author-banner
midnightxsoul
midnightxsoul
Author

Nobela ni midnightxsoul

Mommy of the Billionaire’s Heiress

Mommy of the Billionaire’s Heiress

"Kung gusto mo ng proteksyon ko, sign it. Purely business—strictly para kay Sammy at sa apelyido ko." Si Nate Villamor ay isang malamig at walang-awang CEO na ang tanging kahinaan ay ang kanyang anak na si Sammy. Ngunit ang kanyang maingat na binuong mundo ay masusubok nang magtagpo ang landas nila ng desperadang si Zoe Zamora—isang babaeng tumatakas mula sa sarili niyang pamilya na handa siyang ibenta sa isang matandang businessman para lang iligtas ang kanilang kumpanya. Sa gitna ng takot at pagtataksil ng long-time boyfriend at kanyang best friend, isang himala ang maglalapit kina Zoe at Sammy. Ang inosenteng yakap ng bata ang magiging daan para tanggapin ni Zoe ang mapanganib na alok ni Nate: ang magpanggap na asawa at maging ina ng bata kapalit ng ganap na proteksyon mula sa sariling pamilya. Isang kasunduang nagsimula sa takot, purong negosyo, at sapilitang pagpapakasal. Ngunit sa pagitan ng mga pader ng mansiyon at ng mundong nagbabanta sa kanilang buhay, mapipigilan kaya nila ang kanilang sarili na mahulog sa isa't isa—o tuluyan nang matatalo ng pagmamahal ang malamig na sistema ng kanilang kasunduan?
Basahin
Chapter: KABANATA 15: ANNUAL ELITE INVESTOR’S GALA
Zoe Zamora-Villamor’s POVHabang nasa byahe kami sa maliwanag na kalsada papunta sa grand ballroom ng isang five-star hotel sa BGC kung saan gaganapin ang pinakahihintay na Annual Elite Investors’ Gala, naramdaman ko ang matinding panlalamig ng mga palad ko. Parang binibiyak ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko, at pilit kong kinakain ang sarili kong laway para pigilan ang pag-akyat ng tensyon sa lalamunan ko. Alam kong anuman ang mangyari sa loob, ang buong mata ng lipunan ay nakatutok sa amin, sa akin. Ang mga bulung-bulungan, ang mga matang huhusga sa bawat galaw ko, at ang galit ng sarili niyang pamilya.Nang huminto na ang sasakyan at bumukas ang pinto, sinalubong kami ng nakakabinging ingay ng mga tao at ng sunod-sunod na flash ng camera mula sa mga reporter na nakapila sa magkabilang gilid ng pulang karpet. Nakaabang ang mga ito na parang mga gutom na hayop na nag-aabang ng makakain.Bumaba muna si Nate. At sa halip na hayaan akong maglakad nang mag-isa s
Huling Na-update: 2026-11-12
Chapter: KABANATA 14: REDEEMING HERSELF
Zoe Zamora-Villamor’s POVKinaumagahan, ang buong mansyon ng mga Villamor ay tila binalot ng kakaibang katahimikan. Kahit si Sammy ay parang nakiramdam sa tensyon kaya mas naging dikit ito sa akin habang tahimik kaming nag-be-breakfast sa malaking dining hall. Ilang beses kong binasa sa mga headline at inulit sa isip ko ang bawat salitang binitawan ng Mommy ni Nate sa televised press conference kahapon. Oportunista, babaeng walang class at ang isang pilit na kontrata. Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga linyang iyon, pilit akong dinudurog ng mga pangamba at pag-aalinlangan.Paano ako haharap sa Annual Elite Investors’ Gala mamayang gabi? Paano ako tatayo sa gitna ng mga taong kilala sa pagiging mapanghusga habang nakatutok sa amin ang libu-libong matatalim na mata at mga lente ng camera? Alam kong narinig na nilang lahat ang balita tungkol sa akin.Ngunit ang mga pangambang iyon ay biglang naputol nang sumapit ang hapon. Isang sunud-sunod na katok sa pinto ng aking room an
Huling Na-update: 2026-11-12
Chapter: KABANATA 13: THE PRESS CONFERENCE
