Accueil / Romance / My Stepbrother’s Forbidden Touch / KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION

Partager

KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION

Auteur: midnightxsoul
last update Date de publication: 2026-11-06 13:08:50

Brianna Scarlett Monteverde's POV

Ilang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.

Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.

Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa p***o ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan.

"Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa p***o.

Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang p***o—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung sino ang nakatayo sa labas, isang matigas na balikat ang mabilis na nagtulak sa p***o.

"Fck—"

Bago pa ako makapag-react, pumasok na ang isang matangkad na lalaki sa loob ng kuwarto ko at mabilis na isinara ang p***o sa likod niya.

Si Vlad.

Nakatayo siya sa harap ko, nakasuot lang ng simpleng itim na T-shirt at gray na jogger pants. Ang gulo ang buhok niya at ang maliit na hikaw sa kaliwa niyang tainga ay kumikislap sa ilalim ng mahinang ilaw ng lampshade. Napakalakas at napakadelikado talaga ng aura ng lalaking ito—amoy na amoy ko ang pamilyar na sandalwood at mamahaling pabango na nagmumula sa balat niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Pabulong kong tanong sa kaniya, pilit ko siyang itinutulak palayo habang inaayos ko ang pagkakabalot ng silk robe sa katawan ko. "Nababaliw ka na ba, Vlad? Umalis ka rito bago may makakita sa 'yo!"

Isang pilyong ngiti ang mabilis na gumuhit sa mga labi niya. Hindi man lang siya natinag sa pagtulak ko. Mas lalo pa nga siyang humakbang papalapit, dahilan para mapaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na kahoy ng dressing table sa likod ko.

Nanlamig ang buong sistema ko nang unti-unting ibinaba ni Vlad ang tingin niya mula sa mukha ko. Pinasadahan niya ng isang mabagal, mapanuri, at mapang-ahas na titig ang buong katawan ko, mula sa magulo kong buhok, sa nanginginig kong balikat, pababa sa hubog ng katawan ko na tanging ang manipis at makintab na tela ng silk robe ang nagtatakip. Kitang-kita ko ang pagdidilim ng mga mata niya, ang titig niya ay nagsasabing alam niya ang bawat kurba ng katawan ko na para bang kabisadong-kabisado na niya kung paano ito hawakan nang walang saplot.

"Calm down, Brianna. You're too loud," mababa at nang-aakit niyang bulong.

"Though... you look quite stunning standing there like that. Bagay pala sa 'yo ang red."

"Sabi ko, umalis ka na dito!" Panggigigil kong bulong habang nanginginig ang boses ko sa matinding takot at kaba, lalo na nang maramdaman ko ang init ng katawan niya na halos dumikit na sa balat ko.

"Kapag nalaman ni Mommy o ng Daddy mo na pumasok ka rito nang ganitong oras—"

"Hindi ako papasok dito kung hindi mo 'to naiwan," malamig ngunit may pang-aasar na putol niya sa akin.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay. Sa pagitan ng kaniyang mahahabang daliri, nakasabit ang isang mamahaling silver bracelet, ang bracelet na ibinigay sa akin ni Mommy noong nakaraang taon. Nanlamig ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa alahas na 'yon.

"Pa’no napunta sa ’yo ’yan?"

"Nagmamadali ka kasing tumakas sa kama ko noong umagang 'yon sa VIP suite, remember?" Mahina siyang natawa, isang delikadong tunog na nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. Inilapit pa niya ang mukha niya sa tainga ko, sapat para maramdaman ko ang mainit niyang hininga.

"Naiwan mo sa ilalim ng unan ko. Akala mo ba talaga mawawala na lang basta ang lahat ng ebidensya ng gabing 'yon? I still have your scent all over me, Brianna." Sinubukan kong kunin ang bracelet ko.

"Akin na 'yan! Ibigay mo na sa 'kin at umalis ka na!"

Pero bago ko pa man maitaas ang kamay ko para agawin ito, mabilis na inilayo ni Vlad ang kaniyang kamay. Sa halip na itago ito agad, hinawakan niya ang pulso ko, pinisil ito nang mariin, sapat para hindi ako makagalaw, at isinilid ang bracelet sa bulsa ng kaniyang jogger pants.

Iniyukod niya ang kaniyang ulo nang bahagya, titig na titig sa mga mata kong halos maiyak na sa inis at hiya habang nakakulong ang buong katawan ko sa pagitan ng mga braso niya.

"Not so fast, little stepsister," bulong niya. Ang mga mata ay nagliliyab sa pagnanasa at kapangyarihan.

Biglang muling umalingawngaw ang malakas na katok sa p***o. Kasunod niyon ay ang pamilyar na boses ni Mommy mula sa labas ng hallway. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at halos tumigil ang mundo ko noong mga oras na ’yon.

"Brianna, anak? Gising ka pa ba? May itatanong lang ako tungkol sa catering para sa wedding niyo ni Tristan."

Naramdaman ko ang panlalamig ng mga daliri ko. Napatingin ako sa p***o, tapos kay Vlad na nakatayo lang sa harap ko habang nakangiti, bago mag-relax na umupo sa dulo ng kama ko. Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang sasabog na ito anumang oras.

"M-Mommy…" pabulong kong bulong, nawawalan na ng boses sa matinding panic.

