HUMINTO ang dalawang kotse ng grupo ni Yeoona sa harapan ng isang resto bar. Naghanap muna sila ng parking slot saka magkakaabay nang naglakad patungo sa entrada.
"Pinili ko ang pinakamagandang venue para sa advance celebration natin." Napatingin si Yeonna kay Alrich. "For sure, pinili mo rin ang pinakamahal." Napangiti ito. "The best dito." "Butas naman ang bulsa ko." "Minsan lang 'to." Inakbayan ni Aldrich si Yeonna, "Sigurado na ang kasunod nito ay kasal mo na." Naghiyawan ang lahat. "Makakahigop na rin ng mainit na sabaw!" biro ni Isko. "Haist!" Siniko ni Yeonna sa tagiliran ang kaibigan, "Tumigil ka nga! Tumigil kayo!" asik niya sa mga kasama. "Teka," singit naman ni Macoy. "Paano nga pala siya ikakasal kung manliligaw nga wala?" Nagkatawanan ang grupo. "Mas lalaki ka pa kasing umasta kaysa sa amin," wika ni Melan. "Minsan lalambutan mo ang balakang mo kapag naglalakad." Lumakas ang tawanan ng lahat nang dalawang lalaki sa grupo ang naglakad nang pakembot-kembot sa unahan. "At dapat may kunting papungay ng mga mata," dagdag ni Dante. "Iwasan mo ang tingin na parang kakain ka ng buhay na tao." "Magbaon ka rin ng pang-seksing mga damit para kapag off-duty ka na, makita naman namin ang mga muscles mo," ani Isko. "Titigil ba kayo o uuwi na tayo?" banta ni Yeonna. Bigla namang nawala ang tawanan sa paligid. Sumeryoso ang lahat. "Lead the way," wika ni Aldrich nang ipagbukas ng pinto si Yeonna. "Takot pala kayong magutom," saad niya nang pairap na lagpasan ang kaibigan. Nakatawag na sa resto bar si Aldrich at nakareserba na sila ng puwesto roon. Hinayaan ni Yeonna na ang mga kasama na ang mag-order. At ilang sandali lang ay napuno na ng mga pagkain at inumin ang kanilang mesa. “Cheers!” Masayang iniangat ng lahat ang kanilang mga baso na may laman na alak. “Para sa tagumpay ni PO2 Agravante!” “Soon-to-be, Captain Agravante!” “Cheers!” “Bottoms up!” Sinaid ng lahat ang laman ng baso at pabagsak pa iyong ibinaba. Everyone enjoys the night. Karamihan sa kanila, walang pasok bukas. Ang iba na may duty ay hindi na nila pinilit na uminom. “Kapitan, huwag mo kaming kakalimutan kapag nasa taas ka na.” “Hindi mangyayari ‘yon. Siyempre mas masarap tamasain ang tagumpay kung marunong tayong lumingon lagi sa ating pinanggalingan.” "Tama!" sang-ayon ng lahat. "Deserve mo ang ma-promote," wika ni Dante. "Nakita kita mula pa lang noong unang araw mo na masipag ka at puno ng dedikasyon sa trabaho." "Salamat, salamat. Pana-panahon lang tayo. Nauna lang ako sainyo. Malay niyo, susunod na kayo. Basta pipiliin niyo lang lagi ang daan na malinis at matuwid." "Yes, Captain!" wika na lahat na ang ilan ay sumaludo. “Hey,” tawag-pansin ng isa sa grupo. “Hindi ba’t si Anthony Cardoval iyon?” Naningkit ang mga mata ni Yeonna nang makilala ang isa sa mga lumapastangan sa kanyang kapatid. He is walking freely and living well na para bang wala itong sinirang buhay. "Amoy na amoy ko hanggang rito ang kabahuan at karumihan ng pagkatao niya," ngitngit ni Dante. It’s been six years nang huling makita ni Yeonna ang grupo ni Anthony sa loob ng korte. Nakangiti ang mga ito at nakaguhit sa mga mukha ang matinding kasiyahan matapos na maabsuwelto ang mga ito sa kaso. They even celebrated it with a huge party right after they went out from that place. "Mamalasin din iyan pagdating ng tamang panahon," wika ni Isko. Yeonna is just a rookie and on her first year as a police officer when she found out about the group's identity. Sinubukan niya noong lumaban ng patas, pero nabaliktad ang lahat. From then on, ipinangako niya sa sarili na haharapin uli niya ang mga kalaban kapag malakas na siya. Kapag may kapangyarihan na siya. Kapag puwede na niyang pagkatiwalaan ang batas. “Iba na talaga kapag kabilang sa angkan ng mga mayayaman,” kumento ni Dante. Pinakamatanda ito sa departamento ni Yeonna kaya pamilyar ito sa Agravante R*pe Murd*r Case. “Makakahanap din nang katapat ang gag○ng iyan.” “Mahirap siyang kalaban kaya mag-iingat kayo sa pagsasalita,” paalala ni Aldrich na hininaan pa ang boses. “ Kampon iyan ni S*tanas. Ipinapapatay niya ang mga tao na makursunadahan niya.” Tumahimik ang lahat nang matuon sa kanila ang tingin ni Anthony na agad namang nakilala si Yeonna kahit may kalamlaman ang liwanag sa paligid ng kinaroroonan nilang puwesto. Sandali itong nagpaalam sa kasamang babae saka lumapit sa mesa ng grupo. “Look who’s here? A bunch of pulis-patola!” "Darn! You all look like a loser, trying to fit in this expensive place. Bagay sainyo ang kumain lang sa mga karinderya." Wala namang umimik isa man sa grupo. Nakikiramdam lang ang mga ito kung sino ang unang iimik. Pero lahat ay pasimpleng nakatingin kay Yeonna. "This place is newly built. Pero kung ganito pala kababa ang standard nila sa pagtanggap ng mga kostumer, then the owner should shut down his business. He has no sense of quality." Lumikha ng ingay ang pagngisi ni Yeonna kaya natuon sa kanya ang atensiyon ni Anthony na alam naman niyang gusto lang kunin ang kanyang pansin.WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt
"KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.
"WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula
"MASARAP magluto ang pamilya mo."Ngumiti si Amira. "Salamat.""Kahit isa akong chef at nakatikim na ng maraming klase ng mga pagkain sa iba't ibang restaurants ay iba pa rin talaga ang lutong-bahay lalo na kapag niluto iyon ng mga taong nagpasaya sa puso ko."Ngiti lang ang naging tugon ni Amira. Wala siya sa mood para sa mahabang usapan. Or, baka hindi niya lang gusto ang topic na kanilang pinag-uusapan.No. She just does not want the one she is talking to. Guwapo naman si Kenji, mukha ring mabait. But her stupid heart goes to someone na nasa harapan lang nila.Iba nga ang tingin ni Hardhie sa dalawa na magkatabing nakaupo sa lover's swing."Huwag ka ngang obvious diyan," sita ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na maging natural ka lang.""Bakit ba kailangan nilang maupo roon? That's only for lovers!""That's for everyone," pagtutuwid ni Yeonna. "Haist! Magda-drama ka. Kasalanan mo rin kasi dahil masyado kang makupad.""Gusto ko lang paghandaan ang lahat.""Pero tingnan mo ang nangyari
"YOU know her, right?" "Yes, of course!" magiliw na tugon ni Kenji sa naging tanong ni Khal nang ipakilala ito kay Amira. Hindi nito halos inaalis ang tingin sa dalaga. "The sweet, charming and beautiful sister of yours." Natuon ang tingin ng lahat nang lumikha ng ingay ang pagpigil ni Hardhie sa tawa niya. "I guess someone disagrees with you," wika ni Khal. Tumikhim lang si Hardhie at iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Amira. "He's my close friend," singit ni Yeonna. "He is funny sometimes, so don't mind him." "Hindi siya imbitado rito," mahinang saad ni Alona na narinig naman ni Lola Tasing kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nito. "Ma." "Halina na kayo sa komidor bago pa lumamig ang mga pagkain," pagyaya naman ni Pablo na hinarang muna si Hardhie na hahakbang na sana para paunahin si Kenji. "Ganyan talaga ang mga magulang," bulong na saad ni Yeonna sa kaibigan. "Over-protective sila sa mga anak." "Mukha ba akong hindi gagawa ng tama?" "Kaya nga dapat magpaki
LALO lamang namutla si Hardhie nang matuon sa kanila ang tingin ng buong pamilya dahil sa pagkakasigaw niyang sagot sa sinabi ni Yeonna. "Pasensiya na po." Natuon ang tingin niya sa hawak ng ina ni Amira na inilabas nito mula sa hawak pa rin na paper bag. "Ano naman 'yon?" pabulong niyang tanong sa katabing kaibigan. "Vitamins ng mga manok ni Lolo Dan. Darn!" mura ni Yeonna nang makita ang reaksiyon ng ginang. "Haist! Hate na hate pa naman niya ang bisyo ng kanyang asawa." "Tapos sinuportahan mo pa!" "Malay ko bang magkakamali ka nang bigay! Kung napunta iyon kay Lolo Dan, sigurado sanang plus one ka na. Maliit kasing bagay, hindi mo pa natandaan." Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Hardhie habang nakatanaw sa pamilya na inuulan pa rin ng panunukso si Lola Tasing dahil sa two-piece bikini nito. "Uy, huwag ka nang panghinaan ng loob. Sigurado akong kayo pa rin ni Amira ang nakatadhana sa isa't isa." "You think so?" Tumango si Yeonna. "Pero mukhang si Lola Tasing lang ang m