Zoe Zamora-Villamor’s POV Nakatayo ako sa kusina at tinutulungan ang kasambahay na ihanda ang paboritong gatas ni Sammy. Ngunit nabago ang lahat nang marinig ko ang malakas at pamilyar na boses mula sa flat-screen TV sa malaking sala. "Mommy, look! Grandma is on TV!" tawag ni Sammy habang nakaturo sa screen, bitbit ang paborito nitong stuffed toy. Mabilis akong lumabas ng kusina hawak ang baso ng gatas, at halos mabitawan ko ito nang makita ang mukha ng Mommy ni Nate na si Doña Celestine, na seryoso at may dalang mapanuyang awtoridad habang nakaupo sa gitna ng isang engrandeng press conference. Katabi niya sa mahabang mesa ang isang pamilyar at napakagandang babae na nakasuot ng mamahaling designer suit, na si Sophie. Halos mapatigil ang paghinga ko habang pinapanood ang live broadcast. Nakatutok ang mga mikropono ng iba't ibang media network sa kanila. "I am calling this urgent press conference today to clear the name and dignity of the Villamor family," malamig at matigas n
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: KABANATA 12: ANG BANTA
Nate Villamor’s POV"Mommy, I want it like the princess in the book you read last night!"Napatingin ako kay Sammy. Masayang nagkukuwento ang bata kay Zoe habang dahan-dahang sinusuklay ni Zoe ang buhok nito para i-braid. Nakaupo sila sa malaking sofa sa second-floor family lounge habang ako naman ay nakatayo, ilang metro ang layo, kunwari ay nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop ko, nagbabasa ng mga reports mula sa kumpanya."Sure, baby. I-ba-braid natin ang hair mo para same kayo ng hair ng princess sa book mo," nakangiting sagot ni Zoe kay Sammy. Ang boses niya ay malambot, walang halong pagpapanggap, at puno ng tunay na pagmamalasakit na ni minsan ay hindi ko nakita sa mga taong pilit na pinapa-date sa akin ng pamilya ko noon."Really? Just like the princess with long hair who got saved by the prince?" masayang tanong ulit ni Sammy habang bahagyang tumingin sa kaniya."Oo naman," sagot ni Zoe habang marahang hinahaplos ang pisngi ng bata. "Pero kahit hindi ka naka-braid, mukh
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: KABANATA 11: ANG BAKOD NG ISANG VILLAMOR
Zoe Zamora-Villamor’s POV"W-Wala, Nate. Nag-uusap lang kami. Uhm… dati kaming magkakilala," mabilis na pagtanggi ko kay Warren habang pilit na inaayos ang buhok ko at ang sarili ko, at nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito—mula sa pagiging desidido ay napalitan ito ng bahagyang kaba at pag-aalinlangan sa presensya ng taong kaharap namin.Hindi na nagtanong pa si Nate, pero ang titig niya kay Warren ay parang isang babala na kayang pumatay kahit walang sinasabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko bago tuluyang hinawakan ang siko ko para ilayo ako sa lalaking iyon."If that's so, I'll excuse my wife," malamig at may awtoridad na sabi ni Nate, sapat para tuluyang tikumin ang bibig ni Warren.Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang mainit at mahigpit na kamay ni Nate na dumampi sa likod ng bewang ko at marahang inilapit ako sa kanyang tagiliran. Ang simpleng galaw na iyon ay nagdala ng kakaibang depensa, init, at kapangyarihan sa pagkatao ko—parang si
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: KABANATA 10: ANG MUKHA NG PANLOLOKO
Zoe Zamora-Villamor’s POVIto ang unang pagkakataon kong makapasok sa executive floor ng Villamor Group office, at hindi ko maikakailang higit pa sa inaasahan ang karangyaan ng buong lugar. Ang mamahaling glass windows, ang makintab na marble floor, at ang tahimik na paligid ay nagpapakita ng kapangyarihan at yaman.Habang nakaupo ako sa tapat ng mahabang table, hindi ko mapigilang mapatingin kay Nate. Kalmado at walang bahid ng kaba ang mukha niya habang kaharap ang mga pinakamalalaking investors at business partners. Likas sa kanya ang pagiging professional sa lahat ng sitwasyon. Bawat salitang binitawan niya ay may bigat na nagpatahimik sa buong silid.Habang nagpapatuloy ang diskusyon, ilang beses na napalingon ang ilan sa mga foreign investors sa direksyon ko. "Mr. Villamor, it is an absolute pleasure to finally meet Mrs. Villamor," nakangiting bati ng isa sa mga pinakarespetadong board members habang nakatingin sa akin nang may paghanga. "Your presence brings a new, vibrant ener
Huling Na-update: 2026-11-11
My Stepbrother’s Forbidden Touch

