“KUYA!”Napailing si Yeonna nang paika-ikang humakbang si Amira para salubungin si Khal at nagkunwari na lasing na lasing. Saka lamang niya naisip na nagkunwari itong nahihilo upang magkaroon pa nang oras na makalapit sa kanila ang binata.“You’re drunk again!”“May pinuntahan akong lamay!”“Hindi na birthday party?”“Para maiba naman,” sabay tawa nito na pilit niyayakap si Khal na umiiwas naman.“You stink! Maligo ka muna bago ka matulog!”Sumaludo ito. “Yes, sir!”“This brat!” asik ni Khal na agad inalalayan si Amira na muntikan nang mabuwal.“Kuya, may itatanong nga palayo sa ’yo si Miss Officer.”Bigla namang napahinto si Yeonna na papasok na sana ng kotse. At nagtama ang mga mata nila ni Khal nang lumingon siya.“Ano ‘yon?”“Ha? W-Wala, wala!”“Sige na, Miss Officer. Huwag ka nang mahiya.”“Aalis na ako. Bye.”“Kuya, gustong malaman ni Miss Officer kung bakla ka raw.”Muling napahinto si Yeonna.“Patunayan mo nga sa kanya na hindi ka bakla. Sige na, Kuya. Halikan mo siya.”Hindi
PAREHO ngang itinulos sa posisyon nila ang magkapatid. Nanlaki ang mga mata ni Khal habang nakaawang naman ang bibig ni Amira na may kunting pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi.“Anong sinabi mo?”“Allergic ka sa mga babae, ‘di ba?” Hindi na napigil ni Yeonna ang sarili. Naiinis na siya sa sobrang kayabangan ng arogante niyang amo. “Sa edad mong ‘yan, wala ka pang girlfriend.”"So what?""That makes me curious.""Curiosity k!lls a cat.""Siyam ang buhay ng pusa," papilosopo niyang tugon."Teka," singit ni Amira. "Bakit naman napunta ang usapan niyo sa pusa? Mag-focus kayo sa totoong topic."Hinawa ni Khal ang kapatid at hinarap si Yeonna. “What makes you curious about my personal matters? Interesado ka ba sa akin?""Hah!" Napabuga ng hangin sa bibig ang dalaga. "No way!""Good. Wala kang karapatan na makialam sa sarili kong buhay kung hindi ka naman pala interesado sa akin. And besides, just to remind you, empleyado lang kita.”“Right. But it's obvious."Napatiim-bagang si Khal.“P
“THAT jerk!”Pabagsak na ibinaba ni Yeonna ang plastic bottle ng mouth wash habang nakaharap sa kuwadradong salamin sa loob ng banyo.Nasaid na niya ang pangmumog, pero hindi pa rin nawawala ang iniwang alaala roon ng paghalik sa kanya ng aroganteng amo na hindi man lang humingi ng sorry."Hindi iyon ang kailangan ko," salungat agad ni Yeonna sa sinabi ng isip. "Hindi na maibabalik ng sorry ang first kiss ko!" Inis siyang napapadyak. "Bakit siya pa?" Nagngingitngit na ibinunton niya ang nararamdaman na inis sa wala nang laman na mouth wash. "Bakit siya pa?" “Hoy! Anong nangyayari sa ’yo? May sanib ka ba?”Napalingon siya sa kaibigan na marahil ay nagising niya dahil sa nilikha niyang komosyon. Studio-type lang ang bahay na inuupahan nito kaya kaunting galaw ay maririnig na nila ang ingay ng isa’t isa.Pansamantala siyang lumipat sa tirahan ni Hardie para malapit sa kanyang amo. Lalo na't kung tawagan at pauwiin siya ng binata ay parang magkapit-bahay lang sila.“Sorry. Sige na, matu
DAY 9TULAD nang nagdaang linggo ay routine na ni Yeonna ang maghintay sa podium ng Golden Royals para sa pagdating ng kanyang amo, may driver naman kasi ito na sumusundo rito na inihahatid lamang niya sa bahay nito kapag natapos na ang trabaho o appointments nito.Eksakto naman sa oras kung pumasok sa kompanya si Khal. At hindi ito kailanman nahuli. Pero ngayon ay late na ito nang halos kalahating oras.Muling sinulyapan ni Yeonna ang suot na relo. "Anong nangyari sa kanya?"Naisip tuloy niya na baka naapektuhan ito nang namagitan sa kanilang halikan. He might catch a flu or an allergy. Mabuti na lang at malakas ang resistensiya niya. Pero inubo siya at nagsuka kagabi. Well, slight lang.Biglang napasapo si Yeonna sa labi. At ramdam niya ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi."Haist! Ano bang iniisip ko? Erase! Erase!" Tandaan mo na binangungot ka kagabi."Sandali siyang natigilan sa sinabi sa sarili. Ang totoo kasi ay maganda ang tulog niya at tinatamad nga sana siyang bumangon
DAY 10“KUYA…”Tumigas ang mukha ni Yeonna nang nakangiting sumalubong sa kanila ang kinasusuklaman niyang tao na pumatay at bumaboy sa kanyang kapatid. Tila ba wala itong krimen o kasalanang ginawa dahil sa kasiyahang nakaguhit sa mukha nito. He's indeed a lucky man dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong bilhin ang kalayaan nito at ibaon ang katotohanan. Hindi niya ito kailanman nakita na nagsisi. Not even once. Kahit noong mga araw ng paglilitis sa grupo nito, kampante ito. Alam nito na maipapanalo nito ang kaso.“What are you doing here?” asik ni Khal. "Didn't I tell you na ayokong tumatapak ka rito sa kompanya lalo na ang pumasok sa opisina ko?""Binibisita ka.""Wala akong sakit. Now, get out."Napatingin si Anthony sa kasama ng kapatid. At nanlisik ang mga mata nito. “Hey! Anong ginagawa mo rito?”"Magkakilala kayo?" kunwaring usisa ni Khal."She's someone I despise a lot," sarkastiko nitong tugon kasabay ng pagsuyod ng baba-taas na tingin sa dalaga. "Stay away from that b*tch!"
DAY 11“ANO bang nangyari kay Sir? Parang kahapon pa yata siya wala sa mood.”Bumagal ang paglalakad ni Yeonna. Pumunta siya sa comfort room at napadaan sa umpukan ng mga empleyado.Breaktime naman. Ang ilan ay nakabalik na mula sa canteen at kasalukuyan nang naghihintay para sa oras ng pagbabalik sa kanilang mga trabaho.“Ayaw ngang magpaistorbo,” tugon ng sekretarya ni Khal.“Masama ba ang pakiramdam?”“Hindi naman.”“Maghapon siyang halos nagkulong sa kanyang opisina ngayon matapos ang naging close-door meeting niya sa mga opisyal.”“Totoo nga yata ang balitang babagsak na ang kompanyang ito.”"Huwag naman sana. Malaki ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa aking pamilya. Kung babalik na naman ako sa simula, umpisa ulit ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagong malilipatan.""Ipagdasal natin na maging maayos ang lahat."“At kawawa si Sir,” wika ng sekretarya. “Bakit ba ganyan ang trato nila sa tao. Kung bakla man siya, ano naman ang pakialam nila? Nasa kasarian ba ang ikatatag
"AM I?"Mabilis na umiwas ng tingin si Yeonna nang makita ang nakakalokong ngiti sa labi ni Khal.Sinaway rin agad niya ang sarili dahil sa madalas na pagkakalihis ng isip niya sa orihinal talaga niyang plano kaya siya nasa poder ng binata.Since the day they've kissed, his image has not left her na kahit sa panahinip ay laman ito. She's trying her best na hindi mahulog ang loob kay Khal. Hindi iyon maaaring mangyari.Magkalaban sila. Malaki ang kasalanan ng pamilya nito lalo na kay Yessa. So, there's no room for romance between them.“Thanks for reminding me of that aweful experience,” saad ng dalaga kasabay ng pagsalin niya ng alak sa wine glass.“Uhm." Tumango-tango ito. "Gusto mo bang ulitin natin? For sure, nabigla ka lamang kaya hindi mo nalasahan ang totoong…”Maagap niyang itinaas niya ang kamao na pumutol sa iba pang sasabihin nito. “Subukan mo! Nang mamaga ang bibig mo! Tama na ang ilang gabing dumaan na binangungot ako dahil sa paghalik mo!”Natawa si Khal. And that's the
DAY 12“KUYA, bakit hindi ka umuwi kaga—”Hindi na natapos ni Amira ang tanong sa sinalubong na kapatid nang makita nito ang pagbaba ni Yeonna sa kotse. And she sensed something suspicious right away."Miss Officer?"Pasimple lang tumango at ngumiti si Yeonna. Umiwas siya ng tingin nang makita ang nanunuksong mga mata ni Amira.“Hhmmm. Mukhang kagigising niyo lang. Magkasama ba kayo buong magdamag?”"Trabaho ko na laging bumuntot sa kanya," depensa agad ni Yeonna na sinulyapan pa si Khal."Oh." Tumango-tango si Amira nang nasa labi ang nanunuksong ngiti. "That's good. At least I will feel at ease na safe si Kuya dahil nandiyan ka. But does your work require a 24/7 duty?"“Huwag ka nang matanong diyan na para kang imbestigador," sita ni Khal. "Samahan mo siya sa guest room. At magpahanda ka rin ng almusal namin.”“Yes, Kuya.” Hinila na nito si Yeonna palayo. “Saan kayo nanggaling?”"Sa trabaho.""Where exactly? I need to hear the specific place.""Bakit?""Para marinig mo ang magiging
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil