Partager

KABANATA 2: UNDER ONE ROOF

Auteur: midnightxsoul
last update Date de publication: 2026-11-06 13:08:44

Brianna Scarlett Monteverde's POV

Parang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.

Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.

Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang p***o nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang p***o niya.

Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko.

"Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang p***o.

Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng mga braso niya. Nakatayo siya sa harap ko, napakatangkad, at ang pamilyar na amoy ng sandalwood at mamahaling pabango ay mabilis na bumalot sa akin.

"Nababaliw ka na ba, huh?" Pabulong kong sigaw sa kaniya habang pilit kong itinutulak ang dibdib niya. "Palabasin mo 'ko! Kapag may nakakita sa 'tin—"

"Sino'ng makakakita?" Malamig niyang putol sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Mabibigat ang tingin niya habang naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Ang fiancé mo?" Napatigil ako.

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw," mabilis niyang sagot. Iniyukod niya ang ulo niya, sapat lang para matitigan niya ako sa mata. "Bakit ka tumakas noong umagang iyon? At bakit umaasta ka ngayon na para bang walang nangyari noong gabing ’yon sa VIP suite?" Mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba. Umiwas ako ng tingin.

“Dahil wala naman talaga! Isang malaking pagkakamali lang 'yon. Lasing ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko.” Pilit niyang hinuhuli ang mga ko.

“A mistake?” Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya, isang mababa at sarkastikong tawa. “A mistake doesn't feel that intense, Brianna. Tingin mo ba maniniwala akong wala lang sa ‘yo ang mga nangyari noong gabing iyon? Ang bawat pakiusap mo? Tapos ngayon sasabihin mong wala lang sa 'yo ang lahat.”

Nanginig ang mga labi ko sa hiya at galit. “Nangyari na 'yon, okay?! Kalimutan mo na! Hindi na mauulit ’yon, kaya please lang, palabasin mo na 'ko—”

Biglang kong narinig ang pamilyar na mga hakbang mula sa labas ng hallway. Kasunod niyon ay ang boses ni Tristan.

“Brianna? Babe, nasaan ka?” Nanlamig ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig kay Vlad. Kapag nahuli kami ni Tristan dito sa loob ng kuwarto ng stepbrother ko habang naka-lock ang p***o, siguradong magkakagulo lang.

Pilit akong kumawala sa hawak niya. "Vlad, please… binitawan mo 'ko. Nasa labas si Tristan," pabulong kong pagmamakaawa. Halos maiyak na ako sa matinding kaba. Pero sa halip na bitawan ako, mas lalo niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa baywang ko, katulad ng kung paano niya ako hinawakan noong gabing ’yon sa VIP room.

“I won't let you leave this room until you admit it,” bulong niya sa mismong tainga ko, mababa at puno ng awtoridad. At para bang wala siyang pakialam kung mahuli man kami ng kung sino habang magkasama dito sa kuwarto niya.

“Vlad, please!”

“Admit that it mattered to you, too,” diin niya. "Sabihin mo sa 'kin na naramdaman mo rin ang naramdaman ko noong gabing 'yon, at papakawalan kita."

"Brianna? Akala ko ba umakyat ka na?" Mas lumapit ang boses ni Tristan. Siguradong nasa tapat na siya ngayon ng p***o ni Vlad. Napakabilis ng tibok ng dibdib ko. Nakatitig ako sa mga mata niya. Puno iyon ng pang-aangkin at walang balak sumuko. Alam kong seryoso siya at hindi niya ako palalabasin hangga't hindi ko ibinibigay ang gusto niya.

"Fine!" Pabulong kong pag-amin. Nanginginig ang boses ko. "Oo na! Pero like what I’ve told you, hanggang do’n lang ’yon! Masaya ka na? Now let me go!" Isang pilyong ngiti ang mabilis na gumuhit sa mga labi ni Vlad. Nakita ko ang tagumpay at matinding pagnanasa sa mga mata niya.

“Good girl,” bulong niya bago niya marahang pinakawalan ang baywang ko. Dahan-dahan siyang lumayo at inabot ang doorknob. Binuksan niya ito nang walang pag-aalinlangan. Eksakto namang nasa tapat ng p***o si Tristan. Napatigil si Tristan sa paglalakad. Kunot-noo siyang nakatitig sa aming dalawa.

"Brianna? Anong ginagawa mo d’yan?" Narinig ko ang inis sa boses niya.

Nanginig ang mga tuhod ko, pero pilit kong inayos ang sarili ko habang lumalabas ng p***o. Bago pa man ako makahanap ng idahilan, pormal at malamig na nagsalita si Vlad mula sa likod ko.

“She was just asking for the keys to the glasshouse garden,” sagot ni Vlad habang pormal na inaayos ang kaniyang cufflinks. Tinitigan niya si Tristan nang matalim. "Is there any problem with that, bro?"

Napakurap naman si Tristan, halatang nabigla sa malamig na aura ni Vlad. Mabilis na nagbago ang reaksyon niya at pilit na ngumiti. "Ah... wala naman, bro. Kanina ko pa kasing hinahanap ang fiancee ko." Lumapit sa akin si Tristan at mabilis na dumaosdos ang braso niya sa baywang ko.