My Stepbrother’s Forbidden Touch

“A mistake doesn't feel that intense, Brianna. Tingin mo ba maniniwala akong wala lang sa ‘yo ang mga nangyari noong gabing iyon? Ang bawat pakiusap mo? Tapos ngayon sasabihin mong wala lang sa 'yo ang lahat?” —— Gumuho ang mundo ni Brianna nang mahuli niyang ang kanyang fiancé at ang kanyang kapatid ay naghahalikan. Dulot ng sakit at epekto ng alak, pumasok siya sa isang maling kuwarto at ibinigay ang sarili sa isang hindi kilalang lalaki. Isang gabing pinangako niyang ibabaon na sa limot. Hanggang sa magtagpo muli ang mga mata nila makalipas ang dalawang araw. Ang lalaking nakasama niya buong magdamag ay walang iba kundi si Vlad Sage Villareal, ang ruthless na CEO, at ang pinakamasamang biro ng tadhana, ang kanyang bagong stepbrother. Nakatira na sila ngayon sa iisang bubong, at walang balak si Vlad na maging isang mabuting kapatid. Kinuha niya ang engagement ring ni Brianna para gawing alas laban sa kanya, ginamit ang bawat sikreto laban sa kanya, at sinimulang gibain ang matibay na pader ng babae. Habang pilit na kinakapitan ni Brianna ang nalalapit niyang kasal sa fiancé para lang makatakas rito, may iisang layunin si Vlad: angkinin siya nito nang buong-buo. —- “There’s not a single drop of shared blood running through our veins. So, why the hell should I care about some stupid law? Isa pa… 'Rules are meant to be broken', hindi ba?”
Basahin
Chapter: KABANATA 4: ANG LARO NI VLAD VILLAREAL
Brianna Scarlett Monteverde's POVKung ano-anong palusot ang sinabi ko sa kanya, kaya nang marinig kong malayo na ang mga hakbang niya sa hallway, mabilis kong isinara ang pinto, inikot ang lock, at napasandal doon habang hinahabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabagal at swabeng pagtayo ni Vlad mula sa ilalim ng kama ko. Inayos niya ang gulo ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay. Kahit bagong galing lang siya sa malamig na sahig, mukha pa rin siyang may-ari ng buong mansyon dahil sa tindig at confidence niya.Isinilid niya ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang jogger pants, habang ang kabilang kamay ay dahan-dahang itinaas sa harap ko. Sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kumikislap ang silver bracelet ko."You really love hiding things, huh? What if we make it exciting next time?" Pabulong at nakakapang-init ng ulo niyang sabi."Akin na 'yan." Hindi ko pinansin ang banat n
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION
Brianna Scarlett Monteverde's POVIlang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan."Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa pinto.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang pinto—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: KABANATA 2: UNDER ONE ROOF
Brianna Scarlett Monteverde's POVParang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang pinto niya.Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko."Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang pinto.Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng
Huling Na-update: 2026-11-06
Chapter: KABANATA 1: THE WRONG ROOM
Brianna Scarlett Moteverde's POVBawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko."Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi."Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bag
Huling Na-update: 2026-11-06
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status