로그인Anastelle's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Papa. Nakauwi na rin pala sila. Halos sabay lang kaming nakauwi. Gaya kanina, hiwalay pa rin kami ng sinakyan pauwi. “Andito na ako, ‘Pa!” sagot ko. Lumabas muna ako para sana magmano kina Papa at Tita nang biglang iba ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. Umalingawngaw sa tahimik na salas namin ang paglapat ng palad ni Cassandra sa pisngi ko. Sinampal na naman niya ako sa parehong pisngi na sinampal niya kanina. A-Ang sakit! “Cassandra!” awat ni Tita Margaret. Pumagitna siya sa aming dalawa. Dahan-dahan kong nilingon si Cassandra. Bakas sa mga mata ko ang takot at lito, dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako sinampal. Ano na namang ginawa kong kasalanan sa kaniya? “Ikaw, ahas ka!” bulyaw nito. “Napakapapansin mo!” “C-Cassandra, wala akong ginawa,” tugon ko, ngunit nanginginig na ang boses ko. Anong nangyayari? “Ayan, diyan ka magaling. Ang galing mong magpaawa at umakting na tila wala kang alam!” singhal niya. “Nako, Mom, Dad, ‘wag na ‘wag kayong maniniwala sa ahas na ‘yan! Hindi ‘yan inosente. Nagawa niyan landiin si Alexander kahit alam niyang gusto ko siya!” Akmang sasampalin niya ulit ako nang saluhin ni Papa ang kamay niya. “Cassandra, tama na!” saway ni Papa. “Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?” Ngunit hindi nagpaawat ang kapatid ko. “Napakalandi mo talaga! Sana hindi ka na lang nain kinupkop. Sana hinayaan ka na lamang namin sa pangangalaga ng ina mong walang kwenta!” Nanikip ang dibdib ko. Tila dinudurog ang puso ko dahil sa narinig niya. Hindi ako makapaniwalang kaya ‘tong sabihin sa akin ni Cassandra kahit pa nakaharap na sina Papa at Tita Margaret. “W-Wala akong ginawa, Cassandra,” pagpupumilit kong magpliwanag. “Hindi ko nilandi si Alexander.” “Anong hindi!?” sigaw niya lalo. Nanliliit na ako sa sarili ko. “Kitang-kita kong nag-uusap kayo. Hinawakan mo pa ang kamay niya!” “He offered his hand! Nagpakilala lamang siya sa akin at sinabi sa aking siya ang nag-apruba ng application ko para makadalo sa ball,” paliwanag ko. Hindi ko na napigilang hindi magtaas ng boses. “Bakit ba ayaw mong makinig sa akin!?” Akala ko kakalma na siya, pero sinampal niya ulit ako. Ikinagulat ito lalo ni Tita Margaret. “Cassandra! Tama na sabi!” awat niya sa kapatid ko. Ngunit, napagtanto ko na hindi mo na siya mapipigilan sa oras na umusok na ang ilong nito at tila namamato na ng kutsilyo dahil sa talim ng kaniyang mga titig. Kapag ganitong nanlilisik na ang mga mata niya, alam ko sa sarili ko na dapat tumahik na ako para ‘di na lumaki ang gulo. Natigilan ako nang maramdaman kong may tumutulong likido mula sa aking ilong. Agad ko itong pinunasan at tiningnan. “It’s…color red,” bulong ko. Talagang nakakakita na ako ng kulay. Kakulay ng likidong ito ang suot na gown ni Cassandra. Ramdam kong nagkatinginan silang tatlo. Lalong kumunot ang noo ni Cassandra. Nanlaki naman ang mata nina Papa at Tita nang mapagtanto nila ang sinabi ko. “Anastelle, hija, nakakakita ka na ng kulay?” mahinang tanong ni Tita Margaret. Tumango ako. “Opo—” Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nadulas ako. Shit, nasabi ko sa kanilang nakakakita na ako ng kulay. Ibig sabihin, alam na rin nilang nahanap ko na ang soulmate ko. “Kita niyo ‘yan? Nagpunta ka pa talaga sa ball para hanapin ‘yang malas na lalaking itinadhana sa isang katulad mo?” Hindi talaga nagpaawat si Cassandra. Pati ba naman ito, pinuna niya. “Cassandra, tumigil ka na. She should be celebrated, not insulted.” Lumalalim na ang boses ni Papa, tanda na sumeseryoso na siya. “And why should I stop? She’s a disgrace to our family,” pahabol pa niya. “Tell us who this unlucky guy is.” “Cassandra—” “Oh, ano? Ikinahihiya mo ba ‘yang soulmate mo? Baka staff kanina sa ball?” Umakto pa siya na tila nag-iisip kahit pa alam na niya ang mga insultong ibabato niya sa ‘kin. “O baka naman, pulubi ‘yan na palaboy-laboy lang sa labas ng mansyon kanina?” Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Napahawak na lamang ako rito, dahil hindi ko na kinakaya ang sakit. Masyado siyang harsh magsalita. “Nakakasakit ka na, Cassie,” sabat ni Tita Margaret. “Why are you defending—” Hindi na natapos ng kapatid ko ang sunod niyang sasabihin dahil pinutol ko agad iyon. “Si Alexander Monteverde,” putol ko. “Siya ang soulmate ko at w-wala ka nang magagawa roon.” Lumingon silang lahat sa akin. Nanlaki ang mata nina Papa at Tita dahil sa hindi inaasahang balita. Samantalang, si Cassandra ay hindi ko magawang basahin ang reaksyon niya. Ang inis niya kanina ay tila napalitan ng tahimik na galit. “Pagsisisihan mo ‘to, Anastelle,” aniya na ikinagulat ko. Paunti-unting gumapang sa dibdib ko ang kaba dahil kakaiba na ang paraan ng pagtingin niya sa akin. “Sisirain kita. Tandaan mo ‘yan.” At ng gabing ‘yon ay hindi ako nakatulog nang ayos dahil sa naging banta ni Cassandra. Kilala ko siya. Hindi siya papayag na hindi masunod ang gusto niya.Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele
Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n
Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang
Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo
Anastelle's POVBlack. Gray. White.Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid.Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable.Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan.Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura.Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas







