Se connecterBrianna Scarlett Monteverde's POVKung ano-anong palusot ang sinabi ko sa kanya, kaya nang marinig kong malayo na ang mga hakbang niya sa hallway, mabilis kong isinara ang pinto, inikot ang lock, at napasandal doon habang hinahabol ang hininga ko. Para akong tumakbo ng marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, narinig ko ang mabagal at swabeng pagtayo ni Vlad mula sa ilalim ng kama ko. Inayos niya ang gulo ng kaniyang buhok gamit ang isang kamay. Kahit bagong galing lang siya sa malamig na sahig, mukha pa rin siyang may-ari ng buong mansyon dahil sa tindig at confidence niya.Isinilid niya ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang jogger pants, habang ang kabilang kamay ay dahan-dahang itinaas sa harap ko. Sa pagitan ng kaniyang mga daliri, kumikislap ang silver bracelet ko."You really love hiding things, huh? What if we make it exciting next time?" Pabulong at nakakapang-init ng ulo niyang sabi."Akin na 'yan." Hindi ko pinansin ang banat n
Brianna Scarlett Monteverde's POVIlang beses kong pinagdaop ang dalawang kamay ko para patigilin ang matinding panginginig ng mga daliri ko.Alas-onse na ng gabi. Nakasuot na ako ng silk robe matapos ang napakahabang araw ng pakikipagplastikan kina Chloe at Tristan sa harap ng hapag-kainan. Sobrang bigat ng ulo ko. Ang bawat minutong lumilipas sa loob ng mansyong 'to ay parang unti-unting pumapatay sa akin dahil sa dami ng lihim na kailangan kong itago.Biglang umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Napatayo ako mula sa gilid ng kama at napahawak sa dibdib ko sa gulat. Sino 'yon? Si Mommy lang ang madalas na kumakatok nang ganitong oras. Baka makibalita sa progress ng wedding preparations namin ni Tristan."Mommy?" pabulong kong tawag habang naglalakad papunta sa pinto.Dahan-dahan kong inikot ang doorknob at bahagyang ibinukas ang pinto—sapat lang para makasilip ako sa hallway. Pero bago pa man tuluyang makapagproseso ang utak ko sa kung
Brianna Scarlett Monteverde's POVParang parusa ang bawat segundong lumilipas sa loob ng mansyon ng mga Villareal. Pagkatapos ng welcome dinner noong gabing 'yon, pormal na kaming lumipat nina Mommy sa napakalaking mansyon ng bago niyang asawa. At ibig sabihin lang niyon ay nakatira na kami sa ilalim ng iisang bubong ng lalaking nagmamay-ari ng mga kamay na humaplos halos sa buong katawan ko noong gabing ’yon.Si Vlad Sage Villareal. Ang stepbrother ko.Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng second floor, napadaan ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Vlad. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko dahil ayokong magkasalubong pa kami, pero bago pa man ako makalayo, mabilis na bumukas ang pinto niya.Isang malakas at mabilis na kamay ang humawak sa pulso ko."Fck—" Bago pa man ako makasigaw, mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya at mabilis na ini-lock ang pinto.Napasinghap ako nang i-corner niya ako sa pagitan ng pader at ng
Brianna Scarlett Moteverde's POVBawat pikit ng mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik ang eksenang dumurog sa akin kagabi. Si Tristan, ang fiancé ko nang limang taon, ay nakasandal sa pader ng guest room habang hinalikan nang buong pagnanasa ang sarili kong kapatid. Ang mga kamay ng lalaking nangako sa akin ng kasal ay nakahawak sa baywang ni Chloe, habang ang pinagkakatiwalaan kong kapatid ay nakatingala, nakahawak sa batok niya, at buong-pusong tumutugon sa bawat halik. Ang tunog ng mga daing nila, ang mga hingal nila, at ang kampanteng pag-aakalang walang nakakakita sa kanila, paulit-ulit na lumalason sa utak ko.Sariwa pa rin sa tenga ko ang boses ni Chloe habang dumadaing sa matinding sensasyon sa pagitan ng paghahalikan nila, at paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko."Paano kung mahuli tayo ni Ate?" malanding tanong ni Chloe habang humihingal, na may halong pang-aasar at ngisi sa kaniyang mga labi."Don’t think about her," sagot naman ni Tristan nang walang alinlangan, bag







