Iris and Irene was born as identical twin. Despite of having the same face, their personality often clash. Irene chose to live an ordinary life with her grandmother. Living simply is not that easy. She has to work harder than anyone else, especially when the doctor tell her that her grandmother needs a heart surgery. Meanwhile, Iris was able to live an extravagant life with the support of her parents. Not until she was force for an arrange marriage by her mother. She was now three years married to a cold and arrogant billionaire—Bryle Sanchez. To gain the freedom that she once lost, Iris offered to pay for their grandmother medical bills. In exchange Irene must agree for a one month switch and help her to divorce Bryle. After knowing what kind of person Iris and Bryle during the switch, Irene was left in the middle of choosing what to do and who to side? What if in the end, she can't help herself to feel something special to the target of her mission?
Lihat lebih banyak“Kinakabahan ako,” wala sa loob na usal ni Irene. Ngayong araw nila napagkasunduang magpalit ng pagkakakilanlan ng kakambal niyang si Iris.
Abala siya sa pagsipat sa sariling repleksyon sa salamin. Nasa isang hotel sila ngayon, katatapos lang nitong gupitin ang buhok niya.
Mahaba ang buhok niya at hanggang balikat lang ang sa kakambal niya kaya naman kinailangan itong gupitin at ayusin. Kung ibang tao siya ay marahil maging ang sarili niya ay maloko niya na siya ang kakambal niya.
“Normal lang ‘yan, pero please lang mag-iingat ka,” saad nito habang nakaupo sa kama.
Huminga siya ng malalim at hinarap ito, “Sure ka ba na hindi niya mapapansin ang pagkakaiba natin?”
“Hindi ‘yan, wala namang pakialam sa’kin ‘yon. Baka nga maski mga paborito ko ay hindi no’n alam.” Hindi niya tuloy maiwasang malungkot para dito. Kaya naman agad niya itong nilapitan at niyakap.
Paborito ito ng ina at halos lahat ng luho ay ibinibigay kaya hindi niya alam kung bakit mas pinili ng nanay nila na ipagpalit ang kalayaan nito sa pera.
“Pasensya ka na sa pagdamay ko sa’yo sa problema ko. Sobrang hirap lang talaga ng lahat para sa'kin, kung mapapapayag mo siyang makipaghiwalay sa'kin, tatanawin kong malaking utang na loob iyon sa’yo.” Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa parehong balikat, “Pero kahit anong mangyari, pumayag man siya o hindi, babalik ako pagkatapos ng isang buwan. We'll switch back.”
“It's okay, huwag kang mag-alala ako ang bahala.” Bagama’t kinakabahan ay wala naman siyang nararamdamang pagsisisi sa pagpayag sa gusto nito.
It's like hitting two birds in one stone, matutulungan na niya ito sa problema nito at hindi na niya magiging problema ang pang-operasyon ng Lola nila.
“Ipangako mo sa'kin na hindi mo pababayaan si Lola, mag-isa na lang siya sa buhay. Sa pagkakataong ito tayo na lang ang maaasahan niya,” bilin niya dito.
Isa ang Lola niya sa dahilan kung bakit din siya pumayag makipagpalit sa kakambal. Masyadong malaking halaga ang kailangan sa operasyon at sa mga gamot nito. Kahit sampung raket pa ang pasukin niya ay hindi iyon sapat.
Muli pa silang nagpaalaman bago siya umalis. Nang makalabas sa hotel ay nag-book lang siya ng taxi para magpahatid sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Bryle Naval— ang asawa ng kakambal niya.
Pasado alas-tres na, ang sabi ng kakambal niya ay gabi pa naman nauwi ang asawa nito. May oras pa siya para makapag-adjust sa bahay nito.
“Narito na po tayo, Ma'am.” Napukaw ng driver ang atensyon niya. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay hindi niya namalayan na naroon na pala sila.
Matapos makapagbayad sa driver ay nanatili pa siya ng ilang minuto sa labas ng bahay. Once na pumasok siya sa loob ay wala ng atrasan ‘to.
