ANMELDENPaano kung ang buhay mo ngayon ay pangalawang buhay mo na? Anong gagawin mo? Gagawin mo pa rin ba ang mga bagay na ginawa mo dati para maranasan muli yung mgagagandang ala-ala na meron ka? O tatahakin mo na ang panibagong yugto kung saan pagbabayarin mo ang mga taong nakagawa sayo ng kasalanan noon? Nagbalik si Pamela sa nakaraan matapos mamat@y ang anak niya. Sa labis na poot at sakit, nangako siyang maghihiganti siya sa taong naging dahilan nang pagkawala ng anak niya. At yun ay walang iba kun’di ang sister-in-law niya. Kaya naman sa ikalawang buhay niya, siya ang nagpresinta na maging surrogate mother nito dahil naniniwala siya na ang kabayaran ng buhay ay buhay lang din.
Mehr anzeigen“Ate, pakiusap… maawa ka sa pamangkin mo!” Paki-usap ko kay Mira, ang sister-in-law ko na tulungan niya kami ng anak ko.
Bumabagyo at inaapoy pa ng lagnat ang anak ko.
Binenta ng asawa ko ang bahay namin at kinuha ang lahat ng savings namin dahil sumama na siya sa kabit niya. Pinalayas kami kanina no’ng nakabili ng bahay at hindi ko alam saan kami pupunta.
“Ateeee Mira! Pagbuksan niyo naman kami ng p***o. Kailangan namin ng tulong, ate!”
Pinagbuksan niya kami at akala ko papapasukin niya na kami, pero nagkamali ako. Isang sampal ang tinamo ko mula sa kaniya na halos ikabali ng leeg ko.
Masakit… sobrang sakit pero kaya kong tiisin basta lang huwag niya kaming paalisin ng baby ko.
“Hindi ka ba makaintindi? Sinabi ng ayoko!”
“Pero ate, si Alee may sakit. Wala na kaming matutuluyan ngayon dahil binenta na ni Dickson ang bahay.”
“Hindi kayo welcome dito at wala akong pakialam kung mamatay kayo mag-ina. Iniwan nga kayo ng kapatid ko, sa tingin mo may pakialam ako sa inyo?”
“Pero ate, pamangkin mo si Alee. May sakit ang anak ko. Kailangan niya madala sa hospital.” Hinawakan ko siya sa damit niya para lang maawa siya.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako.”
Muntik na akong matumba nang sipain niya ko.
“Ateeee…. Please… tignan mo si Alee… Kailangan niya ng tulong ate. Kahit pahiramin mo nalang ako ng pera ate, madala ko lang sa hospital ang anak ko. Please…”
“Pera? Wala akong ipapahiram sayo.”
Hindi ako naniniwala na wala siyang mapapahiram dahil alam kong may-ari ng kumpanya ang asawa niya. Mayaman sila, maraming sasakyan nakaparada sa garage nila.
Marami rin siyang suot na alahas..
“Kahit isang daan lang… pakiusap. Ibabalik ko rin sayo ate…”
Walang namamasadang tricycle ngayon dahil sa lakas ng hangin at ulan. Kaya magbabasakali ako na may taxi sa labas ng village na ito.
Kailangan ko lang talaga ng pera dahil malayo ang hospital dito.
“Ano ba Pamela! Pwede ba, umalis ka na sa harapan ko. Sinabi ko na sayo, wala akong pera na ibibigay sayo.”
Para akong nanlumo sa sinabi niya.
“Mommy…” napatingin ako sa batang tumabi sa kaniya. Si Brixx na pinanganak through surrogacy dahil hirap magbuntis si Mira.
Alam ko kung gaano siya ka-desperado noon magkaanak dahil iiwan siya ng asawa niya kung wala pa rin silang anak matapos ang dalawang taon nilang pagsasama.
Tumingin ulit ako kay ate na masamang nakatingin sakin.
“Umalis ka na at huwag na huwag mo na ulit ipapakita ang mukha mo sa harapan ko.”
“Pero ate-"
“Guards! Kaladkarin niyo nga ang babaeng to palabas ng bahay. Bakit ba pinapasok niyo to?”
Agad nagsilapitan ang mga guards sakin at hinila nila ako palabas kahit na pinipilit kong huwag umalis. Niyakap ko ang anak ko para hindi siya matamaan nang malalakas na patak ng ulan.
Pero nang yakapin ko siya, kinutuban na ako nang hindi maganda dahil pakiramdam ko hindi na siya humihinga.
“Anak… Alee…” sinubukan kong hawakan ang malambot na pisngi niya pero para na siyang bangkay na hawak ko.
Kahit nakabalot siya sa makapal na tela, alam kong giniginaw siya at basang basa.
Desperada akong tumakbo palabas ng village. Hindi ko alam paano ko mapupuntahan agad ang hospital basta madala ko lang doon ang anak ko.
Ako lang mag-isa ang tao sa labas dahil sobrang lakas talaga ng ulan.
Umiiyak at hindi ko alam anong gagawin. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha at sa ulan na tumatama sa mukha ko kung kaya hindi ko napansin ang isang magarang sasakyan na pasalubong sakin.
Napahinto ako at akala ko masasagasaan kami ng anak ko nang bigla itong tumigil isang hakbang nalang mula sa kinatatayuan ko.
“What the hell are you doing?”
Tinignan ko ang sumigaw at napahinto ako nang makita si Zamrick, ang asawa ni Mira.
“Pamela?” agad niya akong nilapitan nang makilala niya ako. “Anong ginagawa mo dito?”
Nagkaroon ako bigla ng pag-asa. Tumingin ako sa mga mata niya at nagmakaawa.
“K-Kuya… t-tulungan mo kami ng anak ko…. K-Kailangan ko siyang madala sa hospital.”
Nang ipakita ko sa kaniya si Alee, bigla siyang napasinghap at nagulat. Agad niya akong hinila papunta sa sasakyan niya at pinasakay.
Doon ko lang nakita nang malinaw ang anak ko. Hindi na nga siya humihinga at nangingitim na rin siya.
“Anaaaak… pupunta na tayo sa hospital ni mama…” pero hindi talaga siya gumagalaw. Kahit iyong kamay niya e hindi na rin.
“Huwag mo naman takutin si mama anak oh… please…” nabasag na ang boses ko sa pagkakataong to.
“Where’s Dickson?” biglang tanong ni Zamrick. Halata sa boses niya ang inis at galit.
“Iniwan na kami at sumama sa kabit niya.”
Ramdam kong tumingin siya sakin.
“Kung may sakit ang anak mo bakit dinala mo siya sa labas ng bahay kahit na umuulan? Bakit hindi ka tumawag ng grab o nagpapunta ng private doctor sa bahay niyo?”
“Pinalayas na kami ng bagong may-ari ng bahay. Binenta ni Dickson ang bahay namin at tinangay lahat ng savings namin. Sa tingin mo ba kung may choice ako, ipapahamak ko ang anak ko?”
“You should have gone to our house. Mira is there for pete sake! I’m sure she’ll help you.”
“Help?” halos manggalaiti ako sa galit sa sinabi niya. “Ano help ang sinasabi mo? Siya ang una kong pinuntahan, umaasa akong tutulungan niya ang anak ko dahil pamangkin niya ito pero anong ginawa niya? Pinaladkad niya kami sa mga guards niyo.”
Nagulat siya ng husto. Hindi yata siya makapaniwala na gagawin yun ng asawa niya sa amin ng anak ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Sa bilis niya magpatakbo, nakarating na kami sa hospital.
Akala ko makakasama ko pa nang matagal ang baby ko pero mali ako… dineklara na ng doctor na dead on arrival si Alee bagay na ikigunaw ng mundo ko.
Nagmakaawa pa ako na i-check nila ulit kasi baka mali lang sila pero sinagot lang nila ako na wala na talaga ito at wala na silang magagawa para ibalik ang buhay ng baby ko.
Sa labis na galit ko, nagwala ako… tanging si Zamrick ang naglakas loob na yakapin ako nang sa ganoon kumalma ako sa pagwawala ko.
-----------------
Lumipas ang tatlong araw at dumating na sa puntong ililibing na ang anak ko. Ako lang, si Zamrick, Mira at anak nila ang dumalo. Si Dickson ay wala, mukhang wala nga siyang alam na wala na ang anak niya.
Nang tuluyan nang malibing si Alee, nagsialisan na ang tatlo pero bago umalis si Zamrick, hinawakan niya ang balikat ko na para bang gusto niyang iparating sakin na tatagan ko ang loob ko.
Hindi muna ako umuwi. Nanatili lang ako sa puntod ng anak ko at umiyak nang umiyak.
Parang kalahati rin kasi ng buhay ko ay kasama niya doon sa hukay. Gusto ko nalang din sumunod sa kaniya. Ano pa bang saysay para mabuhay ako?
Sa labis na sakit na pinagdaanan ko, nakatulog ako. Nang magising, gabi na… Pagtayo ko, bigla nalang may humampas sakin kaya napahiga ako ulit sa lupa.
May dalawang lalaki akong nakita…
“S-Sino kayo?”
Hinawakan ng isa ang mga kamay ko. At sa likuran nila, nakita ko si Mira na galit na galit ang matang nakatingin sakin.
Lumapit siya at hinawakan ako sa panga ko.
“Dahil sayo muntik na kaming maghiwalay ng asawa ko. Talagang nagsumbong ka pa sa kaniya? Since peste ka sa buhay ko, mas maganda na rin lang na sundan mo na ang anak mo.”
Sinampal niya muna ako bago niya tignan ang lalaking may hawak sakin.
“Sige na… siguraduhin niyong malinis ang trabaho niyo.”
Nagtawanan sila. “Yes madam! Pero bago yun, pwede ba naming tikman muna?”
Ngumisi si Mira. “Kayong bahala.” At tuluyan na siyang umalis.
Sumigaw ako pero tinakpan nila ang bibig ko. Agad rin nila akong hinub@ran at doon nila sinimulang yurakan ang katawan ko… sa harapan pa mismo ng anak ko.
Mga wala silang awa. Kahit na may ingay na kumawala sa bibig ko, wala pa ring tutulong sakin dahil nasa sementeryo kami at gabi na.
Pagkatapos gamitin ng isa ang katawan ko, yung isa naman. Salitan nilang ginagawa hanggang sa mapagod sila at ako wala nang nagawa. Hindi ko na halos magalaw ang katawan ko sa sakit at hapdi.
Nang magsawa na sila, doon nila ako sinas@ksak sa dibdib ko habang yung isa e sinimulang hukayin ang puntod ng anak ko.
Tinapon nila ako sa ibabaw mismo ng kabaong ng baby ko at kahit na humihinga pa ako, tinapon nila ako doon at tinakpan ng lupa.
‘Baby, mukhang sasama na si mama say-"
(beeeeeeeeep)
“PAMELAAAAAA!!!!!”
Hingal na hingal akong nagmulat nang mata. May isang kamay ang biglang humila sakin papunta sa gilid ng kalsada. Nang tignan ko sino, nakita ko si Jane na alam kong p@tay na 4 years ago.
Teka… bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
“Baliw ka ba? Bakit ka tumigil sa gitna ng daan? Hindi ba sinabi kong tumakbo tayo dahil malapit na magred yung traffic light?”
“Jane? Buhay ka?”
Tinignan niya ako na para bang nababaliw na ako.
“Gaga ka! Malamang. Tayo na nga… baka ma-late tayo sa job fair.”
Nauna siyang maglakad, ako naman ay naguguluhan pa dahil alam kong patay na ako. Paanong nabuhay ako muli?
Napatingin ako sa hawak ko, sliding folder na naglalaman ng resume ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang petsa na nilagay ko sa resume.
At doon ko napagtantong bumalik ako 4 years ago bago ko pa nakilala si Dickson.
Naging matagumpay ang implantation. After 2 weeks, agad akong isinilalim sa beta-hCG blood test to confirm kung talagang buntis na ba ako and when the result came out at lumabas na talagang nagdadalang tao na ako, unang una kong nasilayan ang tuwa sa mukha ni Zamrick.“Thank you, Pam… thank you so much for carrying our baby.” Ang sabi niya habang si Mira sa tabi e hindi alam kung ngingiti o ano.Now, we just need to wait 4 weeks para bumalik sa OB-Gyne para sa unang transvaginal ultrasound.Nang makauwi kami sa bahay, nakaalalay sakin si Zamrick. Hawak niya ang kamay ko habang tinutulungan akong makababa sa sasakyan. Kahit ako ay nagulat.Tumingin ako kay Mira at kitang kita ang pagsiselos sa mata niya.“You have to be careful, Pam.”Kung ituring niya ako ay para bang isa akong babasaging bagay. Pero hindi ako nagri-reklamo lalo na kung nakikita ko nang malinaw ang mukha ni Mira na hindi na maipinta.Sa sala, sinalubong kami ng mga maids. Agad nila akong binati sa pagdadalang tao ko.
“These are our conditions,” ito ang sabi ng lawyer ni Zamrick. Nasa bahay nila ako, ang dating bahay na pinuntahan ko para lang makahingi ng tulong para sa anak ko.“During pregnancy, dapat tumira ka malapit sa mga Wilkins so they can visit you whenever they want. They will provide you a house, sagot rin nila ang lahat expenses mo at iba pang mga gastusin. Matapos mo maipanganak ang baby, hindi ka pa rin nila pababayaan hanggang sa masiguro nilang okay ka na. And this is the money you can get after childbirth.”Kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa habang nakatingin sa ilang 0 doon sa kontrata. Ang dami nilang pera pero noong nanghiram ako ng isang daan, hindi ako binigyan ni Mira.“Sure. But before I sign it, may kondisyon rin ako.” Ang sabi ko na nagpatigil sa mag-asawa.“What is it?” si Zamrick ang nagsalita. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang natigilan.Kanina ko pa nararamdaman ang mga taimtim na pagtitig niya sakin kaya pinipilit kong iwasan na tignan siya sa mga mata. Wala
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na nakabalik ako sa nakaraan. My best friend is alive and now, kahit si mommy ay buhay pa.Jane died dahil pinatay siya ng boyfriend niya habang nasa camping sila and si mommy, she died 3 years from now dahil sa breast cancer. At no’ng nawala siya, sumunod rin si daddy na inatake sa puso dahil hindi nakayanan ang pagkawala ng mommy.Now that I’ve been given a second chance, wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi iligtas sila at balikan yung mga taong nakagawa sakin ng kasalanan.Si Dickson, Mira, yung dalawang lalaking bumaboy sakin at pati na si Zariya—ang isa sa kaibigan ko na naging kabit ni Dickson.“Pamela, your dad is here! Bumaba ka na for dinner.”Agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan ko siyang nakatayo pala sa harap ng pinto.“Mom…” I hugged her again at hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang nayakap sa pagkakataong ito.“Ano bang nangyayari sayo, anak? Hindi ka naman ganto dati. Bakit nagiging malambing ka bigla?
“Ate, pakiusap… maawa ka sa pamangkin mo!” Paki-usap ko kay Mira, ang sister-in-law ko na tulungan niya kami ng anak ko.Bumabagyo at inaapoy pa ng lagnat ang anak ko.Binenta ng asawa ko ang bahay namin at kinuha ang lahat ng savings namin dahil sumama na siya sa kabit niya. Pinalayas kami kanina no’ng nakabili ng bahay at hindi ko alam saan kami pupunta.“Ateeee Mira! Pagbuksan niyo naman kami ng pinto. Kailangan namin ng tulong, ate!”Pinagbuksan niya kami at akala ko papapasukin niya na kami, pero nagkamali ako. Isang sampal ang tinamo ko mula sa kaniya na halos ikabali ng leeg ko.Masakit… sobrang sakit pero kaya kong tiisin basta lang huwag niya kaming paalisin ng baby ko.“Hindi ka ba makaintindi? Sinabi ng ayoko!”“Pero ate, si Alee may sakit. Wala na kaming matutuluyan ngayon dahil binenta na ni Dickson ang bahay.”“Hindi kayo welcome dito at wala akong pakialam kung mamatay kayo mag-ina. Iniwan nga kayo ng kapatid ko, sa tingin mo may pakialam ako sa inyo?”“Pero ate, pamang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.