"TEKA!'Hindi man lang sinulyapan ni Yeonna ang pagpigil ni Khal. Deretso lang ang tingin niya sa tinatahak ng sasakyan."Bakit ka lumiko? Hindi rito ang daan papuntang Royals.""Alam ko.""Where will you take me?""Natatakot ka bang kasama ako?""Hey! I'm serious. Marami akong trabaho, so stop playing around.""Marami kang trabaho, pero tulog na tulog ka nang datnan ko.""Well, nagising na ako. Nakatulog lang ulit. But, anyway. Get back to the right track and head straight to Royals.""I'll be bringing you somewhere.""Saan?'"Sa lugar na puwede kitang ma-solo."Mula sa pagkakaupo ni Khal sa unahan ay sinundan nito ng tingin ang pagsulyap ni Yeonna sa maselang bahagi ng katawan. Bigla nitong itinakip ang kamay roon. "No way! These are my precious babies!""At ayokong maging ina nila!""They will not pick you, either.""As if!" asik ni Yeonna na pinukol pa ng matalim na tingin ang binata. "Idagdag mo na lang sa pagiging biktima mo ang gagawin ko. Kailangan mo ba na i-video ang mangyay
"SA susunod, tatama na ito sa mukha mo..."Dahan-dahang napadilat si Khal. Malapit na sa tungki ng ilong nito ang nakaangat na kamao."At sisiguraduhin kong kapag dumantay ito sa pagmumukha mo, kinabukasan ka na magigising!"Pareho lamang sila ng taas. Pero kahit mas malaki ang pangangatawan ni Khal, hindi maikakaila ang kakaibang lakas ng dalaga. At napatunayan na nito iyon sa unang araw ng kanilang pagtatagpo."Ang mahalaga, magigising pa rin ako. You will face dilemma if I don't wake up ever again."Napabuga ng hangin sa bibig si Yeonna dahil sa pagiging pilosopo ni Khal."Teka nga." Pinatigas nito ang tono at itinuwid ang katawan. "Bakit nagiging informal na yata ang pananalita't kilos mo? I'm still your boss."Biglang napipilan si Yeonna. These past few days, napapansin niya na madalas na siyang at ease sa presensiya ni Khal."Aren't you too comfortable with me? As you know, I can pick random or any girls para magpanggap na gf ko. I just choose you dahil kailangan mo ako. Pinapas
DAY 20IT is supposed to be her 19th day working with CEO Khal Dee dahil nag-propose ito ng additional half day to speed up their 100 days contract.Pero sisiguraduhin niya na sa araw na iyon ay isang buong araw at hindi lang basta kalahati ang makukuha niya. She thought about it the whole night. Hindi na nga siya halos nakatulog."We're here," anunsiyo ni Khal.“Kailangan pa ba talagang gawin ito?”Tumigil sa paghakbang si Khal at nilingon si Yeonna na huminto sa paglalakad. She has looks of hesitation all over her face."Akala ko ba malinaw ang agreement natin? No complaints. No questions."“I'm not complaining or questioning, but suggesting. Hindi na siguro kailangan na baguhin pa ang istilo at pananamit ko.”Kasalukuyan kasing patungo sina Khal at Yeonna sa isang boutique, exclusive only for the rich and famous; the reason alone kaya nag-aalinlangan ang dalaga.Nakakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Mas sanay siya na bumibili ng mga gamit sa tiangge at ukay-ukay.She never had
ANG pagkakadikit na iyon ng kanilang mga labi ay tila magneto na ayaw nang humiwalay sa isa't isa. Ang nakamulagat nilang mga mata ang saksi sa lumipas na ilang mga segundo na hindi sila natinag sa kanilang posisyon.Natauhan lamang si Yeonna dahil sa tunog ng pitik ng mga camera. Gusto sana niyang sampalin si Khal dahil sa pananamantala nito sa pagkakataon, pero naalala niya ang isang araw na idadagdag sa kontrata. Sayang.Marahan na lang niyang itinulak ang binata at saka kunwaring nahihiyang ngumiti bago humarap sa mga tao na nakatuon sa kanila ang atensiyon.Ngumiti ka," utos ni Yeonna kay Khal na nakatulala pa rin."Uhm," tikhim nito na nakaramdam ng hiya.Hindi na masyadong pinagtuunan ng pansin ni Khal ang mga tao. He bought and paid the things they picked at saka nagmamadali nang umalis."Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Yeonna sa sarili habang nakasunod sa binata na nauuna na. "Babe!"Biglang napapreno sa paghakbang si Khal dahil sa katawagan na narinig. It sounds sweeter
“C'MON, cheers!”"Sandali ka lang. Isang shot. Umuwi ka na.""Kuya, cheers. Don't ruin the mood.""Puwede ba kahit isang araw, huwag kang iinom?""Made-dehydrate ako. Ouch!" Napasapo ito sa noo na pinitik ni Khal. "Kuya!""Nangako ka sa akin, 'di ba?" singit ni Yeonna sa bangayan ng magkapatid."Who?" pagmamaang-maangan ni Amira. "Ikaw."Itinuro pa nito ang sarili. "What? Ako? How? Why? When? Where?" Umiwas ito sa akto na naman sanang pagpitik dito ng kapatid. "Wala akong maalala. Baka lasing ako nang magkuwentuhan tayo.""Kuwentuhan?" Natawa si Yeonna. "You provoke me.""Wala talaga akong maalala. As in, ZERO.""Sinabi mo na kapag napatunayan kong hindi bakla ang kapatid mo, hindi ka na maglalasing.""Napatunayan mo na ba?"Biglang napipilan si Yeonna. Napasulyap pa siya kay Khal na nakatingin naman sa kanya. Mabilis din siyang umiwas. "O-Oo.""Paano?""Bakit ba ang dami mong tanong?""You just kissed," patuloy na pagsasalita ni Amira. Hindi pa ito nakakainom, pero madaldal na. "Wai
"DRINK."Tinungga naman muna ni Yeonna ang laman ng wine glass. At saka pabagsak na ibinaba iyon."Want more?""Dalhin mo rito lahat nang alak sa bahay na ito. Hindi ko iyon tatanggihan.""There are too many. Baka malasing ka.""I can take care of myself.""Sigurado ka?""101%!""Okay." Mismong si Khal na ang nagsalin ng alak sa wine glass ng dalaga. “Drink. Tingnan natin kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa standard mo sa pagpili ng mga lalaki.”Tinungga ulit niya ang inumin. “Kahit ilang bote pa ang ipainom mo sa akin, hindi mo mababago ang pamantayan ko.”Muling nagsalin ang binata. “Drink.”“Lasingin mo man ako, hindi pa rin ikaw ang pipiliin kong maging parte ng buhay ko.”“Drink,” utos nito kasabay ng pagsalin uli nang maibaba ng dalaga ang wine glass.“You’re nothing to me. Wala kang karisma.”Napansin na ni Khal ang pamumungay ng mga mata ni Yeonna. “Drink.”“Hindi ako katulad ng ibang babae na dumaan sa buhay mo na basta na lang maa-attract sa iyo. Bukod sa arogante ka na, h
DAY 22“AHHHH!”Nagising si Khal sa pagkakahimbing. Pero sa halip na bumangon ay tumagilid siya ng higa at nagtakip ng unan sa mukha nang maulit ang narinig na malakas na sigaw. Inaasahan na niya iyon.“Manyakis ka! Anong ginawa mo sa akin?”Lalong diniinan ni Khal ang pagkakatakip ng unan sa mukha. Pero nanunuot pa rin sa pandinig niya ang tinig ni Yeonna."Manyakissss!"Inis siyang bumangon. Nabungaran niya ang dalaga na nakabalot ng kumot ang katawan. “Wala ka na naman bang maalala?”“Nilasing mo ako!”“Akala ko ba hindi ka nalalasing kahit ilang bote pa ang inumin mo?”"So, sinadya mo na dalhan ako ng mga alak?""Iniutos mo iyon. Sumunod lang ako."Biglang napaisip si Yeonna. “Wala namang nangyari sa atin, ‘di ba?”“Meron.”Nanlaki ang mga mata ni Yeonna.“I was thinking before I sleep last night kung anu-ano ang mga kaso na dapat kong isasampa sa ’yo?”Itinuro ni Yeonna ang sarili “At bakit?”“Ikaw ang nanamantala sa kahinaan ko." Napabuntong-hininga siya at napailing. "You know,
DAY 24"24?"Tumango si Yeonna. Kailangan niyang ipaalala lagi ang bilang ng araw upang makapaghanda rin si Khal ng plano sa pagtatapos ng kanilang kontrata."23.""24.""Isn't it unfair?""At bakit? Hindi ba ikaw naman ang naunang mag-propose nang tungkol diyan sa 'speed up'?""Yes, but -""And you agreed noong mag-propose naman ako tungkol sa additional day.""Only if I was satisfied with your performance. Kahapon -""Kasalanan mo ang nangyari kahapon kaya hindi ako nakapagtrabaho," putol agad ni Yeonna sa pagsasalita ni Khal. "Sumakit ang tiyan ko dahil sa omelette mo.""Walang mali sa itlog ko!"Napatakip si Yeonna sa magkabilang tainga. Si Khal ang nagmamaneho at kasalukuyan silang patungo sa Golden Royals. Ito ang nag-insist na mag-drive. Kasama raw sa pagpapanggap nila ang pagpapakita ng pagiging maginoo nito."Masarap ang itlog ko. Nasarapan ka pa nga noong kinakain mo. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko.""Tumigil ka nga!""Nasa hi-way tayo," tukoy ni Khal sa tinatahak ng sa
"DAPA!"Narinig ni Khal ang malakas na sigaw na iyon ni Chief Bragaise, pero mas inuna nitong protektahan ang asawa."Noooo!" Nanlaki ang mga mata niya matapos pakawalan ang malakas ding sigaw nang bigla na lamang iharang ni Khal ang katawan sa kanyang harapan, "No! No!""I protected you this time.""I'm your bodyguard," sigaw ni Yeonna sa sinabing iyon ni Khal na sinamahan pa nito ng ngiti kahit napaigtad ito sa pagtama ng mga bala sa likuran nito. "Trabaho ko iyon!""No. You're my wife. And you will always be."Yeonna wished it was just a nightmare. But she can feel Khal's warmth touch at her back silently telling her that it will be fine. "I love you..."Hindi na nakasagot pa si Yeonna nang dambahin sila ni Chief Bragaise dahil sa muling pagpunterya ng mga gunman sa direksiyon nila.Nabuwal ang tatlo. Pero pareho nang sugatan ang dalawang lalaki."Khal? Khal!" sigaw na pagtawag ni Yeonna sa nakayakap na asawa. "No. Please, huwag mo akong takutin nang ganito!" Hindi na ito gumagala
"WE will never stop loving you kahit wala na kami sa tabi mo. Be strong, anak. Be brave. But don't ever stain your hands with blood..."Hindi napigilang mapaluha ni Khal sa pagkakarinig muli sa tinig ng ina. He missed her so much. Nadagdagan pa iyon ng pangungulila sa pagkakaalam nang katauhan ng tunay niyang ama."You were too precious to us. Especially to your real father. Melvin. He's so happy to know about you."Lalong naging emosyonal si Khal sa bahaging iyon. Punong-puno siya ng panghihinayang dahil hindi na sila nito nagkakilala.Kung buhay lang sana ang kanyang tunay na ama, he will definitely look forward to their first ever reunion. At siguradong masaya silang tatlo bilang isang buong pamilya."Anak, whatever happened to us, don't let your anger and hatred consume you. Just live a happy and peaceful life. Find a woman to love and look after you. She must be someone like me."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna. And they had that gaze saying na natagpuan na nila ang isa't isa.
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa