LOGINWARNING! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! READ AT YOUR OWN RISK! YOU HAVE BEEN WARNED! 🔞 Lance Kerford never plans or wanted to get married, and even his grandfather couldn't do about it. Falling in love and getting married is not his thing, he just wanted to enjoy his life to the fullest. Pero dahil sa isang insidente ay nagising siya na nasa isang isla at tinawag sa ibang pangalan. Dahil sa nanganganib ang buhay niya ay kailangan n'yang magpanggap bilang ibang tao-si Lucian, na apo ni lola Asun at pinsan ni Letlet. Hanggang kailan ni Lance magagawang magpanggap na pinsan ni Letlet kung sa bawat araw na dumadaan ay nagsisimula ng mag iba ang nararamdaman niya para sa dalaga? Will Letlet's be able to love Lance who she thinks is Lucian as her cousin even though she knows it's forbidden? Or do they both hurt each other in the end because of the lies that will be revealed in the end? [Lance and Letlet love story]
View More[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore