เข้าสู่ระบบNagising ako na may mabigat na bagay sa aking tiyan. Unti-unti akong nagmulat at nakita ko si Seb na mahimbing ang tulog sa aking tabi habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking hubad na katawan. Dahan kong tinanggal ang kanyang braso para makaalis sa kama. Gumalaw naman siya sa kanyang puwesto at lalong humigpit ang kanyang yakap."Where are you going?"-Antok nyang tanong sa akin"Umaga na, Seb. Kailangan ko nang asikasuhin si Eros."Sabi ko dito habang nagbibihis."Can't you stay for just a few minutes?"Tanong nya."Papasok pa sa school si Eros.."-Sabi ko habang inaayos ang aking damit."We should hire a nanny and maid."-Umupo ito sa kama."Hindi na kailangan Seb, kaya ko naman gawin yon, mag aaksaya lang tayo ng pera.", nang Matapos ako gn magbihis ay lumakad na ako sa pinto."Maghahanda lang ako ng almusal. Bumaba ka na rin." Sabi ko dito at tumuloy na sa ibaba para asikasuhin si Eros.*************************************Naging maayos naman ang araw namin, si Seb ang naghatid
Lumipas ang mga araw na maayos naman ang sitwasyon namin ni Seb. Araw-araw siyang napupunta sa Laguna galing Maynila para makasama si Eros. Dito na rin sa bahay siya natutulog, katabi ng anak, at kinabukasan ay naalis pagkahatid niya sa eskwela ni Eros. Napapahanga ako sa dedikasyon nya na mapalapit kay Eros kahit mahirap para sa kanya na magbiyahe ng ilang oras."Mukhang masaya ka?" Napalingon ako kay Aron at ngumiti."Masaya ako para sa anak ko,."-Sagot sa kanya, Pag alis kasi ni Seb at Eros ay pumunta ako sa isang shop para makausap si Aron."That's good, I can imagine E
Lumipas ang mga araw ngunit di umuwi si Seb. Si Eros man ay nagtatanong kung bakit hindi umuuwi ang kanyang ama. Ang tanging nasasabi ko lamang ay baka busy ito sa trabaho. Alam kong malungkot si Eros dahil nananabik pa rin ito sa ama."Nay, kelan po ba uuwi si Tatay?"-tanong ni Eros. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha nya."Busy pa ang Tatay sa trabaho anak, pero sigurado akong uuwi din siya."-sabi ko dito.
Tulad ng dati ang pakiramdam ng mga labi ni Seb, malambot at mainit, mga labing labis kong pinanabikan ng mahabang panahon. Dahan dahang gumalaw ang mga labi niya sa aking labi, wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa aking nararamdaman. Ilang taon ko bang pinanabikan ang bagay na ito, pinangarap na muli ko itong maramdaman. Inilagay ko ang aking mga palad sa kanyang dibdib habang ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang at mas inilapit ang aming mga katawan. "Mmmm..."-Napaungol ako ng ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig at mas pinalalim ang halik na tila sabik na sabik."Nay... gutom na po ako..."-Agad kaming naghiwalay ni Seb ng madinig naming parating si Eros. Halos parehas kaming kapos ng hininga at nagkatitigan."Nay..."-Tawag ni Eros na tuluyan ng pumasok sa kusina. Dahan dahan kong hinarap ang anak ko at tipid na ngumiti."M-Maluluto na Anak, antay ka lang ng konti."-Utal kong sabi. Bumalik ako sa aking ginagawa. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin s
Mabilis dumaan ang mga araw at nakikita kong nagkakalapit nang husto ang mag-ama. Napakatiyaga ni Seb na suyuin si Eros at nagkakaroon naman ng resulta ang mga ito."Nay!"-Masayang tawag ni Eros habang bit-bit ang isang malaki paper bag, sinundo ito ni Seb mula paaralan. Marahil ay dumiretso ito doon mula sa Maynila."Ano ba iyang dala mo, anak?" tanong ko dito.
Masayang pumasok si Eros sa bahay , hawak pa din nito ang kamay ng ama na masaya din nakatingin sa anak."Nay! Hindi na ako tutuksuhin kasi nakilala na nila si Tatay!" masaya nitong bungad sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Seb."Ganoon ba? Sige na at magbihis ka muna para makapag -meryenda."-Sabi ko. Tumango ito at nagpaalam sa amin bago pumasok sa kwarto."Salamat Seb, malaking bagay para kay Eros ang ipakilala ka sa mga kaibigan niya."-Sabi ko dito."You don't have to thank me, it's my responsibility."-Sabi nito. Ngumiti ako at naglakad papunta sa maliit na kusina para kunin ang meryenda. Lumabas ako at naabutan ko ang mag-ama na masayang nagkukuwentuhan. Lumapit ako at inilapag ang pagkain."Wow! Kamote cue!!" — masayang sabi ni Eros. Kumuha siya ng tinidor at kumuha ng pagkain."Dahan-dahan anak wala ka naman kaagaw."-Sabi ko at pinunasan ang dumi sa mukha ni Eros."Paborito ko po kasi talaga 'to!" sabi ni Eros na masayang kinain ang meryenda. Napangiti si Emily, halat







