Chapter: V: The Secret I CarriedHazel’s POVTatlong linggo.Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sina Calvin at Isabelle para sa kanilang business trip.Sa mga panahong ito, naging mas tahimik ang mansion. Wala na akong kailangang iwasan sa hallway, wala nang biglaang pagtawag sa pangalan ko, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang harapin ang lalaking pilit kong inaalis sa isip ko.Pero kahit wala siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin.Minsan, habang naglilinis ako ng kuwarto niya, bigla kong naaalala ang mga halik niya. Minsan naman, naiisip ko kung naaalala rin ba niya ang mga gabing iyon.“Hazel, tama na,” bulong ko sa sarili. “Hindi na dapat ako umaasa.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa kusina nang biglang kumulo ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng counter.Ano ba iyon?Ilang araw na rin akong madaling mapagod at nawawalan ng gana sa pagkain. Marahil siguro sa sobrang trabaho at pag-iisip.Pero nitong mga nakaraang umaga, mas lumalala ang pakiramdam ko
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: IV: Staying AwayHazel’s POVPagkagising ko, unang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa noo. Nasa sarili ko ang kama, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga halik at yakap ni Calvin.Naiwan din ang amoy ng kanyang pabango sa aking higaan. Napalingon ako sa pinto ng maliit kong silid.Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Aling Rosa na pumunta ang amo namin sa kuwarto ko.Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Calvin pagkatapos ng lahat.Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari. Higit sa lahat, kailangan kong lumayo sa kanya.Hindi ko na dapat ulitin ang pagkakamaling iyon. Pang-ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, at sana mapanindigan ko na ngayon.Paglabas ko ng silid, agad akong dumiretso sa kusina. Abala na ang ibang kasambahay sa paghahanda ng almusal, kaya tumulong na rin ako.“Hazel, ikaw na ang magdala nito kay Sir,
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: III: Avoiding HimHazel’s POVTatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Isabelle sa mansion, pero hindi pa rin siya umaalis.At sa loob ng tatlong araw na iyon, ginawa ko ang lahat para maiwasang makasalubong si Calvin.Kapag nasa kusina siya, naghahanap ako ng ibang gagawin. Kapag nasa sala naman siya, sa kabilang bahagi ako naglilinis. Minsan, hinihintay ko pang makaalis siya bago ako lumabas ng aking silid.Dahil ‘yon ang nararapat. Dahil ayoko nang maulit ang nagawa kong pagkakamali. Pero hindi ko maiwasang maisip ang pinagsaluhan namin.Kung paano niya ako tiningnan noong gabing iyon. Ang malambot na labi niya ay nakalapat sa balat ko."Hazel!"Napalingon ako kay Aling Rosa habang hawak ang tray ng may inumin."Dalhin mo ito sa sala. Nandoon sina Mr. Calvin at Miss Isabelle.""Po? Pwede po bang iba na lang?" Tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Bakit? May iba ka bang ginagawa?""Wala naman po,” sagot ko."Kung ganoon, dalhin mo na. Huwag kang magpatumpik-tumpik pa," utos ni Aling Rosa. At wal
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: II: Just A MaidHazel’s POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na ibinalot ko sa katawan bago tuluyang bumangon. Napatingin ako sa aking amo.Nandito pa rin si Calvin, mahimbing na natutulog na para bang walang anumang nangyari kagabi.Mabilis akong nagbihis kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita. At dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway.Napahawak ako sa noo."Lord, ano bang kalokohan ang pinasok ko?"Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking iyon pagkatapos ng nangyari. Empleyado lamang ako ng pamilya nila. Paano kung malaman ni Aling Rosa? O mas malala, paano kung malaman ng mga magulang niya?Pagdating sa maliit kong silid sa likod ng mansion, napaupo ako sa gilid ng kama."Aray..."Mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi—ang mga halik niya at ang sandaling nakalimutan kong isa lamang akong katulong sa bahay nila.Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga pangyayari kagabi. Isa
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: I: The Playboy's ReturnHazel’s POV “Hazel! Nasaan ka na ba?” Napapikit ako nang marinig ang malakas na pagtawag ni Aling Rosa mula sa labas ng maliit kong kuwarto. Napabuntong-hininga ako bago bumangon mula sa kama. Day off ko ngayon. Ang tanging plano ko ay matulog nang mahaba, magpahinga, at tawagan ang nakababata kong kapatid. Pero mukhang kailangan ko na namang kalimutan ang pahinga. “Bakit po, Aling Rosa?” tanong ko nang mabuksan ang pintuan ng aking silid. Nakasalubong ko ang seryosong mukha ng mayordoma. “Dalhin mo nga itong pagkain sa kuwarto ni Mr. Calvin.” Napatingin ako sa tray na hawak niya. “Po? Akala ko po ba bukas pa ang dating niya?” “Kaninang umaga pa siya dumating. Hindi ka ba nakikinig sa mga usapan dito?” singhal niya. Napayuko ako dahil hindi naman ako chismosa na makikinig sa usapan ng iba. “Pasensya na po.” “Bilisan mo. Pagod iyon sa biyahe, at siguraduhin mong maayos ang pagkakaayos ng pagkain. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa anak ng amo.” Marahan akong tumango. Wala
Last Updated: 2026-11-26