Share

II: Just A Maid

Author: S. Corvino
last update publish date: 2026-11-26 10:29:15

Hazel’s POV

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na ibinalot ko sa katawan bago tuluyang bumangon. Napatingin ako sa aking amo.

Nandito pa rin si Calvin, mahimbing na natutulog na para bang walang anumang nangyari kagabi.

Mabilis akong nagbihis kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita. At dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway.

Napahawak ako sa noo."Lord, ano bang kalokohan ang pinasok ko?"

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking iyon pagkatapos ng nangyari. Empleyado lamang ako ng pamilya nila. Paano kung malaman ni Aling Rosa? O mas malala, paano kung malaman ng mga magulang niya?

Pagdating sa maliit kong silid sa likod ng mansion, napaupo ako sa gilid ng kama.

"Aray..."

Mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi—ang mga halik niya at ang sandaling nakalimutan kong isa lamang akong katulong sa bahay nila.

Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga pangyayari kagabi. Isa lamang itong pagkakamali. Isang gabing hindi na dapat maulit.

"Hoy, Hazel!"

Napatayo ako nang marinig ang boses ni Aling Rosa sa labas ng aking silid.

"Hazel! Bumangon ka na riyan. Marami pang kailangang gawin!" bulyaw nito sa akin.

Agad kong binuksan ang pintuan. "Pasensya na po, Aling Rosa."

Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. "Akala mo ba dahil day off mo kahapon, puwede ka na rin magpahinga nang maghapon ngayon?"

"Pasensya na po. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko,” paliwanag ko.

"Kung may sakit ka, sabihin mo agad. Maglinis ka ng kusina pagkatapos mong mag-almusal. At siguraduhin mong maayos ang sala. May bisita ang batang amo mamaya."

"Opo,"

Nang makaalis siya, agad akong naghanda. Kailangan kong kalimutan ang nangyari kagabi at magpokus sa trabaho.

Halos mag-alas nuwebe na nang lumabas ako ng kuwarto. Dumeretso ako sa kusina, ngunit napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa may counter.

Si Calvin ay nakasando lamang at nakasuot ng pajama pants. Magulo pa ang buhok niya habang may hawak na tasa ng kape.

Nang magtama ang aming paningin, nakita kong may sumilay na ngiti sa kaniyang mapupulang labi.

"Good morning, Hazel," bati niya sa’kin.

Agad akong napayuko. "G-Good morning po, Sir."

"You're up early," aniya at sumimsim sa kanyang kape.

"Opo. May trabaho po kasi ako,” sagot ko at nagpatuloy na sa pagkuha ng tasa.

"Didn't I tell you to rest?"

Napatingin ako sa kanya. "Po?"

Lumapit siya at inilapag ang isang paper bag sa mesa. "I brought you breakfast."

Napakunot ang noo ko. "Para po sa akin?"

"Do you see anyone else here?" tanong niya, na tumingin pa sa paligid.

Binuksan ko ang paper bag at nakita ang isang sandwich at juice at may kasamang gamot na ibuprofen. "S-salamat po."

"Just eat,” aniya at tumingin sa paper bag.

Tahimik akong kumain habang umiinom naman siya ng kape.

"Sir, hindi na po ba kayo mag-aalmusal?"

"I already ate,” diretsa niyang sagot.

Hindi na ako nagsalita muli. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita.

"About last night..."

Napatigil ako sa pagnguya at parang mabibilaukan. "Sir?"

Ngumisi siya, marahil sa reaksyon ko. "Relax. I'm not going to fire you."

Napabuntong-hininga ako. "Akala ko po kasi..."

"Akala mo?" putol niya sa sasabihin ko.

"Wala po,” nahihiya kong sagot.

Tumawa siya nang mahina. "You're funny, Hazel."

Hindi na ako sumagot. Hindi ko alam kung talagang hindi mahalaga sa kanya ang nangyari o sadyang ayaw lamang niya itong pag-usapan.

"Finish your breakfast. And don't push yourself too hard,” sabi niya, at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong nakatitig sa pintuan. Hindi ko inaasahang magiging ganoon siya kabait sa akin ngayong umaga.

At hindi ko alam kung bakit mas nalilito sa kilos niya.

Bandang tanghali, abala ako sa paglilinis ng sala nang makarinig ako ng sasakyang huminto sa labas. Ilang sandali pa ay bumukas ang malaking pintuan.

"Calvin!"

Napalingon ako at nakita ang isang magandang babae na pumasok sa mansion. Mahaba ang buhok nito, maayos ang make-up, at halatang mamahalin ang suot.

Agad itong lumapit kay Calvin na kasalukuyang bumababa sa hagdan.

"Isabelle?" patanong na sabi ni Calvin.

Malawak ang ngiting sinalubong siya ni Calvin.

"I missed you so much!" Yumakap ang babae sa kanya at gumanti naman si Calvin ng yakap.

"I just got back, and you're already here?"

"Of course! Do you think I'd let you stay here without seeing me?"

Tumawa si Calvin at hinalikan sa noo ang babae. "You're still as demanding as ever."

"And you're still as handsome as ever."

Hindi ko namalayang natigil na pala ako sa pagpupunas ng mesa. Tumayo ako at papaalis na sana nang biglang nagtanong ang babae.

"Who's that?"

Napalingon ako nang mapansin ako ng babae.

"Oh, she's one of our maids," sagot ni Calvin.

Napahigpit ang hawak ko sa basahan.

"What's your name?" tanong niya.

"Hazel po."

"Nice to meet you, Hazel. I'm Isabelle."

Bahagya itong ngumiti bago muling ibinaling ang atensyon kay Calvin.

"Come on. Let's go upstairs. I have so many things to tell you,” anito na excited.

"Sure,” bago umakyat, napatingin sa akin si Calvin. "Make sure the living room is clean."

"Opo, Sir." Wala na siyang ibang sinabi.

Habang pinagmamasdan ko silang umaakyat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib.

Hindi ko naman siya kasintahan. Wala rin naman siyang ipinangako sa akin.

Pero bakit parang may kumurot sa puso ko nang makita ko siyang kasama ang babaeng iyon?

"Matagal na silang magkaibigan."

Napalingon ako kay Aling Rosa na biglang lumapit.

"Po?"

"Sina Mr. Calvin at Miss Isabelle. Bata pa lang sila, magkasama na ang mga iyan."

Tahimik akong nakinig at tumango.

"Mayaman din ang pamilya ni Miss Isabelle. Matagal na siyang malapit sa pamilya Sullivan."

"Ah, ganoon po ba?"

"Oo. At kung ako ang tatanungin, bagay na bagay silang dalawa."

Napahinto ako sa pagpupunas. "Oo nga po."

"Of course! Maganda, mayaman, at edukada. Hindi katulad ng ibang babaeng basta na lang pumapasok sa buhay ni Mr. Calvin."

Hindi ko alam kung bakit parang may patama sa huling sinabi niya. Napayuko na lamang ako at tinuloy ang pagpupunas.

"Anyway, tapusin mo na 'yan. Huwag kang magpapabaya."

"Opo."

Gabi na nang natapos ko ang lahat ng trabaho. Naglalakad na ako patungong silid, ngunit napahinto ako nang marinig ang tawanan mula sa kabilang bahagi ng hallway.

Nakabukas ang p***o ng kuwarto ni Calvin. Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko silang magkatabi ni Isabelle sa sofa. May hawak na baso si Calvin habang may ikinukuwento naman ang babae na ikinatawa niya.

Maya-maya, isinandal ni Isabelle ang ulo sa balikat niya. Parang natural lamang sa kanilang dalawa ang ganoong kalapit sa isa't isa.

Hindi ko namalayang napahawak ako sa dibdib ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Aling Rosa sa likuran ko. "W-Wala po. Papasok na po ako sa kuwarto ko."

Sinundan niya ng tingin ang direksiyong pinagmamasdan ko.

"Ah. Sina Mr. Calvin."

Napayuko ako.

"Matulog ka na. Huwag kang mag-aaksaya ng oras sa pagtingin sa mga bagay na hindi mo naman dapat pinakikialaman."

Hindi na ako sumagot. Mabilis akong pumasok sa aking kuwarto at isinara ko ang p***o.

Naupo ako sa gilid ng kama at napahawak sa mukha. “Bakit ba ako naaapektuhan?” tanong ko sa sarili.

Huminga ako nang malalim at pinilit kong ngumiti. Kailangan kong tandaan kung sino ako.

Isa lamang akong simpleng katulong.

Walang karapatang umasa sa lalaking tulad ni Calvin Sullivan. At lalong walang karapatang mangarap na balang araw, ako naman ang titingnan niya nang ganoon.

Dahil sa huli, ako lang naman si Hazel.

At siya si Calvin Sullivan.

