Home / Romance / His Monochromatic Fiancée / 05: Isang Pangalang Hindi Dapat Banggitin

Share

05: Isang Pangalang Hindi Dapat Banggitin

last update publish date: 2026-11-09 05:54:28

Alexander's POV

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko.

Anastelle.

Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido.

Hindi ko siya kailangan.

Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora.

Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Alexander?"

Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina.

Nakatayo si Eleanor Monteverde sa bungad ng aking opisina. Nakasuot siya ng mamahaling sutana, maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok, at may ngiting hindi ko kailanman nagawang basahin nang lubusan.

"Gising ka pa?" tanong nito.

"Obviously."

Bahagya siyang natawa bago pumasok. "May I?"

Hindi na ako sumagot. Umupo siya sa sofa sa tapat ng aking mesa at inilapag ang kaniyang handbag.

"I heard the ball went wonderfully," panimula niya. Ano naman kayang pakay niya rito?

"That's what the organizers told me," tipid kong sagot.

"Don't be difficult, Alexander."

Ipinatong ko ang aking panulat sa mesa. "Anong kailangan mo sa ‘kin, Mom?"

"Kailangan ko ba ng dahilan para bisitahin ka?" tanong niya, tila nasasaktan. Umaakting na naman siya.

"Usually, yes,” sagot kong muli.

Umiling siya, tila sanay na sa aking pakikitungo. "I was there tonight, you know. I saw how the guests admired the arrangements. Isadora would have been pleased."

Napahigpit ang hawak ko sa armrest ng aking upuan nang marinig ang pangalan ng aking asawa. "She would have been."

"Speaking of Isadora." Sandali siyang nag-atubili. "I heard something rather interesting."

Hindi ako kumibo. Here we go.

"Apparently, something happened during the ball," aniya. Alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito.

Napatingin ako sa kaniya. "Anong narinig mo?"

"That you saw colors again."

Nanigas ang aking panga. Of course. Walang lihim na nananatiling lihim sa pamilyang ito, lalo na kung may kinalaman sa isang bagay na maaaring pag-usapan ng buong lipunan.

"Sinong nagsabi sa ‘yo?" usisa ko.

Bahagya niyang ikiniling ang ulo niya. "Does it matter?"

"It does to me,” matigas kong tugon.

"Alexander." Bahagya siyang yumuko. "Is it true?"

Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago tuluyang sumagot. "Yes."

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. "Oh, my goodness! Is it really true?"

"Mother, please."

Ngunit, hindi talaga siya nagpaawat. "After all these years…”

"Don't,” banta ko.

Ngunit tila hindi niya napansin ang babala sa aking tinig. "Does that mean you've finally found her?"

Mariin akong napapikit. There it was. The question I had been dreading. "Apparently."

"Sino siya?" tanong niya, puno ng pananabik ang tinig.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ang kulit ng matandang ‘to, ah. "Someone you don't need to concern yourself with," malamig kong tugon.

"Alexander!" mariing tawag niya sa pangalan ko.

"What?" iritado kong sagot.

"She's your soulmate! Of course, kailangan kong malaman!" giit niya.

Tumayo ako mula sa aking upuan. "I don't have a soulmate.”

Natigilan siya. "Excuse me?" gulat niyang tanong.

"You heard me," malamig kong tugon.

"Don't tell me plano mong i-deny ‘yan," sambit niya, bahagyang napailing.

"I am," walang pag-aalinlangan kong sagot.

Napailing siya. "Alexander, you cannot simply reject fate.”

"Watch me," balik ko.

Nawala ang ngiti sa kaniyang mukha nang titigan ko siya sa mata. Kahit pa nanay ko siya, hindi ko hahayaang kontrolin niya ako o ang mga desisyon ko sa buhay, lalo na sa pag-ibig.

Si Isadora lang tanging babaeng tatanggapin ko. Wala nang makapapantay sa kaniya.

Kahit pa tadhana ang kalaban ko.

"You're being unreasonable," puna niya.

"And you're being intrusive," sagot ko.

"All I'm asking is to meet the woman who brought the colors back into your life!" giit niya.

"Then stop asking," malamig kong tugon.

Natahimik siya.

Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago muling nagsalita. "Alexander, I'm your mother. I have every right to know—"

"Her name is Anastelle," putol ko sa kaniya.

Naputol ang kaniyang sinasabi. Napatingin siya sa akin, tila hindi inaasahang maririnig ang pangalan mula sa aking bibig.

"Anastelle?" ulit niya, bahagyang napangiti. "That's lovely.”

"Don't," babala ko. "Then allow me to make myself perfectly clear. I have absolutely no intention of pursuing her.”

Bahagya siyang napaatras. Tila gusto niyang magprotesta dahil sa sinabi ko. "Alexander, you cannot just—"

"I already had a wife," putol ko.

Naging mabigat ang katahimikan sa pagitan namin.

"Isadora was my soulmate. She was the woman I chose to spend my life with. I married her. I loved her. And I still do," mariin kong pahayag.

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng aking ina.

"Darling..." mahinahon niyang tawag.

"Don't call me that," malamig kong saway.

"Nobody is asking you to forget Isadora," paliwanag niya.

"Then why does everyone seem so eager to find me another woman?" tanong ko, hindi maitago ang pagkadismaya.

"Because you deserve to be happy again," malumanay niyang sagot.

"Happy?" Mapait akong natawa. "Sa tingin mo, sasaya ako kapag naghanap ako ng iba?" sarkastiko kong tanong.

Hindi siya sumagot.

"I was perfectly content with my life before tonight. I had my work, my company, and the memories of my wife. Wala na akong iba pang kailangan!" paliwanag ko. ‘Di ko na napigilang pagtaasan ng boses si Mom.

"Perhaps you don't realize that the universe has given you another chance," sambit niya.

"Then I suggest the universe learn to respect my wishes," malamig kong tugon.

Napailing siya, ngunit hindi na nagsalita.

Muli akong naupo at kinuha ang aking baso ng tubig. Nanginginig nang bahagya ang aking mga daliri, bagay na lalong ikinainis ko.

I hated this.

Kinamumuhian ko ang biglaang pagbabalik ng mga kulay. Kinamumuhian ko ang mga tanong. Kinamumuhian ko ang mga inaasahan ng lahat.

At higit sa lahat, kinamumuhian ko ang katotohanang isang estranghera ang biglang naging bahagi ng isang aspeto ng buhay ko na wala akong anumang balak baguhin.

"Sige, 'di muna kita pipilitin," pagtatapos niya.

Hindi ako naniwala sa kaniya.

Kilala ko ang aking ina. Kapag may isang bagay siyang gustong mangyari, bihira siyang tumigil hangga't hindi niya nakukuha ang kaniyang nais.

At ang ngiting unti-unting bumalik sa kaniyang mga labi ay hindi nakatulong upang mapanatag ako.

Nang makalabas siya ng aking opisina, nanatili akong nakatayo sa harap ng aking mesa.

May kung anong hindi tama.

Alam kong hindi lamang simpleng pag-uusisa ang dahilan ng pagbisita niya. At ang paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ni Anastelle ay tila ba may nabuo na siyang plano sa kaniyang isipan.

Napailing ako.

Don't even think about it, Mother.

Hindi ko hahayaang gamitin niya ang nangyari upang itulak ako sa isang relasyong hindi ko naman hiniling. Hindi ko kailangang makilala si Anastelle. Hindi ko kailangang makita siya muli.

At lalong hindi ko kailangang tanggapin ang isang katotohanang hindi ko kailanman ginustong mangyari.

Dahil kung may isang bagay na hindi kayang baguhin ng tadhana, iyon ay ang katotohanang si Isadora lamang ang babaeng pinili kong mahalin.

At wala akong planong baguhin iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Monochromatic Fiancée   05: Isang Pangalang Hindi Dapat Banggitin

    Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele

  • His Monochromatic Fiancée   04: Ang Bagong Kulay ng Inggit

    Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n

  • His Monochromatic Fiancée   03: Tadhanang Itinakwil

    Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang

  • His Monochromatic Fiancée   02: Unang Kulay

    Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo

  • His Monochromatic Fiancée   01: Mundong Walang Kulay

    Anastelle's POVBlack. Gray. White.Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid.Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable.Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan.Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura.Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status