
Bound to My Fathers Debt
Isang gabing puno ng pagtataksil ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Lexi Sinclair. Sa mismong araw ng kaniyang kaarawan, natuklasan niyang ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay siya ring taong naglagay sa kaniya sa panganib. Sa gabing iyon, isang lalaking nagngangalang Damon Vaughn ang naging takbuhan niya, isang makapangyarihang bilyonaryong kinatatakutan ng marami. Isang gabing hindi niya inaasahang magbubunga ng isang lihim na habang buhay niyang iingatan.
Anim na taon ang lumipas, bumalik si Lexi sa lungsod kasama ang anak niyang si Bea, dala ang pag-asang makapagsimula muli. Ngunit ang pagbabalik niya ay naging simula ng panibagong bangungot nang matuklasan niyang ang kaniyang ama ay may malaking utang kay Damon at ang kapalit ng pagkakansela sa lahat ng pagkakautang nito ay ang pagpapakasal nito kay Damon. Isang kasunduang hindi niya kailanman hiniling, isang lalaking minsan na niyang tinakasan, at isang lihim na maaaring tuluyang magpabago sa kanilang mga buhay. Handa bang isakripisyo ni Lexi ang kaniyang kalayaan upang iligtas ang kaniyang pamilya, o may mas malaking kapalit ang muling pagpasok ni Damon sa kaniyang buhay?
Read
Chapter: Chapter 7: The Marriage AgreementAgad na bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang biglang nanlamig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na pigurang ilang taon kong pilit iniiwasang alalahanin. Hindi ko inakalang makikita ko siyang muli, lalo na sa mismong bahay ng aking mga magulang.Mabilis akong umatras mula sa bintana at nagmadaling bumalik sa aking kuwarto. Maingat kong isinara ang pinto, ngunit iniwan ko itong bahagyang nakabukas upang marinig ang anumang pag-uusapan sa sala. Ilang sandali pa, narinig ko ang pagbukas ng pangunahing pinto.“Good evening, Mr. Vaughn. It's an honor to have you here.”“Good evening.”Maikli lamang ang naging tugon ni Damon bago tuluyang pumasok. Maging ang aking ama ay tila nag-iingat sa bawat kilos habang inaakay ang bisita patungo sa sala.“Please, come in. I hope your journey here wasn't too inconvenient.”“I'm here for business. Let's not waste time on unnecessary pleasantries.”Agad na tumango ang aking ama. Inalalayan niya si Damon na maupo bago bumalik sa kan
Last Updated: 2026-11-12
Chapter: Chapter 6: The Unexpected ReunionMaingat kong hinawakan ang kamay ni Bea bago tuluyang lumabas. Sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, babalik ako sa lungsod na minsan kong tinakasan. Hindi na bilang isang babaeng sugatan dahil sa pagtataksil ng lalaking minahal ko. Hindi na rin bilang isang babaeng natakot sa posibilidad na malaman ng ama ng aking anak ang tungkol sa kaniya.Kundi bilang isang babaeng natutong bumangon nang mag-isa. Pagdating namin sa lungsod, hindi ko naiwasang mapatingin sa mga pamilyar na gusali at kalsadang minsan ko nang dinaanan bago tuluyang umalis.Maraming bagay ang nagbago sa loob ng anim na taon. May mga bagong establisimyento, mas matataas na gusali, at mas maraming sasakyang dumaraan sa mga kalsadang dating pamilyar sa akin. Ngunit may mga lugar ding nanatiling halos katulad ng dati.Kasabay ng bawat tanawing nakikita ko ay ang mga alaalang pilit kong ibinaon sa nakaraan. Ang gabing nalaman ko ang pagtataksil ni Adrian. Ang gabing nakilala ko si Damon. At ang mga sumunod na pang
Last Updated: 2026-11-12