Ang lalaking hindi kailanman mapapasa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Playboy's Hidden Son   V: The Secret I Carried

    Hazel’s POVTatlong linggo.Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sina Calvin at Isabelle para sa kanilang business trip.Sa mga panahong ito, naging mas tahimik ang mansion. Wala na akong kailangang iwasan sa hallway, wala nang biglaang pagtawag sa pangalan ko, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang harapin ang lalaking pilit kong inaalis sa isip ko.Pero kahit wala siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin.Minsan, habang naglilinis ako ng kuwarto niya, bigla kong naaalala ang mga halik niya. Minsan naman, naiisip ko kung naaalala rin ba niya ang mga gabing iyon.“Hazel, tama na,” bulong ko sa sarili. “Hindi na dapat ako umaasa.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa kusina nang biglang kumulo ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng counter.Ano ba iyon?Ilang araw na rin akong madaling mapagod at nawawalan ng gana sa pagkain. Marahil siguro sa sobrang trabaho at pag-iisip.Pero nitong mga nakaraang umaga, mas lumalala ang pakiramdam ko

  • The Playboy's Hidden Son   IV: Staying Away

    Hazel’s POVPagkagising ko, unang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa noo. Nasa sarili ko ang kama, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga halik at yakap ni Calvin.Naiwan din ang amoy ng kanyang pabango sa aking higaan. Napalingon ako sa pinto ng maliit kong silid.Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Aling Rosa na pumunta ang amo namin sa kuwarto ko.Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Calvin pagkatapos ng lahat.Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari. Higit sa lahat, kailangan kong lumayo sa kanya.Hindi ko na dapat ulitin ang pagkakamaling iyon. Pang-ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, at sana mapanindigan ko na ngayon.Paglabas ko ng silid, agad akong dumiretso sa kusina. Abala na ang ibang kasambahay sa paghahanda ng almusal, kaya tumulong na rin ako.“Hazel, ikaw na ang magdala nito kay Sir,

  • The Playboy's Hidden Son   III: Avoiding Him

    Hazel’s POVTatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Isabelle sa mansion, pero hindi pa rin siya umaalis.At sa loob ng tatlong araw na iyon, ginawa ko ang lahat para maiwasang makasalubong si Calvin.Kapag nasa kusina siya, naghahanap ako ng ibang gagawin. Kapag nasa sala naman siya, sa kabilang bahagi ako naglilinis. Minsan, hinihintay ko pang makaalis siya bago ako lumabas ng aking silid.Dahil ‘yon ang nararapat. Dahil ayoko nang maulit ang nagawa kong pagkakamali. Pero hindi ko maiwasang maisip ang pinagsaluhan namin.Kung paano niya ako tiningnan noong gabing iyon. Ang malambot na labi niya ay nakalapat sa balat ko."Hazel!"Napalingon ako kay Aling Rosa habang hawak ang tray ng may inumin."Dalhin mo ito sa sala. Nandoon sina Mr. Calvin at Miss Isabelle.""Po? Pwede po bang iba na lang?" Tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Bakit? May iba ka bang ginagawa?""Wala naman po,” sagot ko."Kung ganoon, dalhin mo na. Huwag kang magpatumpik-tumpik pa," utos ni Aling Rosa. At wal

  • The Playboy's Hidden Son   II: Just A Maid

    Hazel’s POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na ibinalot ko sa katawan bago tuluyang bumangon. Napatingin ako sa aking amo.Nandito pa rin si Calvin, mahimbing na natutulog na para bang walang anumang nangyari kagabi.Mabilis akong nagbihis kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita. At dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway.Napahawak ako sa noo."Lord, ano bang kalokohan ang pinasok ko?"Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking iyon pagkatapos ng nangyari. Empleyado lamang ako ng pamilya nila. Paano kung malaman ni Aling Rosa? O mas malala, paano kung malaman ng mga magulang niya?Pagdating sa maliit kong silid sa likod ng mansion, napaupo ako sa gilid ng kama."Aray..."Mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi—ang mga halik niya at ang sandaling nakalimutan kong isa lamang akong katulong sa bahay nila.Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga pangyayari kagabi. Isa

  • The Playboy's Hidden Son   I: The Playboy's Return

    Hazel’s POV “Hazel! Nasaan ka na ba?” Napapikit ako nang marinig ang malakas na pagtawag ni Aling Rosa mula sa labas ng maliit kong kuwarto. Napabuntong-hininga ako bago bumangon mula sa kama. Day off ko ngayon. Ang tanging plano ko ay matulog nang mahaba, magpahinga, at tawagan ang nakababata kong kapatid. Pero mukhang kailangan ko na namang kalimutan ang pahinga. “Bakit po, Aling Rosa?” tanong ko nang mabuksan ang pintuan ng aking silid. Nakasalubong ko ang seryosong mukha ng mayordoma. “Dalhin mo nga itong pagkain sa kuwarto ni Mr. Calvin.” Napatingin ako sa tray na hawak niya. “Po? Akala ko po ba bukas pa ang dating niya?” “Kaninang umaga pa siya dumating. Hindi ka ba nakikinig sa mga usapan dito?” singhal niya. Napayuko ako dahil hindi naman ako chismosa na makikinig sa usapan ng iba. “Pasensya na po.” “Bilisan mo. Pagod iyon sa biyahe, at siguraduhin mong maayos ang pagkakaayos ng pagkain. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa anak ng amo.” Marahan akong tumango. Wala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status