LOGINHazel’s POV
Pagkagising ko, unang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa noo. Nasa sarili ko ang kama, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga halik at yakap ni Calvin. Naiwan din ang amoy ng kanyang pabango sa aking higaan. Napalingon ako sa p***o ng maliit kong silid. Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Aling Rosa na pumunta ang amo namin sa kuwarto ko. Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Calvin pagkatapos ng lahat. Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari. Higit sa lahat, kailangan kong lumayo sa kanya. Hindi ko na dapat ulitin ang pagkakamaling iyon. Pang-ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, at sana mapanindigan ko na ngayon. Paglabas ko ng silid, agad akong dumiretso sa kusina. Abala na ang ibang kasambahay sa paghahanda ng almusal, kaya tumulong na rin ako. “Hazel, ikaw na ang magdala nito kay Sir, Calvin,” utos ni Aling Rosa habang inaabot sa akin ang tray. Napatingin ako sa hagdan. “Puwede po bang iba na lang?” Kumunot ang noo niya. “Bakit? May problema ka ba?” “Wala naman po. Marami lang po akong kailangang gawin dito,” palusot ko na sana umobra. “Hindi naman mahirap maghatid ng pagkain. Bilisan mo na.” Wala akong nagawa kundi tanggapin ang tray at sumunod na lamang sa utos. Pagdating sa harap ng kuwarto ni Calvin, ilang segundo akong nakatayo roon. Ayokong kumatok, pero alam kong mas lalo lamang akong mapapagalitan kapag hindi ko ginawa ang ipinag-uutos sa akin. Kumatok ako nang dalawang beses. “Come in.” Dahan-dahan kong binuksan ang p***o. Nakaupo si Calvin sa sofa habang may binabasa sa tablet niya. Nang makita niya ako, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Good morning, Hazel.” “Good morning po, Sir.” Inilapag ko ang tray sa mesa at agad na tumalikod. “That's it?” Napahinto ako. Ano pa bang gusto niya? “Po?” “Hindi ka man lang magtatanong kung kailangan ko pa ng iba?” “May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko nang medyo naiinis. “Look at me when you're talking,” utos niya na malumanay ang boses. Napapikit ako sandali bago humarap sa kanya. “May kailangan pa po ba kayo, Sir?” Matagal niya akong tinitigan. “Why are you avoiding me again?” Agad akong umiwas ng tingin. “Hindi ko po kayo iniiwasan.” “Really? Because that's exactly what you're doing.” “Marami lang po akong trabaho.” Tumayo siya mula sa sofa at lumapit nang kaunti. “Hazel, about last night—” “Pasensya na po, Sir. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong lumabas at isinara ko ang p***o. Huminto ako sa hallway at napahawak sa dibdib. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan ako kapag kaharap siya kaysa noong unang nangyari ang lahat. Pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Hindi puwedeng masanay ako sa pagiging malapit sa kanya. Tama na ang una at pangalawa, dahil tama na na minsan may namamagitan sa amin. Bandang tanghali, abala ako sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala nang dumating si Isabelle. “Good afternoon!” masiglang bati nito. Napalingon ako at agad na ngumiti nang magalang. “Good afternoon po, Miss Isabelle.” “Is Calvin here?” agad nitong tanong. “Sa study room po yata, Miss,” sagot ko. “Thank you.” Diretso siyang umakyat, dala ang maliit na paper bag na hawak niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumaba silang dalawa. May pinag-uusapan sila habang naglalakad patungo sa dining area. “Calvin, you should really come with me next time. You can't keep working all the time,” reklamo ni Isabelle. “I'm not working all the time.” “Really? Then when was the last time you took me out?” Tumawa lamang si Calvin. “You're impossible.” Napayuko ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Hazel.” Napatingin ako nang tawagin niya ang pangalan ko. “Yes, Sir?” “Can you ask the kitchen to prepare coffee for us?” tanong niya. “Opo.” Mabilis akong tumalikod. Ngunit bago ako tuluyang makalayo, narinig ko ang tanong ni Isabelle. “Why do you keep calling her?” Hindi ko na narinig ang sagot ni Calvin dahil mabilis akong pumasok sa kusina. Makalipas ang ilang sandali, ako mismo ang nagdala ng kape sa dining area. Inilapag ko ang dalawang tasa sa mesa. “Thank you, Hazel,” sabi ni Isabelle. “You're welcome po.” Habang inaayos ko ang tray, naramdaman kong nakatingin siya sa akin. “Hazel, can I ask you something?” Napatingin ako sa kanya. “Ano po iyon?” “Have you been working here for a long time?” “Almost a year na po,” sagot ko. Ang pagkakaalala ko ay tinanong na niya ako tungkol rito. “That's quite a while.” Ngumiti siya bago sumulyap kay Calvin. “You must know Calvin pretty well by now.” Agad akong umiling. “Hindi naman po. Mag-iisang linggo pa lang po simula noong dumating si Sir Calvin.” “That's good.” Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba sa tono niya. Ngunit hindi ko na iyon pinansin. “Excuse me po,” paalam ko bago umalis. Pagpasok ko sa kusina, saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sinusuri ako ni Isabelle. Siguro dahil napapansin niyang hindi ako komportable sa tuwing magkalapit kami ni Calvin. At ayokong magkaroon siya ng dahilan para maghinala. Kinagabihan, tinawag kaming lahat ni Aling Rosa sa kusina. “May announcement lang ako,” sabi niya. “Aalis sina Mr. Calvin at Miss Isabelle bukas para sa business trip.” Napahinto ako sa paghuhugas ng mga pinggan. “Gaano po sila katagal?” tanong ng isa naming kasamahan. “Three weeks daw. May ilang importanteng meeting silang aasikasuhin.” “Tatlong linggo,” inulit ko sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ginhawa nang marinig iyon. Tatlong linggong hindi ko kailangang makita si Calvin. Tatlong linggong hindi ko kailangang magkunwaring walang nangyari sa pagitan namin. “Hazel,” tawag ni Aling Rosa. Agad akong napatingin. “Po?” “Ikaw ang mag-aayos ng ilang gamit sa guest room habang wala sila. Siguraduhin mong maayos ang buong mansion.” “Opo.” Kinabukasan, habang naglalagay ako ng malinis na tuwalya sa guest room, nakita kong pababa na sina Calvin at Isabelle. May dala silang mga maleta at mukhang handa na silang umalis. “Everything's ready?” tanong ni Isabelle. “Yes,” sagot ni Calvin. Nasa may pintuan si Aling Rosa kasama ang ilan pang kasambahay upang magpaalam sa kanila. “Mag-iingat po kayo,” sabi niya. “Thank you, Rosa,” sagot ni Calvin. Nang mapansin niya akong nakatayo sa likuran, bahagya siyang huminto. “Hazel.” Napatingin ako sa kanya. “Sir?” “Take care of the house while we're away.” “Opo, Sir.” Parang may gusto pa siyang sabihin, pero hindi na niya itinuloy. “Let's go, Calvin!” tawag ni Isabelle mula sa labas. Tumango siya at tuluyang lumabas. Ilang sandali pa, narinig ko ang pag-andar ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin namin. Napabuntong-hininga ako. Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako mula sa gulong na dala ng lalaking iyon. Pero hindi ko alam kung bakit, sa kabila ng kaginhawaang nararamdaman ko, may bahagi pa rin sa akin na naghihintay na bumalik siya. At iyon ang pinakakinatatakutan ko.Hazel’s POVTatlong linggo.Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sina Calvin at Isabelle para sa kanilang business trip.Sa mga panahong ito, naging mas tahimik ang mansion. Wala na akong kailangang iwasan sa hallway, wala nang biglaang pagtawag sa pangalan ko, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang harapin ang lalaking pilit kong inaalis sa isip ko.Pero kahit wala siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin.Minsan, habang naglilinis ako ng kuwarto niya, bigla kong naaalala ang mga halik niya. Minsan naman, naiisip ko kung naaalala rin ba niya ang mga gabing iyon.“Hazel, tama na,” bulong ko sa sarili. “Hindi na dapat ako umaasa.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa kusina nang biglang kumulo ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng counter.Ano ba iyon?Ilang araw na rin akong madaling mapagod at nawawalan ng gana sa pagkain. Marahil siguro sa sobrang trabaho at pag-iisip.Pero nitong mga nakaraang umaga, mas lumalala ang pakiramdam ko
Hazel’s POVPagkagising ko, unang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa noo. Nasa sarili ko ang kama, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga halik at yakap ni Calvin.Naiwan din ang amoy ng kanyang pabango sa aking higaan. Napalingon ako sa pinto ng maliit kong silid.Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Aling Rosa na pumunta ang amo namin sa kuwarto ko.Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Calvin pagkatapos ng lahat.Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari. Higit sa lahat, kailangan kong lumayo sa kanya.Hindi ko na dapat ulitin ang pagkakamaling iyon. Pang-ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, at sana mapanindigan ko na ngayon.Paglabas ko ng silid, agad akong dumiretso sa kusina. Abala na ang ibang kasambahay sa paghahanda ng almusal, kaya tumulong na rin ako.“Hazel, ikaw na ang magdala nito kay Sir,
Hazel’s POVTatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Isabelle sa mansion, pero hindi pa rin siya umaalis.At sa loob ng tatlong araw na iyon, ginawa ko ang lahat para maiwasang makasalubong si Calvin.Kapag nasa kusina siya, naghahanap ako ng ibang gagawin. Kapag nasa sala naman siya, sa kabilang bahagi ako naglilinis. Minsan, hinihintay ko pang makaalis siya bago ako lumabas ng aking silid.Dahil ‘yon ang nararapat. Dahil ayoko nang maulit ang nagawa kong pagkakamali. Pero hindi ko maiwasang maisip ang pinagsaluhan namin.Kung paano niya ako tiningnan noong gabing iyon. Ang malambot na labi niya ay nakalapat sa balat ko."Hazel!"Napalingon ako kay Aling Rosa habang hawak ang tray ng may inumin."Dalhin mo ito sa sala. Nandoon sina Mr. Calvin at Miss Isabelle.""Po? Pwede po bang iba na lang?" Tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Bakit? May iba ka bang ginagawa?""Wala naman po,” sagot ko."Kung ganoon, dalhin mo na. Huwag kang magpatumpik-tumpik pa," utos ni Aling Rosa. At wal
Hazel’s POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na ibinalot ko sa katawan bago tuluyang bumangon. Napatingin ako sa aking amo.Nandito pa rin si Calvin, mahimbing na natutulog na para bang walang anumang nangyari kagabi.Mabilis akong nagbihis kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita. At dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway.Napahawak ako sa noo."Lord, ano bang kalokohan ang pinasok ko?"Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking iyon pagkatapos ng nangyari. Empleyado lamang ako ng pamilya nila. Paano kung malaman ni Aling Rosa? O mas malala, paano kung malaman ng mga magulang niya?Pagdating sa maliit kong silid sa likod ng mansion, napaupo ako sa gilid ng kama."Aray..."Mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi—ang mga halik niya at ang sandaling nakalimutan kong isa lamang akong katulong sa bahay nila.Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga pangyayari kagabi. Isa
Hazel’s POV “Hazel! Nasaan ka na ba?” Napapikit ako nang marinig ang malakas na pagtawag ni Aling Rosa mula sa labas ng maliit kong kuwarto. Napabuntong-hininga ako bago bumangon mula sa kama. Day off ko ngayon. Ang tanging plano ko ay matulog nang mahaba, magpahinga, at tawagan ang nakababata kong kapatid. Pero mukhang kailangan ko na namang kalimutan ang pahinga. “Bakit po, Aling Rosa?” tanong ko nang mabuksan ang pintuan ng aking silid. Nakasalubong ko ang seryosong mukha ng mayordoma. “Dalhin mo nga itong pagkain sa kuwarto ni Mr. Calvin.” Napatingin ako sa tray na hawak niya. “Po? Akala ko po ba bukas pa ang dating niya?” “Kaninang umaga pa siya dumating. Hindi ka ba nakikinig sa mga usapan dito?” singhal niya. Napayuko ako dahil hindi naman ako chismosa na makikinig sa usapan ng iba. “Pasensya na po.” “Bilisan mo. Pagod iyon sa biyahe, at siguraduhin mong maayos ang pagkakaayos ng pagkain. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa anak ng amo.” Marahan akong tumango. Wala







