Partager

My Stepbrother’s Forbidden Touch
My Stepbrother’s Forbidden Touch
Auteur: midnightxsoul

KABANATA 1: THE WRONG ROOM

Auteur: midnightxsoul
last update Date de publication: 2026-11-06 13:08:35

Brianna Scarlett Moteverde's POV

Bawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.

Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko.

"Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi.

"Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bago muling idiniin ang halik sa leeg ng kapatid ko. "Mas masarap ka kaysa sa kaniya. Boring si Brianna. Ikaw talaga ang gusto ko, Chloe."

“Fck,” nakatitig ako sa basong hawak ko rito sa eksklusibong resort, pilit na inilulunok ang whisky habang gumuguhit ito sa lalamunan ko. Sa sobrang manhid ko, parang wala nang epekto ang alak ngayong gabi. Hindi pa rin mamatay-matay ang galit sa dibdib ko.

Biglang tumunog ang notification sa cellphone ko sa ibabaw ng glass table.

Tristan: “Brianna, please meet me at Villa 407. Ayusin natin 'to, please. Five years is not a joke. We’ll be married next year, remember? I'll explain everything to you. I’ll be waiting for you. Promise, iiwan ko ang lahat basta kausapin mo lang ako. I love you, Babe.”

Matagal din akong nakatingin sa screen. Isang parte ng utak ko ang sumisigaw na tigilan na ang kalokohang ito. Hindi ko deserve na lokohin at saktan nang ganito. Gustong-gusto ko silang murahin. Gusto kong maramdaman din nila yung sakit na nararamdaman ko ngayon, pero may parte sa puso ko na naniniwalang puwede pa naming ayusin ’to. Tama s’ya, five years is not a joke. Limang taon na ang relationship namin. Pagsubok lang ’to.

Sa sobrang desperasyon, pansamantalang naitulak palayo ang galit sa dibdib ko. Dahil sa unti-unting epekto ng alak, halos hindi na ako makatayo nang tuwid, pero pinilit ko pa rin ang sarili ko. Nang makarating ako sa dulo ng VIP villa, pilit kong tinitigan ang room number sa p***o na para bang nagiging malabo sa paningin ko dahil na rin sa pinaghalong luha at pagkahilo.

“401? Ito na siguro 'to.”

Itinulak ko ang p***o. Hindi ito naka-lock, kaya mas lalo akong naging sigurado na ito ang room ni Tristan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Dim ang light sa loob ng suite.

Madilim sa buong living area. Ang tanging liwanag lang ay ang nagmumula sa buwan na tumatagos sa malaking glass door ng terrace sa dulo ng kuwarto. May naamoy akong pabango. Hindi pamilyar na amoy ni Tristan, kundi amoy ng mamahaling leather, wood scent, at malamig na sandalwood. Siguro ganito ang amoy ng room sa VIP section. At dahil na rin sa sobrang gulo ng utak ko, hindi ko na iyon binigyang-pansin.

Sa tabi ng terrace, may natatanaw akong anino ng isang matangkad at matipunong lalaki. Nakatayo siya doon, nakatalikod nang bahagya, na parang kakatapos lang maligo dahil pinapatulo pa rin niya ang buhok gamit ang towel sa kamay niya. Mukhang hinihintay nga niya ako.

"Tristan..." basag at pabulong kong tawag.

Hindi siya nakasagot agad. Bahagya siyang lumingon sa direksyon ko, pero bago pa man siya makapagsalita o bago pa man makasanayan ng mga mata ko ang dilim ng kuwarto, binalot na ako ng galit at matinding takot na mawala ang taong inakala kong sa ’kin. Patakbo akong lumapit sa kaniya. Inabot ng mga nanginginig kong kamay ang kuwelyo ng polo niya at pilit ko siyang ibinaba palapit sa akin.

"Please… sabihin mo sa akin na ako lang," pabulong kong pagmamakaawa bago ko idiniin ang labi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang gulat niya dahil sa paninigas ng katawan niya nang ilang segundo pagkatapos kong gawin iyon. Pero bago pa man niya ako maipagtabuyan, ang init ng katawan ko, ang amoy ng whisky, at ang desperadong paraan ng halik ko ay para bang nagpakawala ng isang bagay sa loob niya.

“Hey, I think you’re drunk.” Mababa ang boses niya. Naramdaman ko ang maingat niyang kamay sa likod ng baywang ko para alalayan ako.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad ko ulit hinalikan ang mga labi niya. Sa halip na itulak ako, ipinulupot niya ang kaniyang malalaking kamay sa baywang ko. Ang kaniyang hawak ay hindi tulad ng kung paano niya ako kadalasang hinahawakan. Mas madiin, mas possessive, at puno ng pang-aangkin.

“You sure about this?” Tanong niya sa gitna ng paghalik ko. Narinig ko ang pag-aalinlangan sa boses niya. Hindi ba ito naman ang matagal na niyang hinihingi sa ’kin? Agad na tumaas ang gilid ng labi ko.

“Yes, babe. Let’s do this,” ang halik na nagsimula bilang isang desperadong pagsamo ay mabilis na naging isang nag-aalab na pagnanasa. Sinuklian niya ako ng maiinit at malalalim na halik. Na para bang kanina pa niyang pinipigilan ang sarili at humihingi lang ng hudyat mula sa ’kin. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Agad ko namang kinagat ang ilalim ng labi ko para pigilan ang anumang daing na maaaring lumabas dahil sa matinding sensasyon ng halik niya at ng kamay niyang unti-unting gumapang sa katawan ko.

“Fck,” bulong niya bago niya ako buhatin papunta sa kama at patuloy pa rin sa pagbibigay ng agresibong mga halik.

Sa dilim ng kuwartong 'yon, sa gitna ng aking kalituhan at galit sa mundo, ibinigay ko ang lahat. Isang gabing puno ng init at pagnanasang hindi ko kailanman naramdaman sa buong buhay ko. Paggising ko ay sumalubong agad ang matinding pagkahilo at sakit ng katawan mula sa hindi pamilyar na kuwarto. Inihilig ko ang ulo ko para tingnan ang mukha ng fiancé ko na natutulog pa rin sa tabi ko.

Pero biglang nanlamig ang buong katawan ko. Para bang nawala ang sakit ng ulo ko nang makita ko ang mukha ng lalaking katabi ko. Ang matalas at perpektong panga, ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, at ang magandang mga labi ay malinaw na malinaw sa ilalim ng dim na ilaw sa loob ng suite kung nasaan ako.

Hindi ito si Tristan. Hindi ito ang fiancé ko.

Nanginig ang buong katawan ko sa matinding takot. Maingat kong tinanggal ang braso niya sa baywang ko. Ngunit bahagya itong gumalaw, dahilan para manigas ako nang ilang segundo bago ko muling sinubukang bumaba mula sa kama.

“Fck, saan ba niya hinagis ang dress ko kagabi?” Mahina kong reklamo bago ko makita ang nakakalat na iyon malapit sa side table niya. Sa kabila ng pangangatog ng mga tuhod ko, nagmamadali kong isinuot ang dress na bahagyang napunit ang laylayan. Bitbit ang heels ko, ay mabilis akong tumakas mula sa suite na 'yon bago pa man siya magising. Nakaramdam ako ng matinding sakit ng katawan, lalo na sa parteng ibaba.

—

Pagkalipas ng dalawang araw.

Nakatayo ako sa gitna ng napakalaking banquet hall ng estate ng pamilyang Villareal. Suot ko ang isang simpleng emerald green dress at ang engagement ring na ibinigay ni Tristan. Pilit kong pinaniniwalaan ang sarili ko na isang masamang panaginip lang ang nangyari sa VIP, isang aksidenteng dapat kong ibaon sa hukay.

Hindi nawawala ang tingin ko kay Mommy na mahigpit na nakahawak sa braso ng bago niyang asawang si Governor Villareal. Ang kasal nila noong nakaraang buwan ang dahilan kung bakit kami narito ngayon sa isang private villa. Ang hapon na ito ay para sa isang grand welcome dinner para sa pagdating ng nag-iisang anak ni Governor Villareal galing sa Europe.

"Are you okay, babe? Medyo namumutla ka," bulong sa ’kin ni Tristan.

Malawak naman ang ngiti ni Briana na may hawak na wine glass. Hindi niya alam na alam ko na ang nakakadiring ginagawa nila ng fiancé ko. Kahit si Tristan, hindi rin niya alam na alam kong si Briana ang babae niya. Ang alam niya lang, galit ako at pinaghinalaan ko siyang may ibang babae.

“Everyone, please quiet down,” masayang anunsyo ng gobernador, dahilan para tumahimik ang lahat. “Tonight, I am proud to introduce my son, who has just returned from Europe after launching our luxury enterprise. Please welcome the CEO of Villareal Group—Vlad Sage Villareal.”

Ang malalaking p***o ng banquet hall ay dahan-dahang bumukas. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Nakatitig lang ako sa isang matangkad na lalaking nakatayo do’n. Halatang mamahalin ang tailored suit na kumakapit sa matipunong katawan niya. May kung anong kakaiba sa aura niya na para bang sa bawat hakbang ay puno ng kapangyarihan at awtoridad. Pero nang iangat niya ang ulo niya at tumingin sa table namin, bigla kong naramdaman ang panlalamig ng mga kamay ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

Ang matalas na panga. Ang matangos na ilong. Ang matatalim na mga mata.

Siya 'yon.

Siya yung lalaki sa VIP villa. Ang stranger na nakasama ko buong magdamag.

Nagtagpo ang mga mata namin sa gitna ng maraming tao. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na para bang pinapaalala sa ’kin ang lahat ng mga nangyari sa ’min noong gabing iyon. Nakita ko rin ang pagkinang ng maliit na hikaw sa kaliwa niyang tenga. Pero bago pa ako makaiwas sa mga tingin niya, nasundan ng mga mata ko ang pagbaba ng tingin ni Vlad sa baywang ko, kung saan nakahawak pa rin ang kamay ni Tristan.

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Nag-igting ang panga niya. Ang kaniyang mga mata ay nagdilim nang husto, at puno ng possessiveness. Ang babaeng tumakas mula sa kaniyang kama bago sumikat ang araw ay nakatayo sa harap niya ngayon habang hawak ng ibang lalaki. At sa matinding laro ng tadhana, dahil sa kasal ng mga magulang namin, siya na ngayon ang stepbrother ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 4: ANG LARO NI VLAD VILLAREAL

    Brianna Scarlett Monteverde's POVKung ano-anong palusot ang sinabi ko sa kanya, kaya nang marinig kong malayo na ang mga hakbang niya sa hallway, mabilis kong isinara ang pinto, inikot ang lock, at napasandal doon habang hinahabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabagal at swabeng pagtayo ni Vlad mula sa ilalim ng kama ko. Inayos niya ang gulo ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay. Kahit bagong galing lang siya sa malamig na sahig, mukha pa rin siyang may-ari ng buong mansyon dahil sa tindig at confidence niya.Isinilid niya ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang jogger pants, habang ang kabilang kamay ay dahan-dahang itinaas sa harap ko. Sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kumikislap ang silver bracelet ko."You really love hiding things, huh? What if we make it exciting next time?" Pabulong at nakakapang-init ng ulo niyang sabi."Akin na 'yan." Hindi ko pinansin ang banat n

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION

    Brianna Scarlett Monteverde's POVIlang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan."Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa pinto.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang pinto—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 2: UNDER ONE ROOF

    Brianna Scarlett Monteverde's POVParang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang pinto niya.Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko."Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang pinto.Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 1: THE WRONG ROOM

    Brianna Scarlett Moteverde's POVBawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko."Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi."Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bag

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status