Chapter: 22Tulad ng sinabi ni Seb, di siya nakauwi nang ilang araw sa amin sa Laguna, pero palagi siyang tumatawag at nag-video call sa amin ni Eros. Pero pansin ko na tila balisa siya at parang may gumugulo sa isip ni Seb habang kausap namin siya. Hindi rin siya makatingin sa aking mga mata tuwing magkausap kami sa video call."I'll call again kapag may time." Sabi niya habang kausap si Eros."Tatay, kailan ka po uuwi? Miss na po kita. Hindi na po tayo nakakapaglaro." Malambing na saad ni Eros kay Seb. Ngumiti naman si Seb sa anak."Soon, Eros… uuwi rin si Tatay…" —sagot nito."Sinabi nyo na po yan nung nakaraan Tatay.. pero di naman kayo nauwi.." Nagtatampong sagot ni Eros sa kay Seb. Ngumiti naman ako kay Eros."Uuwi din si Tatay Eros, wag ka magtampo." pag-aalo ko dito, tumango si Eros sa akin."Sige na Anak, pumunta ka muna a kusina at kumain ng meryenda mo." sabi ko dito, agad naman sumunod sa utos ko si Eros. Pag-alis ni Eros, tumingin ako kay Seb."Sana naman tuparin mo pangako mo sa bat
Last Updated: 2026-08-03
Chapter: 21 Tulad ng pinangako ni Seb, nanatili siya sa amin, nauwi siya araw-araw galing sa Manila para makasama kami ni Eros, at nasa bahay lamang siya kapag weekend. Nagiba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napangiti ako habang pinapanood ko sila ni Eros na naglalaro sa labas. Para na talaga kaming isang buong at masayang pamilya, ang pamilya na matagal ko nang pinangarap na maibigay kay Eros noon. Huminga ako nang malalim at bumalik sa aking paglilinis. Sana ganito palagi: masaya at tahimik ang buhay. Natungo ang atensyon ko sa cellphone na nakalagay sa side table ni Seb, at napansin ko na may tumawag. Kinuha ko ito at pumunta kung nasaan si Seb."Seb, may natawag yata sa'yo." — sabi ko dito habang iniaabot ang cellphone niya. Kinuha niya ito at natigilan siya nang makita kung sino ito."I-I'll just take this call." Sabi niya, pumunta siya sa bandang likod ng bahay para sagutin ang tawag. Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Seb, pero binaliwala ko ito. Tinawag ko na lang si Eros para pumas
Last Updated: 2026-05-15
Chapter: 20Nagising ako na may mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti akong nagmulat at nakita ko si Seb na mahimbing ang tulog sa aking tabi habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking hubad na katawan. Dahan kong tinanggal ang kanyang braso para makaalis sa kama. Gumalaw naman siya sa kanyang puwesto at lalong humigpit ang kanyang yakap."Where are you going?"-Antok nyang tanong sa akin"Umaga na, Seb. Kailangan ko nang asikasuhin si Eros."Sabi ko dito habang nagbibihis."Can't you stay for just a few minutes?"Tanong nya."Papasok pa sa school si Eros.."-Sabi ko habang inaayos ang aking damit."We should hire a nanny and maid."-Umupo ito sa kama."Hindi na kailangan Seb, kaya ko naman gawin yon, mag aaksaya lang tayo ng pera.", nang Matapos ako gn magbihis ay lumakad na ako sa pinto."Maghahanda lang ako ng almusal. Bumaba ka na rin." Sabi ko dito at tumuloy na sa ibaba para asikasuhin si Eros.*************************************Naging maayos naman ang araw namin, si Seb ang naghatid
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: 19Lumipas ang mga araw na maayos naman ang sitwasyon namin ni Seb. Araw-araw siyang napupunta sa Laguna galing Maynila para makasama si Eros. Dito na rin sa bahay siya natutulog, katabi ng anak, at kinabukasan ay naalis pagkahatid niya sa eskwela ni Eros. Napapahanga ako sa dedikasyon nya na mapalapit kay Eros kahit mahirap para sa kanya na magbiyahe ng ilang oras."Mukhang masaya ka?" Napalingon ako kay Aron at ngumiti."Masaya ako para sa anak ko,."-Sagot sa kanya, Pag alis kasi ni Seb at Eros ay pumunta ako sa isang shop para makausap si Aron."That's good, I can imagine E
Last Updated: 2026-04-10
Chapter: 18Lumipas ang mga araw ngunit di umuwi si Seb. Si Eros man ay nagtatanong kung bakit hindi umuuwi ang kanyang ama. Ang tanging nasasabi ko lamang ay baka busy ito sa trabaho. Alam kong malungkot si Eros dahil nananabik pa rin ito sa ama."Nay, kelan po ba uuwi si Tatay?"-tanong ni Eros. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha nya."Busy pa ang Tatay sa trabaho anak, pero sigurado akong uuwi din siya."-sabi ko dito.
Last Updated: 2026-04-09
Chapter: 17Tulad ng dati ang pakiramdam ng mga labi ni Seb, malambot at mainit, mga labing labis kong pinanabikan ng mahabang panahon. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya sa aking labi, wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa aking nararamdaman. Ilang taon ko bang pinanabikan ang bagay na ito, pinangarap na muli ko itong maramdaman. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang dibdib habang ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang at mas inilapit ang aming mga katawan. "Mmmm..."-Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mas pinalalim ang halik na tila sabik na sabik."Nay... gutom na po ako..."-Agad kaming naghiwalay ni Seb ng madinig naming parating si Eros. Halos parehas kaming kapos ng hininga at nagkatitigan."Nay..."-Tawag ni Eros na tuluyan ng pumasok sa kusina. Dahan dahan kong hinarap ang anak ko at tipid na ngumiti."M-Maluluto na Anak, antay ka lang ng konti."-Utal kong sabi. Bumalik ako sa aking ginagawa. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin s
Last Updated: 2026-04-08