Hiding The Gordion Triplets

Hiding The Gordion Triplets

last updateLast Updated : 2025-05-23
By:  Jane_WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
60Chapters
17.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Elle Mendoza gave birth to the triplets she hid with her husband. To escape her past. “I will never introduce my children to their father! ” She loved the father of her children. However, her husband did not love her. It was just an accident that they had s*x with Harris.

View More

Chapter 1

HTGT: 1

"Elle, you need to marry him. " Hindi ako makapaniwala na maririnig ko sa mismong bibig ni mama ang mga katagang 'yan. Bakit ko siya kailangang pakasalan?

"What do you mean? " Tanong ko habang nanginginig ang aking labi.

"Kailangan mong pakasalan si Harris Gordion, Elle. " Paglilinaw ni mama.

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.

"Bakit? Bakit kailangan ko siyang pakasalan?" Tanong ko

"Nasa tamang edad ka na para mag- asawa, Elle. " Sabi ni mama at umiwas ng tingin.

"Tamang edad? Oo, nasa tamang edad na ako para magpakasal. Pero wala pa sa plano ko ang magpakasal, ma! " Sabi ko at napakuyom ng kamao, alam kong hindi lang iyan ang dahilan ni mama kung bakit gusto niya akong maikasal kay Harris Gordion.

"Tapatin mo nga ako, Ma. Ano ang dahilan kung bakit naisipan niyo ni papa na ako kay Harris," mahinahon kong sabi.

"Nakapag usap na kami ng mga magulang ni Harris, Elle. " Sabi ni mama.

"Ano ang napagusapan niyo? " Tanong ko

" Since, magkasosyo kami ng parents niya napagplanuhan namin na ipakasal kayong dalawa. Kailangan 'din natin ng tulong nila para umangat ang ating kumpanya, Elle." Hindi ako makapaniwala sa klase ng napagusapan nila ni tito Arnold.

"Alam niyo po ba ang sinasabi niyo, mama? Alam naman po nating lahat na may girlfriend na si Harris. Bakit niyo pa ako ipapakasal do'n kung hindi naman ako ang mahal niya!" Galit kong sabi.

"Elle! Nakaplano na ang lahat para sa kasal niyo. For sure na alam na rin ito ngayon ni Harris," sabi ni mama.

"What!?Sa tingin niyo po ba papayag siya? May girlfriend na si Harris tapos gusto niyo akong maikasal sa kaniya!" Sabi ko

"Kahit naman po na mahal ko siya, hindi ko magagawang manira ng relasyon. Hindi ako ganiyang babae, " sabi ko.

"Para ito sa kumpanya. Kahit naman hindi pumayag si Harris ay matutuloy pa rin ang kasal ninyong dalawa," sabi ni mama.

"Sa tingin niyo po ba papayag ako? Bakit ang dali na lamang sa inyo na magdesisyon?" Tanong ko, gusto kong sigawan si mama pero hindi ko magawa. Oo, gusto ko si Harris matagal na. Since ng ipakilala sa akin ni Cindy si Harris. Pero, alam kong malabo akong magustuhan niya dahil ang girlfriend niya ay isang sikat na model sa buong mundo. Samantalang ako ay isang simpleng babae, mahiyain at malabong magustuhan niya. Pero, ang relasyon nila ay patago lang dahil na din sa mga media na nakapalibot sa kaniya. Kami kami lang ang malalapit sa kanila ang nakakaalam bukod sa malapit na kaibigan ng mga magulang ko ang magulang niya nalalaman ko ang mga nangyayari sa buhay nila.

"Ito ang gustong maging kapalit ng mga magulang ni Harris, Elle. Para, mabayaran natin ang mga utang natin sa kanila, " sambit ni mama.

"Maging kapalit? Gagamitin niyo akong pambayad sa mga utang? Hindi po ako bagay na maari na lamang ipamigay, ma! " Maluha luha kong sabi, napapikit ako ng mariin.

"Elle, pagbigyan mo naman kami ng papa mo. Kailangan mong magpakasal sa kaniya, alam mo naman na hindi natin kayang bayaran ang malaking halaga na inutang natin sa pamilyang Gordion. Nakikiusap na sabi ni mama.

"Hindi naman po ganoon kadaling pumayag sa napagkasunduan niyo, mama. Ako yung nagigipit dito. Sa dinami daming choices bakit ganito pa? Umiwas na nga ako sa kaniya para hindi na ako masaktan, " sabi ko.

"Nakikiusap ako, Elle. Kailangan mo lang siyang pakasalan at kapag kasal na kayo kahit gawin niyo ang mga gusto niyong gawin sa buhay. Ang mahalaga ay maikasal kayo ay makilala ka bilang asawa niya sa buong mundo, " sabi ni mama. Natawa ako dahil sa mga sinabi niya.

"Parang pinalabas niyo rin na magpapakasal ako sa kaniya dahil para perahan sila, " hindi makapaniwalang sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng lapitan ako ni mama at sinampal. Napatagilid ang mukha ko. Hawak hawak ang pisnging hinarap ko si mama.

"Totoo naman po di ba? Magpapakasal ako sa kaniya dahil sa mga utang natin sa kanila, bakit hindi na lang ipakasal ni tito Arnold si Harris sa girlfriend ng anak nila? Sila naman ang magkasintahan, " sabi ko.

"Paulit-ulit na lang ba tayo, Elle. Hindi gusto ng tito Arnold mo ang girlfriend ni Harris. At ikaw ang magiging dahilan para mailayo nila si Harris sa modelong 'yon, " sabi ni mama. Bakit ba ayaw nila kay Serah? Wala ng mapipintas sa girlfriend ni Harris dahil nasa kaniya na ang lahat. Magandang buhay, sikat sa buong mundo at higit sa lahat girlfriend niya si Harris Gordion.

"Kahit anong gawin niyo hindi ako papayag na magpakasal kay Harris! Hindi ako sisira ng relasyon, " pagmamatigas ko. Akmang sasampalin muli ako ni mama ng magsalita ako.

"Sampalin mo ulit ako, ma. Parang pinalabas mo na rin na ang habol niyo lang sa mga Gordion ay ang pera nila, " sabi ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko, hindo ko intensyon na sabihin ang mga maling salita pero, wala akong choice.

"Wala kang utang na loob, Elle! Paano mo nasisikmura na pagsalitaan kami ng ganiyan? Kung pwede nga lang si Annie na lamang ang magpakasal kay Harris ay hindi ako magmamakaawa sa'yo, " sumbat sa akin ni mama.

"Bakit hindi na lang si Annie? Kakausapin ko si tito Arnold, " sabi ko.

"Kahit kausapin mo pa ang tito Arnold mo, Elle. Hindi na magbabago ang isip nila kaya sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa kaniya," sabi ni mama.

"I need space, ma. " Sabi ko at tumalikod upang pumunta sa kwarto ko. Gusto kong makapag isip isip. Ngayon lang kami nagkaganito at dahil sa mga utang namin kila tito Arnold kailangan kong pakasalan siya. Mabait naman si tito at tita, alam ko na fkapag nakiusap ako na sa ibang paraan na lang namin babayaran ang mga utang namin sa kanila siguro papayag sila at wala ng kasalang magaganap.

"Elle! Hindi pa tayo tapos magusap! " Sigaw ni mama, pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad sa hagdan. Ayaw ko muna silang kausapin, hindi ako makapag isip ng tama kung haharapin ko sila. Kailangan kong kausapin si tito Arnold, mabait sa akin si Serah at hindi ko kayang sirain ang tiwala niya.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko, inilock ko ito at saka ako nagtungo sa kama ko at naupo. Ano ang gagawin ko kung sakaling hindi pumayag si tito? For sure na magagalit sa akin si Harris pati si Serah. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang mga napagusapan ng parents ko at ng parents ni Harris. Hindi ko pa nakikitang magalit si Harris kaya hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kapag sinabi ni tito Arnold ang tungkol sa kasunduan nila ng parent's ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jester Penaranda
highly recommended
2024-02-26 10:08:25
1
user avatar
Jane_Writes
Hello po, support niyo po yung bago ko pong story, kasali po siya sa contest ... Love at First Night po yung title, thank you so much po.
2023-11-15 11:09:05
3
user avatar
angbabaingsuplada
omejieee, ang ganda ng story...️...️...️
2023-10-12 18:15:52
1
user avatar
Sarahjane Robrigado
highly recommend
2023-10-06 05:18:35
1
user avatar
vrlfxmxemrkfko
nice story
2023-10-04 13:36:55
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
ms.author jane_writes ask ko lang po kelan po ulit magka update sa book na to?sobrang ganda ng story, thanks
2023-09-13 23:14:39
1
user avatar
Joleyns Navarro Orda
update plz..
2023-09-07 14:07:45
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
starting reading this book,ang ganda..thanks author
2023-09-04 12:56:50
1
user avatar
Jane_Writes
My update po tayo mamaya, wait lang po kayo mga ma'am/sir...
2023-08-31 09:46:12
1
user avatar
PI OS CA
next na please
2023-08-31 06:45:34
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
Hi author kaeestart ko pa lang magbasa ng story nyo nagustuhan ko start pa lang , mukhang exciting ang story ni Elle and Harris,congrats author for this story.
2023-08-29 21:06:29
1
user avatar
Jane_Writes
please support my story po
2023-08-10 20:27:38
1
user avatar
Natzumie S
natapus ko basahin ,waiting sa update...
2023-08-31 05:25:44
1
user avatar
Albert A Peralta
sana my update na...
2023-08-30 19:56:09
1
user avatar
Albert A Peralta
ang ganda ng story..sana my update na...
2023-08-30 19:54:01
1
60 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status