Tumingin ako kay Vlad. Sa halip na matakot o mag-alala, nakatitig lang siya sa akin habang may pilyong ngisi sa kaniyang mga labi. Halatang nasisiyahan siyang makita akong natataranta at nanginginig sa harap niya.

“Na-lock mo ba ang p***o?” tanong ko, ngunit nagkibit-balikat lang siya.

"Vlad, please!" pabulong kong pagmamakaawa habang hinahawakan ang braso niya. "Magtago ka sa ilalim ng kama! Please, magtago ka muna doon!"

Tumingin si Vlad sa ilalim ng kama ko, bago muling ibinalik ang mga mata niya sa akin. Tuamayo siya at akala ko ay susundin na niya ang pakiusap ko, pero nagkamali ako. Dahan-dahan niyang ipinulupot ang kaniyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang pamilyar na init ng katawan niya na para bang matagal nang kilala ng katawan ko ang bawat haplos niya.

"I'll go under your bed..." pabulong at seryosong sabi niya. Nag-iba ang ekspresyon ng mata niya habang nakatitig sa mukha ko. "...but you have to negotiate with me first."

"Ano? Nagpapatawa ka ba?" Naiiyak kong bulong habang pilit kong itinutulak ang kamay niya.

"Brianna? Nak? Bukas ‘tong p***o, papasok na ‘ko," narinig kong tawag muli ni Mommy galing sa labas.

"Fine, ano bang gusto mo?" nanginginig kong tanong kay Vlad. Ibinaba ni Vlad ang kaniyang mapanuyang tingin sa katawan ko. Kaya agad akong napalunok nang madiin, bago muling bumaba ang tingin sa mga daliri ko—kung saan nakasabit pa rin ang engagement ring na ibinigay ni Tristan. Tumigas ang panga niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko.

"Take off that ring first," diin niya, mababa ngunit puno ng pang-aangkin. "Hubarin mo 'yang singsing na galing sa lalaking ‘yon. I won't hide in your room while you're wearing another man's ring."

"Nababaliw ka na—"

"Choose, Brianna," hamon niya habang nakatitig nang madiin sa mga mata ko. "Hubarin mo 'yan at ibigay sa 'kin, o hihintayin kong buksan ng mom mo ang p***o at makita tayong dalawa na magkasama rito sa loob habang naka-silk robe ka lang at sa ganitong oras ng gabi?"

Rinig ko na ang tunog ng pagpihit niya ng p***o mula sa labas. Wala na akong oras at wala na rin akong ibang choice. Mabilis kong hinila ang singsing ni Tristan palabas sa daliri ko at pilit kong ibinigay at idiniin ito sa palad ni Vlad. Isang pilyo at tagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Kinuha niya ang singsing at mabilis na isinilid ito sa kabilang bulsa niya.

"Good girl," pabulong niyang papuri bago mabilis na yumuko at pumasok sa ilalim ng malawak kong kama.

Mabilis kong inayos ang silk robe ko, bago magpakawala ng malalim na hininga. Pilit kong inayos ang mukha ko habang patakbong lumalapit sa p***o na eksaktong pag-ikot ng doorknob mula sa labas. Pagbukas ng p***o ay agad kong nakitang nakatayo doon si Mommy, may hawak na ipad at nakakunot ang noo.

"Bakit ang tagal mong buksan ang p***o, Briana? Kanina pa ako kumatok," takang tanong ni Mommy habang pumapasok siya nang bahagya sa loob ng kuwarto.

"A-Ah… sorry, Mom," nauutal kong sagot habang nanginginig ang mga binti ko. "Nasa bathroom kasi ako… nag-aayos ng sarili."

Bumaba ang tingin ni Mommy sa akin, bago siya napatingin sa kama ko at sa paligid ng kuwarto. Habang nakatayo ako roon, ramdam na ramdam ko ang presensya ni Vlad sa ilalim ng kama.

“Bakit parang may kausap ka kanina?” Pag-uusisa niyang tanong habang umiikot ang mga mata sa paligid ng kwarto ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 4: ANG LARO NI VLAD VILLAREAL

    Brianna Scarlett Monteverde's POVKung ano-anong palusot ang sinabi ko sa kanya, kaya nang marinig kong malayo na ang mga hakbang niya sa hallway, mabilis kong isinara ang pinto, inikot ang lock, at napasandal doon habang hinahabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabagal at swabeng pagtayo ni Vlad mula sa ilalim ng kama ko. Inayos niya ang gulo ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay. Kahit bagong galing lang siya sa malamig na sahig, mukha pa rin siyang may-ari ng buong mansyon dahil sa tindig at confidence niya.Isinilid niya ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang jogger pants, habang ang kabilang kamay ay dahan-dahang itinaas sa harap ko. Sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kumikislap ang silver bracelet ko."You really love hiding things, huh? What if we make it exciting next time?" Pabulong at nakakapang-init ng ulo niyang sabi."Akin na 'yan." Hindi ko pinansin ang banat n

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 3: DANGEROUS NEGOTIATION

    Brianna Scarlett Monteverde's POVIlang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan."Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa pinto.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang pinto—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 2: UNDER ONE ROOF

    Brianna Scarlett Monteverde's POVParang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang pinto niya.Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko."Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang pinto.Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng

  • My Stepbrother’s Forbidden Touch   KABANATA 1: THE WRONG ROOM

    Brianna Scarlett Moteverde's POVBawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko."Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi."Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bag

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status