LOGINHazel’s POV
Tatlong linggo. Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sina Calvin at Isabelle para sa kanilang business trip. Sa mga panahong ito, naging mas tahimik ang mansion. Wala na akong kailangang iwasan sa hallway, wala nang biglaang pagtawag sa pangalan ko, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang harapin ang lalaking pilit kong inaalis sa isip ko. Pero kahit wala siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin. Minsan, habang naglilinis ako ng kuwarto niya, bigla kong naaalala ang mga halik niya. Minsan naman, naiisip ko kung naaalala rin ba niya ang mga gabing iyon. “Hazel, tama na,” bulong ko sa sarili. “Hindi na dapat ako umaasa.” Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa kusina nang biglang kumulo ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng counter. Ano ba iyon? Ilang araw na rin akong madaling mapagod at nawawalan ng gana sa pagkain. Marahil siguro sa sobrang trabaho at pag-iisip. Pero nitong mga nakaraang umaga, mas lumalala ang pakiramdam ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo. “Ugh!” Napahawak ako sa lababo habang inilalabas ang laman ng tiyan ko. Halos wala naman akong nakain, pero hindi tumitigil ang pagsusuka ko. Nang humupa iyon, hinugasan ko ang bibig ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Namumutla ako. “Baka kailangan ko lang magpahinga,” kumbinsi ko ang sarili. Pero may isang bagay akong matagal nang hindi pinapansin. Ilang linggo na akong hindi dinadatnan. Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi kaya... Agad kong iniwas ang tingin sa salamin. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano hangga't hindi ako sigurado. Kinahapunan, habang naglalakad ako papunta sa kusina, muli akong nakaramdam ng pagkahilo. At napahawak ako sa dingding. “Hazel?” Nanlaki ang mga mata ko at agad na napalingon nang marinig ang boses na iyon. Si Calvin ay nakatayo sa hallway, may hawak na travel bag. Katabi niya ang isang maleta na tila kakadating lamang. “Sir...” mahina kong sambit. “I'm back,” inianunsyo niya. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon. Akala ko ay mas tatagal pa ang business trip nila ni Isabelle. Lumapit siya sa akin at sinipat ang mukha ko. “You look pale. Are you sick?” “Hindi po. Medyo pagod lang,” sagot ko at nag-iwas ng tingin. “Are you sure?” panunuri niya pa. Tumango ako at pilit na ngumiti. “Opo.” Ngunit bago pa ako makalayo, biglang kumulo muli ang sikmura ko. Tinakpan ko ang bibig ko at mabilis na tumakbo papunta sa banyo. “Hazel!” Narinig kong sigaw niya, kasunod ay ang mga yabag niya sa likuran ko. Muli akong nagsuka sa toilet bowl. Halos hindi ko na maitaas ang ulo ko sa sobrang panghihina. “Hey, what's wrong?” Naramdaman kong hinawakan niya ang buhok ko upang hindi ito bumagsak sa mukha ko. “I'm okay, Sir,” pilit kong sagot. “Does this look okay to you?” tanong niya pa at napansin kong nag-igting ang pangalan niya. Hinawakan niya ang noo ko na kinakanta ng noo niya. “You're burning up.” “sa sobrang pagod lang po, Sir. Kailangan ko lang magpahinga.” “Have you eaten anything today?” tanong niya na may halong pag-aalala. Tumango ako kahit hindi naman iyon totoo. “Hazel, don't lie to me.” Sinubukan kong tumayo, pero biglang umikot ang paningin ko. “Calvin…” Bago pa ako tuluyang bumagsak, naramdaman ko ang malalakas niyang bisig na sumalo sa akin. “Hazel! Open your eyes!” Iyon na lamang ang huling narinig ko bago tuluyang dumilim ang aking paningin at mawalan ng ulirat. Pagmulat ko ng mga mata, puting kisame ang una kong nakita. Napakurap ako nang ilang beses bago ko napagtanto na nasa ospital ako. “Hazel?” Napalingon ako sa tabi ng kama. Nandoon si Calvin, nakaupo sa isang upuan. At bakas sa mukha niya ang pag-aalala. “Sir...” mahina kong sambit. Napabuga siya ng hangin, na para bang kanina niya akong hinihintay na magising. “Thank God, you're awake.” Sinubukan kong bumangon, pero agad niya akong pinigilan. “Don't move. The doctor said you need to rest.” “Paano po ako napunta rito?” usisa ko. “I brought you here after you fainted,” agad na sagot niya. Napayuko ako at hindi ko alam kung paano magpasalamat sa kanya. Ilang sandali pa ay pumasok ang doktor, dala ang ilang papel. “Good afternoon, Miss Hernandez. How are you feeling?” tanong ng doktor sa ‘kin. “Medyo