로그인Anastelle's POV
“Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyong pinaghirapan kong buuin, at determinasyong patunayan na karapat-dapat akong makilala. Kaya nang malaman kong bukas ang ilang puwesto para sa mga independent fashion designers, hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Hindi ko alam kung alin ang mas nakapangingilabot: ang makaharap ang mga taong maaaring magbukas ng mga pintuan para sa aking karera o ang posibilidad na hindi ako mapansin sa gitna ng napakaraming mas kilalang pangalan. Muli kong inayos ang aking gown bago huminga nang malalim. "Okay, Anastelle," bulong ko sa sarili. "You've worked too hard for this. Don't waste it." Akmang papasok palang ako sa mismong ballroom nang may boses ang magtawag sa akin. "Ikaw ba si Anastelle Villareal?” Napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin. Nakasuot siya ng marangyang gown at may nakasabit na kuwintas sa leeg na tila nagkakahalaga ng buong koleksiyon ng isang boutique. "Opo, ako nga po," magalang kong sagot. Ngumiti siya nang matamis. “Ako si Eleanor Monteverde. I saw your submitted designs sa applications. They were all lovely.” Eleanor Monteverde—as in THE Eleanor Monteverde? Siya ang ina ni Alexander Monteverde, ang C.E.O. ng Monteverde Maison! “Maraming salamat po, Mrs. Monteverde!” tugon ko. Hindi ko napigilang yumuko bahagya. “It’s an honor na mapuri ninyo.” Tinapik niya nang dalawag beses ang balikat ko bago siya umalis para salubungin ang mga bagong dating na bisita. Napabuntong-hininga ako. Grabe ‘yon! Napansin ni Mrs. Monteverde ang mga disenyo ko. Muli kong inayos ang laylayan ng suot kong light gray na gown. Simple lamang ang disenyo nito, ngunit pinaglaanan ko ng maraming oras ang bawat detalye. Mula sa maingat na pagkakagawa ng bodice hanggang sa maliliit na burdang nakapalibot sa baywang. "Miss Anastelle?" tawag ng isang boses. Napalingon ako sa lalaking lumapit. Isa siya sa mga tagapag-organisa ng programa. "Yes?" "May I escort you to your seat? The program is about to begin,” aniya. "Of course. Thank you." Sinundan ko siya patungo sa mga mesang nakapalibot sa malaking ballroom. Napakaganda ng pagkakaayos ng silid. Napakalalaking chandelier ang nakasabit sa kisame, habang nakahilera naman sa mga gilid ang mga bulaklak na ginamit bilang dekorasyon. Sa gitna ay may entabladong may malaking larawan ng babaeng pinararangalan ngayong gabi. Si Isadora Monteverde. Hindi ko siya personal na nakilala, ngunit marami na akong narinig tungkol sa kaniya. Isang babaeng kinilala hindi lamang dahil sa kaniyang kagandahan kundi dahil din sa kaniyang impluwensiya sa mundo ng fashion. At higit sa lahat, siya ang babaeng minsang minahal ni Alexander. Ang pangalan niya pa lamang ay sapat na upang mapukaw ang atensiyon ng sinumang nasa industriya. Isang matagumpay na fashion director at bilyonaryong nagmamay-ari ng isa sa pinakakilalang luxury fashion brands sa bansa. Hindi ko inaasahang makikilala ko siya ngayong gabi. Nagsimula ang programa sa isang maikling talumpati tungkol sa mga proyektong pangkawanggawa na ipinagpatuloy bilang bahagi ng pamana ni Isadora. Nakinig ako habang pinagmamasdan ang malaking larawan sa entablado. May kakaibang lungkot sa kaniyang mga mata. "She was a remarkable woman. The Monteverde family did so much to preserve her legacy.” Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng aking upuan. Hindi ko namalayang may lumapit na pala. Matangkad siya, maayos ang tindig, at nakasuot ng itim na tuxedo na tila sadyang ipinatahi para sa kaniya. His dark hair was neatly styled, revealing sharp features, and a well-defined jawline. Bahagyang nakatago ang kaniyang mga kamay sa bulsa habang nakatingin sa larawan ni Isadora. Sandali akong natulala sa estrangherong katabi ko. Ang guwapo naman niya! Para siyang lumabas sa isang libro dahil tila hindi humane ang kag’wapuhang taglay niya. "She must have been," sagot ko. Bahagya siyang napangiti, ngunit hindi umabot sa kaniyang mga mata. "Must have been?" "H-Hindi ko siya personally kilala," saad ko sa estranghero. "I see.” Tumango-tango ito saka muling tumingin sa larawan. "She would have liked your designs. Ako ang nag-apruba ng application mo." Nanlaki ang mata ko. Napalingon agad ako sa kaniya at ‘di ko napigilang ngumiti. “Talaga po? Nako, maraming salamat po! Utang ko sa iyo ang galak na nararamdaman ko ngayon.” Doon niya ako tuluyang nilingon. Sandali kaming natahimik. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ako sanay na nakikipag-eye contact nang matagal. Laking gulat ko nang iniabot niya ang kaniyang kamay. "Alexander Monteverde,” pakilala niya. Napatingin ako sa palad niyang nakalahad. Alexander Monteverde. Napakabilis ng tibok ng puso ko nang tuluyan kong mapagtanto kung sino ang kaharap ko. "Oh." Bahagya niyang itinaas ang isang kilay. "Is that all I get?" Napailing ako at tinanggap ang kaniyang kamay. "Anastelle. Anastelle—" Hindi ko naituloy ang pagpapakilala. Dahil sa mismong sandaling magdikit ang aming mga palad, may kakaibang nangyari. Isang kisapmata. Isang saglit na tila huminto ang buong mundo. At pagkatapos— Kulay. Napaatras ako nang bahagya. Hindi na kulay-abo ang paligid. Ang puting mantel sa mesa ay tunay na puti. Ang mga bulaklak sa gilid ng entablado ay may iba't ibang kulay na hindi ko kailanman naisip na ganoon pala kaganda. Ang mga ilaw sa kisame ay hindi na lamang matingkad na mga hugis na may magkakaibang antas ng liwanag. May kulay ang lahat! Napahawak ako sa dibdib habang pilit inuunawa ang nakikita. "Miss?" Hindi ko siya pinansin. Nakatitig lamang ako sa sariling mga kamay. Ang mga kuko kong ilang taon kong nakitang kulay-abo ay may mapusyaw na kulay rosas na pala. Ang gown kong akala ko'y simpleng gray lamang ay may lalim ng kulay na hindi ko kayang pangalanan. "Anastelle?" Muli akong napatingin sa kaniya. Nakakunot na ang kaniyang noo, tila naguguluhan sa nangyayari sa akin—sa amin. At doon ko napansin ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong kulay ng mga ito. Hindi ko pa kayang kilalanin ang bawat kulay sa unang tingin. Ngunit ang alam ko, hindi na kulay-abo ang mga ito. Nakatitig din siya sa akin. Nagbago nang tuluyan ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "You're seeing it too," mahina niyang sambit. Hindi iyon isang tanong. Dahan-dahan akong tumango. "Colors," bulong ko. "I can see colors."Alexander's POV Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang charity ball, ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari. Ang sandaling nagdikit ang aming mga palad. Ang biglaang pagbabalik ng mga kulay sa aking paningin. At ang mukha ng babaeng naging dahilan upang muling iparamdam sa akin ng tadhana na hindi pa pala ito tapos sa panghihimasok sa buhay ko. Anastelle. Napapikit ako at mariing hinilot ang aking sentido. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng panibagong soulmate. Hindi ko kailangan ng babaeng magpapaalala sa akin na maaari pa akong magsimula ulit. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng sinumang papalit sa puwestong matagal nang inilaan ko para kay Isadora. Patay na ang asawa ko, ngunit hindi nangangahulugang natapos na ang pagmamahal ko sa kaniya. "Alexander?" Napadilat ako nang marinig ang boses ng aking ina. Nakatayo si Ele
Anastelle's POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Hanggang sa kasalukuyan, sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari sa ball. Ang mga kulay na unang beses kong nasilayan, ang mukha ni Alexander Laurent nang malaman niyang muli siyang binigyan ng tadhana ng isang soulmate, at ang malamig na paraan ng pagtalikod niya sa akin. Hindi ko maalis sa isip ang kaniyang mga sinabi. I already had my soulmate. Nauunawaan ko naman siya. Kung tutuusin, sino ba ako para kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong asawa? Ngunit hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko hiniling na maging dahilan ng muling pagbabalik ng mga kulay sa kaniyang mundo. Ang gusto ko lamang ay makadalo sa ball, maipakilala ang aking mga disenyo, at magkaroon ng pagkakataong makilala ang mga taong maaaring makatulong sa pagsisimula ng aking career. Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang lalaking magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko. "Anastelle?" Napalingon ako n
Anastelle's POV Napatingin si Alexander sa paligid, tila sinusubukang tiyakin na hindi lamang siya nananaginip. "How?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo. "Hindi ko alam," bulong ko habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Nakakamangha! Hindi na gray, itim, o puti ang nakikita ko. Tila nagliwanag ang mundo ko dahil sa mga kulay na ito. Tila nagkaroon ng buhay. "Have you ever—" "No," putol ko sa kaniya. "I've never seen colors before." Muli siyang natahimik. Unti-unti kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang tuluyan nang maghiwalay ang aming mga palad, nanatiling makulay ang aking paningin. Hindi nawala ang mga kulay. Nang mapansin ko iyon, lalo akong natigilan. Oh my gosh. "Alexander..." He looked at me. "Sa tingin mo...?" Hindi ko na natapos ang tanong. Dahil pareho naming alam ang ibig sabihin nito. Ang mga taong nakatagpo na ng kanilang nakatakdang kabiyak ang siyang unang nakakakita ng kulay. Isang paniniwalang
Anastelle's POV “Your name, please?” bungad na tanong ng isang butler sa entrance ng mansyon ng mga Monteverde. “Anastelle Villareal.” Sandaling hinanap ng butler ang pangalan ko sa guest list na hawak niya. Maya-maya pa ay nahanap niya ang pangalan ko at hinayaan na akong makapasok sa loob. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang papasukin na niya ako sa loob. Tatlong linggo akong naghintay at halos araw-araw na sumubaybay sa mga anunsiyo tungkol sa pinakahihintay kong ball. Hindi biro ang makapasok sa isang pagtitipong dinadaluhan ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang personalidad sa fashion industry. Kailangan mong magkaroon ng koneksiyon, reputasyon, o sapat na dahilan upang bigyan ka ng puwesto sa isang bulwagang punong-puno ng mga taong sanay na nasa tuktok ng lipunan. At wala akong maipagmamalaki sa tatlong iyon. Hindi ko ginamit ang apilyedo ko para maka-secure ng spot sa ball na ito. Ang mayroon lamang ako ay isang maliit na portfolio, ilang disenyo
Anastelle's POVBlack. Gray. White.Tanging ito lamang ang nakikita ko sa aking paligid.Tahimik ang buong studio maliban sa mahinang ugong ng mga makinang panahi at paminsan-minsang kaluskos ng mga telang nakalatag sa aking worktable.Nakatayo ako sa harap nito, abala sa pagsusuri ng bago kong koleksiyon. Nakakalat sa ibabaw ang mga sketch, mga piraso ng tela, talaan ng sukat, at maliliit na kard na nagsisilbing gabay ko. Bawat bagay ay may kani-kaniyang puwesto. Dinampot ko ang isang piraso ng telang kulay abo at itinapat iyon sa sketch ng isang evening gown. Para sa ibang tao, isa lamang itong karaniwang tela. Ngunit para sa akin, mayroon itong tiyak na pagkakakilanlan.Charcoal gray. Makapal na satin. Bahagyang makintab kapag nasisinagan ng ilaw. Angkop para sa mga disenyong nangangailangan ng matibay na estruktura.Matagal ko nang binuo ang sarili kong sistema. Dahil hindi ko nakikita ang pagkakaiba-iba ng mga kulay, natutuhan kong isaulo ang lahat ng iba pang detalye—ang antas







