-=Miranda's POV=-Hindi na ako nangiming sagutin ang mga halik na iyon ni Ang, kahit man lang sa panaginip ay muli kong maramdaman ang mga labi nito na matagal ko nang pinanabikan, mga halik ng lalaking pinakamamahal ko.Sa una ay banayad lang ang paraan ng paghalik nito na para bang nag-aalangan pa ito ngunit ng marahil ay maramdaman nito ang pagtugon ko ay mas lalong lumalim ang paraan ng paghalik nito, mas mapusok, I felt his tounge seeking entrance to my mouth which is opened for him, a moaned escaped my mouth when his tounge started exploring the inside of my mouth.Para sa isang panaginip parang sobrang totoo ang nararanasan ko ng mga oras na iyon, siguro dahil sa labis na pangungulila ko sa binata kaya ganito na lang ang napapanaginipan ko.Labis ang naramdaman kong pagtutol ng lumayo ang mga labi nito sa labi ko, saka ko lang napagtanto na hindi na pala ako nakakahinga dahil sa paglalapat ng mga labi namin, when I opened my eyes, I saw so much passion and longingness in his ey
-=Miranda's POV=-Kailan mo nga ba masasabing tama na, na game over na? Mahirap talagang maglet go dahil pinanghawakan mo ang posibilidad na maaring pareho pa din ang nararamdaman niya noon hanggang ngayon.Gulong-gulo ang isip ko at durog na durog ang puso ko habang tila paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nakita ko sa parking lot kanina, sobrang sakit na makita mong ang taong mahal mo at hinintay mo nang ilan taon ay masaya na sa ibang tao.Halos mahilam ang mga mata ko sa luha na walang tigil na dumadaloy sa mga mata ko, wala naman akong ibang sisihin kung hindi ang sarili ko at ngayon nga nawalan na ako ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kung anumang meron kami ni Ang noon, mananatili sa akin ang katanungan kung paano kaya kung pumayag na lang ako sa gusto ni Ang two years ago, mauuwi nga ba sa realization ni Ang na hindi naman talaga pagmamahal ang nararamdaman nito kung hindi guilt lang o baka naman kung guilt man ang naramdamanan nito noon ay mauwi iyon sa pagmamahal, pero k
-=Miranda's POV=-Nahahapo akong pumasok sa kuwarto ko ng tuluyan nang matapos ang naturang event sa totoo lang hindi ko din sigurado kung paano ko natapos ang event nang hindi nagbrebreakdown, ngunit ng mapag-isa na ako ay muli na namang bumalong ang mga luha sa mga mata ko, sobrang sakit nang nararamdaman ko na para bang hirap na hirap akong huminga."Ang......" muling nagbalik sa akin ang paraan ng pakikipag-usap sa akin ni Ang na para bang wala man lang itong naramdaman sa akin na kahit na anong pagmamahal noon.Nang magkita kami ni Ang parang gustong kong makiusap na ako na lang uli, ako na lang uli ang mahalin niya pero alam ko namang malabong mangyari iyon.Wala akong ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili ko, pero mabuti na siguro iyon at least nalaman nito ang totoong nararamdaman nito at hindi dumating sa punto na pinagsisihan nito kung sakaling maging kami, at makasal kami, but still hindi pa din maalis alis sa dibdib ko ang labis na sakit na para bang may malaking ka
-=Miranda's POV=-Matapos namin makakuha ng confirmation na dadalo ang mag-asawang Cervantes ay agad naming pinaghandaan ang anniversary ng bahay ampunan, ito kasi ang unang beses na pumayag ang bilyonaryong si Henry Cervantes na tanggapin ang alok namin, para na din makapagpasalamat kami ng personal dito sa lahat ng tulong na binigay nito sa Gawad Kalinga.We only have two weeks para maayos ng mabuti ang lahat ng preparations bago ang naturang araw, abala ang lahat sa pag-aayos gayon din ang mga batang gustong magperform para kay Henry."Makakaya ba natin to Mira?" tanong ni Ate Lita sa akin."Makakaya natin to." ang nakangiti kong sinabi nito, pero sa totoo lang ay hindi ako sigurado sa bagay na iyon lalo na't kulang kami ng taong tutulong sa amin, kaya naman labis na pagpapasalamat ko ng dumating si Ram kasama ang asawa nito para tumulong."Need some help?" nakangiting tanong sa akin ni Ram at laking gulat ko ng may mga iba pa pala itong mga kasama na mukhang binayaran nito kaya na
-=Miranda's POV=-"Mommy Mira!" ang narinig kong sigaw nang maliit na boses sa labas ng opisina ko, at kahit hindi ko tignan ay alam ko kung kaninong boses na iyon at maliban pa doon ay isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Mommy, isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko bago ko tuluyan itong tignan."Angeline..." ang nakangiti kong bati dito, habang ito naman ay nagmamadalimng tumakbo palapit sa akin hanggang sa makakaya ng maliliit niyang mga paa, nakangiti naman na nakatingin lang sa amin si Ate Lita."Kamusta naman ang baby ko?" tanong ko dito."Mabuti po." ang matatas nitong sagot, sa edad nitong dalawang taon ay matatas na itong magsalita, sandali kong tinigil ang ginagawa ko para makipag kuwentuhan dito, sa tuwing kausap ko kasi ito o kahit na pinagmamasdan ito ay labis na nagpapagaan ng loob ko."Tara Angeline laro tayo!" ilang sandali ay inaya na din ito ng mga batang kalaro nito sa Bahay Lingap.Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan ito sa pagtakbo hangga
-=Miranda's POV=-Kita ko ang labis na pagkagulat na nagregister sa mukha ni Ang ng marinig ang hiling ko para dito gulat na sinundan ng labis na sakit na lalong nagpapahirap ng nasa loob ko."Ganoon na ba talaga kalaki ang galit mo na gusto mo na talaga ako tuluyang lumayo sayo?" puno ng pait na tanong nito sa akin, I tried to fight the urge to cry sa nakikita kong paghihirap dito dahil kailangan ko itong gawin, ayokong dumating sa araw na marealized nitong hindi naman pala talaga ako nito mahal na tanging guilt lang ang nararamdaman nito."Nagkakamali ka Ang........ ginagawa ko ito para sayo dahil alam ko kung gaano mo pinaghirapan ang inaalok sayo ni Ang at maliban doon ay gusto kong masigurado mo ang nararamdaman mo sa akin at kung sakaling pareho pa din ang nararamdaman mo sa akin matapos ang dalawang taon ay nandito ako." sobrang lungkot ko isipin pa lang na mawawala ito sa akin pero alam kong ito ang kailangan mangyari, we need to sort out both of our feelings.Kitang kita ko a