Nang malikom ang lakas ng loob ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Walang guard sa gate at bukod pa roon ay bukas iyon. Kaya naman dumiretso na siya papasok.
Malayo pa lang sa main door ay naririnig na niya na may nagkakagulo sa loob ng bahay kaya naman walang pagdadalawang-isip na pumasok siya.
Halos matigilan siya sa nadatnan, hawak ni Bryle ang kwelyo ng pinsan nitong si Will habang inaawat naman ito ng kapatid nitong si Brian.
Nakilala na niya ang mga ito sa larawan at mga impormasyong ibinigay sa kanya ng kakambal.
Anong nangyayari sa mga ito?
“Ma'am Iris?” Napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa pangalan ng kakambal. Ang mayordoma iyon ng pamilya Naval. Bakas sa mukha nito ang nerbyos marahil dahil sa nangyayari.
Naagaw din no’n ang atensyon nila Bryle. Samantalang napako naman ang mga paa niya sa kinatatayuan.
Nang muling ibaling niya ang tingin kila Bryle ay nabitawan na nito ang kwelyo ng pinsan at mabilis itong naglakad palapit sa kanya. Napaatras siya sa sama ng tingin nito, bigla ang pagbugso ng kaba sa dibdib niya.
A-anong balak gawin nito?
Nang makalapit ay bigla siya nitong hinila sa braso at hinawakan ng mahigpit doon na ikinangiwi niya.
“A-ano ba!” Pilit niyang hinihila ang braso dito ngunit mas lalo lang nito iyong hinihigpitan.
“Bitiwan mo siya!” Mula sa likod nito ay nakita niya ang paglapit ng pinsan nito ngunit hindi pa man nito nahahawakan si Bryle ay nasapak na ito ng huli na ikinatili niya.
Hindi siya sanay sa ganito, ayaw niya sa mga bayolenteng tao.
Hindi maiwasang mamasa ang mga mata niya hindi lang dahil sa mga nangyayari kun'di dahil din sa sakit ng pagkakahawak sa kanya ni Bryle.
Hindi niya lubos maisip na ganito ang pinagdadaanan ng kakambal niya, ang sabi nito ay binabalewala lang ito ng asawa, hindi nito nabanggit na sinasaktan din ito.
“Ngayon, umamin ka sa'kin!” Halos umalingawngaw sa buong bahay ang boses nito. Mas hinila pa siya nito palapit dito, “Saan mo dinala ang ninakaw mong pera sa kumpanya!”
Ninakaw? Napamaang siya,tila umatras ang mga luha niya sa sinabi nito.
“H-hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo,” mahinang depensa niya sa sarili.
Hindi niya talaga alam dahil hindi naman siya ang kakambal niya.
Imbis na bitiwan siya ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Akala mo ba hindi ko alam ang unti-unti mong pagnanakaw sa'kin hindi lang sa kumpanya? Mapapalagpas ko pa kung sa'kin mo lang gagawin ‘yan, pero ibang usapan na ang kumpanya. Maraming empleyado ang posibleng maapektuhan dahil sa pagiging makasarili mo!”
“W-wala akong kinuku—” hindi na niya natapos ang sinasabi ng bigla na lang siya nitong itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig. Napaigik siya nang tumama ang balakang niya sa matigas na tiles.
“Kuya, calm down.” Agad na pumagitna sa kanila ang kapatid nito na ipinagpapasalamat niya. Bukod sa hindi niya alam kung anong gagawin at sasabihin ay naguguluhan siya.
“Nasaan ang Fifty million? Saan mo dinala!” Nahigit niya ang hininga ng marinig ang halaga ng sinasabi nitong ninakaw niya.
Nangangatal man ay pinilit niyang tumayo at hinarap ito.
“Wala akong kinukuha, iharap mo muna sa'kin ang ebidensya mo na ako talaga ang kumuha.” Kung ang kakambal niya ang inaakusahan nito ay paniguradong may ebidensya ito.
Maski siya ay gustong makita ang patunay nito, hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nakikita ang patunay.
Maayos pa silang naghiwalay ni Iris kanina, kaya imposible ang paratang nito.