okay na po,” ang tanging sagot ko. At salamat na rin dahil may ibang tao sa kwarto. Ngumiti ang doktor bago tumingin kay Calvin. “Your employer brought you here just in time. We ran some tests, and we found out why you've been experiencing nausea and dizziness.” “Sir, puwede po bang lumabas muna kayo?” tanong ko na nakikiusap. Tumango lamang siya at nang makalabas nga siya ay muli kong tiningnan ang doktor. “May sakit po ba ako?” Umupo nang maayos ang doktor at tiningnan ako nang may ngiti pa rin sa labi. “Congratulations, Miss Hernandez. You're pregnant.” Parang biglang tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko ay nanginginig ang ulo ko sa narinig. “P-Pregnant?” Tumango ang doktor. “Based on the initial examination, you're approximately four weeks pregnant. We'll need to conduct further checks, but the result is positive.” Napatakip ako sa bibig ko. Hindi maari. Agad kong naalala ang dalawang gabing kasama ko si Calvin. Hindi maari. Nagbunga ang kalusugan naming dalawa. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ngayon. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya. Malamang ay hindi niya matatanggap ‘to. Napahawak ako sa tiyan ko. “Doc, puwede po bang magtanong ang employer kung may sakit ba ako? Puwedeng huwag niyo sabihin na nagdadalang-tao ako?” pakiusap ko. Tumango ang doktor sa akin. “Yeah, sure. I'll keep it between us.” “Salamat po,” nakahinga ako nang maluwag. “Baby…” bulong ko habang unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa ating dalawa. Pero isang bagay ang sigurado ko. Hindi ko hahayaang maranasan ng anak ko ang buhay na puno ng panghuhusga dahil lamang sa kung sino ang kanyang ama. Kinagabihan, nakabalik na kami sa mansion. Pinayuhan ako ng doktor na magpahinga at bumalik para sa follow-up checkup. Nang makauwi kami, agad akong dumiretso sa maliit kong kuwarto. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit kong naiisip ang sinabi ng doktor. Buntis ako at ang ama niya ay si Calvin Sullivan—ang lalaking hindi ko alam kung may tunay bang nararamdaman para sa akin. Kinabukasan, nagpasya akong kausapin ang mga magulang ni Calvin. Hindi ko na kayang manatili sa mansion habang dala-dala ang lihim na ito. Nagpaalam ako sa kanila na kailangan ko nang umalis dahil may personal akong dahilan at kailangan kong asikasuhin ang pamilya ko. Nagulat sila sa biglaang desisyon ko, ngunit hindi nila ako pinigilan. Mabait naman sila sa akin at pinayuhan lamang nila akong mag-ingat. Sunod kong kinausap si Aling Rosa. “Hazel, bakit biglaan? May problema ba rito?” tanong niya. Umiling ako. “Wala po, Aling Rosa. Maraming salamat po sa lahat. Kailangan ko lang po talagang umalis.” Napabuntong-hininga siya. “Sayang naman. Matagal ka na rin dito.” “Pasensya na po,” ang tanging nasabi ko na lamang. Hindi ko kayang sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko rin kayang sabihin na may batang mabubuhay sa loob ko na walang kaalam-alam ang ama. Wala si Calvin ngayong araw dahil kasama niya si Isabelle. At kung tutuusin ay mas bagay silang dalawa dahil magka-level silang dalawa. Bago ako tuluyang umalis, huling beses akong tumingin sa malaking mansion. Dito nagsimula ang lahat. Dito ko nakilala si Calvin. At dito rin nabuo ang batang nasa sinapupunan ko. Hinaplos ko ang aking tiyan at pinunasan ang luha sa pisngi. “Don't worry, baby. I'll take care of you.” Hindi ko alam kung magiging madali ang lahat. Pero handa akong harapin ang mundo para sa anak ko. Kahit kailangan kong magsimula ulit. Kahit kailangan kong lumayo sa lalaking minahal ko nang palihim. At kahit hindi niya kailanman malalaman na minsan may isang babaeng nagdala ng bahagi niya sa mundong ito.Hazel’s POVTatlong linggo.Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sina Calvin at Isabelle para sa kanilang business trip.Sa mga panahong ito, naging mas tahimik ang mansion. Wala na akong kailangang iwasan sa hallway, wala nang biglaang pagtawag sa pangalan ko, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang harapin ang lalaking pilit kong inaalis sa isip ko.Pero kahit wala siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin.Minsan, habang naglilinis ako ng kuwarto niya, bigla kong naaalala ang mga halik niya. Minsan naman, naiisip ko kung naaalala rin ba niya ang mga gabing iyon.“Hazel, tama na,” bulong ko sa sarili. “Hindi na dapat ako umaasa.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit sa kusina nang biglang kumulo ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng counter.Ano ba iyon?Ilang araw na rin akong madaling mapagod at nawawalan ng gana sa pagkain. Marahil siguro sa sobrang trabaho at pag-iisip.Pero nitong mga nakaraang umaga, mas lumalala ang pakiramdam ko
Hazel’s POVPagkagising ko, unang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako at napahawak sa noo. Nasa sarili ko ang kama, pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga halik at yakap ni Calvin.Naiwan din ang amoy ng kanyang pabango sa aking higaan. Napalingon ako sa pinto ng maliit kong silid.Mabuti na lang at walang nakakita sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman ni Aling Rosa na pumunta ang amo namin sa kuwarto ko.Pero mas hindi ko alam kung paano ko haharapin si Calvin pagkatapos ng lahat.Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari. Higit sa lahat, kailangan kong lumayo sa kanya.Hindi ko na dapat ulitin ang pagkakamaling iyon. Pang-ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, at sana mapanindigan ko na ngayon.Paglabas ko ng silid, agad akong dumiretso sa kusina. Abala na ang ibang kasambahay sa paghahanda ng almusal, kaya tumulong na rin ako.“Hazel, ikaw na ang magdala nito kay Sir,
Hazel’s POVTatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Isabelle sa mansion, pero hindi pa rin siya umaalis.At sa loob ng tatlong araw na iyon, ginawa ko ang lahat para maiwasang makasalubong si Calvin.Kapag nasa kusina siya, naghahanap ako ng ibang gagawin. Kapag nasa sala naman siya, sa kabilang bahagi ako naglilinis. Minsan, hinihintay ko pang makaalis siya bago ako lumabas ng aking silid.Dahil ‘yon ang nararapat. Dahil ayoko nang maulit ang nagawa kong pagkakamali. Pero hindi ko maiwasang maisip ang pinagsaluhan namin.Kung paano niya ako tiningnan noong gabing iyon. Ang malambot na labi niya ay nakalapat sa balat ko."Hazel!"Napalingon ako kay Aling Rosa habang hawak ang tray ng may inumin."Dalhin mo ito sa sala. Nandoon sina Mr. Calvin at Miss Isabelle.""Po? Pwede po bang iba na lang?" Tanong ko.Kumunot ang noo niya. "Bakit? May iba ka bang ginagawa?""Wala naman po,” sagot ko."Kung ganoon, dalhin mo na. Huwag kang magpatumpik-tumpik pa," utos ni Aling Rosa. At wal
Hazel’s POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na ibinalot ko sa katawan bago tuluyang bumangon. Napatingin ako sa aking amo.Nandito pa rin si Calvin, mahimbing na natutulog na para bang walang anumang nangyari kagabi.Mabilis akong nagbihis kahit na masakit ang pagitan ng aking mga hita. At dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway.Napahawak ako sa noo."Lord, ano bang kalokohan ang pinasok ko?"Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking iyon pagkatapos ng nangyari. Empleyado lamang ako ng pamilya nila. Paano kung malaman ni Aling Rosa? O mas malala, paano kung malaman ng mga magulang niya?Pagdating sa maliit kong silid sa likod ng mansion, napaupo ako sa gilid ng kama."Aray..."Mas lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi—ang mga halik niya at ang sandaling nakalimutan kong isa lamang akong katulong sa bahay nila.Pilit kong iniwaksi sa isipan ang mga pangyayari kagabi. Isa
Hazel’s POV “Hazel! Nasaan ka na ba?” Napapikit ako nang marinig ang malakas na pagtawag ni Aling Rosa mula sa labas ng maliit kong kuwarto. Napabuntong-hininga ako bago bumangon mula sa kama. Day off ko ngayon. Ang tanging plano ko ay matulog nang mahaba, magpahinga, at tawagan ang nakababata kong kapatid. Pero mukhang kailangan ko na namang kalimutan ang pahinga. “Bakit po, Aling Rosa?” tanong ko nang mabuksan ang pintuan ng aking silid. Nakasalubong ko ang seryosong mukha ng mayordoma. “Dalhin mo nga itong pagkain sa kuwarto ni Mr. Calvin.” Napatingin ako sa tray na hawak niya. “Po? Akala ko po ba bukas pa ang dating niya?” “Kaninang umaga pa siya dumating. Hindi ka ba nakikinig sa mga usapan dito?” singhal niya. Napayuko ako dahil hindi naman ako chismosa na makikinig sa usapan ng iba. “Pasensya na po.” “Bilisan mo. Pagod iyon sa biyahe, at siguraduhin mong maayos ang pagkakaayos ng pagkain. Ayokong magkaroon tayo ng problema sa anak ng amo.” Marahan akong tumango. Wala