Chapter: Chapter 5: A Secret Comes HomeHindi ko rin alam kung bakit ganoon na lamang ang posibilidad na patuloy pa rin akong hinahanap ni Damon. Minsan, naiisip ko kung bakit hindi niya na lamang ako tuluyang kinalimutan. Marami na siguro siyang nakilalang babae sa loob ng anim na taon, ngunit hindi ko maiwasang isipin kung bakit tila may mga katanungang iniwan sa kaniya ang bigla kong pagkawala. Hindi siya mukhang isang lalaking sanay na may bagay na hindi niya kayang tuklasin o kontrolin. Kaya minsan, naiisip kong maaaring hindi pa rin siya sumusuko sa paghahanap ng mga kasagutang hindi niya nakuha mula sa akin.Sa loob ng anim na taon, habang maaaring abala siya sa paghahanap sa akin, tahimik ko namang ipinagpatuloy ang buhay ko kasama si Bea. Hindi ko kailanman inakalang ang lalaking iniwan ko ay maaari pa ring naghahanap ng kasagutan tungkol sa gabing iyon. Hindi ko alam kung naaalala pa rin niya ang pangalan ko o kung minsan ay sumasagi pa rin sa isip niya ang babaeng bigla na lamang naglaho sa kaniyang buhay.Marahi
Last Updated: 2026-11-12
Chapter: Chapter 4: A Daughter He Never KnewSa bawat check-up at ultrasound, lalo kong nararamdaman ang pagmamahal sa batang lumalaki sa aking sinapupunan. Unti-unti kong tinanggap na hindi ko kailangang magkaroon ng lalaking kasama upang mabigyan siya ng masayang pamilya. Maaaring hindi kumpleto ang pamilyang bubuuin namin ayon sa nakasanayan ng iba, ngunit sisiguraduhin kong hindi siya magkukulang sa pagmamahal.Handa akong gampanan ang parehong papel bilang ina at ama. Hindi ko hahayaang maramdaman niyang isa siyang batang hindi pinili o hindi minahal. Kung kinakailangan kong akuin ang lahat ng responsibilidad, gagawin ko iyon nang walang pag-aalinlangan.Hindi ko alam kung ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong tama ang naging desisyon kong lumayo. Ang alam ko lamang, mas nanaisin kong lumaki ang anak ko sa isang payak ngunit ligtas na tahanan kaysa sa isang mundong puno ng kapangyarihan, karahasan, at panganib.Lumipas ang mga buwan hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay at pinakakinatatakutan ko. Matapos ang
Last Updated: 2026-11-12
Chapter: Chapter 3: A Price of One NightWala siyang maisagot, kaya muli akong napatingin kay Sophia."And you. I trusted you.""Lexi, I'm sorry," mahinang sagot nito."Don't. I don't want to hear anything from either of you."Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin. Tinalikuran ko sila at nagtungo sa aking silid. Mabilis kong inilabas ang maleta at inilagay roon ang aking mga damit at mahahalagang dokumento. Pinilit kong pigilan ang mga luhang gustong pumatak, ngunit hindi ko napigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto."Lexi, where are you going?" tanong ni Adrian.Hindi ko na siya nilingon."Leaving.""Don't be unreasonable. We can talk about this.""There's nothing left to talk about.""You're my fiancée!"Napahinto ako at humarap sa kaniya."Not anymore.""Lexi—""Don't ever contact me again, Adrian. We're done."Kinuha ko ang aking maleta at dumaan sa harap niya nang hindi na lumilingon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ngunit ayaw ko nang manatili sa
Last Updated: 2026-11-12
Chapter: Chapter 2: A Lover's Cruel Deception"Fuck. Stay awake."Rinig kong sabi nito habang bakas pa sa mukha niya ang pagkabalisa."I can't...""What did you drink again?" tanong pa niya habang pinoproseso ang mga pangyayari. "Wine...""How much?""Just one glass."Mahigpit siyang napatingin sa akin bago bumaling sa pinto."Get me my head of security!""Yes, sir!""And find out who the bastard outside is. I want his identity!""Understood, sir!""Get a doctor here. Now!" nagmamadali niyang utos habang bakas ang pag-aalala sa mukha niya.Muli siyang bumaling sa akin. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at nang makita kong nakatitig siya sa akin, may kung anong bumubulong sa isip ko. Sa sobrang desperasyon kong makaraos sa miserableng pakiramdam na iyon, inalok ko siyang babayaran ko siya o handa akong maglingkod sa kaniya kapalit ng tulong niya."Do you really want to do this?" tanong niya."Yes... Please, I will do everything. Just help me."Hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang mga labi sa aking labi, bago dahan-dahang
Last Updated: 2026-11-12