“KUMUSTA ka na, Yeonna? Lalo ka yatang gumaganda. Dahil ba napapaligiran ka ng mga kalalakihan?”
Pinigil niya ang nagbabantang pagsabog ng emosyon sa ipinapakitang kawalan ng respeto ng aroganteng lalaki sa tulad nila na mga alagad ng batas. Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong kinatatakutan. "Uy!" sabay sipa ni Anthony sa paa ng mesa. "Kinukumusta kita? Bingi ka ba?" “Bulag ka ba?" balik-tanong ni Yeonna. "Hindi mo ba nakikita na humihinga pa ako?" Natawa si Anthony. "Oh. Clearly, I can see it now na buhay ka pa nga." "Oo. Kailangan ko kasing mabuhay dahil may pinaghahandaan akong laban.” Lumapad ang nang-uuyam na ngisi sa labi ni Anthony. “I want to see you behind bars.” “Is that a joke? Tatawa na ba ako?” “Tumawa ka hanggang kaya mo pa. When the right time comes, baka kahit pagngiti ay hindi mo na magawa.” Napabuntong-hininga ito. “I admire your courage. Not unlike Yessa…” Malakas na hinampas ni Yeonna ang mesa nang banggitin ni Anthony ang pangalan ng kanyang kapatid. She wanted to k*ll him at that very moment, pero mailalagay niya sa panganib ang matagal na niyang hinihintay na promosyon. At gusto pa rin niyang lumaban ng patas kahit na taliwas iyon sa panuntunan ng kanyang mga kalaban. “Galit ka na ba niyan?” Anthony chuckled. "C'mon, punch me!" panunudyo nitong hamon. "The last time na babanggitin mo ang pangalan ng kapatid ko, that was the time na luluhod ka sa harap ng puntod niya para humingi ng tawad.” Muling natawa si Anthony. “Kailangan ko bang ipaalala sa ’yo ang naging hatol ng korte, huh? I’m innocent! Should I spell it to you para ma-gets mo?” pang-aasar pa nito. “Inosente ka? Tamaan ka sana ng kidlat.” Napapitlag ang lahat nang umugong at gumuhit ang liwanag sa kalangitan. “See? Kahit na ang langit ay alam ang kasalanan na ginawa mo. Pero hindi ko hihintayin na ang Diyos ang humatol at maningil sa 'yo...” Tumayo si Yeonna at ipinantay ang sarili sa tapat ng kausap, “Ako na mismo ang maniningil ng malaki mong utang kay Yessa.“ Binalingan niya ang mga kasama, “Halina kayo." Iniabot niya kay Aldrich ang bank card niya at sinenyasang magbayad na sa counter. Tumalima naman agad ito. "Masama sa atin ang makalanghap ng toxic.” Ibinalik niya ang tingin kay Anthony, "Mukha pa namang nakakamatay." "Hey!" Mabilis na hinawi ni Yeonna ang kamay ni Anthony na humawak sa kanyang braso. "Don't you ever dare to touch me again, assh○le!" "At anong gagawin mo? Will you break the law and stain your uniform, huh?" "Okay lang sa akin ang makulong. Pero sisiguraduhin ko na babaliin ko kahit na ang kaliit-liitan ng mga buto mo! Try me!" Umalis na ang grupo nang ngumisi lang si Anthony. Nang makalabas sila ng bar, hindi naiwasan ng mga kasamahan ng dalaga na mag-aalala sa pagbangga niya sa isa sa mga kinatatakutan na pader ng mga Cordoval. “Huwag niyo na akong isipin. Kaya ko ang sarili ko.” "Pero hindi niyo ba napansin? Hindi siya masyadong rumesbak kahit ilang beses mo siyang ininsulto," wika ni Melan. "At iyon ang behaviour na delikado," saad ni Dante. "Kaya mag-iingat ka." "Hindi ko siya katatakutan." "Sabagay," singit ni Macoy. "Mukhang matapang lang siya kapag may mga kasama." Nagpaalam na sa isa’t isa ang grupo nang lumabas na si Aldrich sa bar at maibalik nito sa dalaga ang bank card. Pinili muna ni Yeonna na maglakad-lakad upang maibsan ang galit na namumuo sa dibdib dahil sa muling pagtatagpo nila ni Anthony. Hindi niya iyon inaasahan. “Yessa, alam kong hindi ka pa natatahimik sa kinaroroonan mo. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa ’yo. Bibigyan kita ng katarungan. Malapit na.” Biglang bumagal ang paghakbang niya nang mapansin sa unahan ang isang umuugang pulang kotse na nakaparada sa shoulder lane ng madilim na kalsada. At sa loob niyon ay naaninag niya ang pigura ng lalaki na tila nakikipaglaban ng lakas sa sinumang kasama nito. Binunot ni Yeonna ang baril. Lumapit siya sa sasakyan at kumatok sa tinted na bintana. Tumigil iyon sa pag-uga kasunod ang pagbukas ng pinto. Napansin agad niya ang isang babae na walang malay na nakahiga sa backseat. “She just passed out,” wika ng lalaking pawisan na lumabas at sabog-sabog ang buhok na maging ang suot na puting longsleeves ay nakabuka dahil sa pagkakatanggal doon ng ilang butones. “Taas ang kamay!” sigaw ni Yeonna nang itutok ang baril. “Miss- ” “Sinabi nang itaas mo ang kamay mo!” Tumalima ito. “You misunderstood this…” “Malinaw kong nakikita na may ginagawa kang kababuyan dito!” “Hey! Watch out your mouth. Hindi mo alam ang sinasabi mo.” Inilabas niya ang posas at isinuot iyon sa mga kamay ng lalaki. “You have the right to remain silent. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney. If you can not afford one, you shall be provided by the government.” “Of course, I can afford the best lawyer in this country. Pero ano ba ang kaso ko para hulihin mo ako?” “S*xual Assault.” "What? Are you serious?" "Nakangiti ba ako, ha?" "Let me go. Or else- " "Sa presinto ka na lang magpaliwanag." "Wait! Ouch! Babae ka ba? Bakit ang lakas mo?" "Lumalakas talaga ako kapag may nakakaharap akong masamang tao!" Puwersahan nang itinulak ni Yeonna ang lalaki at nagpara ng taxi. Idineretso na niya ito sa presinto matapos tumawag ng backup sa mga kasamahan para puntahan ang biktima.BUMABA na ng sasakyan si Jade matapos siyang makahanap ng pagpaparadahan niyon. Maaga pa kaya maluwang pa ang parking area.Sandali muna siyang huminto at pinagala niya ang tingin. Maaliwalas ang paligid. At hindi pa rin matao kaya hindi pa gaanong maingay. Mayamaya lang ay marami na ang mga bata, teenagers, at couples doon. Pero hindi siya pumunta sa lugar na iyon para mamasyal o mag-relax. She missed the place, so as the person whom she shared memories in there.Napabuntong-hininga si Jade habang naglalakad at pinapagala ang tingin sa loob ng public park.Umuulan ng gabing iyon nang matagpuan niya roon si Miko na hindi sumipot sa kanilang usapan. Manonood dapat sila ng concert. He was lost, alone and in pain of the past.Nalaman niya nang araw na iyon ang sakit na dinaranas nito. At nangako siyang handa niyang gawin ang lahat para matulungan ito.Hindi ang pagiging doktor niya ang nagpagaling kay Miko. It was their love. Kaya kahit masakit at mahirap ang maghintay, magtitiis siya a
PINALIPAS muna ni Miko ang ilang minuto bago niya muling iniangat ang landline ng studio niya at inulit ang pag-dial.Pero ganoon pa rin ang resulta, nakapatay ang cellphone ni Yolly na hindi naman nito ginagawa. Kung lowbatt ito, naghahanap lagi ito ng paraan na makapag-charge. Dahil may mahahalaga itong tawag mula sa trabaho nito.Hindi na niya inabutan sa studio ang dating nobya. At ipinagpapasalamat naman niya iyon. May gusto nga lang siyang itanong dito."Haist! Nasaan ba siya?"Naisipan ni Miko na tawagan ang sariling numero dahil wala sa pinaglalagyan ang kanyang nasira na cellphone. Alam niya kung saan niya iyon iniwan.Napakunot ang noo ng binata dahil sa pagtataka nang biglang tumunog ang kabilang linya.At napalingon siya nang maulinigan ang pamilyar na ringtone. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.Biglang itinulos si Yolly sa bungad nang madatnan si Miko na hawak-hawak ang landline. Huli na para maitago nito ang cellphone na patuloy nanag-iingay sa loob ng bag nito."May
"DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi
GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku
"M-MIKO?""Bakit para kang nakakita ng multo, manang?" puna niya sa naging reaksiyon ng katulong na nagbukas sa kanya ng gate. "Hindi na ba ako welcome rito?""Hindi naman. Nagtataka lang ako.''''Bakit po?''''Naalala mo kasi kung saan ka nakatira."Pinagala ni Miko ang tingin mula sa malawak na bakuran hanggang sa dalawahan na palapag nilang bahay. "Itinakwil na ba ako ng pamilya ko?""Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, umulan noong mga nakaraang araw. ""Magaling na ako, manang.""Talaga? Magandang balita 'yan na siguradong ikatutuwa ng pamilya mo!""Nasaan sila?"Sinundan ng matandang katulong ang pagpasok ni Miko sa kabahayan. "Hijo, gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?""Busog po ako.'' Pinagala uli niya ang tingin. ''Wala ba sila rito?""Maaga silang umalis, pero sa tingin ko pauwi na si Alona. Namalengke lang siya. Hintayin mo na lang siya sa sala."Biglang napahinto sa paghakbang si Miko at kunot-noong nilingon ang katulong. "Hihintayin ko si Mama sa sala? Bakit? Bis
"HON, hindi ka pa rin tapos diyan?"Tumigil ang hawak na brush ni Miko nang maramdaman niya ang pag-upo ni Yolly. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig pa nito ang ulo sa kanya.Before, he likes her warmth. Pero hindi na niya ngayon maintindihan ang sarili. As if an ice just touched him. And he feels nothing but numbness.''Mamaya mo na gawin iyan. Kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mong adobo.''''Hindi pa ako nagugutom.''''Kape lang halos ang laman ng tiyan mo. Hindi ka na nga nag-almusal. Pati ba naman tanghalian ay hindi ka pa rin kakain.''''Tatapusin ko lang ito.''''Then, I'll stay here hanggang matapos ka.''Nanahimik na lang si Miko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.''Hon, hindi pa rin ba ako nabubura sa alaala mo?''"No. You're still clear as crystal."''Does it mean na magaling ka na?''Muling napahinto sa pagpipinta si Miko nang muli siyang abalahin ng dalaga na pinalikot ang mga kamay. Dumausdos iyon pababa sa may dibdib niya. "Would you mind? I told you,