author-banner
MissRose
MissRose
Author

Novels by MissRose

MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK!

MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK!

Thalia was forced to marry a man she didn't love. Because his fiancee left him for another man--on the day of their wedding. Radson didn't know that his beloved fiance run-away for another man. Kaya ang ate ng nobya nito ang dumating sa altar. Malamig si Radson kay Thalia. Wala itong pakialam sa asawa niya. He never treat her as his wife or appreciate her efforts for being a good housewife. Nambababae ito harap-harapan at dinadala pa sa kanilang pamamahay. Gano'n pa man, hindi siya nanunumbat sa kanyang asawa. Because her family needs her husband's money. Until their 3rd wedding anniversary came. Naghanda si Thalia ng dinner para sa kanila ni Radson. She was planning to talk to her husband about them. Try to fix everything for their marriage. She patiently waited for her husband to come home from work. But the whole night was gone, her husband never showed up. And then she found out the reason why her husband didn't come home. Because he spent the whole night with his run-away girlfriend-- Amanda. Natauhan si Thalia at nagdesisyon na makipag hiwalay na kay Radson. She signed their annulment and left the country. Inabala ni Thalia ang sarili abroad. Natuto kung paano mag-ayos ng sarili. Sa muli niyang pagbabalik, ibang-iba na ito sa simpleng dalaga na napangasawa ni Radson. She thought everything was settled. But she was wrong. Dahil hindi pa rin pinipirmahan ni Radson ang kanilang annulment. At ang hindi nito inaasahan? Ang malaking pagbabago ng asawa nito. Na ngayon ay nakahandang lumuhod at magmakaawa sa harapan niya. He wants her back. Her ex-husband wants her back! Bibigyan kaya ni Thalia ng isa pang pagkakataon ang dating asawa nito? O tuluyang tatapusin ni Thalia ang connection nila at magpatuloy sa nasimulang buhay na hindi na ito kasama?
Read
Chapter: Chapter Thirteen
KAHIT kinakastiguhan ni Radson ang sarili ay hindi niya magawang pakawalan pa ang mga labi ng asawa nito. Naramdaman naman ni Thalia na tila may nakalapat na mainit at malambot na bagay sa kanyang mga labi. Pero dahil sobrang antok na antok na ito ay hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. “Uhmm,” mahinang ungol nito na maramdaman ang pagsipsip sa ibabang labi niya saka marahang kinagat!Nanigas si Radson na mahinang naungol si Thalia. Namimilog ang mga mata nito pero hindi naman magawang bawiin ang mga labing nakahalik sa mga labi ni Thalia. Dahan-dahang gumalaw ang talukap ng mga mata ni Thalia na ikinalunok nitong bumilis ang tibok ng puso!Sa namumungay at inaantok na mga mata ni Thalia, nakilala pa naman nito ang lalakeng nakalapat ang labi sa kanyang mga labi. She thought it was just a dream. Napangiti ito. Kahit nanghihina, iniangkla niya sa batok ni Radson ang isang braso. Habang ang isang kamay ay sumapo sa pisngi nito at marahang hinaplos iyon. Napapakurap pa ang mga mata
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: Chapter Twelve
MAINGAT na pinunasan ni Thalia si Radson. Mula sa mukha nito, pababa sa leeg at balikat. Napalunok pa siya na mapasulyap sa malapad na dibdib ni Radson. Sa buong pagsasama nila, ngayon niya lang inasikaso si Radson nang ganito. Na hinubaran at pinunasan ito. Kaya kabado siya dahil baka mamaya ay magkamalay si Radson at masaktan siya nito. “Ahem!” Napatikhim ito para alisin ang bumarang bato sa lalamunan. Napatitig sa maamong mukha ng kanyang asawa at lihim na napangiti na matitigan ito sa malapitan. Kitang-kita kung gaano kaganda ang kutis nito. Ni walang blackhead na naligaw sa mukha ni Radson. Natural din na may kakapalan ang itim na kilay at malalantik nitong pilikmata. Napababa pa ang paningin ni Thalia sa matangos nitong ilong na ikinasilay ng munting ngiti sa mga labi niya. Hanggang sa madako ang paningin niya sa mga labi nito. Napalunok siya at parang tinambol ang dibdib na matitigan ang makintab at kissable lips ni Radson na natural na mapula. Tila nang-eengganyo ang mga iy
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: Chapter Eleven
MATAPOS mag-agahan ay gumayak na rin si Thalia at Radson. Inihatid pa sila ng pamilya ni Radson sa garahe at halos hindi pakawalan si Thalia. Habang nasa daan, nakabibinging katahimikan ang naghari sa loob ng kotse. Gusto mang kausapin ni Radson ang asawa nito pero nanahimik na lng siya. Tahimik na kasi ulit si Thalia. Wala na ang ngiti sa mga labi. Hindi katulad nang nasa harapan sila ng pamilya ni Radson. Ngayon niya lang nakitang nakangiti at tumawa si Thalia. At dahil iyon sa kanyang pamilya. Hindi nga siya nagkamali na mas gumaganda si Thalia kapag nakangiti ito o tumatawa.“Uhm, gusto mo bang sumama sa akin sa opisina? Baka lang may free time ka pa at gusto mong dalawin ang opisina ko,” pambabasag ni Radson sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila.“No, I have plans today. Isa pa, you're busy too. Don't waste your time to me,” malamig na sagot ni Thalia.“Okay. Maybe next time,” sagot ni Radson na pilit ngumiti.Pagdating nila sa Amarillo's Bar kung saan naiwan ni Thalia an
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: Chapter Ten
KINABUKASAN ay naunang nagising si Thalia kay Radson. Matapos ang awkward moment na namagitan sa kanila kagabi na umiyak si Radson sa harapan niya, nagpahinga na silang dalawa. Natulog si Radson sa sofa, habang si Thalia naman ay natulog sa kama. Mapait itong napangiti na malamlam ang mga matang tumitig kay Radson na nahihimbing sa sofa. Maingat itong humakbang palapit dito at naupo sa harapan ni Radson. Parang may sariling pag-iisip ang kamay niya na umangat at magaang hinaplos sa ulo si Radson. Napalunok pa siya na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Ngayon niya lang kasi hinaplos sa ulo si Radson habang nahihimbing ito. Dati na niyang nakikitang nahihimbing si Radson. Minsan pa nga ay may babaeng nakayakap dito at parehong hubad na kumot lang ang nakatabing sa katawan nila. Pero ni minsan ay hindi niya ito nilapitan lalo na ang haplusin ito habang natutulog. “Good morning,” mahinang pagbati nito na binawi na ang kamay at tumayo. Pumasok na ito sa banyo at ginawa ang morning ro
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: Chapter Nine
NAGULAT ang mag-asawang Edward at Lalyn na bumungad sina Radson at Thalia na magkahawak kamay. Nasa sala ang mag-asawa na napatayo pa na makita ang dalawang bagong dating. Napababa ang tingin nila sa kamay ng mga ito at bakas ang gulat na makitang magkahawak kamay ang mag-asawa. “Thalia hija? Wow, you look fabulous! Halos hindi kita makilala!” bulalas ni Lalyn na naglahad ng braso. Napangiti naman itong bumitaw sa kamay ni Radson at yumakap sa mother in-law nito na nakangiting mahigpit siyang niyakap. “Good evening po, Mommy, Daddy,” pagbati nito na bumeso sa ina at ama ng asawa niyang nakangiti sa kanya. “Good evening too, hija. Napasugod kayo?” tanong ni Edward na hinaplos pa ito sa ulo. Tipid itong ngumiti na bumaling kay Lalyn at napasuri pa sa kabuoan ng ginang. Nakapantulog na kasi sila at nagcha-tsaa silang dalawa dito sa sala.“Uhm, okay na po ba kayo, Mommy? Nag-alala po ako sa inyo na malaman kong may karamdaman ka. Kumusta po kayo?” tanong nito na bakas ang pag-aalala
Last Updated: 2026-02-26
Chapter: Chapter Eight
NAPABUGA ng hangin si Radson na sumunod pa rin sa dalawa. Muli nitong hiniklat sa braso si Thalia at buong lakas na hinila kaya napatili itong napasubsob sa dibdib ni Radson!“Radson, ano ba?!” singhal ni Thalia dito pero para lang itong bingi!Napakuyom ng kamao si Tristan na hinarap ito. Matapang namang sinalubong ni Radson ang mga mata nito at mahigpit na nakayapos ang braso sa baywang ng asawa nito!“Don't make a scene here, dude. Ako ang kasama niya. Hindi mo ba nakikita? Ayaw niya sa'yo,” madiing saad ni Tristan ditong napangisi. “Who do you think you are, huh? ‘Cause as far as I remember. . . Thalia is my wife! E ikaw, sino ka?” pang-uuyam ni Radson na nag-iigting ang panga at matalim ang tinging nakatitig dito. Pagak na natawa si Tristan sabay iling. “Asawa ka?” aniya na tumango-tango. “Maybe you're right. You are her husband. But the question is. . . is she love you? Or should I say–did she love you even once?” nakangising pang-aasar ni Tristan ditong nag-igting ang panga.
Last Updated: 2026-02-26
You may also like
My Possessive Bed Buddy
My Possessive Bed Buddy
Romance · Royai's Novele
117.9K views
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil
Romance · MeteorComets
115.4K views
My Husband is a Womanizer
My Husband is a Womanizer
Romance · Miranda Monterusso
114.0K views
To Love Again
To Love Again
Romance · Mairisian
113.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status