Ngumisi ito, “Kokolektahin ko ang lahat ng ebidensya at sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan kahit na asawa pa kita,” galit na saad nito bago umalis. Agad naman itong sinundan ng kapatid.
Nakasunod ang tingin niya dito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
Tatawagan niya si Iris, kailangan niyang malinawan sa mga nangyayari.
Masakit man ang balakang dahil sa pagkakatulak sa kanya ay sinikap niyang lumakad. Hindi na niya pinansin ang iba pang nandoon at dumiretso na sa silid nila.
Nang maisara ang pinto ay nanginginig ang kamay na inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kakambal.
Ngunit hindi nito iyon sinasagot. “Come on, Iris. Answer the phone.” Kailangan niya itong makausap.
Nakailang tawag pa siya ngunit hindi talaga nito iyon sinasagot.
Napasalampak na lang siya sa sahig sa kawalan ng pag-asa.
Kung sakali man na ang kakambal niya ang nagnakaw ng pera na iyon, hindi lang tiwala niya ang masisira nito pati ang sarili nitong pangalan.
Ngunit sa pagkakataon na ito, wala iyong saysay. Dahil siya ngayon si Iris, anuman ang kasalanan ng kakambal, siya ang magbabayad no’n.
Hindi na maramdaman ni Irene ang paa niya sa ngalay. Akala niya sa mall lang sila ngunit hindi niya inakala na dadalhin siya ni Tita Amalia sa London para lang mag-shopping. It's not just a simple shopping, sa palagay nga niya ay masyadong all out si Tita. They've been walking for hours now, non stop. Ang tanging pahinga lang nila ay pagkain. Kung kanina ay nakakangiti pa siya, ngayon ay hindi na. Wala na siyang lakas. “Come here, Iris. Pick a watch for Bryle.” Hinila siya nito sa loob ng shop kung saan puro relo ang tinda. “I trust your fashion sense,” wika nito habang abala sa pagtingin sa mga relo. Sinabi sa kanya ni Iris noon na wala siyang fashion sense, she's an architecture student at that time. Ito naman ay fashion designer. Natural na may fashion sense ito at siya ay wala. Ngunit kahit gano'n ay nagtingin pa rin siya. There's a watch that caught her attention. Sa palagay niya ay bagay iyon kay Bryle. “What? Do you like it?” tanong ng ginang sa kanya. Mukhang napansin ni
“Gano'n siya kalaki?” Pinamulahan ng mukha si Irene sa tanong ni Jasper matapos ikwento dito ang nangyari noong nakaraang linggo. “Grabe!” Umakto itong pinapaypayan ang sarili. Nagpunta siya sa bahay nito dahil sa pagkaburyo matapos ang isang linggong bed rest. Mabuti na lang at kakauwi lang nito galing sa modeling gig nito sa France. Isang linggo na rin mahigit simula ng makauwi sila galing sa hospital. Maayos naman na ang pakiramdam niya at hindi na masakit ang pagkababae niya. “Ano ba ang ingay mo naman,” saway niya dito kahit wala namang ibang tao sa paligid. “So, totoo nga nakakalumpo ang pagkalaki ni Mr. Sanchez.” Tumatango-tangong wika nito. Tumingin ito sa kanya at nangalumbaba. “Hindi mo na pala kailangan ng advice ko kung gano'n.” “Hindi nga.” Napaiwas siya ng tingin, sa palagay naman niya she was able to perform well that day. She thinks so. “Wow, ang confident naman pala niyan!” pang-aasar sa kanya ni Jas. Ngunit sadyang mapaglaro yata talaga ang tadhana dahil pagla
“Iris.” Hindi napigilan ni Irene ang sariling yakapin ang kakambal. Ngunit binaklas nito ang braso niya na nakayakap dito. “I'm sorry, Irene, pero hindi ako pwedeng magtagal dito baka bumalik na si Bryle.” Tinanaw nito ang labas ng bintana bago muling bumaling sa kanya. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon, pero kasi baka hindi ako makabalik agad after one month.” Nangungusap ang mga mata nito. Anong ibig sabihin nito? “Bakit may naging problema ba?” Naging mailap ang mga mata nito. “Iris,” pagtawag niya dito. Ibig sabihin ba nito wala pa itong balak na makipagpalit sa kanya after a month? Napalunok naman ito at huminga ng malalim. “Buntis ako, Irene,” deklara nito. Tila nabingi siya sa narinig. B-buntis ito? Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito kahit hindi naman niya nakikita kung bumubukol na iyon dahil naka-jacket ito. “P-paano? I mean, si Bryle ba ang ama o si Will?” pigil ang hiningang tanong niya na ikinatigil naman
Nang magising si Irene ay mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara noong magising siya kanina. Nang ipalibot ang mata ay doon niya lang napagtanto na wala na siya sa silid nila. Puti ang dingding, amoy gamot ang paligid at… ano ‘to?Naitaas niya ang kamay ng makitang may nakakabit na IV sa kamay niya. Teka nasa hospital ba ako?Akmang babangon siya sa pagkakahiga ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Bryle. May kasama itong babaeng doctor. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay mabilis itong naglakad palapit. “Kamusta ang pakiramdam mo?” batid niyang malabo ngunit may bahid ng pag-alala ang boses nito. “Okay na ako,” namamalat ang boses na sagot niya na labis niyang ikinagulat. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ng doctor.Gusto niyang mapapikit sa hiya dahil alam niya ang dahilan kung bakit napaos siya. “By the way, I'm Doc Zai,” pakilala ng doctor mukhang kakilala ito ni Bryle dahil may panunudyo sa mga mata nito. “Doc, be professional,” pansin dito ni Bryle. Agad na
Mabigat ang katawan ni Irene nang magising. Tila hindi niya magalaw ang katawan niya sa sobrang panlalata. Hindi siya tinigilan ni Bryle hangga't hindi siya bumibigay. Nang ibaling niya ang tingin sa kwarto ay siya na lang ang mag-isa sa kama. Marahil ay pumasok na ito. Pinilit niya ang sariling bumangon at halos mapangiwi siya ng sumigid ang kirot sa pagkababae niya. Muli niyang naibagsak ang sarili sa higaan at tumulala sa kawalan. Naibigay na niya kay Bryle ang iniingatan niyang pagkababae noon. At sa taong hindi pa niya asawa, kun'di asawa ng kapatid niya. Wala na siyang malalabasan sa sitwasyon na ito, hangga't hindi niya nakokontak ang kakambal ay kailangan niyang manatili bilang si Iris. The guilt is killing her inside. Kaya naman habang nasa poder pa siya ni Bryle, handa siyang ibigay dito ang lahat ng meron siya. “Gising ka na pala,” natinag siya sa pagtitig sa kisame ng marinig ang boses ni Bryle na kalalabas lang sa shower room. Naka-polo na ito at mukhang naghahanda na
“Anong pinag-uusapan niyong dalawa?” tanong ni Bryle sa kanya ng makaalis ang bisita nito. Hindi mapalagay ang loob niya, pakiramdam niya ay galit sa kanya ang lalaking ‘yon. Pagkatapos ibigay ni Bryle ang kailangan nito ay basta na lang itong umalis. “Wala, tinanong ko lang kung bakit hindi ka nakauwi kagabi,” sagot niya dito. “May naging problema lang sa negosyo, don't mind him.” Hinubad nito ang suit na suot at ipinatong sa lamesa. Nang dumako ang kamay nito sa necktie ay napaiwas siya ng tingin. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng katawan niya sa simpleng kilos lang nito. It's not that we will really going to do that thing today. Mukha itong pagod at walang pahinga sa nagdaang gabi.“Gusto mo bang kumain? May niluto na si Manang bago sila umalis,” pag-iiba niya sa pinag-uusapan ngunit wala siyang natanggap na sagot dito. Nang ibalik ang tingin dito ay wala na itong saplot pang-itaas na ikinalunok niya.“Anong ginagawa mo?” kinakabahang usal niya ngunit direkta lang itong nakati
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen