali ang pagkakataong nagtagpo kami. "Alexander?" maingat kong tawag. Agad niyang binawi ang kamay. "No." Napakunot ang noo ko. "Excuse me?" “No. This can’t be happening,” ‘di mapakaling bulong niya. Umiling siya at napatingin sa sariling palad. Napatingin ako sa paligid. Marahil ay ganoon din ang nararamdaman niya. Marahil ay hindi rin niya inaasahang makikita muli ang mga kulay. "Does this mean...?" Hindi ko naituloy ang tanong. "Don't." Matalim ang naging tugon niya. Natigilan ako. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko. "Don't what?" "Don't even think about it,” banta niya. Nagmistulang kutsilyo ang kaniyang mga salita sa sobrang talim nang pagkakasabi niya rito. Napaatras ako nang bahagya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ako ang sinisisi niya sa nangyayari. "Alexander, hindi ko—" "I already had my soulmate." Nawala ang anumang ngiti sa aking labi. Nag-iwas siya ng tingin at natulala. Sinundan ko ang kaniyang tingin at napunta ito sa larawan ni Isadora. "She was my wife," mariin niyang sambit. "She was the only person I ever wanted." May kung anong kumirot sa aking dibdib. "Naiintindihan ko, pero—" "No, you don't,” pagpuputol niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko rin alam kung paano ipaliliwanag ang isang bagay na hindi ko naman ginusto o hiniling. "Whatever this is, I want no part in it," malamig niyang wika. "Hindi ko naman hininging mangyari ito," sagot ko, bahagyang napataas ang boses. “Ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari!" Saglit siyang natahimik, ngunit hindi nagtagal ang katahimikan. "Then let's keep it that way." Tuluyan siyang tumalikod at iniwan ako sa mesa. Napatitig ako sa kaniyang papalayong likod. Sa gabing pinakahihintay kong makadalo sa isang pagtitipong maaaring magbukas ng maraming oportunidad para sa aking career, hindi ko inakalang masasaksihan ko rin ang isang pangyayaring magbabago sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kami ang pinagtagpo ng tadhana. Hindi ko alam kung bakit sa kaniya ko unang nasilayan ang tunay na kulay ng mundo. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit tila galit na galit siya sa posibilidad na ako ang kaniyang nakatakdang kabiyak. Muli kong tiningnan ang aking mga kamay. Napakaganda ng mga kulay. Ngunit sa unang pagkakataon mula nang makita ko ang mga ito, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Dahil ang lalaking maaaring dahilan kung bakit nagkaroon ng kulay ang aking mundo ay siya ring unang taong nagparamdam sa akin na sana'y hindi na lamang ako nakakita. "Alexander!" Napalingon kami sa isang lalaking papalapit sa kaniya. "Sir, the guests are waiting for your speech,” ani nito. Bahagyang tumango si Alexander, ngunit hindi inalis ang tingin sa akin. "I'll be there." Pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "Anastelle, may I see you again?" Hindi ko agad nasagot ang kaniyang tanong. Sa halip, muli kong tiningnan ang mga kulay sa paligid. Ang mga kulay na ilang taon kong pinag-aralan sa pamamagitan lamang ng mga salita at larawan. Ang mga kulay na minsan ko lamang pinangarap na makita. At ngayon, narito ang isang lalaking tila may kakayahang baguhin ang lahat ng pinaniniwalaan ko. "I suppose we'll have to find out why this happened," sagot ko. Bahagya siyang ngumiti. "Then I suppose I'll see you again." Tumango ako. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis, napatingin ako sa malaking larawan ni Isadora sa entablado. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib. Sa gabing ipinagdiriwang ang alaala ng isang babaeng minsang naging buong mundo ni Alexander Laurent, ako naman ang unang babaeng nagpabalik ng kulay sa kaniyang paningin. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko ay hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Lalo na kung ang lalaking kaharap ko ay may nakaraan pang hindi tuluyang nabubura. Tila nakapasok ako sa panibagong mundong hindi ako sanay na makita.Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele
Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n
Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang
Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo
Anastelle's POVBlack. Gray. White.Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid.Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable.Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan.Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura.Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas







