author-banner
RainyGloom
RainyGloom
Author

Novels by RainyGloom

Trapped in an R-18 Novel, Married the Villainous Billionaire

Trapped in an R-18 Novel, Married the Villainous Billionaire

Natagpuan na lamang ni Tiffany Laxa ang sarili niya sa loob ng isang nobela. Ngunit hindi ordinaryong kuwento ang kanyang napasukan. Umiikot ito sa isang asawang may matinding sex addiction, isang nakababatang kapatid na may kakayahang mang-akit gamit ang Succubus System, at isang asawang kilala sa pagiging mahinhin at sobrang konserbatibo. Sa takbo ng kuwento, si Twyla ang mang-aakit sa CEO na si Sebastian Villaraza. Unti-unting nahumaling ang lalaki sa nakababatang kapatid niya, at hindi nagtagal ay nag-uumapaw na sa pagnanasa at maiinit na eksena ang kanilang pagsasama. Samantala, ang original na karakter ni Tiffany, na desperadong naghahangad na makuha muli ang atensyon ng asawa, ay nauwi sa isang malagim na kamatayan. “Napakagwapo talaga ng asawa ko! Grabe ang abs niya!” Nang balak na sanang tuldukan ni Sebastian Villaraza ang pagsasama nilang mag-asawa, may kakaiba siyang narinig. Bigla niyang narinig ang mga lihim na iniisip ni Tiffany, mga salitang tila puno ng paghanga at pananabik. Ngunit sa harap niya, nanatiling tikom ang mga labi ng babae, habang inosente at mahinahon ang ekspresyon nito. “Gray pants pa talaga ang suot niya? Ano na lang ang gagawin ko? Sayang naman, hindi ko na siya maaangkin.”
Read
Chapter: KABANATA 4: AKALA KO BA MAHINHIN SIYA?
“Saan ka pupunta?”Napatingin si Sebastian sa bag na hawak ni Tiffany. Ibang-iba ang estilo nito sa mga bag na dati niyang nakikitang ginagamit ng asawa. Mas moderno at uso ang disenyo. Maging ang damit na suot nito ay kapansin-pansin. Mas elegante ang pagkakagawa at bagay na bagay sa matangkad at balingkinitang pangangatawan nito.Hindi kailanman nagsuot ng ganoong mga damit si Tiffany noon. Pati ang mga laman ng walk-in closet nito ay hindi nagustuhan ng kanyang inang si Doña Sandra dahil sa sobrang makaluma at pangmatanda. May balak si Tiffany na maglibot sa labas ngayong araw. Ilang araw na lang at ipatawag na siya ng pamilyang Laxa para dumalo sa welcome party bilang pagdiriwang sa pagbabalik ng bunsong kapatid niyang si Twyla. Pagkatapos noon, tiyak na magbabago ang lahat. Mawawala ang puwesto niya sa pamilya at hindi na siya tatratuhin nang gaya ng dati. Samantala, unti-unti namang mahuhulog ang loob ni Sebastian sa alindog ni Twyla. Gaya nga ng kasabihan, hindi magtatagal a
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 3: WAKING UP IN HIS BED
Habang hinihintay ang kanyang order, hindi maiwasang malungkot si Tiffany. Sa dati niyang mundo, matagal nang wala ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, napakalaki ng iniwan nilang mana sa kanya, sapat para mabuhay siya nang komportable at marangya kahit hindi na siya magtrabaho habambuhay.Kung hindi lang dahil gusto niyang patunayan kay Dylan na kaya niya, hindi naman sana niya kailangang pagdaanan ang lahat ng paghihirap sa pag-aaral sa Paris. Ang masaklap pa, hindi pa niya natatapos ang thesis niya roon. Kung sakaling makabalik siya sa totoong mundo, itutuloy pa kaya niya ang pag-aaral? At may isa pa siyang naalala. Noong huli niyang silipin ang Instagram account ni Dylan, may mga picture itong kasama ang ibang babae. Sa tingin niya, hindi lang basta pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa.Damn it! Habang lalo niya iyong iniisip, lalo rin siyang naiinis. Mabuti na lang at biglang nag-ring ang cellphone niya. Ang delivery rider na iyon na pala ang tumatawag.“Ma'am, nasa main gate
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 2: SECRET ROOM
Kabanata 2: Secret RoomMatipuno pala talaga ang katawan niya!Napakunot-noo si Sebastian. Sandali siyang napaisip kung nagkamali lamang ba siya ng dinig. Kanina, malinaw na narinig niya ang boses ni Tiffany kahit hindi naman ito nagsasalita. Higit pa roon, hindi siya makapaniwalang manggagaling sa isang babaeng kilala sa pagiging mahinhin at konserbatibo ang ganoong klaseng pananalita.Baka imahinasyon ko lang iyon."Tawagin mo si Dr. Zamora," malamig niyang utos kay Aling Susana.Makalipas ang tatlumpung minuto, natukoy ng doktor na bumaba nang husto ang blood sugar level ni Tiffany. Mayroon itong hypoglycemia. Binigyan siya ng glucose upang maibalik ang normal na lakas ng kanyang katawan. Nang unti-unti nang bumuti ang kanyang pakiramdam, saka lamang siya nagkamalay. Pagmulat niya, nakita niyang nakaupo sa tabi ng kama si Aling Susana."Ma'am, nasa kuwarto po si Sir sa basement. Mahigpit po ang bilin niyang walang sinuman ang puwedeng mang-istorbo sa kanya hanggang alas-diyes ng ga
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: KABANATA 1: TRAPPED IN AN R-18 NOVEL
"Ma'am, dumating na po si Sir." Pagkarinig ni Tiffany ng mga salitang iyon, parang biglang siyang kinabahan at naguluhan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin o kung paano siya dapat kumilos.Wala pang isang oras mula nang mapunta siya sa loob ng isang nobela. At hindi basta ordinaryong kuwento ang napasukan niya kundi isang R-18 na librong pinamagatang Forbidden Nights with My Brother-in-Law. Ang masaklap, hindi siya ang naging pangunahing female lead sa kuwento. Sa halip, napunta siya sa katawan ng unang asawa ng male lead na si Sebastian Villaraza. Ang pangalan ng babaeng iyon ay Tiffany Laxa. Eksaktong-eksakto sa totoo niyang pangalan.Tatlong taon siyang nanirahan sa Paris para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Dahil halos maubos ang lakas at oras niya sa dami ng mga schoolwork, pagbabasa ng mga nobelang may maiinit na tagpo ang naging paborito niyang libangan kapag may pagkakataon siyang magpahinga. Kabilang sa mga kuwentong nabasa niya ang nobela kung saan siya na
Last Updated: 2026-11-26
You May Also Like
Romancing My Husband
Romancing My Husband
Romance · maria adelle
2.1K views
My Only Sunshine
My Only Sunshine
Romance · ScriptingYourDestiny
2.1K views
WHEN TROUBLE COMES LOVE
WHEN TROUBLE COMES LOVE
Romance · Bitter_sweet
2.1K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status