"Let’s go, Babe." Tumango ako nang mabilis at pilit na naglakad kasabay ni Tristan. Pero habang naglalakad kami, hindi ko maalis ang isip ko sa mga sinabi at ginawa ni Vlad.

"Babe, are you even listening to me?" Naibalik ako sa realidad nang tinapik ni Tristan ang balikat ko. Nakatayo na kami ngayon sa malawak na terrace sa second floor ng mansyon. Napakurap ako at pilit na ngumiti. "Ha? Sorry, ano ulit 'yon?"

Napakunot ang noo ni Tristan, halatang naiinis na dahil kanina pa pala siya nagsasalita. "Sabi ko, mag-set na tayo ng date para sa wedding coordinator natin next week. Para maayos na 'yong theme at guest list."

Kusa kong naipagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Tinitigan ko lang siya. Paano niya nagagawang magpanggap nang ganito kagaling? Paano niya nagagawang magsalita tungkol sa kasal namin na para bang hindi ko nahuling hinalikan niya ang sarili kong kapatid habang nasa guest room sila?

“Titingnan ko kung bakante ang schedule ko,” malamig kong sagot bago ako tumalikod sa kaniya.

"Brianna, wait—" Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Galit ka pa rin ba? I already told you, walang iba. Hindi kita lolokohin. Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Sabi mo pa nga sa text, kakausapin mo 'ko sa villa, pero hindi ka naman pumunta."

Kasi sa ibang kuwarto ako napunta, gusto kong isigaw sa mukha niya.

Pero bago pa man ako makapagsalita, narinig namin ang mga hakbang mula sa p***o ng balcony. Lumabas si Vlad habang nakapamulsa ang isang kamay sa kaniyang slacks. Nakasuot lang siya ng simpleng itim na polo shirt na nakatupi hanggang siko, pero hindi pa rin nawawala ang malakas niyang aura.

Mabilis na bumaba ang tingin niya sa kamay ni Tristan na nakahawak pa rin sa braso ko.

"Am I interrupting something?" Mababa at malamig na tanong ni Vlad.

Mabilis na binitawan ni Tristan ang braso ko at inilagay sa baywang ko. Kahit hindi sabihin ni Tristan, ramdam ko ang bahagyang pag-atras ng kumpiyansa niya tuwing nakaharap si Vlad.

"Ah, hindi naman, bro. Nag-uusap lang kami ni Brianna tungkol sa wedding namin." Wedding namin. Nakakasukang mapakinggan.

Pagkatapos kong makita ang lahat, nagbago na ang tingin ko kay Tristan. Pilitin ko mang ayusin, pero hindi ko na maibalik ang dati. Alam ko na may parte doon ay dahil sa hindi ko maitatangging kakaibang koneksyon ko kay Vlad. Pagkatapos ng gabing iyon, alam ko na may nagbago na.

Isang pilyo at sarkastikong ngiti ang mabilis na gumuhit sa mga labi ni Vlad bago ito nawala. Tumingin siya sa akin, direktang nakatitig sa mga mata ko na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko. "Wedding? Is that so? Good luck with that."

Hindi na nag-abalang makipagkuwentuhan si Vlad. Nilagpasan niya lang kami at pumasok sa loob. Pa’no ko ba makakalimutan ang mga nangyari sa ’min? Nakikita ko siya sa bawat sulok ng mansyon. Sa tuwing bababa ako para kumain, nakaupo siya sa dulo ng dining table habang nagbabasa ng financial magazines o umiinom ng kape.

Sa tuwing dadaan ako sa hallway, naroon siya. At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin kapag walang nakatinging iba, nararamdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa matatalim at makahulugan niyang mga titig.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 4: ANG LARO NI VLAD VILLAREAL

    Brianna Scarlett Monteverde's POVKung ano-anong palusot ang sinabi ko sa kanya, kaya nang marinig kong malayo na ang mga hakbang niya sa hallway, mabilis kong isinara ang pinto, inikot ang lock, at napasandal doon habang hinahabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabagal at swabeng pagtayo ni Vlad mula sa ilalim ng kama ko. Inayos niya ang gulo ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay. Kahit bagong galing lang siya sa malamig na sahig, mukha pa rin siyang may-ari ng buong mansyon dahil sa tindig at confidence niya.Isinilid niya ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang jogger pants, habang ang kabilang kamay ay dahan-dahang itinaas sa harap ko. Sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kumikislap ang silver bracelet ko."You really love hiding things, huh? What if we make it exciting next time?" Pabulong at nakakapang-init ng ulo niyang sabi."Akin na 'yan." Hindi ko pinansin ang banat n

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION

    Brianna Scarlett Monteverde's POVIlang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan."Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa pinto.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang pinto—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 2: UNDER ONE ROOF

    Brianna Scarlett Monteverde's POVParang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang pinto niya.Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko."Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang pinto.Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 1: THE WRONG ROOM

    Brianna Scarlett Moteverde's POVBawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko."Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi."Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bag

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status